< Mga Gawa 13 >
1 At ngayon sa kapulungan ng Antioquia, mayroong mga iilang propeta at mga guro. Sila ay sina Bernabe, Simeon (na tinatawag na Niger), Lucio na taga-Cirene, Manaen (kinakapatid na lalaki ni Herodes na Tetrarka) at Saul.
There were also in the Church that was at Antiochia, certaine Prophets and teachers, as Barnabas, and Simeon called Niger, and Lucius of Cyrene, and Manahen (which had bin brought vp with Herod the Tetrarche) and Saul.
2 Habang sumasamba at nag-aayuno sila sa Diyos, sinabi ng Banal na Espiritu, “Ihiwalay ninyo para sa akin sina Bernabe at Saul, upang gawin ang gawain kung saan ko sila tinawag.”
Nowe as they ministred to the Lord, and fasted, the holy Ghost said, Separate me Barnabas and Saul, for the worke whereunto I haue called them.
3 Pagkatapos na ang kapulungan ay mag-ayuno, manalangin at magpatong ng kanilang mga kamay sa mga lalaking ito, sila ay kanilang sinugo.
Then fasted they and prayed, and layde their hands on them, and let them goe.
4 Kaya sumunod sina Bernabe at Saul sa Banal na Espiritu at bumaba papuntang Seleucia; Mula doon ay naglayag sila papunta sa isla ng Sayprus.
And they, after they were sent foorth of the holy Ghost, came downe vnto Seleucia, and from thence they sayled to Cyprus.
5 Nang naroon na sila sa lungsod ng Salamina, ipinahayag nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio. Kasama din nila si Juan Marcos bilang kanilang katulong.
And when they were at Salamis, they preached the worde of God in the Synagogues of the Iewes: and they had also Iohn to their minister.
6 Nang makaalis sila sa buong isla hanggang Pafos, natagpuan nila ang isang salamangkero, isang bulaang propeta na Judio na nagngangalang Bar-Jesus.
So when they had gone throughout the yle vnto Paphus, they found a certaine sorcerer, a false prophet, being a Iewe, named Bariesus,
7 May kaugnayan ang salamangkerong ito sa gobernador na si Sergio Paulo, na isang taong matalino. Pinatawag ng taong ito sina Bernabe at Saul, dahil ibig niyang marinig ang salita ng Diyos.
Which was with the Deputie Sergius Paulus, a prudent man. He called vnto him Barnabas and Saul, and desired to heare the woorde of God.
8 Ngunit kinalaban sila ni Elimas “ang salamangkero” (ganito isinalin ang kaniyang pangalan); tinangka niyang paikutin ang gobernador na mapalayo mula sa pananampalataya.
But Elymas, ye sorcerer (for so is his name by interpretation) withstoode them, and sought to turne away the Deputie from the faith.
9 Ngunit si Saulo, na tinatawag ding Pablo ay napuspos ng Banal na Espiritu. Tinitigan siya nito
Then Saul (which also is called Paul) being full of the holy Ghost, set his eyes on him,
10 at sinabi, “Ikaw na anak ng diyablo, punong-puno ka ng lahat ng uri ng pandaraya at kasamaan. Ikaw ay kaaway ng bawat katuwiran. Hindi ka ba talaga titigil sa pagbabaluktot sa mga tuwid na daan ng Diyos?
And sayde, O full of all subtiltie and all mischiefe, the childe of the deuill, and enemie of all righteousnesse, wilt thou not cease to peruert the straight waies of the Lord?
11 Ngayon tingnan mo, ang kamay ng Panginoon ay nasa iyo at ikaw ay mabubulag. Pansamantala mo munang hindi makikita ang araw.” At biglang nagdilim ang paningin ni Elimas, nagsimula siyang lumibot na humihiling sa mga tao na siya ay akayin sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.
Nowe therefore behold, the hand of the Lord is vpon thee, and thou shalt be blinde, and not see the sunne for a season. And immediately there fel on him a mist and a darknes; and he went about, seeking some to leade him by the hand.
12 Pagkatapos na makita ng gobernador kung ano ang nangyari, siya ay naniwala, dahil namangha siya sa katuruan tungkol sa Panginoon.
Then the Deputie when he sawe what was done, beleeued, and was astonied at the doctrine of the Lord.
