< Mga Gawa 13 >

1 At ngayon sa kapulungan ng Antioquia, mayroong mga iilang propeta at mga guro. Sila ay sina Bernabe, Simeon (na tinatawag na Niger), Lucio na taga-Cirene, Manaen (kinakapatid na lalaki ni Herodes na Tetrarka) at Saul.
ⲁ̅ⲛⲉ ⲟⲩⲟⲛ ϩⲁⲛ⳿ⲡⲣⲟⲫⲏⲧⲏⲥ ⲇⲉ ⲛⲉⲙ ϩⲁⲛⲣⲉϥϯ⳿ⲥⲃⲱ ϧⲉⲛ ϯⲉⲕ⳿ⲕⲗⲏⲥⲓ⳿ⲁ ⳿ⲛⲧⲉ ⳿ⲧⲁⲛ ϯⲟⲭⲓ⳿ⲁ ⲃⲁⲣⲛⲁⲃⲁⲥ ⲛⲉⲙ Ⲥⲓⲙⲱⲛ ⲫⲏ⳿⳿ⲉⲧⲟⲩⲙⲟⲩϯ ⳿ⲉⲣⲟϥ ϫⲉ ⲛⲓⲕⲉⲣ ⲛⲉⲙ ⲗⲟⲩⲕⲓⲟⲥ ⲡⲓⲔⲩⲣⲓⲛⲛⲉⲟⲥ ⲛⲉⲙ ⲙⲁⲛⲁⲏⲡⲓ⳿ϣⲫⲏⲣ ⳿ⲛϣⲁⲛϣ ⳿ⲛⲧⲉ Ⲏ̇ⲣⲱⲇⲏⲥ ⲡⲓⲧⲉⲧⲣⲁⲁⲣⲭⲏⲥ ⲛⲉⲙ ⲥⲁⲩⲗⲟⲥ.
2 Habang sumasamba at nag-aayuno sila sa Diyos, sinabi ng Banal na Espiritu, “Ihiwalay ninyo para sa akin sina Bernabe at Saul, upang gawin ang gawain kung saan ko sila tinawag.”
ⲃ̅ⲉⲩϣⲉⲙϣⲓ ⲇⲉ ⳿ⲙⲠ⳪ ⲉⲩⲉⲣⲛⲏⲥⲧⲉⲩⲓⲛ ⲡⲉϫⲉ ⲡⲠⲓⲡ͞ⲛⲁ̅ ⲉⲑⲟⲩⲁⲃ ϫⲉ ⲫⲱⲣϫ ⲛⲏⲓ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ⳿ⲙⲃⲁⲣⲛⲁⲃⲁⲥ ⲛⲉⲙ ⲥⲁⲩⲗⲟⲥ ⳿ⲉⲡⲓϩⲱⲃ ⳿ⲉⲧⲁⲓⲑⲁϩⲙⲟⲩ ⳿ⲉⲣⲟϥ.
3 Pagkatapos na ang kapulungan ay mag-ayuno, manalangin at magpatong ng kanilang mga kamay sa mga lalaking ito, sila ay kanilang sinugo.
ⲅ̅ⲧⲟⲧⲉ ⳿ⲉⲧⲁⲩⲉⲣⲛⲏⲥⲧⲉⲩⲓⲛ ⲟⲩⲟϩ ⳿ⲉⲧⲁⲩⲧⲱⲃϩ ⲁⲩⲭⲁϫⲓϫ ⳿ⲡⲉϫⲱⲟⲩ ⲟⲩⲟϩ ⲁⲩⲭⲁⲩ ⳿ⲉⲃⲟⲗ.
4 Kaya sumunod sina Bernabe at Saul sa Banal na Espiritu at bumaba papuntang Seleucia; Mula doon ay naglayag sila papunta sa isla ng Sayprus.
ⲇ̅⳿ⲛⲑⲱⲟⲩ ⲙⲉⲛ ⲟⲩⲛ ⳿ⲉⲧⲁⲩⲟⲩⲟⲣⲡⲟⲩ ⳿ⲉⲃⲟⲗϩⲓⲧⲉⲛ ⲡⲠⲓⲡ͞ⲛⲁ̅ ⲉⲑⲟⲩⲁⲃ ⲁⲩ⳿ⲓ ⳿ⲉ⳿ϩⲣⲏⲓ ⳿ⲉⲥⲉⲗⲉⲩⲕⲓ⳿ⲁ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ⳿ⲙⲙⲁⲩ ⲁⲩⲉⲣϩⲱⲧ ⳿ⲉⲕⲩⲡⲣⲟⲥ.
5 Nang naroon na sila sa lungsod ng Salamina, ipinahayag nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio. Kasama din nila si Juan Marcos bilang kanilang katulong.
ⲉ̅ⲟⲩⲟϩ ⳿ⲉⲧⲁⲩ⳿ⲓ ⳿ⲉⲥⲁⲗⲁⲙⲓⲛⲏⲛⲁⲩϩⲓⲱⲓϣ ⳿ⲙⲡⲓⲥⲁϫⲓ ⳿ⲛⲧⲉ Ⲫϯ ϧⲉⲛ ⲛⲓⲥⲩⲛⲁⲅⲱⲅⲏ ⳿ⲛⲧⲉ ⲛⲓⲒⲟⲩⲇⲁⲓ ⲛⲁⲣⲉ ⳿ⲡⲕⲉⲒⲱⲁⲛⲛⲏⲥ ⲇⲉ ⲛⲉⲙⲱⲟⲩ ⲉϥⲟⲓ ⳿ⲛⲣⲉϥϣⲉⲙϣⲓ.
6 Nang makaalis sila sa buong isla hanggang Pafos, natagpuan nila ang isang salamangkero, isang bulaang propeta na Judio na nagngangalang Bar-Jesus.
ⲋ̅⳿ⲉⲧⲁⲩⲥⲉⲛ ϯⲛⲏⲥⲟⲥ ⲇⲉ ⲧⲏⲣⲥ ϣⲁ ⳿ⲉ⳿ϩⲣⲏⲓ ⳿ⲉⲡⲁⲫⲟⲩ ⲁⲩϫⲓⲙⲓ ⳿ⲛⲟⲩⲣⲱⲙⲓ ⳿ⲛⲁⲭⲱ ⳿ⲙⲯⲉⲇⲟ⳿ⲡⲣⲟⲫⲏⲧⲏⲥ ⳿ⲛⲓⲒⲟⲩⲇⲁⲓ ⳿ⲉⲡⲉϥⲣⲁⲛ ⲡⲉ ⲃⲁⲣⲓⲏⲥⲟⲩ.
7 May kaugnayan ang salamangkerong ito sa gobernador na si Sergio Paulo, na isang taong matalino. Pinatawag ng taong ito sina Bernabe at Saul, dahil ibig niyang marinig ang salita ng Diyos.
