< Mga Gawa 23 >

1 Tumingin si Pablo ng diretso sa mga miyembro ng konseho at sinabi, “Mga kapatid, namuhay ako sa harapan ng Diyos ng may mabuting budhi hanggang sa araw na ito.”
Paulo nongʼiyo wach jobuch jo-Sanhedrin tir eka nowachonegi niya, “Owetena, asetimo tich mane Nyasaye omiya mondo atim gi chuny maler maonge ketho nyaka chil kawuono.”
2 Inutusan ng pinakapunong pari na si Ananias ang mga nakatayo sa tabi niya na sampalin siya sa kaniyang bibig.
Kane owacho kamano, to Anania jadolo maduongʼ nogolo chik ni joma nochungʼ bute mondo ogo dhoge.
3 At sinabi ni Pablo sa kaniya, “Ang Diyos ang maghahampas sa'yo, ikaw na pinaputing nilinis na pader. Ikaw ba ay naupo para husgahan ako ayon sa kautusan, ngunit nag-utos ka na sampalin ako na labag sa kautusan?”
Eka Paulo nowachone niya, “Nyasaye biro goyi, in kor ot mobuk matarni! Owinjore ingʼadna bura kaluwore gi Chik, to in iwuon ema iketho chik ka iwacho ni jogi mondo ogoya!”
4 Ang mga nakatayo sa paligid ay sinabing, “Ganito mo ba insultuhin ang pinakapunong pari ng Diyos?”
Joma nochungʼ but Paulo nowachone niya, “Wangʼi tek manade minyalo yanyo jadolo maduongʼ mar Nyasaye?”
5 Sinabi ni Pablo, “Hindi ko alam, mga kapatid, na siya ay pinakapunong pari. Sapagkat nasusulat, Huwag kang magsalita ng masama laban sa pinuno ng iyong mga tao.”
To Paulo nodwoko niya, “Owetena, ne ok angʼeyo ni en jadolo maduongʼ, nikech ondiki ni, ‘Kik iwuo marach kuom jatend jou.’”
6 Nang makita ni Pablo na ang isang bahagi ng konseho ay mga Saduceo at ang iba ay Pariseo, nagsalita siya ng malakas sa konseho, “Mga kapatid, isa akong Pariseo, anak ng mga Parise. Ito ay dahil sa lubos akong nagtitiwala sa muling pagkabuhay ng mga patay kaya ako hintulan.”
Kaka Paulo nongʼeyo ni moko kuom jogo ne gin jo-Sadukai, to moko jo-Farisai, nokok ne bura mar Sanhedrin kowacho niya, “Owetena, an ja-Farisai kendo an wuod ja-Farisai. Achungʼ kae kawuono mondo oyala nikech geno ma an-go kuom chier mar joma otho!”
7 Nang sabihin niya ito, nag-umpisang magtalo ang mga Pariseo at Saduceo, at nahati ang kapulungan.
Bangʼ wacho kamano, pogruok nowuok e kind joburago, ka jo-Farisai kwedore gi jo-Sadukai.
8 Dahil sinasabi ng mga Saduceo na walang muling pagkabuhay ng mga patay, walang mga anghel, at walang mga espiritu, ngunit sinasabi ng mga Pariseo na mayroon ng lahat na ito.
(Mano notimore nikech jo-Sadukai wacho ni chier, kata malaike kata Roho onge, to jo-Farisai to oyie gi puonjgi duto.)
9 Kaya nagkaroon ng malakas na sigawan at ang ilan sa mga eskriba na kabilang sa mga Pariseo ay tumayo at nakipagtalo na nagsasabi, “Wala kaming mahanap na mali sa lalaking ito. Paano kung nakipag-usap ang espiritu o isang anghel sa kaniya?”
Koko maduongʼ nowuok kendo jopuonj Chik moko mane gin jo-Farisai, nochungʼ malo mochako goyo mbaka matek kagiwacho niya, “Ok waneno gima rach ma ngʼatni osetimo. Donge nyalo bet ni roho kata malaika ema wuoyo kode?”
10 Nang magkaroon ng labis na pagtatalo, natakot ang punong kapitan na baka pagpira-pirasuin nila si Pablo, kaya inutusan niya ang mga kawal na bumaba at sapilitan siyang kinuha ng mga kasapi ng konseho at dinala siya sa loob ng kampo.
Pogruokno nomedo kelo dhawo gi dwokruok makwiny, mi jaduongʼ jolweny nodoko maluor ni jogo ne nyalo kidho Paulo matindo tindo. Omiyo nogolo chik mondo jolweny ogol Paulo oko githuon e nyim bura, mondo odwoke ei kama jolweny nodakie.
