< Mga Gawa 22 >
1 “Mga kapatid at mga ama, makinig kayo sa aking pagtatanggol na aking gagawin sa inyo ngayon.
Brethren and fathers! Hear ye, the defence, which I now make unto you: —
2 Nang marinig ng mga tao si Pablo na nagsalita sa kanila sa wikang Hebreo, tumahimik sila. Sinabi niya,
And, when they heard that, in the Hebrew language, he had begun to address them, they kept the more quiet. And he saith—
3 “Isa akong Judio, ipinanganak sa Tarso sa Cilicia, subalit nag-aral sa lungsod na ito sa paanan ni Gamaliel. Tinuruan ako mula sa mahigpit na mga kaparaanan ng kautusan ng ating mga ninuno. Masigasig ako sa Panginoon, katulad ninyong lahat ngayong.
I, am a Jew, born in Tarsus of Cilicia, but nurtured in this city, at the feet of Gamaliel, —trained after the strictness of our ancestral law; being jealous for God just as, all ye, are this day;
4 Inusig ko ang Daang ito hanggang sa kamatayan; iginapos ko ang mga lalaki at gayon din ang mga babae at ipinabilanggo ko sila.
and, this way, I persecuted unto the death, binding and delivering up into prisons both men and women: —
5 Ang punong pari at lahat ng mga nakatatanda ay maaari ding sumaksi na ako ay tumanggap ng liham na galing sa kanila para sa mga kapatid sa Damasco, upang ako ay maglakbay doon. Dadalhin ko sana sa Jerusalem na nakakadena silang mga nasa Daang ito upang parusahan.
as, even the High-priest, beareth me witness, and all the Eldership, —from whom, letters also, accepting to the brethren, unto Damascus, was I journeying, to bring them who were there bound unto Jerusalem, that they might be punished.
6 Mangyari nga nang ako ay naglalakbay at malapit na sa Damasco, bandang tanghali may biglang pumalibot na matinding liwanag sa akin na galing sa langit.
But it befell me, as I was journeying and drawing nigh unto Damascus, that, about mid-day—suddenly—out of heaven, there flashed a great light all around me;
7 Natumba ako sa lupa at nakarinig ng tinig na nagsabi sa akin, 'Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?'
I fell also to the ground, and heard a voice saying unto me—Saul! Saul! Why, me, art thou persecuting?
8 Sumagot ako, 'Sino ka, Panginoon?' Sinabi niya sa akin, 'Ako ay si Jesus na taga-Nazaret, na iyong inuusig.'
And, I, answered—Who art thou, Lord? And he said unto me—I, am Jesus the Nazarene, whom, thou, art persecuting!
9 Nakita rin ng mga nakasama ko ang liwanag, ngunit hindi nila narinig ang kaniyang tinig na kumausap sa akin.
Now, they who were with me, beheld, indeed, the light, but heard not, the voice, of him that was speaking with me
10 Sinabi ko, 'Panginoon, ano ang dapat kong gawin?' Sinabi ng Panginoon sa akin, 'Tumayo ka at magtungo sa Damasco; doon sasabihin sa iyo ang lahat ng iyong gagawin.'
And said—What shall I do, Lord? And, the Lord, said unto me—Arise, and be going thy way into Damascus, and, there, shall it be told thee of all things which are appointed for thee to do.
11 Hindi ako makakita dahil sa sinag ng liwanag, kaya pumunta ako sa Damasco na inakay ng mga kasama ko.
But, as I could not see clearly owing to the glory of that light, being led by the hand of them who were with me, I came into Damascus.
12 Doon nakilala ko ang isang lalaki na nagngangalang Ananias, isang tapat na tao na sumusunod sa kautusan at maganda ang sinasabi patungkol sa kaniya ng mga Judio na nakatira doon.
And, one Ananias, a man devout according to the law, well-attested by all the Jews that dwelt there,
13 Lumapit siya sa akin, tumayo sa aking tabi, at sinabi, 'Kapatid na Saulo, tanggapin mo ang iyong paningin.' Sa mga oras din na iyon, nakita ko siya.
coming unto me, and standing over me, said—Saul, brother! look up. And, I, in that very hour, looked up on him.
14 Pagkatapos sinabi niya 'Pinili ka ng Diyos ng ating mga ninuno upang malaman ang kaniyang kalooban, upang makita ang Isang Matuwid, at upang pakinggan ang tinig na manggagaling sa kaniyang sariling bibig.
And he said—The God of our fathers, hath chosen thee to get to know his will, and to see the Righteous One, —and to hear a voice out of his mouth.
15 Dahil ikaw ang magiging saksi sa kaniya sa lahat ng mga tao tungkol sa iyong nakita at narinig.
Because thou shalt be a witness to him unto all men, of the things which thou hast seen and heard.