ⲍ̅ⲫⲁⲓ ⳿ⲉⲛⲁϥⲭⲏ ⲛⲉⲙ ⲡⲓ⳿ⲁⲛⲑⲩⲡⲁⲧⲟⲥ ⲥⲉⲣⲅⲓⲟⲥ ⲡⲁⲩⲗⲟⲥ ⲟⲩⲣⲱⲙⲓ ⳿ⲛⲕⲁⲧϩⲏ ⲧ ⲫⲁⲓ ⲇⲉ ⲁϥⲙⲟⲩϯ ⳿ⲉⲃⲁⲣⲛⲁⲃⲁⲥ ⲛⲉⲙ ⲥⲁⲩⲗⲟⲥ ⲛⲁϥⲕⲱϯ ⳿ⲉⲥⲱⲧⲉⲙ ⳿ⲉⲡⲓⲥⲁϫⲓ ⳿ⲛⲧⲉ ⲫϯ.
8 Ngunit kinalaban sila ni Elimas “ang salamangkero” (ganito isinalin ang kaniyang pangalan); tinangka niyang paikutin ang gobernador na mapalayo mula sa pananampalataya.
ⲏ̅ⲛⲁϥϯ ⲇⲉ ⳿ⲉϧⲟⲩⲛ ⳿ⲉ⳿ϩⲣⲁⲩ ⳿ⲛϫⲉ ⳿ⲉⲗⲩⲙⲁⲥ ⲡⲓⲁⲭⲱ ⳿ⲉϣⲁⲩⲟⲩⲁϩⲉⲙ ⲡⲉϥⲣⲁⲛ ⲅⲁⲣ ⳿ⲙⲡⲁⲓⲣⲏϯ ⲉϥⲕⲱϯ ⳿ⲛⲥⲁ ⲫⲉⲛϩ ⲡⲓ⳿ⲁⲛⲑⲩⲡⲁⲧⲟⲥ ⳿ⲉⲃⲟⲗϧⲉⲛ ⳿ⲫⲛⲁϩϯ.
9 Ngunit si Saulo, na tinatawag ding Pablo ay napuspos ng Banal na Espiritu. Tinitigan siya nito
ⲑ̅ⲥⲁⲩⲗⲟⲥ ⲇⲉ ⳿ⲉⲧⲉ ⲡⲁⲩⲗⲟⲥ ⲡⲉ ⳿ⲉⲧⲁϥⲙⲟϩ ⳿ⲉⲃⲟⲗϧⲉⲛ ⲡⲠⲓⲡ͞ⲛⲁ̅ ⲉⲑⲟⲩⲁⲃ.
10 at sinabi, “Ikaw na anak ng diyablo, punong-puno ka ng lahat ng uri ng pandaraya at kasamaan. Ikaw ay kaaway ng bawat katuwiran. Hindi ka ba talaga titigil sa pagbabaluktot sa mga tuwid na daan ng Diyos?
ⲓ̅ⲡⲉϫⲁϥ ⳿ⲱ ⲫⲏⲉⲑⲙⲉϩ ⳿ⲛ⳿ⲭⲣⲟϥ ⲛⲓⲃⲉⲛ ⲛⲉⲙ ⲡⲉⲧϩⲱⲟⲩ ⲛⲓⲃⲉⲛ ⳿ⲡϣⲏⲣⲓ ⳿ⲛⲧⲉ ⲡⲓⲇⲓ⳿ⲁⲃⲟⲗⲟⲥ ⲡⲓϫⲁϫⲓ ⳿ⲛⲧⲉ ⳿ⲑⲙⲏⲓ ⲛⲓⲃⲉⲛ ⳿ⲛ⳿ⲕⲭⲱ ⳿ⲛⲧⲟⲧⲕ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ⲁⲛ ⲉⲕⲫⲱⲛϩ ⳿ⲛⲛⲓⲙⲱⲓⲧ ⲉⲧⲥⲟⲩⲧⲱⲛ ⳿ⲛⲧⲉ Ⲡ⳪.
11 Ngayon tingnan mo, ang kamay ng Panginoon ay nasa iyo at ikaw ay mabubulag. Pansamantala mo munang hindi makikita ang araw.” At biglang nagdilim ang paningin ni Elimas, nagsimula siyang lumibot na humihiling sa mga tao na siya ay akayin sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.
ⲓ̅ⲁ̅ⲟⲩⲟϩ ϯⲛⲟⲩ ϩⲏⲡⲡⲉ ⲓⲥ ⳿ⲧϫⲓϫ ⳿ⲙⲠ⳪ ⲉⲥ⳿ⲉ⳿ⲓ ⳿ⲉ⳿ϩⲣⲏⲓ ⳿ⲉϫⲱⲕ ⲟⲩⲟϩ ⲉⲕ⳿ⲉϣⲱⲡⲓ ⲉⲕⲟⲓ ⳿ⲙⲃⲉⲗⲗⲉ ⳿ⲛ⳿ⲭⲛⲁⲩ ⳿ⲙ⳿ⲫⲣⲏⲁⲛ ϣⲁ ⲟⲩⲥⲏⲟⲩ ⲟⲩⲟϩ ⲥⲁⲧⲟⲧϥ ⲁϥ⳿ⲓ ⳿ⲉ⳿ϩⲣⲏⲓ ⳿ⲉϫⲱϥ ⳿ⲛϫⲉ ⲟⲩ⳿ϩⲗⲟⲗ ⲛⲉⲙ ⲟⲩⲭⲁⲕⲓ ⲛⲁϥⲕⲱϯ ⲉϥϣⲓⲛⲓ ⳿ⲛⲥⲁ ⲫⲏⲉⲑⲛⲁϯⲧⲟⲧϥ.
12 Pagkatapos na makita ng gobernador kung ano ang nangyari, siya ay naniwala, dahil namangha siya sa katuruan tungkol sa Panginoon.
ⲓ̅ⲃ̅ⲧⲟⲧⲉ ⳿ⲉⲧⲁϥⲛⲁⲩ ⳿ⲛϫⲉ ⲡⲓ⳿ⲁⲛⲑⲩⲡⲁⲧⲟⲥ ⳿ⲉⲫⲏ⳿ⲉⲧⲁϥϣⲱⲡⲓ ⲁϥⲛⲁϩϯ ⲁϥⲉⲣ⳿ϣⲫⲏⲣⲓ ⳿ⲉϫⲉⲛ ϯ⳿ⲥⲃⲱ ⳿ⲛⲧⲉ Ⲡ⳪.
13 Naglayag ngayon si Pablo at ang kaniyang mga kaibigan mula Pafos at dumating sa Perga ng Panfilia. Ngunit iniwan sila ni Juan at bumalik sa Jerusalem.
