< Mga Gawa 2 >

1 Nang sumapit ang araw ng Pentecostes, lahat sila ay sama-sama sa iisang lugar.
А як скінчив ся день пятидесятниці, були всі однодушне вкупі.
2 Bigla na lamang may tunog mula sa langit na tila humahagibis na hangin, at napuno nito ang buong bahay kung saan sila nakaupo.
І роздав ся зразу гук (шум) із неба, мов би од віючого буйного вітру, й сповнив увесь дім, де вони сиділи.
3 Doon ay nagpakita sa kanila ang tulad ng dilang apoy na napamahagi at dumapo sa bawat isa sa kanila.
І явились їм поділені язики, ніби огняні, і сїв на кожному з них.
4 Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu at nagsimula silang magsalita sa iba't ibang wika ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu sa kanila na sabihin.
І сповнились усі Духом сьвятим, і почали розмовляти иншими мовами, як Дух давав їм промовляти.
5 Ngayon may mga Judiong naninirahan sa Jerusalem, mga maka-diyos na tao, galing sa bawat bansa sa ilalim ng langit.
Домували ж у Єрусалимі Жиди, люде побожні, з усякого народу під небом.
6 Nang marinig ang tunog na ito, nagpuntahan ang maraming tao at nalito sapagkat narinig nang lahat na nagsasalita sila sa kanilang sariling wika.
Як же роздав ся сей голос, зійшлось множество, і стрівожились, бо чув кожен, що вони говіркою їх розмовляють.
7 Nagtaka sila at labis na namangha; sinabi nila, “Totoo ba, hindi ba at ang lahat ng mga nagsasalitang ito ay mga taga-Galilea?
Здуміли ся ж усі і дивувались, говорячи один до одного: Чи не всі оце сі, що розмовляють, Галилейцї?
8 Bakit kaya naririnig natin sila, bawat isa sa ating sariling wika na ating kinalakihan?
Як же се чуємо кожний власну говірку свого, в якій родились,
9 Mga taga- Partia, taga-Media at mga taga- Elam, at sa mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at Capadocia, sa Ponto at sa Asya,
Парфяне, й Мидяне, й Єламити, й що домуємо в Месопотамиї, і в Юдеї, і Каппадокиї, і Понтї, і Азиї,
10 sa Frigia at Panfilia, sa Egipto at sa bahagi ng Libya na malapit sa Cirene at mga panauhin mula sa Roma,
і Фригиї, і Памфилиї, й Єгипті і в сторонах Ливийських, що коло Киринеї, і захожі Римляне, й Жиди, і нововірцї,
11 Mga Judio at mga taong nagbago ng paniniwala, at mga taga-Creta at mga taga- Arabia, naririnig namin sila na nagsasabi ayon sa ating mga wika tungkol sa mga kamangha- manghang gawa ng Diyos.”
Критяне й Араби, чуємо, що вони розмовляють нашими мовами про величчв Боже?
12 Nagtaka silang lahat at naguluhan; at sinabi nila sa isa't- isa, “Ano ang ibig sabihin nito?”
Здумілися ж усї, і в сумніві казали один до одного: Що се має бути?
13 Ngunit nangutya ang iba at sinabi, “Lasing na lasing sila ng bagong alak.”
Инші ж, сьміючись, казали, що молодим вином повпивались.
14 Ngunit tumayo si Pedro kasama ang labing isa, tinaasan niya ang kaniyang boses, at sinabi sa kanila, “Mga tao ng Judea at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, dapat ninyo itong malaman; pakinggan ninyong mabuti ang aking sasabihin.
Ставши ж Петр з одинайцятьма, зняв голос свій і промовив до них: Люде Юдейські, і всі жителї Єрусалимські, нехай се відомо вам буде, і вислухайте слово моє.
15 Sapagkat ang mga taong ito ay hindi lasing gaya ng inyong inaakala, sapagkat pangatlong oras pa lamang nang araw.
Сї бо не пяні, як думаєте, бо третя година дня.
16 Ngunit ito ang sinabi sa pamamamagitan ni propeta Joel:
А єсть се, що промовив пророк Йоіл:
17 'Mangyayari ito sa mga huling araw,' sinabi ng Diyos, 'Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao. Magpapahayag ang inyong mga anak na lalaki at mga babae, makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki, at magkakaroon ng mga panaginip ang inyong mga matatandang lalaki.
