< Mga Gawa 11 >
1 Ngayon narinig ng mga alagad at mga kapatiran na nasa Judea na ang mga Gentil ay tumanggap din ng salita ng Diyos.
Audierunt autem Apostoli et fratres qui erant in Judæa, quoniam et gentes receperunt verbum Dei.
2 Nang makarating si Pedro sa Jerusalem, pinuna ng mga taong nabibilang sa mga tinuling pangkat;
Cum autem ascendisset Petrus Jerosolymam, disceptabant adversus illum qui erant ex circumcisione,
3 sinabi nila, “Nakihalubilo ka sa mga hindi tuling lalaki at kumain kasama nila!”
dicentes: Quare introisti ad viros præputium habentes, et manducasti cum illis?
4 Ngunit nagsimulang ipinaliwanag ni Pedro sa kanila ang bagay na iyon ng detalyado; sinabi niya,
Incipiens autem Petrus exponebat illis ordinem, dicens:
5 Nananalangin ako sa lungsod ng Joppa, nang ako'y makakita ng isang pangitain ng isang sisidlang bumababa, katulad ng malaking kumot na ipinababa sa pamamagitan ng apat na sulok nito. Ito ay bumaba sa akin.
Ego eram in civitate Joppe orans, et vidi in excessu mentis visionem, descendens vas quoddam velut linteum magnum quatuor initiis summitti de cælo, et venit usque ad me.
6 Minasdan ko ito at inisip ko ang tungkol dito. Nakita ko ang mga may apat na paang mga hayop sa lupa, mga mababangis na hayop, mga hayop na gumagapang, at mga ibon sa himpapawid.
In quod intuens considerabam, et vidi quadrupedia terræ, et bestias, et reptilia, et volatilia cæli.
7 Pagkatapos narinig ko ang tinig na nagsabi sa akin, “Bumangon ka, Pedro; kumatay at kumain.”
Audivi autem et vocem dicentem mihi: Surge, Petre: occide, et manduca.
8 Sinabi ko, “Hindi maaari, Panginoon: sapagka't kailanman walang hindi banal o hindi malinis na pumasok sa aking bibig.”
Dixi autem: Nequaquam Domine: quia commune aut immundum numquam introivit in os meum.
9 Ngunit ang tinig ay sumagot muli mula sa langit, “Ang ipinahayag ng Diyos na malinis, huwag mong ituring na hindi malinis.”
Respondit autem vox secundo de cælo: Quæ Deus mundavit, tu ne commune dixeris.
10 Nangyari ito ng tatlong beses, at pagkatapos noon ang lahat ay naibalik muli sa langit.
Hoc autem factum est per ter: et recepta sunt omnia rursum in cælum.
11 At narito, agad na may tatlong lalaki na nakatayo sa harap ng bahay kung saan kami naroon; sila ay ipinadala sa akin mula Cesarea.
Et ecce viri tres confestim astiterunt in domo in qua eram, missi a Cæsarea ad me.
12 Iniutos ng Espiritu sa akin na sumama sa kanila, at dapat hindi ako tatangi sa kanila. Itong anim na mga kapatid ay sumama sa akin, at pumasok kami sa bahay ng lalaki.
Dixit autem Spiritus mihi ut irem cum illis, nihil hæsitans. Venerunt autem mecum et sex fratres isti, et ingressi sumus in domum viri.
13 Sinabi niya sa amin kung paano niya nakita ang anghel na nakatayo sa kaniyang bahay at nagsasabing, “Magpadala ka ng mga lalaki sa Joppa at sunduin si Simon na ang isa pang pangalan ay Pedro.
Narravit autem nobis quomodo vidisset angelum in domo sua, stantem et dicentem sibi: Mitte in Joppen, et accersi Simonem qui cognominatur Petrus,
14 Siya ay magsasalita sa iyo ng isang mensahe na sa pamamagitan nito maliligtas ka— ikaw at lahat ng iyong sambahayan.”
qui loquetur tibi verba in quibus salvus eris tu, et universa domus tua.
15 Nang magsimula akong magsalita sa kanila, dumating ang Banal na Espiritu sa kanila, gayang nangyari sa atin noong una.
Cum autem cœpissem loqui, cecidit Spiritus Sanctus super eos, sicut et in nos in initio.
16 Naalala ko ang mga salita ng Panginoon, kung paano niya sinabing, “Tunay nga na nagbautismo si Juan ng tubig, ngunit kayo ay babautismuhan sa Banal na Espiritu.”
Recordatus sum autem verbi Domini, sicut dicebat: Joannes quidem baptizavit aqua, vos autem baptizabimini Spiritu Sancto.
