< 2 Samuel 23 >

1 Ngayon, ito ang mga huling sinabi ni David—David na lalaking anak ni Jesse, ang taong mataas na kinikilala, ang siyang pinahiran ng langis ng Diyos ni Jacob, ang matamis na manunulat ng awit ng Israel.
以下是大衛末了的話。耶西的兒子大衛得居高位,是雅各上帝所膏的,作以色列的美歌者,說:
2 “Nangusap sa pamamagitan ko ang Espiritu ni Yahweh at nasa aking dila ang kaniyang salita.
耶和華的靈藉着我說: 他的話在我口中。
3 Sinabi ng Diyos ng Israel, sinabi ng Bato ng Israel sa akin, 'Ang isang namumuno nang makatarungan sa mga tao, namumuno ng may takot sa Diyos.
以色列的上帝、 以色列的磐石曉諭我說: 那以公義治理人民的, 敬畏上帝執掌權柄,
4 Siya ay magiging tulad ng liwanag sa umaga sa pagsikat ng araw, isang umaga na walang mga ulap, sa pag-usbong ng malambot na mga damo mula sa lupa sa pamamagitan nang maliwanag na sinag ng araw pagkatapos ng ulan.
他必像日出的晨光, 如無雲的清晨, 雨後的晴光, 使地發生嫩草。
5 Tunay nga, hindi ba gaya nito ang aking sambahayan sa harapan ng Diyos? Hindi ba gumawa siya ng tipan sa akin na walang hanggan, maayos at tiyak sa kahit na anong paraan? Hindi ba pinalago niya ang aking kaligtasan at tinupad ang aking bawat naisin?
我家在上帝面前並非如此; 上帝卻與我立永遠的約。 這約凡事堅穩, 關乎我的一切救恩和我一切所想望的, 他豈不為我成就嗎?
6 Pero ang lahat ng mga walang kabuluhan, magiging katulad ng mga tinik na itatapon, dahil walang mga kamay ang makakapagtipon sa kanila.
但匪類都必像荊棘被丟棄; 人不敢用手拿它;
7 Ang taong gagalaw sa kanila, kailangang gumamit ng kasangkapang bakal o tungkod ng sibat. Kailangan silang tupukin kung saan sila nakakalat.'”
拿它的人必帶鐵器和槍桿, 終久它必被火焚燒。
8 Ito ang mga pangalan ng mga magigiting na kawal ni David: Jesbaal na Hacmonita na naging pangulo ng mga magiting na kawal. Nakapatay siya ng walong daang tao sa isang pagkakataon.
大衛勇士的名字記在下面:他革捫人約設‧巴設,又稱伊斯尼人亞底挪,他是軍長的統領,一時擊殺了八百人。
9 Sumunod sa kaniya si Eleazar na lalaking anak ni Dodo, lalaking anak ng isang Ahohita, isa sa tatlong magigiting na mga tauhan ni David. Naroon siya nang nilabanan nila ang mga taga-Filisteo na sama-samang nagtipon para makipagdigmaan, at nang umurong ang mga tauhan ng Israel.
其次是亞合人朵多的兒子以利亞撒。從前非利士人聚集要打仗,以色列人迎着上去,有跟隨大衛的三個勇士向非利士人罵陣,其中有以利亞撒。
10 Nanatili si Eleazar at nilabanan ang mga taga-Filisteo hanggang sa napagod ang kaniyang kamay at nanigas ang kaniyang kamay sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniyang espada. Nagdala ng tagumpay si Yahweh sa araw na iyon. Bumalik ang hukbo pagkatapos ni Eleazar, para lang hubaran ang mga katawan.
他起來擊殺非利士人,直到手臂疲乏,手黏住刀把。那日耶和華使以色列人大獲全勝;眾民在以利亞撒後頭專奪財物。
11 Sumunod sa kaniya si Samma na lalaking anak ni Age, isang Hararita. Sama-samang nagtipon ang mga taga-Filisteo kung saan may bukid ng mga lentil, at tinakasan sila ng hukbo.