І буде останнього дня, глаголе Бог, виллю я Духа мого на всяке тіло; й пророкувати муть сини ваші і дочки ваші, і молодці ваші видїння бачити муть, і старшим вашим сни снити муть ся;
18 Gayundin sa aking mga lingkod at sa aking mga lingkod na babae ibubuhos ko ang aking Espiritu sa araw na iyon, at sila ay magpapahayag.
і на слуг моїх і на служниць моїх виллю в ті днї Духа мого, й пророкувати муть.
19 Magpapakita ako ng mga kamangha-manghang bagay mula sa langit at mga tanda dito sa lupa, dugo, apoy, at singaw ng usok.
І дам чудеса вгорі на небі, і ознаки внизу на землі: кров і огонь і димову куряву.
20 Magiging madilim ang araw at magiging dugo ang buwan, bago dumating ang dakila at hindi pangkaraniwang araw ng Panginoon.
Сонце обернеть ся в темряву, і місяць у кров, перш нїж прийде день Господень великий і славний.
21 Iyon ay ang pagkakaligtas ng bawat isa na tatawag sa pangalan ng Panginoon.'
І буде, що всякий, хто призивати ме ймя Господнє, то спасеть ся.
22 Mga taga-Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus ng Nazaret, ang lalaking pinatunayan ng Diyos sa inyo sa pamamagitan ng mga makapangyarihang gawa at mga kamangha- manghang bagay at mga palatandaang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya, sa inyong kalagitnaan, katulad ng inyong nalalaman-
Мужі Ізраїлські, вислухайте сї слова: Ісуса Назорея, чоловіка, від Бога прославленого між вами силою, і чудесами, і ознаками, які робив через Него Бог серед вас, як і самі знаєте,
23 dahil sa nakatakdang plano at kaalaman ng Diyos mula sa simula pa siya ay isinuko ninyo sa mga kamay ng taong lumalabag sa batas, ipinako siya sa krus at pinatay;
Сього, призначеного радою і провидїннєм Божим виданого, ви, взявши руками беззаконних, і пригвоздивши, вбили.
24 binuhay ng Diyos, inalis ang mga sakit at kamatayan sa kaniya, sapagakat hindi siya maaaring pigilan nito.
Котрого Бог воскресив, розвязавши болестї смерти; яко ж бо не було можливе вдержаним Йому бути від неї.
25 Sapagkat sinasabi ni David tungkol sa kaniya, 'Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan, sapagkat siya ay nasa aking kanang kamay upang hindi ako matinag.
Давид бо глаголе про Него: Мав я Господа перед очима завсїди, бо Він по правицї в мене, щоб я не захитав ся.
26 Samakatuwid, natuwa ang aking puso at nagalak ang aking dila. Maging ang aking laman ay mamumuhay nang may pananalig.
Тим звеселилось серце мов, і зрадїв язик мій; ще ж і тіло мов оселить ся в надії.
27 Sapagkat hindi mo pababayaan ang aking kaluluwa na mapunta sa hades, o papayagan ang iyong Nag-iisang Banal na makitang mabulok. (Hadēs g86)
Бо не зоставиш душі моєї в пеклї, анї даси сьвятому Твоєму видїти зотлїння, (Hadēs g86)
28 Ipinahayag mo sa akin ang mga daan ng buhay; pupunuin mo ako ng kagalakan sa iyong harapan.'
Обявив єси мені дороги життя; сповниш мене радощами перед лицем Твоїм.
29 Mga kapatid, kaya kong magsalita sa inyo ng may katiyakan tungkol sa patriarkang si David: namatay siya at inilibing, at ang kaniyang libingan ay nasa atin hanggang sa ngayon.
Мужі брати, дайте говорити явно до вас про праотця Давида, що вмер і поховано його, і гріб його у нас до сього дня.
30 Kaya naman, siya ay isang propeta at alam niya na may sinumpaang panata ang Diyos sa kaniya, na itinalaga niya sa kaniyang kaapu-apuhan ang maupo sa kaniyang trono.
Бувши ж пророком і знавши, що клятьбою клявсь йому Бог, що з плоду поясницї його по тілу підійме Христа сидіти на престолі його,
31 Nahulaan niya na ito at nagsalita tungkol sa pagkabuhay ni Cristo, Na hindi siya pinabayaan doon sa hades, o ang kanyang laman ay makitang mabulok.' (Hadēs g86)
предвидївши, глаголав про воскресеннє Христове, що душа Його не зоставлена в пеклї, а тіло не видїло зотлїння. (Hadēs g86)
32 Ang Jesus na ito ay binuhay ng Diyos kung saan saksi kaming lahat.
Сього Ісуса воскресив Бог; Йому всї ми сьвідки.
