< 2 Samuel 5 >

1 Pagkatapos pumunta ang lahat ng lipi ng Israel kay David sa Hebron at sinabi, “Tingnan mo, kami ay iyong laman at buto.
ויבאו כל שבטי ישראל אל דוד--חברונה ויאמרו לאמר הננו עצמך ובשרך אנחנו
2 Sa nakaraang panahon, nang si Saul pa ang hari sa ating lahat, ikaw itong nangunguna sa hukbo ng Israelita. Sinabi ni Yahweh sa iyo, 'Magiging pastol ka ng aking bayan ng Israel, at magiging pinuno ka ng buong Israel.'''
גם אתמול גם שלשום בהיות שאול מלך עלינו אתה הייתה מוציא (המוציא) והמבי את ישראל ויאמר יהוה לך אתה תרעה את עמי את ישראל ואתה תהיה לנגיד על ישראל
3 Kaya dumating ang lahat na nakatatanda ng Israel sa hari ng Hebron, at gumawa si Haring David ng isang kasunduan sa kanila sa harapan ni Yahweh. Hinirang nila si David na maging hari ng buong Israel.
ויבאו כל זקני ישראל אל המלך חברונה ויכרת להם המלך דוד ברית בחברון לפני יהוה וימשחו את דוד למלך על ישראל
4 Tatlumpung taong gulang si David nang nagsimula siyang maghari, at naghari siya ng apatnapung taon.
בן שלשים שנה דוד במלכו ארבעים שנה מלך
5 Sa Hebron naghari siya sa buong Juda ng pitong taon at anim na buwan, at sa Jerusalem naghari siya ng tatlumpu't tatlong taon sa buong Israel at Juda.
בחברון מלך על יהודה שבע שנים וששה חדשים ובירושלם מלך שלשים ושלש שנה על כל ישראל ויהודה
6 Pumunta ang hari at ang mga tauha niya sa Jerusalem laban sa mga Jebuseo, ang mga mamamayan ng lupain. Sinabi nila kay David, “Huwag kang babalik dito maliban kung papaalisin ka sa pamamagitan ng mga bulag at lumpo. Hindi makakapunta dito si David.”
וילך המלך ואנשיו ירושלם אל היבסי יושב הארץ ויאמר לדוד לאמר לא תבוא הנה כי אם הסירך העורים והפסחים לאמר לא יבוא דוד הנה
7 Gayunpaman, nasakop ni David ang kuta ng Sion, na ngayon ay lungsod na ni David.
וילכד דוד את מצדת ציון--היא עיר דוד
8 Sa oras na iyon sinabi ni David, 'Sinuman ang sasalakay sa mga taga-Jebus ay kailangang pumunta sa pamamagitan ng tubig at aabutin nila ang 'lumpo at bulag,' ang mga galit kay David.” kaya sinabi ng mga tao iyan, “Hindi makakapunta ang 'bulag at lumpo' sa palasyo.”
ויאמר דוד ביום ההוא כל מכה יבסי ויגע בצנור ואת הפסחים ואת העורים שנאו (שנואי) נפש דוד על כן יאמרו עור ופסח לא יבוא אל הבית
9 Kaya nanirahan si David sa kuta at tinawag itong siyudad ni David. Pinatibay niya ang palibot nito, mula sa terasa patungong loob.
וישב דוד במצדה ויקרא לה עיר דוד ויבן דוד סביב מן המלוא וביתה
10 Naging lubos na makapangyarihan si David dahil kay Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo, ay kasama niya.
וילך דוד הלוך וגדול ויהוה אלהי צבאות עמו
11 Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero si Hiram hari ng Tyre kay David, at mga punong sedro, karpintero, at mason. Nagtayo sila ng bahay para kay David.
וישלח חירם מלך צר מלאכים אל דוד ועצי ארזים וחרשי עץ וחרשי אבן קיר ויבנו בית לדוד
12 Alam ni David na itinalaga siya ni Yahweh bilang hari sa buong Israel, at sa gayon naging dakila ang kaniyang kaharian para sa kapakanan ng kaniyang bayang Israel.