ⲓ̅ⲅ̅⳿ⲉⲧⲁⲩ⳿ⲓ ⲇⲉ ⳿ⲉⲃⲟⲗϧⲉⲛ ⲡⲁⲫⲟⲩ ⳿ⲛϫⲉ ⲛⲁ ⲡⲁⲩⲗⲟⲥ ⲛⲉⲙ ⲡⲁⲣⲛⲁⲃⲁⲥ ⲁⲩ⳿ⲓ ⳿ⲉⲡⲉⲣⲅⲏ⳿ⲛⲧⲉ ϯⲡⲁⲙⲫⲓⲗⲓ⳿ⲁ Ⲓⲱⲁⲛⲛⲏⲥ ⲇⲉ ⲁϥⲫⲱⲣϫ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ⳿ⲙⲙⲱⲟⲩ ⲁϥⲕⲟⲧϥ ⳿ⲉ⳿ϩⲣⲏⲓ ⳿ⲉⲒⲗ̅ⲏ̅ⲙ̅.
14 Naglakbay si Pablo at ang kaniyang mga kaibigan mula Perga at nakarating sa Antioquia ng Pisidia. Doon ay pumunta sila sa loob ng sinagoga sa Araw ng Pamamahinga at umupo.
ⲓ̅ⲇ̅⳿ⲛⲑⲱⲟⲩ ⲇⲉ ⳿ⲉⲧⲁⲩ⳿ⲓ ⳿ⲉⲃⲟⲗϧⲉⲛ ⲡⲉⲣⲅⲏⲁⲩ⳿ⲓ ⳿ⲉ⳿ⲧⲁⲛϯⲟⲭⲓ⳿ⲁ ⳿ⲛⲧⲉ ϯⲡⲓⲥⲓⲇⲓ⳿ⲁ ⲟⲩⲟϩ ⳿ⲉⲧⲁⲩ⳿ⲓ ⳿ⲉϯⲥⲩⲛⲁⲅⲱⲅⲏ ⳿ⲙⲡⲓ⳿ⲉϩⲟⲟⲩ ⳿ⲛⲧⲉ ⲛⲓⲥⲁⲃⲃⲁⲧⲟⲛ ⲁⲩϩⲉⲙⲥⲓ.
15 Nang matapos ang pagbabasa ng kautusan at ng mga propeta, nagbigay ang mga pinuno ng sinagoga ng mensahe sa kanila na sinasabi, “Mga kapatid, kung mayroon kayong mensahe ng pampalakas loob sa mga tao dito, sabihin ninyo ito.”
ⲓ̅ⲉ̅ⲙⲉⲛⲉⲛⲥⲁ ⲡⲓⲱϣ ⲇⲉ ⳿ⲛⲧⲉ ⲡⲓⲛⲟⲙⲟⲥ ⲛⲉⲙ ⲛⲓⲡⲣⲟⲫⲏⲧⲏⲥ ⲁⲩⲟⲩⲱⲣⲡ ⳿ⲛϫⲉ ⲛⲓⲁⲣⲭⲏⲥⲩⲛⲁⲅⲱⲅⲟⲥ ϩⲁⲣⲱⲟⲩ ⲉⲩϫⲱ ⳿ⲙⲙⲟⲥ ⲛⲓⲣⲱⲙⲓ ⲛⲉⲛ⳿ⲥⲛⲏⲟⲩ ⲫⲏ⳿ⲉⲧⲉ ⲟⲩⲟⲛ ⲟⲩⲥⲁϫⲓ ⳿ⲛⲛⲟⲙϯ ⲡⲉ ϧⲉⲛ ⲑⲏⲛⲟⲩ ϣⲁ ⲡⲓⲗⲁⲟⲥ ⳿ⲁϫⲟϥ.
16 Kaya tumayo si Pablo at sumenyas sa pamamagitan ng kaniyang kamay, sinabi niya, “Mga taga-Israel at kayo na gumagalang sa Diyos, makinig kayo.
ⲓ̅ⲋ̅⳿ⲉⲧⲁϥⲧⲱⲛϥ ⲇⲉ ⳿ⲛϫⲉ ⲡⲁⲩⲗⲟⲥ ⲟⲩⲟϩ ⳿ⲉⲧⲁϥϭⲱⲣⲉⲙ ⳿ⲛⲧⲉϥϫⲓϫ ⲡⲉϫⲁϥ ⲛⲓⲣⲱⲙⲓ ⲛⲓ⳿ⲥⲣⲁⲏⲗⲓⲧⲏⲥ ⲛⲉⲙ ⲛⲏ⳿ⲉⲧⲉⲣϩⲟϯ ϧⲉⲛ ⲑⲏⲛⲟⲩ ϧⲁ⳿ⲧϩⲏ ⳿ⲙⲪϯ ⲥⲱⲧⲉⲙ.
17 Ang Diyos ng mga taong ito sa Israel ang pumili sa ating mga ninuno at pinarami ang mga tao nang nanatili sila sa Egipto, at sa pamamagitan ng pagtaas ng kaniyang kamay ay pinangunahan niya sila na makalabas mula dito.
ⲓ̅ⲍ̅ⲫϯ ⳿ⲛⲧⲉ ⲡⲓⲗⲁⲟⲥ Ⲡⲓ̅ⲥ̅ⲗ̅ ⲁϥⲥⲱⲧⲡ ⳿ⲛⲛⲉⲛⲓⲟϯ ⲟⲩⲟϩ ⲁϥϭⲓⲥⲓ ⳿ⲙⲡⲓⲗⲁⲟⲥ ϧⲉⲛ ϯⲡⲁⲣⲟⲓⲕⲓ⳿ⲁ ϧⲉⲛ ⳿ⲡⲕⲁϩⲓ ⳿ⲛⲬⲏⲙⲓ ⲟⲩⲟϩ ϧⲉⲛ ⲟⲩϣⲱⲃϣ ⲉϥϭⲟⲥⲓ ⲁϥ⳿ⲉⲛⲟⲩ ⳿ⲉⲃⲟⲗ⳿ⲛⲏⲧϥ.
18 Sa halos apatnapung taon nagtiis siya na kasama nila sa ilang.
ⲓ̅ⲏ̅ⲟⲩⲟϩ ⲁϥϣⲁⲛⲟⲩϣⲟⲩ ⳿ⲛⲙ̅ ⳿ⲛⲣⲟⲙⲡⲓ ⳿ⲛⲥⲏⲟⲩ ϩⲓ ⳿ⲡϣⲁϥⲉ.
19 Pagkatapos niyang wasakin ang pitong bansa sa lupain ng Canaan, ipinagkaloob niya sa ating mga tao ang kanilang lupain bilang pamana.
