< Mga Gawa 10 >

1 Ngayon may isang tao sa lungsod ng Cesarea, na nagngangalang Cornelio, isang senturiong tinawag na hukbong Italyano.
Ɔbarima bi tenaa Kaesarea a ne din de Kornelio. Na ɔyɛ Roma asraafo bi a wɔn din de Italia Asraafodɔm no so panyin.
2 Siya ay isang maka-diyos, na sumasamba sa Diyos kasama ang lahat ng kaniyang sambahayan; siya ay nagbigay ng malaking halaga ng salapi sa mga Judio at palaging nananalangin sa Diyos.
Na ɔne ne fifo nyinaa yɛ Nyamesurofo. Ɔyɛ obi a na ɔboa ahiafo na daa ɔbɔ mpae nso.
3 Bandang alas tres ng hapon, malinaw niyang nakita sa pangitain ang isang anghel ng Diyos na papalapit sa kaniya. Ang sabi ng anghel sa kaniya, “Cornelio!”
Da bi awia bɛyɛ nnɔnabiɛsa na ohuu Onyankopɔn bɔfo wɔ anisoadehu mu se waba ne nkyɛn abɛfrɛ no se, “Kornelio!”
4 Tumitig si Cornelio sa anghel at takot na takot na sinabi, “Ano po iyon, ginoo?” Sinabi ng anghel sa kaniya, “Ang iyong mga panalangin at mga kaloob sa mga mahihirap ay pumaitaas bilang alaala na alay sa harapan ng Diyos.
Kornelio de hu hwɛɛ no dinn. Obisae se, “Ɛyɛ dɛn Awurade?” Ɔbɔfo no buae se, “Wo mpae ne wʼadɔe a woyɛ ahiafo no adu Onyankopɔn anim sɛ nkae ade.
5 Ngayon magpadala ka ng mga lalaki sa lungsod ng Joppa upang sunduin ang lalaking nagngangalang Simon, na pinangalanan ding Pedro.
Soma nnipa na wɔnkɔ Yopa nkɔfa ɔbarima bi a wɔfrɛ no Simon Petro mmra.
6 Siya ay naninirahan sa bahay ng mambibilad ng balat ng hayop na si Simon, na ang bahay ay nasa tabing dagat.”
Ɔte ɔbarima bi a wɔfrɛ no Simon a ɔhyɛ mmoa nhoma aduru a ne fi bɛn mpoano no nkyɛn.”
7 Nang makaalis ang anghel na kumausap sa kaniya, tinawag ni Cornelio ang dalawa sa kaniyang mga tagapaglingkod sa bahay, at isang sundalo na sumasamba sa Diyos na kabilang sa mga sundalong naglilingkod rin sa kaniya.
Ɔbɔfo no kasa kyerɛɛ no wiee a ɔkɔe no, Kornelio frɛɛ nʼasomfo baanu, san frɛɛ nʼasraafo no mu baako a ɔyɛ Onyamesuroni kaa wɔn ho,
8 Sinabi ni Cornelio sa kanila ang lahat nang nangyari at sila ay pinapunta sa Joppa.
kaa biribiara a wahu no kyerɛɛ wɔn somaa wɔn Yopa.
9 Bandang tanghali kinabukasan, sa kanilang paglalakbay papalapit sa lungsod, si Pedro ay pumunta sa bubungan upang manalangin.
Ade kyee a wɔrekɔ no, ɛbɛyɛ owigyinae a wɔrebɛn kurow no na Petro kɔɔ ɔdan a ɔte mu no atifi kɔbɔɔ mpae.
10 Nagutom siya at gusto niya ng kumain, ngunit habang nagluluto ang mga tao ng pagkain, nabigyan siya ng isang pangitain,
Saa bere no, na ɔkɔm de no a wogu so reyɛ aduan ama no na ɔkɔɔ tebea bi a ɛte sɛ adaeso mu.
11 at nakita niyang bumukas ang langit at may isang sisidlan na bumababa mula sa langit, katulad ng isang malaking kumot na ipinababa sa lupa sa pamamagitan ng apat na mga sulok nito.
Ohuu sɛ ɔsoro abue na biribi a ɛte sɛ ntama kɛse a wɔakyekyere fi ɔsoro afanan resian ba fam.
12 Naroon ang lahat na uri ng hayop na may apat na paa, at mga bagay na gumagapang sa lupa, at mga ibon sa himpapawid.
Na ntɔteboa ahorow ne mmoa a wɔwea ne wuram nnomaa ahyɛ saa ntama no ma.
