< 2 Samuel 7 >
1 Nangyari ito matapos manirahan ng hari sa kaniyang bahay, at matapos siyang binigyan ng kapahingahan ni Yahweh mula sa lahat ng kaniyang nakapalibot na mga kaaway,
Когда царь жил в доме своем, и Господь успокоил его от всех окрестных врагов его,
2 sinabi ng hari kay Natan na propeta, “Tingnan mo, naninirahan ako sa isang tahanang cedar, pero nananatili sa gitna ng isang tolda ang kaban ng Diyos.”
тогда сказал царь пророку Нафану: вот, я живу в доме кедровом, а ковчег Божий находится под шатром.
3 Pagkatapos sinabi ni Natan sa hari, “Humayo ka, gawin mo kung ano ang nasa iyong puso, dahil kasama mo si Yahweh.”
И сказал Нафан царю: все, что у тебя на сердце, иди, делай; ибо Господь с тобою.
4 Pero nang gabi ring iyon, dumating ang salita ni Yahweh kay Natan at sinabi,
Но в ту же ночь было слово Господа к Нафану:
5 “Pumunta ka, at sabihin kay David na aking lingkod, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Gagawan mo ba ako ng isang bahay na matitirahan?
пойди, скажи рабу Моему Давиду: так говорит Господь: ты ли построишь Мне дом для Моего обитания,
6 Dahil hindi ako tumira sa isang bahay simula ng araw na dinala ko ang mga tao ng Israel palabas ng Ehipto hanggang sa kasalukuyan; sa halip, palagi akong lumilipat sa isang tolda, isang tabernakulo.
когда Я не жил в доме с того времени, как вывел сынов Израилевых из Египта, и до сего дня, но переходил в шатре и в скинии?
7 Sa lahat ng lugar kung saan lumilipat ako kasama ang lahat ng tao ng Israel, may nasabi ba akong anumang bagay sa sinuman sa mga pinuno ng Israel na hinirang ko para pangalagaan ang aking mga lahing Israel, sinasabing, “Bakit hindi mo ako ginawan ng isang bahay na cedar?"”'
Где Я ни ходил со всеми сынами Израиля, говорил ли Я хотя слово какому-либо из колен, которому Я назначил пасти народ Мой Израиля: “почему не построите Мне кедрового дома”?
8 Sa gayon, sabihin mo sa aking lingkod na si David, “Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Kinuha kita mula sa pastulan, mula sa pagsunod sa mga tupa, para maging pinuno ka ng Israel aking mga tao.
И теперь так скажи рабу Моему Давиду: так говорит Господь Саваоф: Я взял тебя от стада овец, чтобы ты был вождем народа Моего, Израиля;
9 Sasamahan kita saan ka man pumunta at tinalo ko ang lahat ng iyong mga kaaway mula sa iyong harapan. At gagawa ako ng isang dakilang pangalan para sa iyo, kagaya ng pangalan ng mga dakilang nasa sanlibutan.
и был с тобою везде, куда ни ходил ты, и истребил всех врагов твоих пред лицем твоим, и сделал имя твое великим, как имя великих на земле.
10 Pipili ako ng isang lugar para sa Israel na aking mga tao at ilalagay sila roon, para mamuhay sila sa kanilang sariling lugar at hindi na muling guguluhin. Wala ng mga masasamang tao ang magpapahirap sa kanila, gaya ng dating ginawa sa kanila,
И Я устрою место для народа Моего, для Израиля, и укореню его, и будет он спокойно жить на месте своем, и не будет тревожиться больше, и люди нечестивые не станут более теснить его, как прежде,
11 gaya nang ginagawa nila mula sa mga araw na inutusan ko ang aking mga hukom na maging pinuno sa aking lahing Israel. At bibigyan kita ng kapahingahan mula sa lahat ng iyong mga kaaway. Karagdagan pa, Ako si Yahweh, ipinapahayag ko sa iyo na gagawin kitang tahanan.
с того времени, как Я поставил судей над народом Моим, Израилем; и Я успокою тебя от всех врагов твоих. И Господь возвещает тебе, что Он устроит тебе дом.
12 Kapag ang iyong mga araw ay natupad na at mamahinga kasama ng iyong mga ama, magtatatag ako ng isang kaapu-apuhan kasunod mo, isa na manggagaling sa iyong katawan, at itatatag ko ang kaniyang kaharian.
Когда же исполнятся дни твои, и ты почиешь с отцами твоими, то Я восставлю после тебя семя твое, которое произойдет из чресл твоих, и упрочу царство его.
13 Gagawa siya ng isang tahanan para sa aking pangalan, at itatatag ko ang trono ng kaniyang kaharian magpakailanman.
Он построит дом имени Моему, и Я утвержу престол царства его навеки.
14 Magiging isang ama ako sa kaniya, at magiging anak ko siya. Kapag magkasala siya, parurusahan ko siya ng pamalo ng mga kalalakihan at may kasamang paghagupit sa mga anak ng tao.
Я буду ему отцом, и он будет Мне сыном; и если он согрешит, Я накажу его жезлом мужей и ударами сынов человеческих;
15 Pero hindi siya iiwan ng aking tipan ng katapatan, gaya ng pagkuha nito kay Saul, na inalis ko mula sa harapan mo.
но милости Моей не отниму от него, как Я отнял от Саула, которого Я отверг пред лицем твоим.