ⲓ̅ⲑ̅ⲟⲩⲟϩ ⳿ⲉⲧⲁϥⲣⲱϧⲧ ⳿ⲛⲍ̅ ⳿ⲛ⳿ϣⲗⲱⲗ ϧⲉⲛ ⳿ⲡⲕⲁϩⲓ ⳿ⲛⲭⲁⲛⲁⲁⲛ ⲁϥ⳿ⲑⲣⲟⲩⲉⲣ⳿ⲕⲗⲏⲣⲟⲛⲟⲙⲓⲛ ⳿ⲙⲡⲟⲩⲕⲁϩⲓ.
20 Naganap ang lahat ng pangyayaring ito sa loob ng apat na raan at limampung taon. Matapos ang lahat ng bagay na ito, binigyan sila ng Diyos ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.
ⲕ̅⳿ⲛⲩ̅ ⳿ⲛⲣⲟⲙⲡⲓ ⲟⲩⲟϩ ⲙⲉⲛⲉⲛⲥⲁ ⲛⲁⲓ ⲁϥϯ ⳿ⲛϩⲁⲛ⳿ⲕⲣⲓⲧⲏⲥ ϣⲁ ⲥ⳿ⲁⲙⲟⲩⲏⲗ ⲡⲓ⳿ⲡⲣⲟⲫⲏⲧⲏⲥ.
21 Pagkatapos nito, humingi ang mga tao ng isang hari, kaya ibinigay ng Diyos sa kanila si Saul na anak ni Cis, isang lalaki mula sa lipi ni Benjamin sa loob ng apatnapung taon.
ⲕ̅ⲁ̅ⲟⲩⲟϩ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ⳿ⲙⲙⲁⲩ ⲁⲩⲉⲣ⳿ⲉⲧⲓⲛ ⳿ⲛⲟⲩⲟⲩⲣⲟ ⲟⲩⲟϩ ⲁϥϯ ⲛⲱⲟⲩ ⳿ⲛϫⲉ Ⲫϯ ⳿ⲛⲥⲁⲟⲩⲗ ⳿ⲡϣⲏⲣⲓ ⳿ⲛⲕⲓⲥ ⲟⲩⲣⲱⲙⲓ ⳿ⲉⲃⲟⲗϧⲉⲛ ⳿ⲧⲫⲩⲗⲏ⳿ⲙⲃⲉⲛⲓ⳿ⲁⲙⲓⲛ ⳿ⲛⲙ̅ ⳿ⲛⲣⲟⲙⲡⲓ.
22 Nang matapos siyang alisin ng Diyos sa pagiging hari, hinirang niya si David upang maging kanilang hari. Sinabi ito ng Diyos tungkol kay David, 'Natagpuan ko si David na anak ni Jesse isang lalaking malapit sa aking puso, gagawin niya ang lahat ng aking naisin.'
ⲕ̅ⲃ̅ⲟⲩⲟϩ ⳿ⲉⲧⲁϥⲟⲩⲟⲑⲃⲉϥ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ⲁϥⲧⲟⲩⲛⲟⲥ Ⲇⲁⲩⲓⲇ ⲛⲱⲟⲩ ⳿ⲛⲟⲩⲣⲟ ⲫⲁⲓ ⳿ⲉⲧⲁϥⲉⲣⲙⲉⲑⲣⲉ ⲉⲑⲃⲏⲧϥ ⳿ⲉⲁϥϫⲟⲥ ϫⲉ ⲁⲓϫⲓⲙⲓ ⳿ⲛⲆⲁⲩⲓⲇ ⳿ⲡϣⲏⲣⲓ ⳿ⲛⲓⲉⲥⲥⲉ ⲟⲩⲣⲱⲙⲓ ⲕⲁⲧⲁ ⲡⲁϩⲏⲧ ⲫⲁⲓ ⲉⲑⲛⲁ⳿⳿ⲓⲣⲓ ⳿ⲛϩⲱⲃ ⲛⲓⲃⲉⲛ ⳿ⲉⲧⲉϩⲛⲏⲓ.
23 Mula sa kaapu-apuhan ng lalaking ito ay dinala ng Diyos sa Israel ang isang tagapagligtas na si Jesus, katulad ng kaniyang ipinangakong gagawin.
ⲕ̅ⲅ̅ⲟⲩⲟϩ ⳿ⲉⲃⲟⲗϧⲉⲛ ⳿ⲡ⳿ϫⲣⲟϫ ⳿ⲙⲫⲁⲓ ⳿ⲁ Ⲫϯ ⲕⲁⲧⲁ ⲟⲩⲱϣ ⲁϥ⳿ⲓⲛⲓ ⳿ⲙⲠⲓ̅ⲥ̅ⲗ̅ ⳿ⲛⲟⲩⲥⲱⲧⲏⲣ Ⲓⲏ̅ⲥ̅.
24 Nagsimula itong mangyari bago dumating si Jesus, unang ipinahayag ni Juan ang bautismo ng pagsisisi sa lahat ng tao sa Israel.
ⲕ̅ⲇ̅⳿ⲉⲁϥⲉⲣϣⲟⲣⲡ ⳿ⲛϩⲓⲱⲓϣ ϧⲁϫⲉⲛ ⲡⲉϥⲙⲱⲓⲧ ⳿ⲉϧⲟⲩⲛ ⳿ⲛϫⲉ Ⲓⲱⲁⲛⲛⲏⲥ ⳿ⲛⲟⲩⲱⲙⲥ ⳿ⲙⲙⲉⲧⲁⲛⲟⲓ⳿ⲁ ⳿ⲙⲡⲓⲗⲁⲟⲥ ⲧⲏⲣϥ ⳿ⲛⲧⲉ Ⲡⲓ̅ⲥ̅ⲗ̅.
25 At nang matatapos na ni Juan ang kaniyang gawain, sinabi niya 'Sino ba ako sa akala ninyo? Ako ay hindi siya. Ngunit makinig kayo, may isang darating na kasunod ko, hindi man lang ako karapat-dapat na magtanggal ng kaniyang sandalyas.'
ⲕ̅ⲉ̅ⲉⲧⲁ Ⲓⲱⲁⲛⲛⲏⲥ ⲇⲉ ϫⲱⲕ ⳿ⲙⲡⲉϥ⳿ⲇⲣⲟⲙⲟⲥ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ⲛⲁϥⲭⲱ ⳿ⲙⲙⲟⲥ ϫⲉ ⳿ⲁⲣⲉⲧⲉⲛⲙⲉⲩⲓ ϫⲉ ⳿ⲁⲛⲟⲕ ⲛⲓⲙ ⳿ⲁⲛⲟⲕ ⲅⲁⲣ ⲁⲛ ⲡⲉ ⲁⲗⲗⲁ ϩⲏⲡⲡⲉ ⲉϥⲛⲏⲟⲩ ⲙ⳿ⲉⲛⲉⲛⲥⲱⲓ ⳿ⲛϫⲉ ⲫⲏ⳿ⲉⲧⲉ⳿ⲛϯ⳿ⲙ⳿ⲡϣⲁ ⲁⲛ ⳿ⲉϯⲟⲩ⳿ⲱ ⳿ⲙⲡⲓⲑⲱⲟⲩ⳿ⲓ ⳿ⲛⲧⲉ ⲛⲉϥϭⲁⲗⲁⲩϫ.
