< Mga Gawa 20 >
1 Nang tumigil na ang kaguluhan, ipinatawag ni Pablo ang mga alagad at pinalakas ang kanilang loob. Pagkatapos nagpaalam siya sa kanila at umalis papuntang Macedonia.
But, after the tumult had ceased, Paul, sending for the disciples and exhorting them, took leave, and went forth to be journeying unto Macedonia.
2 Nang mapuntah niya ang mga rehiyong iyon at labis na mapalakas ang loob ng mga mananampalataya, pumunta siya sa Grecia.
Passing through those parts, however, and exhorting them with much discourse, he came into Greece;
3 Pagkatapos niyang namalagi ng tatlong buwan doon, may nabuong masamang balak ang mga Judio laban sa kaniya nang siya ay maglalayag sa Siria, kaya nagpasiya siya na bumalik sa Macedonia.
and, spending three months, when a plot was laid against him by the Jews, as he was about to sail to Syria, he determined to turn back through Macedonia.
4 Sinamahan siya hanggang sa Asia nina Sopater na anak ni Pirro mula sa Berea; Aristarco at Segundo, na mga mananampalataya na nagmula sa Tesalonica; ni Gayo na nagmula sa Derbe; Timoteo; Tiquico at Trofimo mula sa Asia.
Now there were accompanying him, Sopater, son of Pyrrhus a Beroean; and of the Thessalonians, Aristarchus and Secundus; and Gaius of Derbe and Timothy; and, of Asia, Tychicus and Trophimus.
5 Ngunit nauna ang mga kalalakihang ito at hinintay kami sa Troas
And, these, came and were waiting for us at Troas.
6 Naglayag kami mula Filipos pagkatapos ng mga araw ng tinapay na walang lebadura, at sa loob ng limang araw ay nakarating kami sa Troas. Nanatili kami doon ng pitong araw.
And, we, sailed forth, after the days of unleavened bread, from Philippi, and came unto them in Troas in five days, where we tarried seven days.
7 Sa unang araw ng linggo, nang kami ay nagtipun-tipon upang pagpira-pirasuhin ang tinapay, nagsalita si Pablo sa mga mananampalataya. Binabalak niyang umalis kinabukasan, kaya patuloy siyang nagsalita hanggang hating gabi.
And, on the first of the week, when we were gathered together to break bread, Paul went on to discourse with them, being about to depart on the morrow; and he prolonged his discourse until midnight.
8 May maraming mga ilawan sa itaas ng silid kung saan kami nagtipun-tipon.
Now there were a good many torches in the upper room, where we were gathered together.
9 May isang binata na nakaupo sa bintana na nagngangalang Eutico, na nakatulog ng mahimbing. Habang tumatagal ang pangangaral ni Pablo, patuloy parin sa pagtulog ang binatang ito, nahulog mula sa pangatlong palapag at kinuha siyang patay.
And there sat, a certain young man by name Eutychus, in the window, who was getting overpowered by a deep sleep; and, while Paul was discoursing yet further, being overpowered by his sleep, he fell, from the third story, down, and was taken up dead.
10 Ngunit bumaba si Pablo, dumapa sa kaniya at yinakap siya. At sinabi niya “Wag kayong mag-alala, dahil siya ay buhay.”
Going down, however, Paul fell upon him, and, embracing him, said—Be not making confusion; for, his soul, is, in him.
11 Pagkatapos umakyat siya sa itaas at pinag-piraso ang tinapay at kumain. Pagkatapos niyang makipag-usap sa kanila hanggang madaling-araw, siya ay umalis.
And, going up, and breaking the loaf, and tasting, —for a good while also conversing, until dawn, thus, he departed.
12 Naibalik nila ang binata ng buhay at naging panatag ang kanilang kalooban.
And they brought the boy alive, and were comforted beyond measure.