16 Pagtitibayin ang iyong tahanan at kaharian magpakailanman sa harapan mo. Itatatag ang iyong trono magpakailanman.”'
И будет непоколебим дом твой и царство твое навеки пред лицем Моим, и престол твой устоит вовеки.
17 Nagsalita si Natan kay David at ibinalita sa kaniya ang lahat ng mga salitang ito, at sinabi niya sa kaniya ang tungkol sa buong pangitain.
Все эти слова и все это видение Нафан пересказал Давиду.
18 Pagkatapos pumasok at umupo si haring David sa harapan ni Yahweh; sinabi niya, “Sino ako, Yahweh O'Diyos, at sino ang aking pamilya na dinala mo sa puntong ito?
И пошел царь Давид, и предстал пред лицем Господа, и сказал: кто я, Господи мой, Господи, и что такое дом мой, что Ты меня так возвеличил!
19 At ito ay maliit na bagay sa iyong paningin, Panginoong Yahweh. Nagsalita ka tungkol sa lingkod ng iyong pamilya para sa isang dakilang sandali, at ipinakita sa akin ang mga hinaharap na salinlahi, Panginoong Yahweh!
И этого еще мало показалось в очах Твоих, Господи мой, Господи; но Ты возвестил еще о доме раба Твоего вдаль. Это уже по-человечески. Господи мой, Господи!
20 Ano pa ang maaaring sabihin ko, na si David, sa iyo? Pinarangalan mo ang iyong lingkod, Panginoong Yahweh.
Что еще может сказать Тебе Давид? Ты знаешь раба Твоего, Господи мой, Господи!
21 Alang-alang sa iyong salita, at para tuparin ang iyong sariling layunin, ginawa mo ang dakilang bagay na ito at ibinunyag ito sa iyong lingkod.
Ради слова Твоего и по сердцу Твоему Ты делаешь это, открывая все это великое рабу Твоему.
22 Kaya dakila ka, Panginoong Yahweh. Dahil wala kang katulad, at walang ibang Diyos maliban sa iyo, gaya ng narinig ng aming mga sariling tainga.
По всему велик Ты, Господи мой, Господи! ибо нет подобного Тебе и нет Бога, кроме Тебя, по всему, что слышали мы своими ушами.
23 At anong bansa ang katulad ng iyong lahing Israel, na nag-iisang bansa sa sanlibutan na pinuntahan at iniligtas mo, O' Diyos, para sa iyong sarili? Ginawa mo ito para maging isang lahi sila para sa iyong sarili, para gumawa ng pangalan para sa iyong sarili, at gumawa ng dakila at nakakatakot na gawain para sa iyong lupain. Pinalayas mo ang mga bansa at kanilang mga diyus-diyosan mula sa harapan ng iyong mga tao, na iniligtas mo mula sa Ehipto.
И кто подобен народу Твоему, Израилю, единственному народу на земле, для которого приходил Бог, чтобы приобрести его Себе в народ и прославить Свое имя и совершить великое и страшное пред народом Твоим, который Ты приобрел Себе от Египтян, изгнав народы и богов их?
24 Itinatag mo ang Israel bilang iyong sariling lahi magpakailanman, at ikaw Yahweh, ang naging kanilang Diyos.
И Ты укрепил за Собою народ Твой, Израиля, как собственный народ, навеки, и Ты, Господи, сделался его Богом.
25 Kaya ngayon, Yahweh O'Diyos, nawa'y itatag ang iyong ginawang pangako hinggil sa iyong lingkod at kaniyang pamilya magpakailanman. Gawin mo gaya ng iyong sinabi.
И ныне, Господи Боже, утверди навеки слово, которое изрек Ты о рабе Твоем и о доме его, и исполни то, что Ты изрек.
26 Nawa'y maging dakila ang iyong pangalan magpakailanman, para sabihin ng mga tao, 'Si Yahweh ng mga hukbo ay Diyos ng Israel,' habang ang tahanan ko, David, na iyong lingkod, ay itatag sa harapan mo.
И да возвеличится имя Твое вовеки, чтобы говорили: “Господь Саваоф - Бог над Израилем”. И дом раба Твоего Давида да будет тверд пред лицем Твоим.
27 Para sa iyo, Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ibinunyag mo sa iyong lingkod na gagawan mo siya ng isang tahanan. Kaya nga ako, na iyong lingkod, nakatagpo ng lakas ng loob para manalangin sa iyo.
Так как ты, Господи Саваоф, Боже Израилев, открыл рабу Твоему, говоря: “устрою тебе дом”, то раб Твой уготовал сердце свое, чтобы молиться Тебе такою молитвою.
28 Ngayon, Panginoong Yahweh, ikaw ay Diyos, at mapagkakatiwalaan ang iyong mga salita, at ginawa mo ang mabuting pangakong ito sa iyong lingkod.
Итак, Господи мой, Господи! Ты Бог, и слова Твои непреложны, и Ты возвестил рабу Твоему такое благо!
29 Kaya ngayon, malugod mong pagpalain ang bahay ng iyong lingkod, para magpatuloy ito magpakailanman sa harapan mo. Dahil ikaw, Panginoong Yahweh, ang nagsabi ng mga bagay na ito, at sa iyong pagpapala ang bahay ng iyong lingkod ay pagpapalain magpakailanman.”
И ныне начни и благослови дом раба Твоего, чтоб он был вечно пред лицем Твоим, ибо Ты, Господи мой, Господи, возвестил это, и благословением Твоим соделается дом раба Твоего благословенным, чтоб быть ему пред Тобою вовеки.