其次是哈拉人亞基的兒子沙瑪。一日,非利士人聚集成群,在一塊長滿紅豆的田裏,眾民就在非利士人面前逃跑。
12 Pero tumayo si Samma sa gitna ng bukid at ipinagtanggol ito. Napatay niya ang mga taga-Filisteo at nagdala ng isang dakilang tagumpay kay Yahweh.
沙瑪卻站在那田間擊殺非利士人,救護了那田。耶和華使以色列人大獲全勝。
13 Tatlo sa tatlumpung tauhan ang bumaba papunta kay David sa panahon ng ani, sa kuweba ng Adullam. Nakakampo ang hukbo ng mga taga-Filisteo sa lambak ng Refaim.
收割的時候,有三十個勇士中的三個人下到亞杜蘭洞見大衛。非利士的軍兵在利乏音谷安營。
14 Si David noon ay nasa kaniyang tanggulan, isang yungib, habang nagtatag ang mga taga-Filisteo sa Bethlehem.
那時大衛在山寨,非利士人的防營在伯利恆。
15 Nagnais si David ng tubig at sinabing, “Kung mayroon lamang magbibigay sa akin ng tubig na maiinom mula sa balon ng Bethlehem, ang balon na nasa tarangkahan!”
大衛渴想,說:「甚願有人將伯利恆城門旁、井裏的水打來給我喝。」
16 Kaya sinira ng tatlong magigiting na lalaki ang hukbo ng mga taga-Filisteo at sumalok ng tubig sa balon ng Betlehem, ang balon na nasa tarangkahan. Kumuha sila ng tubig at dinala ito kay David, pero hindi niya ininom ito. Sa halip, ibinuhos niya ito kay Yahweh.
這三個勇士就闖過非利士人的營盤,從伯利恆城門旁的井裏打水,拿來奉給大衛。他卻不肯喝,將水奠在耶和華面前,
17 Pagkatapos sinabi niya, “Huwag nawa pahintulutan, Yahweh, na inumin ko ito. Iinumin ko ba ang dugo ng mga taong nagbuwis ng kanilang mga buhay?” Kaya tumanggi siyang ininumin ito. Ito ang mga bagay na ginawa ng tatlong magigiting na lalaki.
說:「耶和華啊,這三個人冒死去打水;這水好像他們的血一般,我斷不敢喝。」如此,大衛不肯喝。這是三個勇士所做的事。
18 Si Abisai, lalaking kapatid ni Joab at lalaking anak ni Zeruias, ang kapitan ng tatlo. Minsan na siyang nakipaglaban sa tatlong daang kalalakihan gamit ang kaniyang sibat at pinatay sila. Madalas siyang banggitin kasama ng tatlong kawal.
洗魯雅的兒子、約押的兄弟亞比篩是這三個勇士的首領;他舉槍殺了三百人,就在三個勇士裏得了名。
19 Hindi ba mas kilala siya kaysa tatlong kawal? Ginawa nila siyang kapitan. Gayunman, hindi napantayan ng kaniyang katanyagan ang katanyagan ng tatlong pinakakilalang mga kawal.
他在這三個勇士裏是最尊貴的,所以作他們的首領,只是不及前三個勇士。
20 Si Benaias, mula sa Kabzeel, ay lalaking anak ni Joaida; siya ang malakas na lalaki na gumawa ng mga dakilang gawa. Pinatay niya ang dalawang lalaking anak ni Ariel ng Moab. Bumaba rin siya sa loob ng isang hukay at pinatay ang leon habang nagniniyebe.