13 Naglayag ngayon si Pablo at ang kaniyang mga kaibigan mula Pafos at dumating sa Perga ng Panfilia. Ngunit iniwan sila ni Juan at bumalik sa Jerusalem.
Nowe when Paul and they that were with him were departed by shippe from Paphus, they came to Perga a citie of Pamphylia: then Iohn departed from them, and returned to Hierusalem.
14 Naglakbay si Pablo at ang kaniyang mga kaibigan mula Perga at nakarating sa Antioquia ng Pisidia. Doon ay pumunta sila sa loob ng sinagoga sa Araw ng Pamamahinga at umupo.
But when they departed from Perga, they came to Antiochia a citie of Pisidia, and went into the Synagogue on ye Sabbath day, and sate downe.
15 Nang matapos ang pagbabasa ng kautusan at ng mga propeta, nagbigay ang mga pinuno ng sinagoga ng mensahe sa kanila na sinasabi, “Mga kapatid, kung mayroon kayong mensahe ng pampalakas loob sa mga tao dito, sabihin ninyo ito.”
And after the lecture of the Law and Prophets, the rulers of ye Synagogue sent vnto them, saying, Ye men and brethren, if ye haue any word of exhortation for the people, say on.
16 Kaya tumayo si Pablo at sumenyas sa pamamagitan ng kaniyang kamay, sinabi niya, “Mga taga-Israel at kayo na gumagalang sa Diyos, makinig kayo.
Then Paul stoode vp and beckened with the hand, and sayde, Men of Israel, and yee that feare God, hearken.
17 Ang Diyos ng mga taong ito sa Israel ang pumili sa ating mga ninuno at pinarami ang mga tao nang nanatili sila sa Egipto, at sa pamamagitan ng pagtaas ng kaniyang kamay ay pinangunahan niya sila na makalabas mula dito.
The God of this people of Israel chose our fathers, and exalted the people when they dwelt in the land of Egypt, and with an high arme brought them out thereof.
18 Sa halos apatnapung taon nagtiis siya na kasama nila sa ilang.
And about the time of fourtie yeeres, suffered he their maners in the wildernesse.
19 Pagkatapos niyang wasakin ang pitong bansa sa lupain ng Canaan, ipinagkaloob niya sa ating mga tao ang kanilang lupain bilang pamana.
And he destroied seuen nations in the land of Chanaan, and deuided their lad to them by lot.
20 Naganap ang lahat ng pangyayaring ito sa loob ng apat na raan at limampung taon. Matapos ang lahat ng bagay na ito, binigyan sila ng Diyos ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.
Then afterward he gaue vnto them Iudges about foure hundreth and fiftie yeeres, vnto the time of Samuel the Prophet.
21 Pagkatapos nito, humingi ang mga tao ng isang hari, kaya ibinigay ng Diyos sa kanila si Saul na anak ni Cis, isang lalaki mula sa lipi ni Benjamin sa loob ng apatnapung taon.
So after that, they desired a King, and God gaue vnto them Saul, the sonne of Cis, a man of ye tribe of Beniamin, by the space of fourty yeres.
22 Nang matapos siyang alisin ng Diyos sa pagiging hari, hinirang niya si David upang maging kanilang hari. Sinabi ito ng Diyos tungkol kay David, 'Natagpuan ko si David na anak ni Jesse isang lalaking malapit sa aking puso, gagawin niya ang lahat ng aking naisin.'
And after he had taken him away, he raised vp Dauid to be their King, of whom he witnessed, saying, I haue found Dauid the sonne of Iesse, a man after mine owne heart, which will doe all things that I will.
23 Mula sa kaapu-apuhan ng lalaking ito ay dinala ng Diyos sa Israel ang isang tagapagligtas na si Jesus, katulad ng kaniyang ipinangakong gagawin.
Of this mans seede hath God according to his promise raised vp to Israel, ye Sauiour Iesus:
24 Nagsimula itong mangyari bago dumating si Jesus, unang ipinahayag ni Juan ang bautismo ng pagsisisi sa lahat ng tao sa Israel.
When Iohn had first preached before his coming the baptisme of repentance to all the people of Israel.
25 At nang matatapos na ni Juan ang kaniyang gawain, sinabi niya 'Sino ba ako sa akala ninyo? Ako ay hindi siya. Ngunit makinig kayo, may isang darating na kasunod ko, hindi man lang ako karapat-dapat na magtanggal ng kaniyang sandalyas.'