33 Kaya naman pinarangalan siya sa kanang kamay ng Diyos at tinanggap ang pangako ng Banal na Espiritu mula sa Ama, ibinuhos niya ito, na inyong nakikita at naririnig.
Правицею яс Божою вознїсшись і обітуваннє сьвятого Духа прийнявши від Отця, злив се, що ви тепер бачите і чуєте.
34 Sapagkat si David ay hindi pumaitaas sa langit, ngunit sinabi niya, 'Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, “Umupo ka sa aking kanang kamay,
Бо Давид не зійшов на небеса; глаголе ж сам: Рече Господь Господеві моєму: Сиди по правицї в мене,
35 hanggang sa gawin kong maging tuntungan ng iyong mga paa ang iyong mga kaaway.”
доки положу ворогів Твоїх підніжком ніг Твоїх.
36 Kaya naman siguraduhing ipaalam sa lahat ng tahanan sa Israel na ginawa siya ng Diyos na parehong Panginoon at Cristo, ang Jesus na ito na ipinako ninyo sa krus.”
Твердо ж нехай знав ввесь дім Ізраїлїв, що Господом і Христом зробив Його Бог, сього Ісуса, котрого ви розпяли.
37 Nang marinig nila ito, nadurog ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa iba pang mga apostol, “Mga kapatid, ano ba ang dapat naming gawin?”
Почувши ж се, домякли серцем, і казали до Петра та до инших апостолів: Що ж робити нам, мужі брати?
38 At sinabi ni Pedro sa kanila, “Magsisi at magpabautismo, ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Cristo para sa kapatawaran ng inyong mga kasalanan, at inyong tatanggapin ang kaloob ng Banal na Espiritu.
Петр же рече до них: Покайтесь, і нехай охрестить ся кожен з вас в імя Ісуса Христа на оставленнє гріхів, і приймете дар сьвятого Духа.
39 Sapagkat sa inyo ang pangako at sa inyong mga anak at sa lahat ng mga nasa malayo, at sa mga tao na tatawagin ng ating Panginoong Diyos.”
Для вас бо обітниця, і для дїтей ваших, і для всіх далеких, скільки їх покличе Господь Бог ваш.
40 Pinatotohanan at hinimok niya sila sa pamamagitan ng maraming mga salita; sinabi niya,” Iligtas ninyo ang inyong mga sarili mula sa mga masasamang salin-lahing ito.
І иншими многими словами сьвідкував і напоминав, глаголючи: Спасайте себе з сього розворотного кодла.
41 Pagkatapos tinanggap nila ang kaniyang salita at nabautismuhan, at ng araw na iyon may mga naidagdag na aabot sa tatlong libong mga kaluluwa.
Хто ж залюбки прийняв слово його, охрестились; і пристало того дня душ тисяч зо три.
42 Nagpatuloy sila sa mga katuruan ng mga apostol at pagsasama-sama, sa pagpipira-piraso ng tinapay at sa pananalangin.
Пробували ж у науці апостолській, і в общині, і в ламанню хліба, і в молитвах.
43 Dumating ang takot sa bawat kaluluwa, at maraming mga kamangha- manghang bagay at mga tanda ang nagawa ng mga apostol.
Був же на кожній душі страх, і багато чудес і ознак робилось через апостолів.
44 Ang lahat ng nanampalataya ay nagsama-sama at ibinahagi ang kanilang mga ari-arian,
І всі віруючі були вкупі, і все було в них спільне;
45 at ipinagbili nila ang kanilang mga pag-aari at mga ari-arian at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawat-isa.
і продавали маєтки та достатки, і ділили їх на всіх. як кому було треба.
46 Nagpatuloy sila sa bawat araw na may iisang layunin sa templo, at nagpira-piraso sila ng tinapay sa kanilang mga tahanan, at namamahagi ng pagkain na may kagalakan at kapakumbabaan ng puso.
І що-дня пробували одностайно в церкві, і ламлючи по домах хлїб, приймали харч в радості і простотї серця,
47 Nagpupuri sila sa Diyos at kinalugdan sila ng lahat ng mga tao. Dinagdag sa kanila ng Panginoon araw-araw ang mga naliligtas.
хвалячи Бога й маючи ласку у всього народу. Господь же прибавляв спасенників у церкву що-дня.

< Mga Gawa 2 >