16 At bakit ka naghihintay ngayon? Tumayo ka, at magpabautismo, at hugasan ang iyong mga kasalanan na tumatawag sa kaniyang pangalan.'
And, now, what art thou going to do? Arise, and get thyself immersed, and have thy sins bathed away, calling upon his name.
17 Pagkatapos kong makabalik sa Jerusalem at habang ako ay nananalangin sa templo, nangyari nga na binigyan ako ng pangitain.
And it came to pass, when had returned unto Jerusalem, and was praying in the temple, that I came to be in a trance,
18 Nakita ko siya na sinabi sa akin, 'Magmadali ka at lisanin kaagad ang Jerusalem, dahil hindi nila tatanggapin ang iyong patotoo patungkol sa akin.'
and saw him, saying unto me—Haste thee, and go forth speedily out of Jerusalem, inasmuch as they will not accept thy witness concerning me.
19 Sinabi ko, 'Panginoon, sila mismo ang nakakaalam na ako ay nagpabilanggo at nagparusa ng mga sumampalataya sa iyo sa bawat sinagoga.
And, I, said—Lord! they themselves, well know that I was imprisoning and beating in every synagogue them who were believing on thee.
20 Nang dumanak ang dugo ni Esteban na iyong saksi, nandoon ako na nakatayo at sumasang-ayon at binabantayan ko ang mga damit ng mga pumatay sa kaniya.
And, when the blood of Stephen thy witness was being shed, even I myself, was standing by, and approving, and guarding the mantles of them who were slaying him.
21 Ngunit sinabi niya sa akin “Umalis ka, dahil papupuntahin kita sa mga Gentil.”
And he said unto me—Be taking thy journey; because, I, unto nations afar off, will send thee.
22 Pinahintulutan siya ng mga tao na magsalita hanggang sa puntong ito. Ngunit pagkatapos nagsigawan sila at nagsabing, “Alisin ang taong ito sa lupa: sapagkat hindi siya nararapat na mabuhay.”
And they hearkened unto him as far as this word, and lifted up their voice, saying—Away from the earth, with such a man as this, for it is not fit that he should live.
23 Habang sila ay nagsisigawan, hinahagis nila ang kanilang mga kasuotan, at naghahagis ng alikabok sa hangin
Now, as they were both making an outcry and tearing their mantles, —dust, also were throwing into the air,
24 at ipinag-utos ng punong kapitan na dalhin si Pablo sa kampo. Iniutos na hagupitin siya habang tinatanong, upang malaman niya kung bakit nagsisigawan sila laban sa kaniya ng ganoon.
the captain ordered him to be brought into the castle, saying, that, with scourging, he should be put to the test, —that he might find out, for what cause they were, thus, clamouring against him.
25 Nang magapos na nila siya ng panaling balat, sinabi ni Pablo sa senturion na nakatayo sa tabi, “Naaayon ba sa batas na hagupitin mo ang isang taong Romano na hindi pa nahahatulan?”
But, when they had stretched him out with straps, Paul said unto the by-standing centurion—A Roman, and uncondemned, is it allowed you to be scourging?
26 Nang marinig ito ng senturion, pinuntahan niya ang punong kapitan at sinabi sa kaniya, “Ano ang gagawin mo? Dahil ang taong ito ay isang mamamayang Romano.”
And, when the centurion heard [that], he went unto the captain, and reported, saying—What art thou going to do? For, this man, is, a Roman?
27 Pumunta ang punong kapitan at sinabi sa kaniya, “Sabihin mo sa akin, isa ka nga bang Romano?” sinabi ni Pablo, “Oo.”
And the captain, coming up, said to him—Tell me! Art, thou, a, Roman? And, he, said—Yea!
28 Sumagot ang punong kapitan, “Dahil lamang sa malaking halaga ng salapi kaya ako naging isang mamamayan.”Ngunit sinabi ni Pablo, “Ipinanganak ako na isang mamamayang Roma.”
And the captain answered—I, for a large sum, this citizenship acquired! And, Paul, said—But, I, am even, [free-] born!
29 At ang mga tao na magtatanong sa kaniya ay agad na iniwan siya. Natakot din ang punong kapitan, nang malaman niya na si Pablo ay isang mamamayang Romano, dahil ipinagapos niya siya.
Straightway, therefore, they who were about to put him to the test, withdrew from him; and, even the captain, was struck with fear, when he found out he was, a Roman, and because, him, he had bound.
30 Sa sumunod na araw, gustong malaman ng punong kapitan ang katotohanan tungkol sa mga paratang ng mga Judio laban kay Pablo. Kaya tinanggal niya ang gapos at inutusan ang mga punong pari at lahat ng konseho upang magpulong. At dinala nila si Pablo sa baba at iniharap sa kanila.
But, on the morrow, being minded to get to know the certainty as to why he was being accused by the Jews, he released him, and ordered the High-priests and all the High-council to come together; and, bringing down Paul, set him before them.