11 Nang sumunod na gabi tumayo ang Panginoon sa kaniyang tabi at sinabi, “Huwag kang matakot, kung paano ka nagpatotoo patungkol sa akin sa Jerusalem, kailangan mo ring maging saksi sa Roma.”
Otienono Ruoth Yesu nobiro mochungʼ but Paulo mowachone niya, “Bed mana gi chir! Mana kaka isetimo nenda ei Jerusalem, e kaka nyaka itime e Rumi bende.”
12 Kinaumagahan, may ilang mga Judio ang gumawa ng kasunduan at sinumpa sa kanilang sarili: sinabi nila na hindi sila kakain o iinom ng kahit ano hangga't hindi nila mapatay si Pablo.”
Kinyne gokinyi jo-Yahudi nowuoyo e kindgi giwegi ka gikwongʼore ni ok ginichiem kata madho gimoro amora kapok ginego Paulo.
13 Mahigit apat-napung kalalakihan ang gumawa ng planong ito.
Joma notimo kwongʼruokni noloyo ji piero angʼwen.
14 Pumunta sila sa mga punong pari at mga nakatatanda at sinabi, “Nilagay namin ang aming sarili sa isang matinding sumpa, na hindi kami kakain ng anuman hangga't hindi namin mapatay si Pablo.
Negidhi ir jodolo madongo gi jodongo mi giwachonegi niya, “Wasekwongʼore waduto ni ok wanacham kata madho gimoro kapok wanego Paulo.
15 Kaya ngayon, hayaan ninyo na ang konseho ang magsabi sa punong kapitan na dalhin siya sa inyo, na para bang pagpapasyahan mo ng husto ang kaniyang kaso. Para sa amin, handa namin siyang patayin bago siya makapunta dito.”
Kuom mano, un kod jobuch Sanhedrin kwauru jatend jolweny maduongʼ mondo okelnugo e nyimu, ka uwuondoru ni udwaro medo nono wachne maber. Waikore mar nege kapok ochopo ka.”
16 Ngunit narinig ito ng lalaking anak ng kapatid na babae ni Pablo na matagal silang naghihintay, kaya pumunta siya at pumasok sa kampo at sinabi kay Pablo.
To ka wuod nyamin Paulo nofwenyo gima jogo ne chano timo, nodhi nyaka kama jolweny odakie monyiso Paulo wachno.
17 Tinawag ni Pablo ang isa sa mga senturion at sinabi, “Dalhin mo ang binata na ito sa punong kapitan, dahil mayroon siyang sasabihin sa kaniya.”
Eka Paulo noluongo achiel kuom jotend jolweny, mowachone niya, “Kaw wuowino idhigo nyaka ir jatend jolweny maduongʼ nimar en-gi wach moro monego owachne.”
18 Kaya sinama ng senturion ang binata at dinala sa punong kapitan at sinabi, “Pinatawag ako ng bilanggong si Pablo na pumunta sa kaniya, at nakiusap siya kung maaaring dalhin ko ang binatang ito sa iyo. May nais siyang sabihin sa iyo”
Omiyo notere ir jatend jolweny. Ne owachone niya, “Paulo ma otwecha ne oluonga ire mi okwaya mondo akel wuowini iri nikech, en-gi wach moro modwaro nyisi.”
19 Hinila siya sa kamay ng punong kapitan at dinala sa pribadong lugar at siya ay tinanong, “Ano ang kinakailangan mong sabihin sa akin?”
Jatend jolweny nokawo wuowino komako bade, mi notere tenge eka openje niya, “En angʼo midwaro nyisa?”
20 Sinabi ng binata, “Nagkasundo ang mga Judio na hilingin sa iyo na ipadala mo si Pablo sa konseho bukas, na para bang sisiyasatin siya ng mabuti patungkol sa kaniyang kaso.
Wuowino nodwoke niya, “Jo-Yahudi osewinjore mondo okwayi kiny iternegi Paulo e nyim jobuch Sanhedrin ka giwuondore ni gidwaro medo nono wachne maber.
21 Pero huwag kang maniniwala sa kanila, dahil mayroong higit sa apat-napung kalalakihan ang nag-aabang sa kaniya. Isinumpa nila ang kanilang sarili, na hindi sila kakain o iinom hangga't mapatay nila siya. Ngayon pa lang nakahanda na sila, naghihintay ng pahintulot mula sa iyo.”
Kik iyie gi kwayogino nikech ji moloyo piero angʼwen kuomgi osebutone. Gisekwongʼore ni ok ginicham kata madho gimoro kapok ginege. Kata sani giseikore, girito mana mondo iyie gi kwayogino.”
