< 2 Samuel 8 >

1 Matapos mangyari ito sinalakay ni David ang Filisteo at tinalo sila. Kaya nakuha ni David ang Gat at mga nayon nito mula sa pamamahala ng mga taga-Filisteo.
DESPUÉS de esto aconteció, que David hirió á los Filisteos, y los humilló: y tomó David á Methegamma de mano de los Filisteos.
2 Pagkatapos tinalo niya ang Moab at sinukat ang kanilang mga kalalakihan gamit ang isang tali sa pamamagitan ng pagpapahiga sa kanila sa lupa. Sinukat niya ng dalawang tali para ipapatay, at ang isang buong tali ay para panatilihing buhay. Kaya naging mga lingkod ni David ang mga taga-Moab at sinumulan siyang bigyan ng pagkilala.
Hirió también á los de Moab, y midiólos con cordel, haciéndolos echar por tierra; y midió con dos cordeles para muerte, y un cordel entero para vida; y fueron los Moabitas siervos debajo de tributo.
3 Pagkatapos tinalo ni David si Hadadezer lalaking anak ni Rehob, na hari ng Soba, habang naglalakbay para bawiin ang kaniyang pamumuno sa Ilog ng Eufrates.
Asimismo hirió David á Hadad-ezer hijo de Rehob, rey de Soba, yendo él á extender su término hasta el río de Eufrates.
4 Binihag ni David mula sa kaniya ang 1, 700 karwahe at 20, 000 kalalakihang naglalakad. Pinilay lahat ni David ang mga kabayo ng karwaheng pandigma, pero naglaan siya ng isandaang karwahe na sapat para sa kanila.
Y tomó David de ellos mil y setecientos de á caballo, y veinte mil hombres de á pie; y desjarretó David los caballos de todos los carros, excepto cien carros de ellos que dejó.
5 Nang dumating ang mga Arameo ng Damasco para tulungan si Hadadezer na hari ng Soba, pinatay ni David ang dalawampu't dalawang libong kalalakihan ng Arameo.
Y vinieron los Siros de Damasco á dar ayuda á Hadad-ezer rey de Soba; y David hirió de los Siros veinte y dos mil hombres.
6 Pagkatapos inilagay ni David ang mga kuta sa Aram ng Damasco, at naging mga lingkod niya ang mga Arameo at siya ay kinilala. Ibinigay ni Yahweh ang tagumpay kay David saan man siya magtungo.
Puso luego David guarnición en Siria la de Damasco, y fueron los Siros siervos de David sujetos á tributo. Y Jehová guardó á David donde quiera que fué.
7 Kinuha ni David ang mga gintong kalasag na nasa mga lingkod ni Hadadezer at dinala ang mga ito sa Jerusalem.
Y tomó David los escudos de oro que traían los siervos de Hadad-ezer, y llevólos á Jerusalem.
8 Kinuha ni Haring David ang napakaraming tanso, mula sa Betaat Berotai, mga lungsod ni Hadadezer.
Asimismo de Beta y de Beeroth, ciudades de Hadad-ezer, tomó el rey David gran copia de metal.
9 Nang narinig ni Toi, hari ng Hamat na tinalo ni David ang buong hukbo ni Hadadezer,
Entonces oyendo Toi, rey de Hamath, que David había herido todo el ejército de Hadad-ezer,
10 pinadala ni Toi ang kaniyang anak na lalaki na si Hadoram kay Haring David para batiin at purihin siya, dahil nakipaglaban si David kay Hadadezer at tinalo niya ito, at dahil nakipagdigmaan si Hadadezer laban kay Toi. Kasamang daladala ni Hadoram ang pilak, ginto at tanso.
Envió Toi á Joram su hijo al rey David, á saludarle pacíficamente y á bendecirle, porque había peleado con Hadad-ezer y lo había vencido: porque Toi era enemigo de Hadad-ezer. Y [Joram] llevaba en su mano vasos de plata, y vasos de oro, y de metal;
11 Hinandog ni Haring David ang mga bagay na ito kay Yahweh, kasama ang pilak at ginto mula sa lahat ng mga bansa na kaniyang nasakop—
Los cuales el rey David dedicó á Jehová, con la plata y el oro que tenía dedicado de todas las naciones que había sometido:
12 mula sa Aram, Moab, mga bayan ng Ammon, mga taga-Filisteo, at Amalek, kasama ang lahat ng mga gamit na nakuha sa panloloob ni Hadadezer na anak na lalaki ni Rehob, ang hari ng Soba.
De los Siros, de los Moabitas, de los Ammonitas, de los Filisteos, de los Amalecitas, y del despojo de Hadad-ezer hijo de Rehob, rey de Soba.
13 Naging tanyag ang pangalan ni David nang bumalik siya mula sa pananakop sa mga Arameo sa lambak ng Asin, kasama ang kanilang labing walong libong tauhan.
Y ganó David fama cuando, volviendo de la rota de los Siros, [hirió] diez y ocho mil hombres en el valle de la sal.
14 Inilagay niya ang mga kuta sa buong Edom, at naging lingkod niya ang lahat ng mga taga-Edom. Ibinigay ni Yahweh ang tagumpay kay David saan man siya nagtungo.
Y puso guarnición en Edom, por toda Edom puso guarnición; y todos los Idumeos fueron siervos de David. Y Jehová guardó á David por donde quiera que fué.
15 Naghari si David sa buong Israel, at ipinatupad niya ang katarungan at katuwiran sa lahat ng kaniyang mga tao.
Y reinó David sobre todo Israel; y hacía David derecho y justicia á todo su pueblo.
16 Naging pinuno ng hukbo si Joab anak na lalaki ni Zeruias, at naging tagapagtala si Jehoshafat anak na lalaki ni Ahilud.
Y Joab hijo de Sarvia [era general] de su ejército; y Josaphat hijo de Ahilud, canciller;
17 Naging pari sina Zadok anak na lalaki ni Ahitub at Ahimelec anak na lalaki ni Abiatar, at naging manunulat si Seraya.
Y Sadoc hijo de Ahitud, y Ahimelech hijo de Abiathar, eran sacerdotes; y Seraía era escriba;
18 Namuno si Benaias anak na lalaki ni Joaida sa mga Kereteo at mga Peleteo, at naging punong tagapayo ng hari ang mga anak na lalaki ni David.
Y Benahía hijo de Joiada, era sobre los Ceretheos y Peletheos; y los hijos de David eran los príncipes.

< 2 Samuel 8 >