< 2 Samuel 1 >

1 Nang namatay si Saul, bumalik si David galing sa pagsalakay sa bayan ng Amalek at nanatili sa Ziklag ng dalawang araw.
Après la mort de Saül, David, qui venait de battre les Amalécites, resta deux jours à Ciklag.
2 Sa ikatlong araw, mayroong isang taong dumating mula sa kampo ni Saul na sira ang kaniyang mga damit at may dumi sa kaniyang ulo. Nang nakarating siya kay David yumuko siya sa lupa at siya ay nagpatirapa.
Le troisième jour, on vit un homme venir du camp de Saül, les vêtements déchirés, la tête couverte de poussière. En arrivant auprès de David, il se jeta à terre et se prosterna.
3 Sinabi ni David sa kaniya, “Saan ka nanggaling? Sagot niya, “Nakatakas ako mula sa kampo ng Israel.”
"D’Où viens-tu?" lui demanda David. Il lui répondit: "Du camp d’Israël, d’où je me suis échappé.
4 Sinabi ni David sa kaniya, “Pakiusap sabihin mo sa akin kung ano ang mga bagay na nangyari.” sumagot siya, “Nagsitakas ang mga tao mula sa labanan. Marami ang bumagsak at marami ang namatay. Si Saul at Jonatan na kaniyang anak na lalaki ay namatay din.”
Que s’est-il passé? dit David, raconte-le moi." Il raconta que le peuple avait fui du champ de bataille, qu’il en était mort un grand nombre, que Saül et son fils Jonathan avaient également péri.
5 Sinabi ni David sa binatang lalaki, “Papaano mo nalaman na si Saul at si Jonatan na kaniyang anak na lalaki ay namatay?”
David dit au jeune homme qui l’avait renseigné: "Comment sais-tu que Saül et son fils Jonathan sont morts?"
6 Sumagot ang binata, “Nagkataon na naroon ako sa Bundok Gilboa, at doon nakasandal siya sa kaniyang sibat, at ang mga karwaheng pandigma at ang mga nangangabayo ay halos malapit na sa kaniya.
Le jeune homme qui apportait les nouvelles lui répondit: "Me trouvant par hasard sur le mont Ghelboé, j’ai vu Saül appuyé sur sa lance; déjà les chars et les cavaliers l’avaient atteint.
7 Tumalikod si Saul at nakita ako at tinawag niya ako. Sumagot ako, 'Nandito ako.'
En se retournant, il m’aperçut et m’appela. Je répondis: Me voici.
8 Sinabi niya sa akin, 'Sino ka?' Sinagot ko siya, 'Ako ay taga-Amalek.'
Il me dit: "Qui es-tu? Un Amalécite, répondis-je.
9 Sinabi niya sa akin, 'Pakiusap tumayo ka sa harapan ko at patayin mo ako, dahil matinding paghihirap ang nararanasan ko, pero nanatili pa rin akong buhay.
Eh bien, dit-il, place-toi auprès de moi et donne-moi la mort, car les affres m’ont saisi, bien que ma vie soit encore intacte."
10 Kaya tumayo ako sa ibabaw niya at pinatay ko siya, dahil alam ko na hindi na siya mabubuhay pagkatapos niyang bumagsak. At kinuha ko ang kaniyang korona na nasa kaniyang ulo at ang pulseras na nasa kaniyang kamay, at dinala ang mga ito dito para sa iyo, aking panginoon.”
Je m’approchai de lui et le tuai, car je savais qu’il ne survivrait pas à sa chute. Puis je pris le diadème qui ceignait sa tête et le bracelet qui ornait son bras, et je les apporte ici à mon seigneur."
11 Pagkatapos pinunit ni David ang kaniyang mga damit, at ginawa rin ito ng lahat ng mga kalalakihan na kasama niya.
Alors David saisit ses vêtements et les déchira, et ainsi firent tous ceux qui étaient avec lui.
12 Sila'y nanangis, umiyak, at nag-ayuno hanggang gabi para kay Saul, para kay Jonatan na kaniyang anak na lalaki, para sa mga tao ni Yahweh, at para sa tahanan ng Israel dahil bumagsak sila sa pamamagitan ng espada.
Ils manifestèrent leur deuil, pleurèrent et jeûnèrent jusqu’au soir à cause de Saül et de Jonathan, son fils, du peuple de Dieu et de la maison d’Israël, qui avaient succombé sous le glaive.
13 Sinabi ni David sa binata, “Saan ka nanggaling? Sumagot siya, “Ako ay anak na lalaki ng isang dayuhan sa lupain, isang taga- Amalek.”
David dit encore au jeune homme qui lui avait fait le récit: "D’Où es-tu?" Il répondit: "Je suis fils d’un étranger, d’un Amalécite.
