< 3 Juan 1 >
1 Ang nakatatanda para kay minamahal na si Gayo, na siyang aking mahal sa katotohanan.
Ὁ πρεσβύτερος Γαΐῳ τῷ ἀγαπητῷ, ὃν ἐγὼ ἀγαπῶ ἐν ἀληθείᾳ.
2 Minamahal, dinadalangin ko na ikaw ay lumago sa lahat ng mga bagay at maging sa kalusugan, katulad ng paglago ng iyong kaluluwa.
Ἀγαπητέ, περὶ πάντων εὔχομαί σε εὐοδοῦσθαι καὶ ὑγιαίνειν, καθὼς εὐοδοῦταί σου ἡ ψυχή.
3 Sapagkat ako ay lubos na nagalak nang dumating ang mga kapatid na lalaki at nagpatotoo sa iyong katotohanan, katulad sa paglakad mo sa katotohanan.
Ἐχάρην γὰρ λίαν, ἐρχομένων ἀδελφῶν καὶ μαρτυρούντων σου τῇ ἀληθείᾳ, καθὼς σὺ ἐν ἀληθείᾳ περιπατεῖς.
4 Wala akong labis na kaligayahan maliban dito, na marinig na ang aking mga anak ay lumalakad sa katotohanan.
Μειζοτέραν τούτων οὐκ ἔχω χαράν, ἵνα ἀκούω τὰ ἐμὰ τέκνα ἐν ἀληθείᾳ περιπατοῦντα.
5 Minamahal, ikaw ay nagsasagawa ng katapatan tuwing ikaw ay gumagawa para sa iyong mga kapatid na lalaki at para sa mga hindi kilala,
Ἀγαπητέ, πιστὸν ποιεῖς ὃ ἐὰν ἐργάσῃ εἰς τοὺς ἀδελφοὺς καὶ εἰς τοὺς ξένους,
6 siya na nagpatotoo ng pag-ibig mo sa harapan ng iglesia. Gumawa ka ng mainam para maipadala sila sa kanilang paglalakbay sa paraang karapat-dapat sa Diyos,
οἳ ἐμαρτύρησάν σου τῇ ἀγάπῃ ἐνώπιον ἐκκλησίας· οὓς καλῶς ποιήσεις προπέμψας ἀξίως τοῦ Θεοῦ.
7 dahil para sa kapakanan ng Pangalan sila ay lumabas, walang kinukuha mula sa mga Gentil.
Ὑπὲρ γὰρ τοῦ ὀνόματος ἐξῆλθον μηδὲν λαμβάνοντες ἀπὸ τῶν ἐθνῶν.
8 Samakatuwid tayo ay marapat na tumanggap tulad ng mga ito, nang sa gayon tayo ay maging kapwa manggagawa para sa katotohanan.
Ἡμεῖς οὖν ὀφείλομεν ἀπολαμβάνειν τοὺς τοιούτους, ἵνα συνεργοὶ γινώμεθα τῇ ἀληθείᾳ.
9 Nagsulat ako ng isang bagay sa kapulungan, pero si Diotrefes, na gustong maging una sa kanila, ay hindi tayo tinanggap.
Ἔγραψα τῇ ἐκκλησίᾳ· ἀλλ᾽ ὁ φιλοπρωτεύων αὐτῶν Διοτρεφὴς οὐκ ἐπιδέχεται ἡμᾶς.
10 Samakatuwid, kung ako ay pupunta, aalalahanin ko ang mga gawaing kaniyang ginawa, kung paano siyang nagsabi ng mga katawa-tawang bagay laban sa atin gamit ang mga masasamang salita. Hindi pa nasiyahan sa mga gawaing ito, siya mismo ay hindi tinanggap ang mga kapatid na lalaki. Ipinagbabawal niya ang mga nagnanais na gumawa nito at pinapalayas sila sa kapulungan.
Διὰ τοῦτο, ἐὰν ἔλθω, ὑπομνήσω αὐτοῦ τὰ ἔργα ἃ ποιεῖ, λόγοις πονηροῖς φλυαρῶν ἡμᾶς· καὶ μὴ ἀρκούμενος ἐπὶ τούτοις, οὔτε αὐτὸς ἐπιδέχεται τοὺς ἀδελφούς, καὶ τοὺς βουλομένους κωλύει, καὶ ἐκ τῆς ἐκκλησίας ἐκβάλλει.
11 Minamahal, huwag mong tularan kung ano ang masama pero kung ano ang mabuti. Ang siyang gumagawa ng mabuti ay sa Diyos; ang siyang gumagawa ng masama ay hindi nakita ang Diyos.
Ἀγαπητέ, μὴ μιμοῦ τὸ κακόν, ἀλλὰ τὸ ἀγαθόν. Ὁ ἀγαθοποιῶν ἐκ τοῦ Θεοῦ ἐστιν· ὁ κακοποιῶν οὐχ ἑώρακε τὸν Θεόν.
12 Si Demetrio ay nagpatotoo sa lahat at sa pamamagitan ng katotohanan mismo. Tayo din ay nagpapatotoo, at alam mo na ang aming pagpapatotoo ay tunay.
Δημητρίῳ μεμαρτύρηται ὑπὸ πάντων, καὶ ὑπ᾽ αὐτῆς τῆς ἀληθείας· καὶ ἡμεῖς δὲ μαρτυροῦμεν, καὶ οἴδατε ὅτι ἡ μαρτυρία ἡμῶν ἀληθής ἐστι.
13 Marami akong bagay na isusulat sa iyo, pero hindi ko nais isulat ang mga ito sa iyo na gamit ang panulat at tinta.
Πολλὰ εἶχον γράφειν, ἀλλ᾽ οὐ θέλω διὰ μέλανος καὶ καλάμου σοι γράψαι·
14 Pero ako ay umaasa na makita ka sa lalong madaling panahon, at tayo ay mag-uusap harap-harapan. Kapayapaan ay sumainyo. Ang mga kaibigan ay bumabati sa iyo. Batiin ang mga kaibigan sa pangalan.
ἐλπίζω δὲ εὐθέως ἰδεῖν σε, καὶ στόμα πρὸς στόμα λαλήσομεν. Εἰρήνη σοι. Ἀσπάζονταί σε οἱ φίλοι. Ἀσπάζου τοὺς φίλους κατ᾽ ὄνομα.