< Mga Gawa 12 >

1 Nang panahong ding iyon, pinagbuhatan ng kamay ni haring Herodes ang ilan sa kapulungan, upang abusuhin sila.
Paa den Tid lagde Kong Herodes Haand paa nogle af Menigheden for at mishandle dem,
2 Pinatay niya si Santiago na kapatid ni Juan sa pamamagitan ng espada.
og Jakob, Johannes's Broder, lod han henrette med Sværd.
3 Nang makita niya na nalugod ang mga Judio, ipinadakip din niya si Pedro. Ito ay sa panahon ng mga tinapay na walang lebadura.
Og da han saa, at det behagede Jøderne, gik han videre og lod ogsaa Peter gribe. Det var de usyrede Brøds Dage.
4 Pagkatapos siyang dakipin, ipinabilanggo siya at nagtalaga ng apat na pangkat ng mga sundalo upang siya ay bantayan; binabalak niyang iharap si Pedro sa mga tao pagkatapos ng Paskwa.
Og da han havde grebet ham, satte han ham i Fængsel og overgav ham til at bevogtes af fire Vagtskifter, hvert paa fire Stridsmænd, da han efter Paasken vilde føre ham frem for Folket.
5 Kaya nanatili si Pedro sa kulungan, ngunit ang kapulungan ay masigasig na nanalangin sa Diyos para sa kaniya.
Saa blev da Peter bevogtet i Fængselet; men der blev af Menigheden holdt inderlig Bøn til Gud for ham.
6 Nang araw bago siya ilabas ni Herodes, nang gabing iyon, natutulog si Pedro sa pagitan ng dalawang kawal, gapos ng dalawang mga tanikala at nagbabantay ang mga bantay sa harap ng pintuan ng bilangguan.
Men da Herodes vilde til at føre ham frem, sov Peter den Nat imellem to Stridsmænd, bunden med to Lænker, og Vagter foran Døren bevogtede Fængselet.
7 At biglang lumitaw ang isang anghel ng Diyos sa kaniyang tabi at isang ilaw ang lumiwanag sa bilangguan. Tinapik niya si Pedro sa tagiliran at ginising at sinabi, “Bumangon kang madali.” Pagkatapos nahulog ang kaniyang mga kadena sa kaniyang mga kamay.
Og se, en Herrens Engel stod der, og et Lys straalede i Fangerummet, og han slog Peter i Siden og vækkede ham og sagde: „Staa op i Hast!‟ og Lænkerne faldt ham af Hænderne.
8 Sinabi sa kaniya ng anghel, “Magdamit ka at isuot ang iyong sandalyas.”Ginawa nga ito ni Pedro. Sinabi ng anghel sa kaniya, “Isuot mo ang iyong panlabas na kasuotan at sumunod ka sa akin.”
Og Engelen sagde til ham: „Bind op om dig, og bind dine Sandaler paa!‟ Og han gjorde saa. Og han siger til ham: „Kast din Kappe om dig, og følg mig!‟
9 Kaya sumunod nga si Pedro sa anghel at lumabas. Hindi niya alam na ang nangyari sa pamamagitan ng anghel ay totoo. Ang akala niya nakakakita siya ng isang pangitain.
Og han gik ud og fulgte ham, og han vidste ikke, at det, som skete ved Engelen, var virkeligt, men mente, at han saa et Syn.
10 Pagkatapos nilang makalampas sa una at sa pangalawang bantay, nakarating sila sa pintuang bakal na patungo sa lungsod, kusa itong bumukas para sa kanila. Lumabas sila at bumaba sa isang kalye, at kaagad siyang iniwan ng anghel.
Men de gik igennem den første og den anden Vagt og kom til den Jernport, som førte ud til Staden; denne aabnede sig for dem af sig selv, og de kom ud og gik en Gade frem, og straks skiltes Engelen fra ham.
11 Nang matauhan si Pedro, sinabi niya, “Ngayon, aking napatunayan na ipinadala ng Diyos ang kaniyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes, at mula sa lahat ng inaasahan ng mga mamamayang Judio.”
Og da Peter kom til sig selv, sagde han: „Nu ved jeg i Sandhed, at Herren udsendte sin Engel og udfriede mig af Herodes's Haand og al det jødiske Folks Forventning.‟
12 Pagkatapos niyang maunawaan ito, dumating siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na ang huling pangalan ay Marcos; maraming mananampalataya ang nagkatipon doon at nananalangin.