And when Iohn had fulfilled his course, he saide, Whom ye thinke that I am, I am not he: but beholde, there commeth one after me, whose shooe of his feete I am not worthy to loose.
26 Mga kapatid, mga anak na mula sa lipi ni Abraham at ang mga kasama ninyo na sumasamba sa Diyos, ito ay para sa atin kaya ipinadala ang mensaheng ito tungkol sa kaligtasan.
Yee men and brethren, children of the generation of Abraham, and whosoeuer among you feareth God, to you is the woorde of this saluation sent.
27 Para sa kanila na taga-Jerusalem, at sa kanilang mga pinuno, na hindi totoong nakakakilala sa kaniya, ni hindi talaga nila nauunawaan ang tinig ng mga propeta habang binabasa tuwing Araw ng Pamamahinga; kaya natupad nila ang mga mensahe ng mga propeta sa pamamagitan ng paghatol kay Jesus sa kamatayan.
For the inhabitants of Hierusalem, and their rulers, because they knewe him not, nor yet the woordes of the Prophets, which are read euery Sabbath day, they haue fulfilled them in condemning him.
28 Kahit pa wala silang natagpuang dahilan upang patayin siya, hiniling nila kay Pilato na siya ay patayin.
And though they found no cause of death in him, yet desired they Pilate to kill him.
29 At nang natupad na nilang lahat ang mga bagay na isinulat tungkol sa kaniya, siya ay kanilang ibinaba mula sa puno at inihiga sa isang libingan.
And when they had fulfilled all things that were written of him, they tooke him downe from the tree, and put him in a sepulchre.
30 Ngunit binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay.
But God raised him vp from the dead.
31 Nakita siya sa loob ng maraming araw ng mga sumama sa kaniya mula Galilea hanggang Jerusalem. Ang mga taong ito ang naging mga saksi niya ngayon sa mga tao.
And hee was seene many dayes of them, which came vp with him from Galile to Hierusalem, which are his witnesses vnto the people.
32 Kaya dala namin sa inyo ang magandang balita tungkol sa mga pangakong ibinigay sa ating mga ninuno.
And we declare vnto you, that touching the promise made vnto the fathers,
33 Iningatan ng Diyos ang mga pangakong ito sa atin na kanilang mga anak, na kung saan binuhay niya si Jesus mula sa mga patay. Ito din ang naisulat sa ikalawang awit: 'Ikaw ang aking Anak, at ngayon ako ay iyong magiging Ama.'
God hath fulfilled it vnto vs their children, in that he raised vp Iesus, euen as it is written in the seconde Psalme, Thou art my Sonne: this day haue I begotten thee.
34 Tungkol din naman sa katotohanang binuhay siya mula sa mga patay upang hindi mabulok ang kaniyang katawan, nagsalita siya ng katulad nito: 'Ipagkakaloob ko saiyo ang banal at maaasahang mga pagpapala ni David.'
Nowe as concerning that he raised him vp from the dead, no more to returne to corruption, he hath said thus, I wil giue you the holy things of Dauid, which are faithfull.
35 Ito rin ay kung bakit niya sinabi sa iba pang awit, 'Hindi mo pahihintulutan na makitang mabulok ang iyong Nag-iisang Banal.'
Wherefore hee sayeth also in another place, Thou wilt not suffer thine Holy one to see corruption.
36 Nang matapos paglingkuran ni David ang kaniyang sariling salinlahi sa mga nais ng Diyos, nakatulog siya, kasama nang kaniyang mga ama, at nabulok,
Howbeit, Dauid after hee had serued his time by the counsell of God, hee slept, and was laid with his fathers, and sawe corruption.
37 ngunit siya na binuhay ng Diyos ay hindi nabulok.
But he whom God raised vp, sawe no corruption.
38 Kaya dapat ninyo itong malaman, mga kapatid, na sa pamamagitan ng taong ito ay naipahahayag sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan.
Be it knowen vnto you therefore, men and brethren, that through this man is preached vnto you the forgiuenesse of sinnes.
39 Sa pamamagitan niya ang bawat isang mananampalataya ay pinawalang-sala mula sa lahat ng bagay na hindi kayang maipawalang-sala sa inyo sa kautusan ni Moises.