13 Nauna kaming pumunta kay Pablo sa pamamagitan ng barko at naglayag papuntang Ason, kung saan namin binalak isakay si Pablo. Ito ang ninais niyang gawin, dahil binalak niyang maglakbay sa lupa.
And, we, going forward unto the ship, set sail for Assos, from thence being about to take up Paul; for, so, had he arranged, being about, himself, to go on foot.
14 Nang nakasalubong namin siya sa Ason, isinama namin siya sa barko at nagpunta sa Mitilene.
And, when he fell in with us in Assos, we took him on board, and came into Mitylene;
15 At naglayag kami mula doon at nakarating kinabukasan sa kabilang pulo ng Quio. Sa sumunod na araw nakarating kami sa pulo ng Samos, at pagkalipas ng isang araw, nakarating kami sa lungsod ng Mileto.
and, from thence sailing away on the morrow, we came over against Chios, and, on the next day, we thrust aside into Samos, and, on the succeeding day, we came into Miletus.
16 Sapagka't ipinasya ni Pablo na lumampas ng Efeso, upang hindi siya maglaan ng ilang araw sa Asia; sapagkat nagmamamadali siyang makarating sa Jerusalem para sa araw ng Pentecostes, kung ang lahat na ito'y makaya niyang gawin.
For Paul had determined to sail past Ephesus, lest he should happen to lose time in Asia; for he hastened, if it were possible for him, against the day of Pentecost, to arrive, in Jerusalem.
17 Mula Mileto, nagpadala siya ng mga kalalakihan sa Efeso at pinatawag niya mismo ang mga nakatatanda ng iglesia.
But, from Miletus, he sent unto Ephesus, and called for the elders of the assembly.
18 Nang dumating sila sa kaniya, sinabi niya sa kanila, “Kayo mismo ang nakakaalam, na mula pa noong unang araw na tumungtong ako sa Asia, palagi akong naglalaan ng oras kasama kayo.
And, when they were come to him, he said unto them—Ye yourselves, well know, from the first day when I set foot in Asia, in what manner came to be with you all the time,
19 Patuloy akong naglilingkod sa Panginoon ng buong pagpapakumbaba ng isip at may luha, at sa mga pagdurusang naranasan ko dahil sa mga masamang balak ng mga Judio.
doing service unto the Lord, with all humility and tears, and temptations which befell me through the plots of the Jews:
20 Alam ninyo na hindi ko ipinagkait na ituro sa inyo ang mga bagay na nakatutulong, at kung paano ko kayo tinuruan sa publiko at pumunta din ako sa mga bahay-bahay.
in what manner I in nowise shrank from announcing unto you anything that was profitable and teaching you publicly and in your homes;
21 Alam ninyo na lagi kong binabalaan ang mga Judio at mga Griego tungkol sa pagsisisi sa Diyos at pananalig sa ating Panginoong Jesus.
bearing full witness, both to Jews and to Greeks, as to the repentance due unto God, and as to belief on our Lord Jesus.
22 Ngayon, tingnan ninyo, pupunta ako na natatali sa Banal na Espiritu patungong Jerusalem, na hindi nalalaman kung ano ang mangyayari sa akin doon,
And, now, lo! I, bound in my spirit, am journeying unto Jerusalem; the things which therein shall befall me, not knowing, —
23 maliban sa pagpapatotoo sa akin ng Banal na Espiritu sa bawat lungsod at magsabing naghihintay sa akin ang mga kadena at pagdurusa.
save that, the Holy Spirit, from city to city, doth bear me full witness, saying that, bonds and tribulations, await me.
24 Ngunit hindi ko itinuturing na mahalaga ang aking buhay para sa aking sarili, upang matapos ko ang aking pagtakbo at ang ministeryong tinanggap ko mula sa Panginoong Jesus, na magpatotoo sa ebanghelyo ng biyaya ng Diyos.
But, for no cause whatever, am I making my life dear to myself, so that I may finish my course and the ministry which I have received from the Lord Jesus, to bear full witness as to the good news of the favour of God.