וידע דוד כי הכינו יהוה למלך על ישראל וכי נשא ממלכתו בעבור עמו ישראל
13 Pagkatapos nilisan ni David ang Hebron at pumunta sa Jerusalem, kumuha siya ng maraming kerida at mga asawa sa Jerusalem, at maraming mga lalaking anak at mga babaeng anak ang ipinanganak sa kaniya.
ויקח דוד עוד פלגשים ונשים מירושלם אחרי באו מחברון ויולדו עוד לדוד בנים ובנות
14 Ito ang mga pangalan ng mga bata na ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem: Sammua, Sobab, Natan, Solomon,
ואלה שמות הילדים לו--בירושלם שמוע ושובב ונתן ושלמה
15 Ibhar, Elisua, Nefeg, Jafia,
ויבחר ואלישוע ונפג ויפיע
16 Elisama, Eliada, at Elifelet.
ואלישמע ואלידע ואליפלט
17 Ngayon nang mabalitaan ng mga Filisteo na nahirang na si David bilang hari ng buong Israel, lumabas silang lahat para makita siya. Pero nabalitaan ni David ito at bumaba siya sa kuta.
וישמעו פלשתים כי משחו את דוד למלך על ישראל ויעלו כל פלשתים לבקש את דוד וישמע דוד וירד אל המצודה
18 Ngayon dumating ang mga Filisteo at nagsikalat sa lambak ng Refaim.
ופלשתים באו וינטשו בעמק רפאים
19 Pagkatapos humingi si David ng tulong mula kay Yahweh. Sinabi niya, “Kailangan ko bang salakayin ang Filisteo? Bibigyan mo ba ako ng tagumpay laban sa kanila?” Sinabi ni Yahweh kay David, “Salakayin mo, dahil siguradong bibigyan kita ng tagumpay laban sa Filisteo.”
וישאל דוד ביהוה לאמר האעלה אל פלשתים התתנם בידי ויאמר יהוה אל דוד עלה כי נתן אתן את הפלשתים בידך
20 Kaya sinalakay ni David ang Baal Perazim, at doon tinalo niya sila. Sinabi niya, “Pinatumba ni Yahweh ang aking mga kalaban sa aking harapan katulad ng isang rumaragasang tubig baha.” Kaya naging Baal Perazim ang pangalan ng lugar na iyon.
ויבא דוד בבעל פרצים ויכם שם דוד ויאמר פרץ יהוה את איבי לפני כפרץ מים על כן קרא שם המקום ההוא--בעל פרצים
21 Iniwan ng mga taga-Filisteo ang kanilang mga diyus-diyosan doon, at dinala ni David at kaniyang mga tauhan ang mga ito.
ויעזבו שם את עצביהם וישאם דוד ואנשיו
22 Pagkatapos umakyat muli ang mga taga-Filisteo at nagsikalat sa lambak ng Refaim.
ויספו עוד פלשתים לעלות וינטשו בעמק רפאים
23 Kaya muling humingi si David ng tulong mula kay Yahweh, at sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Hindi mo dapat salakayin ang kanilang harapan, pero palibutan mo ang likuran nila at lapitan mo sila sa pamamagitan ng mga kahoy ng balsam.
וישאל דוד ביהוה ויאמר לא תעלה הסב אל אחריהם ובאת להם ממול בכאים
24 Kapag narinig mo ang tunog ng pag-ihip ng hangin sa itaas ng mga punong balsam, salakayin mo sila nang may lakas. Gawin mo ito dahil pangungunahan ka ni Yahweh para salakayin ang hukbong ng mga taga-Filisteo.''
ויהי בשמעך (כשמעך) את קול צעדה בראשי הבכאים--אז תחרץ כי אז יצא יהוה לפניך להכות במחנה פלשתים
25 Kaya ginawa ni David ang inutos ni Yahweh sa kaniya. Pinatay niya ang mgataga-Filisteo mula sa Geba hanggang sa Gezer.
ויעש דוד כן כאשר צוהו יהוה ויך את פלשתים מגבע עד באך גזר

< 2 Samuel 5 >