And from al things, from which ye could not be iustified by the Law of Moses, by him euery one that beleeueth, is iustified.
40 Kaya't mag-ingat kayo na hindi mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta:
Beware therefore lest that come vpon you, which is spoken of in the Prophets,
41 'Tingnan ninyo, mga mapang-alipusta, at mamangha kayo at saka mamamatay sapagkat isasagawa ko ang gawain sa inyong mga araw, isang gawaing hindi ninyo paniniwalaan kailanman, kahit pa mayroong maghayag nito sa inyo.'''
Behold, ye despisers, and wonder, and vanish away: for I woorke a woorke in your daies, a woorke which yee shall not beleeue, if a man would declare it you.
42 Habang paalis na sina Pablo at Bernabe, nagmakaawa sa kanila ang mga tao kung maaari nilang sabihin muli ang katulad na mensahe sa susunod na Araw ng Pamamahinga.
And when they were come out of the Synagogue of the Iewes, the Gentiles besought, that they woulde preach these woordes to them the next Sabbath day.
43 Nang matapos na ang pagpupulong sa sinagoga, marami sa mga Judio at mga taong nagbago ng paniniwala ang sumunod kina Pablo at Bernabe, na nagsalita sa kanila at nanghikayat na magpatuloy sa biyaya ng Diyos.
Nowe when the congregation was dissolued, many of the Iewes and Proselytes that feared God, followed Paul and Barnabas, which spake to them, and exhorted them to continue in the grace of God.
44 Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos ang buong lungsod ay nagsama-samang nagkatipon upang makinig ng salita ng Panginoon.
And ye next Sabbath day came almost the whole citie together, to heare the worde of God.
45 Nang makita ng mga Judio ang maraming tao, napuno sila ng pagka-inggit at nagsalita laban sa mga bagay na ipinahayag ni Pablo at ininsulto siya.
But when the Iewes saw the people, they were full of enuie, and spake against those things, which were spoken of Paul, contrarying them, and railing on them.
46 Ngunit matapang na nagsalita sina Pablo at Bernabe at sinabi, “Kinakailangan muna na ang salita ng Diyos ay maibahagi sa inyo. Ngunit nakikita kong itinutulak ninyo ito palayo sa inyong sarili at itinuturing ang inyong sarili na hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, tingnan ninyo, pupunta kami sa mga Gentil. (aiōnios )
Then Paul and Barnabas spake boldly, and sayde, It was necessarie that the woorde of God shoulde first haue beene spoken vnto you: but seeing yee put it from you, and iudge your selues vnworthie of euerlasting life, loe, we turne to the Gentiles. (aiōnios )
47 Sapagkat iniutos sa amin ng Panginoon, na nagsasabi, 'Inilagay ko kayo bilang ilaw sa mga Gentil upang kayo ay magdala ng kaligtasan sa mga pinakadulong bahagi ng mundo.”'
For so hath the Lord commanded vs, saying, I haue made thee a light of the Gentiles, that thou shouldest be the saluation vnto the end of the world.
48 Nang narinig ito ng mga Gentil, nagalak sila at pinuri ang salita ng Panginoon. Nanampalataya ang mga naitalaga sa buhay na walang hanggan. (aiōnios )
And when the Gentiles heard it, they were glad, and glorified the woorde of the Lord: and as many as were ordeined vnto eternall life, beleeued. (aiōnios )
49 Lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong rehiyon.
Thus the worde of the Lord was published throughout the whole countrey.
50 Ngunit hinikayat ng mga Judio ang mga relihiyoso at mga mahahalagang babae, gayon din ang mga lalaking namumuno sa lungsod. Nagdulot ito ng matinding pag-uusig laban kina Pablo at Bernabe at itinaboy sila hanggang sa hangganan ng kanilang lungsod.
But the Iewes stirred certaine deuoute and honourable women, and the chiefe men of the citie, and raised persecution against Paul and Barnabas, and expelled them out of their coastes.
51 Ngunit ipinagpag nina Pablo at Bernabe ang alikabok mula sa kanilang mga paa laban sa kanila. Pumunta sila sa lungsod ng Iconio.
But they shooke off the dust of their feete against them, and came vnto Iconium.
52 At napuno ang mga alagad ng kagalakan at ng Banal na Espiritu.
And the disciples were filled with ioy, and with the holy Ghost.