26 Mga kapatid, mga anak na mula sa lipi ni Abraham at ang mga kasama ninyo na sumasamba sa Diyos, ito ay para sa atin kaya ipinadala ang mensaheng ito tungkol sa kaligtasan.
ⲕ̅ⲋ̅ⲛⲓⲣⲱⲙⲓ ⲛⲉⲛ⳿ⲥⲛⲏⲟⲩ ⲛⲓϣⲏⲣⲓ ⳿ⲛⲧⲉ ⳿ⲡⲅⲉⲛⲟⲥ ⳿ⲛⲀⲃⲣⲁⲁⲙ ⲟⲩⲟϩ ⲛⲏ⳿ⲉⲧⲉⲣϩⲟϯ ϧⲉⲛ ⲑⲏⲛⲟⲩ ϧⲁ⳿ⲧϩⲏ ⳿ⲙⲪϯ ⳿ⲉⲧⲁⲩⲟⲩⲱⲣⲡ ⲛⲱⲧⲉⲛ ⳿ⲙⲡⲓⲥⲁϫⲓ ⳿ⲛⲧⲉ ⲡⲁⲓⲟⲩϫⲁⲓ ⲫⲁⲓ.
27 Para sa kanila na taga-Jerusalem, at sa kanilang mga pinuno, na hindi totoong nakakakilala sa kaniya, ni hindi talaga nila nauunawaan ang tinig ng mga propeta habang binabasa tuwing Araw ng Pamamahinga; kaya natupad nila ang mga mensahe ng mga propeta sa pamamagitan ng paghatol kay Jesus sa kamatayan.
ⲕ̅ⲍ̅ⲛⲏⲅⲁⲣ ⲉⲧϣⲟⲡ ϧⲉⲛ Ⲓⲗ̅ⲏ̅ⲙ̅ ⲛⲉⲙ ⲛⲟⲩⲕⲉⲁⲣⲭⲱⲛ ⲫⲁⲓ ⲁⲩⲉⲣⲁⲧ⳿ⲉⲙⲓ ⳿ⲉⲣⲟϥ ⲛⲉⲙ ⲛⲓⲕⲉ⳿ⲥⲙⲏ ⳿ⲛⲧⲉ ⲛⲓⲡⲣⲟⲫⲏⲧⲏⲥ ⲛⲁⲓ ⲉⲧⲟⲩⲱϣ ⳿ⲙⲙⲱⲟⲩ ⲕⲁⲧⲁ ⲥⲁⲃⲃⲁⲧⲟⲛ ⲛⲓⲃⲉⲛ ⳿ⲉⲁⲩϯϩⲁⲡ ⳿ⲉⲁⲩϫⲟⲕⲟⲩ ⳿ⲉⲃⲟⲗ.
28 Kahit pa wala silang natagpuang dahilan upang patayin siya, hiniling nila kay Pilato na siya ay patayin.
ⲕ̅ⲏ̅ⲟⲩⲟϩ ⳿ⲉⲧⲉ⳿ⲙⲡⲟⲩϫⲉⲙ ⳿ϩⲗⲓ ⳿ⲛⲗⲱⲓϫⲓ ⳿ⲛⲧⲉ ⳿ⲫⲙⲟⲩ ⳿ⲛϧⲏⲧϥ ⲁⲩⲉⲣ⳿ⲉⲧⲓⲛ ⳿ⲙⲠⲓⲗⲁⲧⲟⲥ ⳿ⲉϧⲟⲑⲃⲉϥ.
29 At nang natupad na nilang lahat ang mga bagay na isinulat tungkol sa kaniya, siya ay kanilang ibinaba mula sa puno at inihiga sa isang libingan.
ⲕ̅ⲑ̅⳿ⲉⲧⲁⲩϫⲱⲕ ⲇⲉ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ⳿ⲛϩⲱⲃ ⲛⲓⲃⲉⲛ ⲉⲧ⳿ⲥϧⲏⲟⲩⲧ ⲉⲑⲃⲏⲧϥ ⲁⲩⲭⲁϥ ⳿ⲉⲡⲉⲥⲏⲧ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ϩⲓϫⲉⲛ ⲡⲓϣⲉ ⲁⲩⲭⲁϥ ⳿ⲛϧⲟⲩⲛ ϧⲉⲛ ⲟⲩ⳿ⲙϩⲁⲩ.
30 Ngunit binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay.
ⲗ̅ⲫϯ ⲇⲉ ⲁϥⲧⲟⲩⲛⲟⲥϥ ⳿ⲉⲃⲟⲗϧⲉⲛ ⲛⲏⲉⲑⲙⲱⲟⲩⲧ.
31 Nakita siya sa loob ng maraming araw ng mga sumama sa kaniya mula Galilea hanggang Jerusalem. Ang mga taong ito ang naging mga saksi niya ngayon sa mga tao.
ⲗ̅ⲁ̅ⲫⲁⲓ ⳿ⲉⲧⲁϥⲟⲩⲟⲛϩϥ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ⳿ⲛⲟⲩⲙⲏϣ ⳿ⲛ⳿ⲉϩⲟⲟⲩ ⳿ⲛⲛⲏ⳿ⲉⲧⲁⲩ⳿ⲓ ⲛⲉⲙⲁϥ ⳿ⲉⲃⲟⲗϧⲉⲛ ϯⲄⲁⲗⲓⲗⲉ⳿ⲁ ⳿ⲉ⳿ϩⲣⲏⲓ ⳿ⲉⲒⲗ̅ⲏ̅ⲙ̅ ⲛⲁⲓ ϯⲛⲟⲩ ⲉⲧⲟⲓ ⳿ⲙⲙⲉⲑⲣⲉ ⲛⲁϥ ϣⲁ ⲡⲓⲗⲁⲟⲥ.
32 Kaya dala namin sa inyo ang magandang balita tungkol sa mga pangakong ibinigay sa ating mga ninuno.
ⲗ̅ⲃ̅ⲟⲩⲟϩ ⳿ⲁⲛⲟⲛ ⲧⲉⲛϩⲓϣⲉⲛⲛⲟⲩϥⲓ ⲛⲱⲧⲉⲛ ⳿ⲙⲡⲓⲱϣ ⳿ⲉⲧⲁϥϣⲱⲡⲓ ϧⲉⲛ ⲛⲓⲓⲟϯ.
