< 2 Mga Tesalonica 1 >
1 Mula kina Pablo, Silas, at Timoteo, para sa iglesya ng mga taga-Tesalonica sa Diyos na ating Ama at sa ating Paginoong Jesu-Cristo.
2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa ating Panginoong Jesu-Cristo.
3 Kami ay dapat magpasalamat lagi sa Diyos para sa inyo, mga kapatid. Sapagkat ito ang nararapat, dahil ang inyong pananampalataya ay lumalago, at ang pag-ibig ng bawat isa sa inyo ay nananagana sa isa't isa.
4 Kaya sa aming mga sarili ay pinagmamalaki namin kayo sa mga iglesya ng Diyos. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa inyong pagtitiyaga at pananampalataya sa kabila ng mga pag-uusig sa inyo. Pinag-uusapan namin ang tungkol sa mga pagdadalamhiti na inyong tiniis.
5 Ito ay tanda ng matuwid na paghahatol ng Diyos. Ang resulta ay ibibilang kayong karapat-dapat sa kaharian ng Diyos kung saan kayo ay nagdusa.
6 Matuwid para sa Diyos na ibalik ang pagdadalamhati sa mga nagdulot ng dalamhati sa inyo,
7 at kaginhawaan sa inyong mga nagdalamhati na kasama namin. Gagawin niya ito sa pagpapakita ng Panginoong Jesus mula sa langit kasama ng mga anghel ng kaniyang kapangyarihan.
8 Sa naglalagablab na apoy siya ay maghihiganti sa mga hindi kumikilala sa Diyos at sa mga hindi tumugon sa ebanghelyo ng ating Panginoong Jesus.
9 Sila ay daranas ng kaparusahan sa walang hanggang pagkawasak na malayo mula sa presensiya ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan. (aiōnios )
10 Gagawin niya ito sa kaniyang pagbabalik sa araw na iyon para maluwalhati sa pamamagitan ng kaniyang mga tao at para mamangha sa pamamagitan ng lahat na naniwala. Sapagkat ang aming mga patotoo sa inyo ay pinaniwalaan.
11 Dahil dito lagi namin kayong ipapanalangin. Pinapanalangin namin na ibilang kayo ng ating Diyos na karapat-dapat sa inyong pagkatawag. Pinapanalangin namin na tuparin niya ang bawat pagnanais ng kabutihan at bawat gawa ng pananampalataya na may kapangyarihan.
12 Pinapanalangin namin ang mga bagay na ito upang ang pangalan ng ating Panginoong Jesus ay maluwalhati sa pamamagitan ninyo. Pinapanalangin namin na maluwalhati kayo sa pamamagitan niya, dahil sa biyaya ng ating Diyos at ng ating Panginoong Jesu-Cristo.