25 Ngayon, tingnan ninyo, nalalaman ko na kayong lahat, na pinuntahan ko at ipinangaral ang patungkol sa kaharian, hindi na ninyo makikita pang muli ang aking mukha.
And, now, lo! I, know that, no more, shall ye see my face, —ye all, among whom I have gone about proclaiming the kingdom.
26 Kaya nga pinatotohanan ko sa inyo sa araw na ito, na ako'y walang sala sa dugo ng sinumang tao.
Wherefore I take you to witness, on this very day, that, pure am I from the blood of all;
27 Dahil hindi ko ipinagkait sa inyo ang pagpapahayag ng lahat ng kalooban ng Diyos.
for I have not shrunk from announcing all the counsel of God unto you.
28 Kaya mag-ingat kayo sa inyong mga sarili, at tungkol sa mga kawan na pinamahala ng Banal na Espiritu sa inyo. Pag-ingatan ninyo ang kawan sa kapulungan ng Panginoon, na tinubos ng kaniyang sariling dugo.
Be taking heed unto yourselves, and unto all the little flock in which the Holy Spirit hath set, you, as overseers, —to be shepherding the assembly of God which he hath acquired through means of the blood of his own.
29 Alam ko na pagkatapos ng aking pag-alis, papasukin kayo ng mabagsik na mga lobo, at walang ititira sa kawan.
I, know, that there will enter, after my departure, grievous wolves into your midst, not sparing the little flock;
30 Alam ko na kahit sa inyong mga sarili, may ilang mga tao na lilitaw at magsasabi ng masasamang mga bagay, upang ilayo ang mga alagad sa kanila.
and, from among your own selves, will arise men speaking distorted things, to draw away the disciples after themselves.
31 Kaya maging mapagbantay. Alalahanin ninyo na sa loob ng tatlong taon, hindi ako tumigil sa pagtuturo sa inyo na may kasamang luha sa araw at gabi.
Wherefore, be on the watch, remembering that, for three years, night and day, I gave myself no rest, with tears, admonishing each one.
32 At ngayon ipinagkatiwala ko kayo sa Diyos, at sa salita ng kaniyang biyaya, na makapagpapatibay at magbigay sa inyo ng mana kasama sa lahat ng mga taong nakalaan sa Diyos.
Now, therefore, I commend you unto the Lord, and unto his word of favour, —which is able to build up and give the inheritance among all the hallowed ones.
33 Hindi ko pinagnasahan ang pilak, ginto o damit ng ibang tao.
The silver or gold or apparel of no one, did I covet:
34 Alam ninyo na itong mga kamay na ito ang naglingkod para sa aking sariling pangangailangan at maging sa pangangalingan ng aking mga kasama.
yourselves, acknowledge that, for my necessities and for those who were with me, hard wrought these hands!
35 Sa lahat ng bagay nagbigay ako ng halimbawa kung paano ninyo dapat tulungan ang mga mahihina sa pamamagitan ng pagtratrabaho at kung paano ninyo dapat maalala ang salita ng Panginoong Jesus, mga salita na siya mismo ang nagsabi: “Mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap.”
In all things, I gave you to understand, that, thus toiling, it behoves to be helping the weak, also to be keeping in mind the words of the Lord Jesus, that, he himself, said—Happy is it, rather to give than to receive!
36 Pagkatapos niyang magsalita sa ganitong paraan, lumuhod siya at nanalangin kasama nilang lahat.
And, these things saying, kneeling down with them all, he prayed.
37 Umiyak silang lahat ng labis at yumakap kay Pablo at hinalikan siya.
And they all wept much, and, falling upon Paul’s neck, they were tenderly kissing him;
38 Higit sa lahat nalulungkot sila dahil sa kaniyang sinabi, na hindi na nila makikita pa kailan man ang kaniyang mukha. At hinatid nila siya sa barko.
being most distressed for the word which he had said, —That, no more, should they, his face, behold. And they accompanied him unto the ship.