13 At may tinig na kumausap sa kaniya: “Bumangon ka Pedro, magkatay ka at kumain.”
Afei nne bi ka kyerɛɛ no se, “Petro, sɔre na kum bi we!”
14 Ngunit sinabi ni Pedro, “Hindi maaari Panginoon, dahil ni minsan hindi ako kumain ng anumang marumi at hindi malinis.”
Petro buae se, “Dabi da, Awurade, minnii biribiara a ɛho ntew da.”
15 Ngunit muli niyang narinig ang tinig sa ikalawang pagkakataon: “Huwag mong ituring na marumi ano man ang nilinis na ng Diyos.”
Nne no ka kyerɛɛ no bio se, “Biribiara a Onyankopɔn atew ho no, nka se ɛho ntew.”
16 Nangyari ito nang tatlong beses; at agad na ibinalik sa langit ang sisidlan.
Saa anisoadehu yi baa mprɛnsa. Afei ntama no san kɔɔ ɔsoro.
17 Ngayon habang naguguluhan pa si Pedro tungkol sa kahulugan ng pangitaing kaniyang nakita, narito, ang mga lalaki na ipinadala ni Cornelio na nakatayo sa harapan ng tarangkahan, pagkatapos nilang tanungin ang daan patungo sa tahanan.
Saa bere a na Petro redwinnwen anisoadehu no ho no, nnipa a Kornelio somaa wɔn no koduu Petro abobow ano.
18 At sila ay tumawag at nagtanong kung naninirahan doon si Simon na tinatawag ding Pedro.
Wɔfrɛ bisae se, “Saa ofi yi mu na Simon Petro te no ana?”
19 Habang iniisip pa rin ni Pedro ang tungkol sa pangitain, sinabi ng Espiritu sa kaniya, “Tingnan mo, may tatlong lalaking naghahanap sa iyo.
Petro gu so redwinnwen anisoadehu no ho no, Honhom Kronkron ka kyerɛɛ no se, “Simon, mmarima baasa bi rehwehwɛ wo.
20 Bumangon ka at bumaba at sumama sa kanila. Huwag kang matakot na sumama sa kanila, dahil ipinadala ko sila.”
Sian si fam. Ntwentwɛn wo nan ase na wo ne wɔn nkɔ, efisɛ me na masoma wɔn.”
21 Kaya bumaba si Pedro at sinabi sa mga lalaki, “Ako ang hinahanap ninyo. Bakit kayo naparito?”
Petro sian kɔɔ fam kɔka kyerɛɛ wɔn se, “Mene onipa a morehwehwɛ no no, na mo amanneɛ?”
22 Sinabi nila, “Ang senturion na nagngangalang Cornelio, isang matuwid na tao at sumasamba sa Diyos, at mabuti ang sinasabi tungkol sa kaniya ng lahat ng mga Judio sa bansa, ay sinabihan ng isang banal na anghel ng Diyos na papuntahan ka para isama ka sa kaniyang bahay, upang siya ay makinig ng mensahe mula sa iyo.”
Nnipa no buaa no se, “Yefi asraafo panyin Kornelio nkyɛn. Ɔyɛ ɔtreneeni ne Onyamesuroni a Yudafo nyinaa bu no. Onyankopɔn bɔfo ka kyerɛɛ no se ɔnsoma mfrɛ wo mmra ne fi na ontie asɛm bi mfi wo nkyɛn.”
23 Kaya inanyayahan sila ni Pedro na pumasok at manatili na kasama niya. Kinabukasan bumangon siya at sumama sa kanila, at sinamahan siya ng ilang mga kapatid na taga-Joppa.
Petro gyee nnipa no, som wɔn hɔho. Ade kyee no, Petro ne nnipa no ne agyidifo bi a wofi Yopa bɔɔ anan kɔe.
24 Noong sumunod na araw, dumating sila sa Cesarea. Hinihintay sila ni Cornelio; tinipon niya ang kaniyang mga kamag-anak at kaniyang mga malalapit na kaibigan.
Ade kyee a oduu Kaesarea no, na Kornelio afrɛfrɛ nʼabusuafo ne ne nnamfonom ahyia retwɛn no.
25 Nangyari nga na nang papasok na si Pedro, sinalubong siya ni Cornelio at lumuhod sa kaniyang paanan para parangalan siya.
Petro reyɛ awura fie hɔ no, Kornelio hyiaa no, buu no nkotodwe.
26 Ngunit pinatayo siya ni Pedro at sinabi na, “Tumayo ka; ako rin ay isang tao lamang.
Nanso Petro ka kyerɛɛ no se, “Sɔre, efisɛ me nso meyɛ onipa sɛ wo ara.”