14 Sinabi ni David sa kaniya, “Bakit hindi ka natakot na patayin ang hari na hinirang ni Yahweh sa pamamagitan ng iyong sariling kamay?”
Comment, lui dit David, n’as-tu pas craint de lever la main pour faire périr l’oint du Seigneur?"
15 Tinawag ni David ang isa sa mga binata at sinabi, “Kunin at patayin siya.” Kaya kinuha ang lalaki at pinatay siya, at namatay ang taga-Amalek.
Puis David appela un des serviteurs et lui dit: "Approche, jette-toi sur lui!" Le serviteur le frappa à mort.
16 Pagkatapos sinabi ni David sa namatay na taga-Amalek, “Ang iyong dugo ay nasa iyong ulo dahil ang iyong sariling bibig ay naging saksi laban sa iyo at sa sinabi mo, 'Pinatay ko ang hinirang na hari ni Yahweh.”'
Et David lui dit: "Ton sang retombe sur ta tête! Car ta propre bouche a déposé contre toi lorsque tu as dit: C’Est moi qui ai fait mourir l’oint du Seigneur."
17 Pagkatapos inawit ni David ang panlibing na awiting ito tungkol kay Saul at Jonatan na kaniyang anak na lalaki.
David composa cette élégie sur Saül et son fils Jonathan,
18 Ipinag-utos niya sa mga tao na ituro itong Awit ng Pananangis sa mga anak lalaki ng Juda, na naisulat sa Ang Aklat ni Jaser.
et décida qu’on enseignerait aux fils de Juda le chant de l’Arc, qui est consigné dans le livre de Yachar:
19 Ang iyong niluwalhati, Israel, ay namatay, pinatay sa inyong mga bundok! Papaano ang magiting ay napatumba!
"Oh! L’Orgueil d’Israël! Le voilà gisant sur les hauteurs! Comme ils sont tombés, les vaillants!
20 Huwag itong sabihin kay Gath, Huwag itong ipahayag sa mga kalye ng Askelon para hindi magsaya ang mga anak na babae ng mga taga-Filisteo, para hindi magdiwang ang mga anak na babae ng mga hindi tuli.
Ne l’allez pas dire à Gath, ne le publiez pas dans les rues d’Ascalon; elles pourraient s’en réjouir, les filles des Philistins, elles en triompheraient, les filles des impurs!
21 Mga Bundok ng Gilboa, huwag na hayaang magkaroon ng hamog o ulan sa inyo, ni mga kabukirin na magbibigay ng butil para sa mga alay, dahil doon ang panangga ng magiting ay nadungisan. Ang panangga ni Saul ay hindi na kailanman pinahiran sa pamamagitan ng langis.
Montagnes de Ghelboé, plus de rosée, plus de pluie sur vous, plus de campagnes riches en offrande! Car là fut déshonoré le bouclier des forts, le bouclier de Saül, qui plus jamais ne sera oint d’huile!
22 Mula sa mga dugo sa mga namatay na iyon, mula sa mga katawan ng mga magigiting, ang pana ni Jonatan ay hindi na bumalik, at ang espada ni Saul ay hindi bumalik ng walang saysay.
Devant le sang des blessés, devant la graisse des guerriers, l’arc de Jonathan ne reculait point, ni l’épée de Saül ne revenait à vide.
23 Si Saul at Jonatan ay minahal at mapagmahal sa buhay, at sa kanilang kamatayan sila ay hindi ipinaghiwalay. Sila ay mas mabilis kaysa sa mga agila, mas malakas kaysa sa mga leon.
Saül et Jonathan, chéris et aimables durant leur vie, n’ont pas été séparés par la mort; plus prompts que les aigles, plus courageux que les lions!
24 Kayong mga anak na babae ng Israel, umiyak sa ibabaw ni Saul, na siyang nagbihis sa inyo ng pulang kasuotan, na naglagay ng palamuti ng ginto sa inyong mga kasuotan.
Filles d’Israël, pleurez Saül, qui vous habillait richement de pourpre, qui ajoutait des joyaux d’or à votre parure!
25 Paano napabagsak ang isang magiting sa gitna ng labanan! Si Jonatan ay pinatay sa inyong mataas mga lugar.
Comme ils sont tombés, les vaillants, en plein combat; tombé mort, Jonathan, sur tes hauteurs!
26 Ako ay namimighati para sa iyo, aking kapatid na Jonatan. Ikaw ay minahal ko ng lubusan. Ang pagmamahal mo sa akin ay kahanga-hanga, higit pa sa pagmamahal ng mga kababaihan.
Jonathan, mon frère, ta perte m’accable, tu m’étais si cher! Ton affection m’était précieuse plus que l’amour des femmes…
27 Paano napabagsak ang magigiting, at ang mga sandata sa digmaan ay nasira!”
Comme ils sont tombés, ces vaillants, et perdues, ces armes de guerre!"

< 2 Samuel 1 >