17 At kung ibinigay ng Diyos sa kanila ang parehong kaloob na gaya ng ibinigay niya sa atin nang sumampalataya tayo sa Panginoong Jesu-Cristo, sino ba ako upang salungatin ang Diyos?”
Si ergo eamdem gratiam dedit illis Deus, sicut et nobis qui credidimus in Dominum Jesum Christum: ego quis eram, qui possem prohibere Deum?
18 Nang marinig nila ang mga bagay na ito, wala silang naisagot sa kaniya, ngunit nagpuri sila sa Diyos at sinabing, “Kung ganoon ibinigay din ng Diyos sa mga Gentil ang pagsisisi sa buhay.”
His auditis, tacuerunt: et glorificaverunt Deum, dicentes: Ergo et gentibus pœnitentiam dedit Deus ad vitam.
19 Kaya kumalat ang mga mananampalataya mula Jerusalem dahil sa paghihirap na nagumpisa noong kamatayan ni Esteban—ang mga mananampalatayang ito ay umabot sa mga malalayong lugar ng Fenicia, Sayprus at Antioquia. Sinabi nila ang mensahe tungkol kay Jesus sa mga Judio lamang, at wala nang iba pa.
Et illi quidem qui dispersi fuerant a tribulatione quæ facta fuerat sub Stephano, perambulaverunt usque Phœnicen, et Cyprum, et Antiochiam, nemini loquentes verbum, nisi solis Judæis.
20 Ngunit ang ilan sa kanila, na mga lalaking taga- Sayprus at taga-Cirene, ay pumunta sa Antioquia at nagsalita sa mga Griego rin at ipinangaral ang Panginoong Jesus.
Erant autem quidam ex eis viri Cyprii et Cyrenæi, qui cum introissent Antiochiam, loquebantur et ad Græcos, annuntiantes Dominum Jesum.
21 At ang kamay ng Panginoon ay kasama nila; malaking bilang ang nanampalataya at bumalik sa Panginoon.
Et erat manus Domini cum eis: multusque numerus credentium conversus est ad Dominum.
22 Ang balita tungkol sa kanila ay nakarating sa tainga ng iglesia sa Jerusalem: at kanilang ipinadala si Bernabe hanggang sa Antioquia.
Pervenit autem sermo ad aures ecclesiæ quæ erat Jerosolymis super istis: et miserunt Barnabam usque ad Antiochiam.
23 Nang dumating siya at nakita ang kaloob ng Diyos, siya'y natuwa; at pinalakas niya ang loob ng lahat na manatili sa Panginoon ng kanilang buong puso.
Qui cum pervenisset, et vidisset gratiam Dei, gavisus est: et hortabatur omnes in proposito cordis permanere in Domino:
24 Sapagkat siya'y mabuting tao at puspos ng Banal na Espiritu at ng pananampalataya, at maraming tao ang naidagdag sa Panginoon.
quia erat vir bonus, et plenus Spiritu Sancto, et fide. Et apposita est multa turba Domino.
25 Pagkatapos nito, pumunta ng Tarso si Bernabe upang hanapin si Saulo.
Profectus est autem Barnabas Tarsum, ut quæreret Saulum: quem cum invenisset, perduxit Antiochiam.
26 Nang makita niya siya, isinama niya siya sa Antioquia. At nangyari, na sa loob ng isang taon, nakitipon sila sa iglesia at tinuruan ang maraming tao. At ang mga alagad ay unang tinawag na Kristiyano sa Antioquia.
Et annum totum conversati sunt ibi in ecclesia: et docuerunt turbam multam, ita ut cognominarentur primum Antiochiæ discipuli, christiani.
27 Ngayon sa mga araw na ito ilang mga propeta ang bumaba mula Jerusalem papuntang Antioquia.
In his autem diebus supervenerunt ab Jerosolymis prophetæ Antiochiam:
28 Isa sa kanila na nagngangalang Agabo, ay tumayo, at ipinahiwatig sa pamamagitan ng Espiritu, na magkakaroon ng matinding taggutom sa buong mundo. Nangyari nga ito sa panahon ni Claudio.
et surgens unus ex eis nomine Agabus, significabat per spiritum famem magnam futuram in universo orbe terrarum, quæ facta est sub Claudio.
29 Kaya, napagpasyahan ng mga alagad na magpadala ng tulong sa mga kapatid sa Judea ayon sa kakayahan ng bawat isa.
Discipuli autem, prout quis habebat, proposuerunt singuli in ministerium mittere habitantibus in Judæa fratribus:
30 Ginawa nila ito; nagpadala sila ng pera sa mga nakatatanda sa pamamagitan nila Bernabe at Saulo.
quod et fecerunt, mittentes ad seniores per manus Barnabæ et Sauli.