27 Habang nakikipag-usap si Pedro sa kaniya, pumasok siya at natagpuan niya ang napakaraming tao na nagtipon-tipon doon.
Petro ne Kornelio gu so rekasa no, wowuraa ofi no mu kɔtoo nnipa bebree.
28 Sinabi niya sa kanila, “Batid ninyo mismo na hindi naaayon sa batas para sa isang Judio na makihalubilo o bumisita sa kaninuman galing sa ibang bansa. Ngunit ipinakita sa akin ng Diyos na hindi ko dapat tawagin ang sinuman na marumi o hindi malinis.
Petro ka kyerɛɛ wɔn se, “Mo ara munim pefee sɛ Yudafo mmara mma Yudani kwan sɛ ɔkɔsra amanamanmuni anaasɛ ɔde ne ho bɔ no. Nanso Onyankopɔn akyerɛ me sɛ, ɛnsɛ sɛ meka sɛ onipa bi ho ntew.
29 Kaya pumunta ako na hindi na nakipagtalo nang ako ay papuntahin dito. Kaya tinatanong ko kayo kung bakit ninyo ako pinapunta.”
Eyi nti na mosoma bɛfrɛɛ me no mantwentwɛn me nan ase no. Afei kyerɛ me nea enti a wosoma bɛfrɛɛ me no.”
30 Sinabi ni Cornelio, “May apat na araw na ngayon ang nakakalipas sa ganito ring oras, bandang alas-tres nananalangin ako sa aking bahay; at nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa aking harapan na may maliwanag na kasuotan.
Kornelio kae se, “Nnɛ ne nnaanan awia nnɔnabiɛsa a merebɔ mpae wɔ me fi no, mihuu sɛ ɔbarima bi a ɔhyɛ atade a ɛhyerɛn gyina mʼanim.
31 At sinabi niya, “Cornelio, dininig ng Diyos ang iyong panalangin at ang ibinibigay mo sa mga mahihirap ay nagpaalala sa Diyos tungkol sa iyo.
Ɔkae se, ‘Kornelio, wo mpaebɔ ne wʼadɔe a woyɛ ahiafo no adu Onyankopɔn anim sɛ nkae ade.
32 Kaya magpadala ka ng tao sa Jopa, at ipatawag ang taong nagngangalang Simon, na tinatawag ding Pedro. Nakikitira siya sa bahay ng isang taong mambibilad ng balat ng hayop na nangngangalang Simon, sa tabing-dagat. (Pagdating niya, kakausapin ka niya.)
Soma nnipa na wɔnkɔ Yopa nkɔfa ɔbarima bi a wɔfrɛ no Simon Petro no mmra. Ɔte ɔbarima bi a wɔfrɛ no Simon a ɔhyɛ mmoa nhoma aduru a ne fi bɛn mpoano no nkyɛn.’
33 kaya agad kitang ipinatawag, mabuti at dumating ka. At ngayon nandito kaming lahat sa harapan ng Diyos upang makinig sa lahat ng mga itinuro sa iyo ng Diyos na sasabihin mo.”
Mesoma ma wɔbɛfrɛɛ wo, na wo nso woayɛ ade sɛ woaba. Mprempren, yɛn nyinaa ahyia wɔ Onyankopɔn din mu rebetie asɛm biara a Awurade ahyɛ wo sɛ ka kyerɛ yɛn no.”
34 At binuksan ni Pedro ang kaniyang bibig at sinabi, “Sa katotohanan, naunawaan ko ng lubusan na walang tinatangi ang Diyos.
Petro fii ase kasae se, “Afei mahu sɛ ɛyɛ nokware sɛ Onyankopɔn nyɛ nyiyimu,
35 Sa halip, sa bawat bansa ang sinumang sumasamba at gumagawa ng mga matuwid na gawain ay katanggap-tanggap sa kaniya.
na mmom ɔman biara mu, nea ɔyɛ ade trenee no ogye no.
36 Alam ninyo ang mensahe na ipinadala niya sa mga taga-Israel, nang ipahayag niya ang magandang balita tungkol sa kapayapaan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na Panginoon ng lahat—
Munim asɛmpa a ɛfa asomdwoe ho a ɛnam yɛn Awurade Yesu Kristo a ɔyɛ nnipa nyinaa Awurade no so de brɛɛ Israelfo no.