22 Kaya hinayaan ng punong kapitan ang binata na umalis, pagkatapos siyang mapagsabihang, “Wag mong babanggitin sa iba ang mga bagay na sinabi mo sa akin.”
Jatend jolweny noweyo wuowino modhi, kosieme niya, “Kik inyis ngʼato ni isenyisa wachni.”
23 Kaya pinatawag niya ang dalawang senturion at sinabi, “Maghanda kayo ng dalawang-daang kawal na handang magtungo hanggang sa Cesarea, at pitumpung mangangabayo, at dalawang-daang maninibat. Aalis kayo alas nuwebe ng gabi.”
Eka noluongo jotend askeche ariyo momiyogi chik niya, “Ikuru jolweny mia ariyo, gi mamoko piero abiriyo moidho farese kod mia ariyo motingʼo tonge mondo oikre mar dhi Kaisaria kawuono sa adek mar otieno.
24 Inutusan din niyang magbigay sila ng hayop na masasakyan ni Pablo, at dalhin siya ng ligtas kay gobernador Felix.
Paulo bende ikneuru farase mondo obi oidhi otere nyaka ir ruoth Feliks, ma ok gimoro otime e yo.”
25 At nagsulat siya ng liham na ganito:
Bangʼe nondiko baruwa machalo kama:
26 “Mula kay Claudio Lisias para sa kagalang-galang na Gobernador Felix, binabati ko kayo.
An Klaudio Lusio, amosi ahinya in ruoth Feliks.
27 Ang taong ito ay dinakip ng mga Judio at muntik na nilang patayin, Nang dumating ako sa kanila kasama ang mga kawal upang sagipin siya, dahil nalaman kong isa siyang mamamayang Romano.
Daher mar nyisi ni jo-Yahudi nomako ngʼatni kendo negidwaro nege, to ne aoro jolweny mondo okonye, nikech ne ayudo wach ni en ja-Rumi.
28 Nais kong malaman kung bakit siya pinaratangan nila, kaya dinala ko siya sa kanilang konseho.
Ne adwaro ngʼeyo gimomiyo ne gidonjone, omiyo ne atere e nyim jobuch jodong jo-Sanhedrin.
29 Nalaman ko na pinaratangan siya patungkol sa mga katanungang hinggil sa kanilang sariling batas, ngunit wala sa mga inereklamo laban sa kaniya ang nararapat sa kamatayan o pagkabilanggo.
Ne ayudo ni ne odonjne kaluwore gi weche moko mag chikegi, to ne ayudo ni onge ketho moro mosetimo manyalo miyo ngʼadne buch tho kata buch twech.
30 Pagkatapos naibalita sa akin na mayroon silang masamang balak laban sa lalaki, kaya agad-agad ko siyang pinadala sa iyo, at ipinagbilin din sa mga nag-aakusa sa kaniya na dalhin ang kanilang mga reklamo laban sa kaniya sa iyong harapan. Paalam.”
To kane awinjo ni jo-Yahudi chano mar nege lingʼ-lingʼ, to ne aore iri mapiyo. Bende ne agolo chik mondo joma odonjone obi iri mondo ginyisi gimomiyo gidonjone.
31 Kaya sumunod ang mga kawal sa kaniyang mga utos: kinuha nila si Pablo at dinala sa Antipatris ng gabing iyon.
Jolweny nochopo chik mane omigi. Negikawo Paulo gotieno, mi gidhi kode nyaka Antipatris.
32 Nang sumunod na araw, halos lahat ng kawal ay iniwan ang mga mangangabayo para sumama sa kaniya at sila mismo ay nagbalik sa kampo.
Kinyne negikete e lwet jolweny moidho farese mondo odhi kode, to gin negidwogo kama jolweny odakie.
33 Nang nakarating ang mga mangagabayo sa Cesarea at naihatid ang sulat sa gobernador, hinarap nila si Pablo sa kaniya.
Kane joidh farese ochopo Kaisaria, negimiyo ruoth baruwa mane jatend jolweny maduongʼ ondiko, eka negiketo Paulo e lwete.
34 Nang mabasa ng gobernador ang liham, tinanong niya kung saang lalawigan nagmula si Pablo; nang malaman niya na siya ay taga-Cilicia,
Ruoth nosomo baruwano, eka nopenjo Paulo ni en japiny mane. Bangʼ ngʼeyo ni ne en japiny Kilikia,
35 sinabi niyang “Papakinggan ko ang lahat kapag nandito na ang mga nagpaparatang sa iyo.” At ipinag-utos niya na manatili siya sa palasyo ni Herodes.
nowachone niya, “Kiny nawinj wachni ka joma odonjoni ochopo ka.” Eka nogolo chik mondo okan Paulo maber e od bura mane ni e dala Herode.

< Mga Gawa 23 >