33 Iningatan ng Diyos ang mga pangakong ito sa atin na kanilang mga anak, na kung saan binuhay niya si Jesus mula sa mga patay. Ito din ang naisulat sa ikalawang awit: 'Ikaw ang aking Anak, at ngayon ako ay iyong magiging Ama.'
ⲗ̅ⲅ̅ϫⲉ ⲫⲁⲓ ⳿ⲁ Ⲫϯ ϫⲟⲕϥ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ⳿ⲛⲛⲓϣⲏⲣⲓ ⳿ⲉⲧⲁϥⲧⲟⲩⲛⲟⲥ Ⲓⲏ̅ⲥ̅ ⳿ⲙ⳿ⲫⲣⲏϯ ⲉⲧ⳿ⲥϧⲏⲟⲩⲧ ϧⲉⲛ ⲡⲓⲙⲁϩⲃ̅ ⳿ⲙⲯⲁⲗⲙⲟⲥ ϫⲉ ⳿ⲛⲑⲟⲕ ⲡⲉ ⲡⲁϣⲏⲣⲓ ⳿ⲁⲛⲟⲕ ⲁⲓ⳿ϫⲫⲟⲕ ⳿ⲙⲫⲟⲟⲩ.
34 Tungkol din naman sa katotohanang binuhay siya mula sa mga patay upang hindi mabulok ang kaniyang katawan, nagsalita siya ng katulad nito: 'Ipagkakaloob ko saiyo ang banal at maaasahang mga pagpapala ni David.'
ⲗ̅ⲇ̅ⲟⲧⲓ ⲇⲉ ϫⲉ ⲁϥⲧⲟⲩⲛⲟⲥϥ ⳿ⲉⲃⲟⲗϧⲉⲛ ⲛⲏⲉⲑⲙⲱⲟⲩⲧ ⳿ϥⲛⲁⲧⲁⲥⲑⲟ ⲁⲛ ϫⲉ ⳿ⲉ⳿ⲡⲧⲁⲕⲟ ⲁϥϫⲟⲥ ⳿ⲙⲡⲁⲓⲣⲏϯ ϫⲉ ⲉⲓ⳿ⲉϯ ⲛⲱⲧⲉⲛ ⳿ⲛⲛⲏⲉⲑⲟⲩⲁⲃ ⳿ⲛⲧⲉ Ⲇⲁⲩⲓⲇ ⳿ⲉⲧⲉⲛϩⲟⲧ.
35 Ito rin ay kung bakit niya sinabi sa iba pang awit, 'Hindi mo pahihintulutan na makitang mabulok ang iyong Nag-iisang Banal.'
ⲗ̅ⲉ̅ⲉⲑⲃⲉ ⲫⲁⲓ ⲟⲛ ⳿ϥϫⲱ ⳿ⲙⲙⲟⲥ ϧⲉⲛ ⲕⲉⲙⲁ ϫⲉ ⳿ⲛⲛⲉⲕϯ ⳿ⲙⲡⲉⲑⲟⲩⲁⲃ ⳿ⲛⲧⲁⲕ ⳿ⲉⲛⲁⲩ ⳿ⲉ⳿ⲡⲧⲁⲕⲟ.
36 Nang matapos paglingkuran ni David ang kaniyang sariling salinlahi sa mga nais ng Diyos, nakatulog siya, kasama nang kaniyang mga ama, at nabulok,
ⲗ̅ⲋ̅Ⲇⲁⲩⲓⲇ ⲙⲉⲛ ⲅⲁⲣ ⳿ⲛ⳿ϧⲣⲏⲓ ϧⲉⲛ ⲧⲉϥⲅ⳿ⲉⲛⲉ⳿ⲁ ⲛⲁϥϣⲉⲙϣⲓ ⳿ⲙⲡⲓⲥⲟϭⲛⲓ ⳿ⲛⲧⲉ Ⲫϯ ⲁϥⲉⲛⲕⲟⲧ ⲟⲩⲟϩ ⲁⲩⲭⲁϥ ϧⲁⲧⲉⲛ ⲛⲉϥⲓⲟϯ ⲟⲩⲟϩ ⲁϥⲛⲁⲩ ⳿ⲉ⳿ⲡⲧⲁⲕⲟ.
37 ngunit siya na binuhay ng Diyos ay hindi nabulok.
ⲗ̅ⲍ̅ⲫⲏ ⲇⲉ ⳿ⲉⲧⲁ Ⲫϯ ⲧⲟⲩⲛⲟⲥϥ ⳿ⲙⲡⲉϥⲛⲁⲩ ⳿ⲉ⳿ⲡⲧⲁⲕⲟ.
38 Kaya dapat ninyo itong malaman, mga kapatid, na sa pamamagitan ng taong ito ay naipahahayag sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan.
ⲗ̅ⲏ̅ⲙⲁⲣⲉ ⲡⲓϩⲱⲃ ⲟⲩⲛ ⲟⲩⲱⲛϩ ⳿ⲉⲣⲱⲧⲉⲛ ⲛⲓⲣⲱⲙⲓ ⲛⲉⲛ⳿ⲥⲛⲏⲟⲩ ϫⲉ ⳿ⲉⲃⲟⲗϩⲓⲧⲉⲛ ⲫⲁⲓ ⲥⲉϩⲓⲱⲓϣ ⲛⲱⲧⲉⲛ ⳿ⲙ⳿ⲡⲭⲱ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ⳿ⲛⲧⲉ ⲛⲉⲧⲉⲛⲛⲟⲃⲓ ⲛⲉⲙ ⳿ⲉⲃⲟⲗϩⲁ ⲛⲏⲧⲏⲣⲟⲩ ⳿ⲉⲧⲉ⳿ⲙⲡⲉⲧⲉⲛ⳿ϣϫⲉⲙϫⲟⲙ ⳿ⲉⲑⲁⲙⲓⲟ ⳿ⲛϧⲏⲧⲟⲩ ϧⲉⲛ ⳿ⲫⲛⲟⲙⲟⲥ ⳿ⲙⲘⲱ⳿ⲩⲥⲏⲥ.
39 Sa pamamagitan niya ang bawat isang mananampalataya ay pinawalang-sala mula sa lahat ng bagay na hindi kayang maipawalang-sala sa inyo sa kautusan ni Moises.
ⲗ̅ⲑ̅ϧⲉⲛ ⲫⲁⲓ ⲇⲉ ⳿ⲛⲑⲟϥ ⲟⲩⲟⲛ ⲛⲓⲃⲉⲛ ⲉⲑⲛⲁϩϯ ⲥⲉⲛⲁ⳿ⲑⲙⲁⲓⲟϥ.