有甲薛勇士耶何耶大的兒子比拿雅行過大能的事;他殺了摩押人亞利伊勒的兩個兒子,又在下雪的時候下坑裏去,殺了一個獅子,
21 At pinatay niya ang isang napakalaking lalaking taga-Ehipto. May hawak na sibat ang taga-Ehipto, pero nakipaglabanan si Benaias sa kaniya gamit lamang ang isang tungkod. Inagaw niya mula sa kamay ng taga-Ehipto at pinatay siya gamit ang kaniyang sariling sibat.
又殺了一個強壯的埃及人;埃及人手裏拿着槍,比拿雅只拿着棍子下去,從埃及人手裏奪過槍來,用那槍將他殺死。
22 Ginawa ni Benaias anak na lalaki ni Joaida itong mga kahanga-hangang gawa, at pinangalanan siya kasama ng tatlong magigiting na lalaki.
這是耶何耶大的兒子比拿雅所行的事,就在三個勇士裏得了名。
23 Labis siyang hinangaan kaysa sa tatlumpung kawal sa pangkalahatan, pero hindi siya labis na hinahangaan gaya ng tatlong pinaamahusay na kawal. Pero ginawa siya ni David na tagapamahala ng kaniyang mga tagabantay.
他比那三十個勇士都尊貴,只是不及前三個勇士。大衛立他作護衛長。
24 Kasali sa tatlumpu ang mga sumusunod na lalaki: Asahel lalaking kapatid ni Joab, Elhanan lalaking anak ni Dodo na mula sa Betlehem,
三十個勇士裏有約押的兄弟亞撒黑,伯利恆人朵多的兒子伊勒哈難,
25 Samma na Horodita, Elika na Harodita,
哈律人沙瑪,哈律人以利加,
26 Helez na Paltita, Ira na lalaking anak ni ekis na taga-Tekoa,
帕勒提人希利斯,提哥亞人益吉的兒子以拉,
27 Abi Ezer na taga-Anatot, Mebunai na taga-Husa,
亞拿突人亞比以謝,戶沙人米本乃,
28 Zalmon na taga-Aho, Maharai na Netofa;
亞合人撒們,尼陀法人瑪哈萊,
29 Heleb lalaking anak ni Baana, taga-Netofa, Itai lalaking anak ni Ribai na mula sa Gibea ng mga lahi ni Benjamin,
尼陀法人巴拿的兒子希立,便雅憫族、基比亞人利拜的兒子以太,
30 Benaias ang Piraton, Hidai ng mga lambak ng Gaas.
比拉頓人比拿雅,迦實溪人希太,
31 Abialbon na Araba, Azmavet na Bahurim,
伯亞拉巴人亞比亞本,巴魯米人押斯瑪弗,
32 Eliahba na taga-Saalbon, mga lalaking anak ni Jasen, Jonatan;
沙本人以利雅哈巴,雅善兒子中的約拿單,
33 Samma na taga-Arar, Ahiam anak ni Sharar na taga-Arar,
哈拉人沙瑪,哈拉人沙拉的兒子亞希暗,
34 Elifelet lalaking anak ni Ahasbai na taga-Maaca, Eliam lalaking anak ni Ahithofel na taga-Gilo,
瑪迦人亞哈拜的兒子以利法列,基羅人亞希多弗的兒子以連,
35 Hezro na taga-Carmel, Paarai ang Arab
迦密人希斯萊,亞巴人帕萊,
36 Igal lalaking anak ni Natan mula sa Zoba, Bani mula sa lipi ni Gad,
瑣巴人拿單的兒子以甲,迦得人巴尼,
37 Zelek na taga-Ammon, Naharai na taga-Beerot, tagadala ng baluti kay Joab lalaking anak ni Zeruias,
亞捫人洗勒,比錄人拿哈萊(是給洗魯雅的兒子約押拿兵器的),
38 Ira na taga-Jatir, Gareb taga-Jatir,
以帖人以拉,以帖人迦立,
39 Urias ang Heteo— tatlumpu't pito lahat.
赫人烏利亞,共有三十七人。

< 2 Samuel 23 >