37 Alam ninyo mismo ang mga kaganapan na nangyari, na naganap sa buong Judea, na nagsimula sa Galilea, pagkatapos nang pagbautismo na ipinahayag ni Juan;
Munim nsɛm a esisii wɔ Yudea, a efii ase wɔ Galilea, Yohane asubɔ ho asɛnka no akyi.
38 ang mga kaganapan na ukol kay Jesus ng Nazaret, kung paano siya pinuspus ng Diyos ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan. Naglibot siya na gumagawa ng kabutihan at nagpapagaling ng mga pinahihirapan ng diyablo, sapagkat kasama niya ang Diyos.
Munim sɛnea Onyankopɔn de Honhom Kronkron ne tumi maa Yesu Nasareni no. Esiane sɛ Onyankopɔn ka ne ho no nti ɔkɔɔ mmeaemmeae, yɛɛ papa, saa wɔn a ɔbonsam afa wɔn no yare.
39 Saksi kami sa lahat ng bagay na kaniyang ginawa sa bansa ng mga Judio at sa Jerusalem —itong si Jesus na kanilang pinatay, na binitay sa isang kahoy.
“Yɛyɛ dwuma a odii wɔ Yudaman mu ne Yerusalem no ho nnansefo. Wɔbɔɔ no asennua mu kum no.
40 Itong taong ito ay muling binuhay ng Diyos sa ikatlong araw at ibinigay siya upang makilala,
Nanso ne nnansa so no, Onyankopɔn ma ɔsɔre fii awufo mu ma okoyii ne ho adi.
41 hindi sa lahat ng mga tao, kundi sa mga saksi na noon pa man ay pinili na ng Diyos- kami mismo, na kumain at uminom kasama niya pagkatapos niyang muling mabuhay mula sa mga patay.
Wanyi ne ho adi ankyerɛ nnipa nyinaa sɛ yɛn a yɛyɛ nnansefo a Onyankopɔn ayi yɛn dedaw no. Ɔsɔre fii awufo mu no, yɛne no didi nomee.
42 Inutusan niya kami upang mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang pinili ng Diyos na maging Hukom ng mga buhay at mga patay.
Na ɔhyɛɛ yɛn sɛ, yɛnka asɛmpa no nkyerɛ nnipa nyinaa, na yenni ne ho adanse sɛ, ɔno ne nea Onyankopɔn ayi no asi hɔ sɛ ommu ateasefo ne awufo atɛn no.
43 Ito ay para sa kaniya kaya nagpapatotoo ang mgapropeta, upang ang lahat ng sumasampalataya sa kaniya ay makatanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.”
Adiyifo nyinaa kaa ne ho asɛm se, wɔnam ne din so de obiara a ogye no di no bɔne bɛkyɛ no.”
44 Habang sinasabi pa lamang ni Pedro ang mga bagay na ito, ang Banal na Espiritu ay bumaba sa lahat ng mga nakikinig sa kaniyang mensahe.
Petro gu so rekasa no, Honhom Kronkron baa wɔn a wɔretie asɛm no nyinaa so.
45 Ang mga taong napabilang sa mga mananampalatayang tuli—lahat ng mga sumama kay Pedro— ay namangha, dahil ang kaloob ng Banal na Espiritu ay naibuhos din sa mga Gentil.
Yudafo agyidifo a wɔne Petro fi Yopa bae no ho dwiriw wɔn sɛ Onyankopɔn ahwie nʼakyɛde a ɛyɛ Honhom Kronkron no agu amanamanmufo no nso so.
46 Dahil narinig nila ang mga Gentil na nagsasalita ng iba't-ibang wika at nagpupuri sa Diyos. Pagkatapos sinabi ni Pedro,
Efisɛ wɔtee sɛ wɔreka kasa foforo reyi Onyankopɔn ayɛ wɔ ne kɛseyɛ ho. Petro kae se,
47 “Mayroon bang hahadlang sa mga taong ito upang hindi mabautismuhan sa tubig, ang mga taong ito na nakatanggap ng Banal na Espiritu na katulad natin?”
“Saa nnipa yi anya Honhom Kronkron sɛnea yɛn nso yenyaa bi no. Obi betumi asiw wɔn asubɔ ho kwan ana?”
48 At sila ay inutusan niya na magpabautismo sa ngalan ni Jesu-Cristo. At hiniling nila na manatili siya sa kanila ng ilang araw.
Petro hyɛɛ sɛ wɔmmɔ wɔn asu wɔ Yesu Kristo din mu. Afei wɔsrɛɛ no sɛ onni nna kakra wɔ wɔn nkyɛn.

< Mga Gawa 10 >