40 Kaya't mag-ingat kayo na hindi mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta:
ⲙ̅⳿ⲁⲛⲁⲩ ⲟⲩⲛ ⲙⲏ ⲡⲱⲥ ⳿ⲛⲧⲉϥ⳿ⲓ ⳿ⲉϫⲉⲛ ⲑⲏⲛⲟⲩ ⳿ⲛϫⲉ ⲫⲏ⳿ⲉⲧⲁϥϫⲟϥ ϧⲉⲛ ⲛⲓⲡⲣⲟⲫⲏⲧⲏⲥ.
41 'Tingnan ninyo, mga mapang-alipusta, at mamangha kayo at saka mamamatay sapagkat isasagawa ko ang gawain sa inyong mga araw, isang gawaing hindi ninyo paniniwalaan kailanman, kahit pa mayroong maghayag nito sa inyo.'''
ⲙ̅ⲁ̅ϫⲉ ⳿ⲁⲛⲁⲩ ⲛⲓⲕⲁⲧⲁ⳿ⲫⲣⲟⲛⲓⲧⲏⲥ ⲟⲩⲟϩ ⳿ⲁⲣⲓ⳿ϣⲫⲏⲣⲓ ⲟⲩⲟϩ ⲙⲁⲕⲉⲧ ⲑⲏⲛⲟⲩ ϫⲉ ϯⲛⲁ⳿⳿ⲓⲣⲓ ⳿ⲛⲟⲩϩⲱⲃ ϧⲉⲛ ⲛⲉⲧⲉⲛ⳿ⲉϩⲟⲟⲩ ⲟⲩϩⲱⲃ ⳿ⲛⲧⲉⲧⲉⲛⲛⲁϩϯ ⳿ⲉⲣⲟϥ ⲁⲛ ⳿ⲉϣⲱⲡ ⳿ⲁⲣⲉϣⲁⲛ ⲟⲩⲁⲓ ⲫ⳿⳿ⲓⲣⲓ ϧⲁⲧⲉⲛ ⲑⲏⲛⲟⲩ.
42 Habang paalis na sina Pablo at Bernabe, nagmakaawa sa kanila ang mga tao kung maaari nilang sabihin muli ang katulad na mensahe sa susunod na Araw ng Pamamahinga.
ⲙ̅ⲃ̅ⲉⲩⲛⲏⲟⲩ ⲇⲉ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ⲛⲁⲩⲉⲣ⳿ⲁⲝⲓⲟⲓⲛ ϩⲓⲛⲁ ⳿ⲛⲥⲉⲥⲁϫⲓ ϧⲉⲛ ⲡⲓⲕⲉⲥⲁⲃⲃⲁⲧⲟⲛ ⲉⲑⲛⲏⲟⲩ.
43 Nang matapos na ang pagpupulong sa sinagoga, marami sa mga Judio at mga taong nagbago ng paniniwala ang sumunod kina Pablo at Bernabe, na nagsalita sa kanila at nanghikayat na magpatuloy sa biyaya ng Diyos.
ⲙ̅ⲅ̅ⲉⲧⲁⲥⲃⲱⲗ ⲇⲉ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ⳿ⲛϫⲉ ϯⲥⲩⲛⲁⲅⲱⲅⲏ ⲁⲩⲙⲟϣⲓ ⳿ⲛⲥⲁ ⲡⲁⲩⲗⲟⲥ ⲛⲉⲙ ⲃⲁⲣⲛⲁⲃⲁⲥ ⳿ⲛϫⲉ ⲟⲩⲙⲏϣ ⳿ⲛⲧⲉ ⲛⲓⲒⲟⲩⲇⲁⲓ ⲛⲉⲙ ⲛⲏ⳿ⲉⲧⲉⲣⲥⲉⲃⲉⲥⲑⲉ ϧⲉⲛ ⲛⲓϣⲉⲙⲙⲱⲟⲩ ⲉⲩⲑⲱⲧ ⳿ⲙⲡⲟⲩϩⲏⲧ ⲉⲑⲣⲟⲩϣⲱⲡⲓ ϧⲉⲛ ⲡⲓ⳿ϩⲙⲟⲧ ⳿ⲛⲧⲉ ⲫϯ.
44 Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos ang buong lungsod ay nagsama-samang nagkatipon upang makinig ng salita ng Panginoon.
ⲙ̅ⲇ̅⳿ⲛ⳿ϧⲣⲏⲓ ⲇⲉ ϧⲉⲛ ⲡⲓⲕⲉⲥⲁⲃⲃⲁⲧⲟⲛ ⲉⲑⲛⲏⲟⲩ ⳿ⲥⲭⲉⲇⲟⲛ ⳿ⲁ ϯⲡⲟⲗⲓⲥ ⲧⲏⲣⲥ ⲑⲱⲟⲩϯ ⳿ⲉⲥⲱⲧⲉⲙ ⳿ⲉⲡⲓⲥⲁϫⲓ ⳿ⲛⲧⲉ ⲫϯ.
45 Nang makita ng mga Judio ang maraming tao, napuno sila ng pagka-inggit at nagsalita laban sa mga bagay na ipinahayag ni Pablo at ininsulto siya.
ⲙ̅ⲉ̅⳿ⲉⲧⲁⲩⲛⲁⲩ ⲇⲉ ⳿ⲛϫⲉ ⲛⲓⲒⲟⲩⲇⲁⲓ ⳿ⲉⲛⲓⲙⲏϣ ⲁⲩⲙⲟϩ ⳿ⲛⲭⲟϩ ⲟⲩⲟϩ ⲛⲁⲩϯ ⳿ⲉϧⲟⲩⲛ ⳿ⲉ⳿ϩⲣⲉⲛ ⲛⲏ⳿ⲉⲛⲁⲣⲉ ⲡⲁⲩⲗⲟⲥ ϫⲱ ⳿ⲙⲙⲱⲟⲩ ⲉⲩϫⲉⲟⲩ⳿ⲁ.
