< 2 Mga Tesalonica 3 >

1 At ngayon, mga kapatid, manalangin kayo para sa amin, na ang salita ng Panginoon ay mapadali at maluwalhati, gaya ng ginagawa ninyo.
Прочее, молитеся о нас, братие, да слово Господне течет и славится, якоже и в вас,
2 Ipanalangin ninyo na mailigtas kami mula sa mga makasalanan at masasamang tao, dahil hindi lahat ay may pananampalataya
и да избавимся от злых и лукавых человек: не всех бо есть вера.
3 Ngunit tapat ang Panginoon, na magpapatatag at magbabantay sa inyo mula sa masama.
Верен же есть Господь, Иже утвердит вас и сохранит от лукаваго.
4 Mayroon kaming tiwala sa Panginoon tungkol sa inyo, na pareho ninyong gagawin at ipagpapatuloy ang mga bagay na iniutos namin sa inyo.
Уповаем же на Господа о вас, яко, яже повелеваем вам, и творите и сотворите.
5 Nawa ang Panginoon ang magpatnubay sa inyong mga puso sa pag-ibig ng Diyos at sa pagtitiis ni Cristo.
Господь же да исправит сердца ваша в любовь Божию и в терпение Христово.
6 Ngayon inuutusan namin kayo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na lumayo kayo sa mga taong tamad sa pamumuhay at hindi ayon sa mga kaugalian na inyong tinanggap mula sa amin.
Повелеваем же вам, братие, о имени Господа нашего Иисуса Христа, отлучатися вам от всякаго брата безчинно ходяща, а не по преданию, еже прияша от нас:
7 Sapagkat inyong nalalaman sa inyong mga sarili na nararapat ninyo kaming gayahin. Hindi kami namuhay na nakasama ninyo na katulad ng mga taong ito na walang disiplina.
сами бо весте, како лепо есть вам подобитися нам: яко не безчинновахом у вас,
8 At hindi kami kumakain ng pagkain ng iba nang hindi nagbayad para dito. Sa halip, gumagawa kami sa gabi at araw ng mabibigat na gawain at paghihirap, dahil ayaw namin na maging pabigat sa inyo.
ниже туне хлеб ядохом у кого, но в труде и подвизе, нощь и день делающе, да не отягчим никогоже от вас:
9 Ginagawa namin ito hindi dahil sa wala kaming kapangyarihan. Sa halip, ginagawa namin ito ng maayos upang maging halimbawa sa inyo, upang kami ay inyong tularan.
не яко не имамы власти, но да себе образ дамы вам, во еже уподобитися нам.
10 Nang kami ay kasama ninyo, iniutos namin sa inyo na, “Kung may isang ayaw magtrabaho, huwag siyang pakainin.”
Ибо егда бехом у вас, сие завещавахом вам: яко аще кто не хощет делати ниже да яст.
11 Sapagkat naririnig namin na ang ilan sa inyo ay tamad. Hindi sila gumagawa sa halip sila ay nakikialam sa buhay ng iba.
Слышим бо некия безчинно ходящыя у вас, ничтоже делающыя, но лукавно обходящыя:
12 Ngayon inutusan namin sila at hinikayat sa Panginoong Jesu-Cristo, na sila nga ay gumawa ng may katahimikan at kainin nila ang kanilang sariling pagkain.
таковым запрещаем и молим о Господе нашем Иисусе Христе, да с безмолвием делающе, свой хлеб ядят.
13 Ngunit kayo, mga kapatid, huwag kayong mapanghinaan ng loob na gawin kung ano ang tama.
Вы же, братие, не стужайте, доброе творяще.
14 Kung mayroon mang hindi sumusunod sa mga salita na aming isinulat, tandaan ninyo siya at huwag kayong makisama sa kaniya upang siya ay mahiya.
Аще же кто не послушает словесе нашего посланием, сего назнаменуйте и не примешайтеся ему, да посрамится:
15 Huwag ninyo siyang ituring na kaaway, ngunit pagsabihan ninyo siya bilang isang kapatid.
и не аки врага имейте его, но наказуйте якоже брата.
16 Nawa ang Panginoon ng kapayapaan aymagbigay sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng pagkakataon at sa lahat ng paraan. Nawa ang Panginoon ay sumainyong lahat.
Сам же Господь мира да даст вам мир всегда во всяцем образе: Господь со всеми вами.
17 Ito ang aking pagbati, akong si Pablo, sa aking sariling kamay, kung saan ay tanda sa bawat sulat. Ganito ako sumulat.
Целование моею рукою Павлею, еже есть знамение во всяцем послании: сице пишу:
18 Nawa ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyong lahat.
благодать Господа нашего Иисуса Христа со всеми вами. Аминь.

< 2 Mga Tesalonica 3 >