Og da han havde besindet sig, gik han til Marias Hus, hun, som var Moder til Johannes, med Tilnavn Markus, hvor mange vare forsamlede og bade.
13 Nang kumatok siya sa may pintuan ng tarangkahan, isang aliping babae na nagngangalang Roda ang pumunta upang sumagot.
Men da han bankede paa Døren til Portrummet, kom der en Pige ved Navn Rode for at høre efter.
14 Nang makilala niya ang tinig ni Pedro, sa kaniyang kagalakan, hindi niya nabuksan ang pintuan; sa halip, tumakbo siya sa silid at kaniyang ibinalita na nakatayo si Pedro sa may pintuan.
Og da hun kendte Peters Røst, lod hun af Glæde være at aabne Porten, men løb ind og forkyndte dem, at Peter stod uden for Porten.
15 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Nababaliw ka na.”Ngunit kaniyang ipinilit na ito ay totoo. Kanilang sinabi, “Ito ang kaniyang anghel.”
Da sagde de til hende: „Du raser.‟ Men hun stod fast paa, at det var saaledes. Men de sagde: „Det er hans Engel.‟
16 Ngunit patuloy pa rin si Pedro sa pagkatok, at nang kanilang buksan ang pintuan, nakita nila siya at sila ay namangha.
Men Peter blev ved at banke paa, og da de lukkede op, saa de ham og bleve forbavsede.
17 Sumenyas si Pedro sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang kamay na tumahimik, at sinabi niya sa kanila kung paano siya inilabas ng Diyos sa bilangguan. Sinabi niya, “Ibalita ninyo ang mga bagay na ito kay Santiago at sa mga kapatid.” Pagkatapos umalis siya at nagpunta sa ibang lugar.
Da vinkede han til dem med Haanden, at de skulde tie, og fortalte dem, hvorledes Herren havde ført ham ud af Fængselet, og han sagde: „Forkynder Jakob og Brødrene dette!‟ Og han gik ud og drog til et andet Sted.
18 Nang sumapit na ang araw, gulong-gulo ang mga kawal tungkol sa nangyari kay Pedro.
Men da det blev Dag, var der ikke liden Uro iblandt Stridsmændene over, hvad der var blevet af Peter.
19 Pagkatapos siyang hanapin ni Herodes at hindi matagpuan, tinanong niya ang mga bantay at iniutos na patawan sila ng kamatayan. Pagkatapos siya ay bumaba mula Judea hanggang Cesarea at nanatili doon.
Men da Herodes søgte ham og ikke fandt ham, forhørte han Vagten og befalede, at de skulde henrettes. Og han drog ned fra Judæa til Kæsarea og opholdt sig der.
20 Ngayon galit na galit si Herodes sa mga taga-Tiro at Sidon. Pumunta sila sa kaniya na magkakasama. Hinikayat nila si Blasto, na kanang kamay ng Hari, upang tulungan sila. Pagkatapos humiling sila ng kapayapaan, dahil ang kanilang bansa ay tumatanggap ng pagkain mula sa bansa ng hari.
Men han laa i Strid med Tyrierne og Sidonierne. Men de kom endrægtigt til ham og fik Blastus, Kongens Kammerherre, paa deres Side og bade om Fred, fordi deres Land fik Næringsmidler tilførte fra Kongens Land.
21 Nang dumating ang takdang araw, nagbihis si Herodes ng marangyang kasuotan at umupo sa trono; nagsalita siya sa kanila.
Men paa en fastsat Dag iførte Herodes sig en Kongedragt og satte sig paa Tronen og holdt en Tale til dem.
22 Sumigaw ang mga tao, “Ito ang tinig ng isang diyos, hindi ng isang tao!”
Og Folket raabte til ham: „Det er Guds Røst og ikke et Menneskes.‟
23 Kaagad siyang hinampas ng isang anghel ng Panginoon, dahil hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Diyos; kinain siya ng mga uod at namatay.
Men straks slog en Herrens Engel ham, fordi han ikke gav Gud Æren; og han blev fortæret af Orme og udaandede.
24 Ngunit lumago at lumaganap ang salita ng Diyos.
Men Guds Ord havde Fremgang og udbredtes.
25 Nang matapos nina Bernabe at Saul ang kanilang misyon sa Jerusalem, bumalik sila mula doon; isinama nila si Juan na ang huling pangalan ay Marcos.
Og Barnabas og Saulus vendte tilbage fra Jerusalem efter at have fuldført deres Ærinde, og de havde Johannes, med Tilnavn Markus, med sig.

< Mga Gawa 12 >