46 Ngunit matapang na nagsalita sina Pablo at Bernabe at sinabi, “Kinakailangan muna na ang salita ng Diyos ay maibahagi sa inyo. Ngunit nakikita kong itinutulak ninyo ito palayo sa inyong sarili at itinuturing ang inyong sarili na hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, tingnan ninyo, pupunta kami sa mga Gentil. (aiōnios g166)
ⲙ̅ⲋ̅⳿ⲉⲧⲁⲩⲟⲩⲟⲛϩⲟⲩ ⲇⲉ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ⳿ⲛϫⲉ ⲡⲁⲩⲗⲟⲥ ⲛⲉⲙ ⲃⲁⲣⲛⲁⲃⲁⲥ ⲡⲉϫⲱⲟⲩ ϫⲉ ⲛⲉ ⲟⲩⲁⲛⲁⲅⲕⲉⲟⲛ ⲡⲉ ⳿ⲉⲥⲁϫⲓ ⲛⲉⲙⲱⲧⲉⲛ ⳿ⲛϣⲟⲣⲡ ⳿ⲙⲡⲓⲥⲁϫⲓ ⳿ⲛⲧⲉ Ⲫϯ ⲉⲡⲓⲇⲏⲧⲉⲧⲉⲛϩⲓⲟⲩ⳿ⲓ ⳿ⲙⲙⲟϥ ⲥⲁⲃⲟⲗ ⳿ⲙⲙⲱⲧⲉⲛ ⲟⲩⲟϩ ⲧⲉⲧⲉⲛⲱⲡ ⳿ⲙⲙⲱⲧⲉⲛ ⲁⲛ ⳿ⲉⲉⲣ⳿ⲡⲉⲙ⳿ⲡϣⲁ ⳿ⲙⲡⲓⲱⲛϧ ⳿ⲛ⳿⳿ⲉⲛⲉϩ ϩⲏⲡⲡⲉ ⲧⲉⲛⲛⲁⲕⲟⲧⲧⲉⲛ ⳿ⲉⲛⲓⲉⲑⲛⲟⲥ. (aiōnios g166)
47 Sapagkat iniutos sa amin ng Panginoon, na nagsasabi, 'Inilagay ko kayo bilang ilaw sa mga Gentil upang kayo ay magdala ng kaligtasan sa mga pinakadulong bahagi ng mundo.”'
ⲙ̅ⲍ̅ⲫⲁⲓ ⲅⲁⲣ ⲡⲉ ⳿ⲙⲫⲣⲏϯ ⳿ⲉⲧⲁϥϩⲟⲛϩⲉⲛ ⳿ⲉⲧⲟⲧⲉⲛ ⳿ⲛϫⲉ Ⲡ⳪ ϫⲉ ⲁⲓⲭⲁⲕ ⲉⲩⲟⲩⲱⲓⲛⲓ ⳿ⲛⲧⲉ ⲛⲓⲉⲑⲛⲟⲥ ⲉⲑⲣⲉⲕϣⲱⲡⲓ ⲉⲩⲟⲩϫⲁⲓ ϣⲁ ⲁⲩⲣⲏϫϥ ⳿ⲙ⳿ⲡⲕⲁϩⲓ.
48 Nang narinig ito ng mga Gentil, nagalak sila at pinuri ang salita ng Panginoon. Nanampalataya ang mga naitalaga sa buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
ⲙ̅ⲏ̅⳿ⲉⲧⲁⲩⲥⲱⲧⲉⲙ ⲇⲉ ⳿ⲛϫⲉ ⲛⲓⲉⲑⲛⲟⲥ ⲁⲩⲣⲁϣⲓ ⲟⲩⲟϩ ⲛⲁⲩϯ⳿ⲱⲟⲩ ⳿ⲙⲡⲓⲥⲁϫⲓ ⳿ⲛⲧⲉ Ⲫϯ ⲟⲩⲟϩ ⲁⲩⲛⲁϩϯ ⳿ⲛϫⲉ ⲛⲏⲧⲏⲣⲟⲩ ⲉⲧⲑⲏϣ ⳿ⲉⲡⲓⲱⲛϧ ⳿ⲛ⳿⳿ⲉⲛⲉϩ. (aiōnios g166)
49 Lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong rehiyon.
ⲙ̅ⲑ̅ⲛⲁⲩⲕⲱϯ ⲇⲉ ⲛⲉⲙ ⲡⲓⲥⲁϫⲓ ⳿ⲛⲧⲉ Ⲡ⳪ ϧⲉⲛ ϯⲭⲱⲣⲁ ⲧⲏⲣⲥ.
50 Ngunit hinikayat ng mga Judio ang mga relihiyoso at mga mahahalagang babae, gayon din ang mga lalaking namumuno sa lungsod. Nagdulot ito ng matinding pag-uusig laban kina Pablo at Bernabe at itinaboy sila hanggang sa hangganan ng kanilang lungsod.
ⲛ̅ⲛⲓⲒⲟⲩⲇⲁⲓ ⲇⲉ ⲛⲁⲩϣⲟⲡϣⲉⲡ ⳿ⲛⲛⲓϩⲓ⳿ⲟⲙⲓ ⳿ⲉⲧⲉⲣⲥⲉⲃⲉⲥⲑⲉ ⲛⲉⲙ ⲛⲓⲉⲩⲥⲭⲏⲙⲱⲛ ⲛⲉⲙ ⲛⲓϩⲟⲩⲁϯ ⳿ⲛⲧⲉ ϯⲡⲟⲗⲓⲥ ⲟⲩⲟϩ ⲁⲩⲧⲟⲩⲛⲟⲥ ⲟⲩⲇⲓⲱⲅⲙⲟⲥ ⳿ⲉ⳿ϩⲣⲏⲓ ⳿ⲉϫⲉⲛ ⲡⲁⲩⲗⲟⲥ ⲛⲉⲙ ⲃⲁⲣⲛⲁⲃⲁⲥ ⲟⲩⲟϩ ⲁⲩϩⲓⲧⲟⲩ ⲥⲁⲃⲟⲗ ⳿ⲛⲛⲟⲩⲑⲱϣ.
51 Ngunit ipinagpag nina Pablo at Bernabe ang alikabok mula sa kanilang mga paa laban sa kanila. Pumunta sila sa lungsod ng Iconio.
ⲛ̅ⲁ̅⳿ⲛⲑⲱⲟⲩ ⲇⲉ ⲁⲩⲛⲉϩ ⳿ⲡϣⲱⲓϣ ⳿ⲛⲛⲟⲩ ϭⲁⲗⲁⲩϫ ⳿ⲉⲃⲟⲗ ⳿ⲉ⳿ϩⲣⲏⲓ ⳿ⲡⲉϫⲱⲟⲩ ⲁⲩ⳿ⲓ ⳿ⲉ⳿ϩⲣⲏⲓ ⳿ⲉⲓⲕⲟⲛⲓⲟⲛ.
52 At napuno ang mga alagad ng kagalakan at ng Banal na Espiritu.
ⲛ̅ⲃ̅ⲛⲓⲙⲁⲑⲏⲧⲏⲥ ⲇⲉ ⲛⲁⲩⲙⲉϩ ⳿ⲛⲣⲁϣⲓ ⲛⲉⲙ ⲡⲠⲓⲡ͞ⲛⲁ̅ ⲉⲑⲟⲩⲁⲃ.

< Mga Gawa 13 >