< 2 Samuel 22 >

1 Umawit si David kay Yahweh ng mga salita ng kantang ito sa araw na iniligtas siya ni Yahweh palabas sa kamay ng lahat ng kaniyang mga kaaway, at palabas sa kamay ni Saul.
And David spake unto Yahweh, the words of this song, in the day when Yahweh had rescued him, out of the hand of all his enemies, and out of the hand of Saul;
2 Nanalangin siya, “Si Yahweh ay aking bato, ang aking tanggulan, ang siyang nagliligtas sa akin.
and he said, —Yahweh, was my mountain crag and my stronghold, and my deliverer—mine;
3 Ang Diyos ang aking muog. Kumukuha ako ng kanlungan sa kaniya. Siya ang aking panangga, ang sungay ng aking kaligtasan, aking matibay na tanggulan, at aking kanlungan, ang siyang nagliligtas sa akin mula sa karahasan.
My God, was my rock, I sought refuge in him, —My shield, and my horn of salvation, my high tower, and my refuge, My Saviour! from violence, thou didst save me.
4 Tatawag ako kay Yahweh, na karapatdapat purihin, at maliligtas ako mula sa aking mga kaaway.
As one worthy to be praised, called I on Yahweh, —And, from my foes, was I saved.
5 Dahil nakapalibot sa akin ang mga alon ng kamatayan. Ang walangsaysay na bugso ng mga tubig tumabon sa akin.
When the breakers of death had encompassed me, —the torrents of perdition, made me afraid, —
6 Ang mga gapos ng sheol nakapalibot sa akin; binibihag ako ng patibong ng kamatayan. (Sheol h7585)
the meshes of hades, had surrounded me, —the snares of death had confronted me, (Sheol h7585)
7 Sa aking pagkabalisa tumawag ako kay Yahweh; Tumawag ako sa aking Diyos; dininig niya ako sa aking boses mula sa kaniyang templo, at ang aking tawag para sa tulong nakarating sa kaniyang mga tainga.
In my distress, called I on Yahweh, Yea, unto my God, did I call, —and he hearkened, out of his temple, unto my voice, and, my cry for help, was in his ears!
8 Pagkatapos naalog ang mundo at nayanig. Nangatog ang mga pundasyon ng kalangitan at inalog, dahil galit ang Diyos.
Then did the earth shake and quake, the foundations of the heavens, were deeply moved, —yea they did shake, because he was angry,
9 Lumabas ang usok mula sa mga butas ng kaniyang ilong, at lumabas ang nagliliyab na apoy sa kaniyang bibig. Umapoy ang mga uling sa pamamagitan nito.
There went up a smoke in his nostrils, and, a fire out of his mouth, devoured, —live coals, were kindled from it:
10 Binuksan niya ang kalangitan at bumaba, at makapal na dilim ang nasa ibaba ng kaniyang mga paa.
Then he stretched out the heavens, and came down, —and, thick gloom, was under his feet;
11 Sumakay siya sa isang anghel at lumipad. Nakita siyang lumilipad sa mga pak-pak ng hangin.
Then he rode on a cherub, and flew, —and was seen on the wings of the wind;
12 At gumawa siya ng kadiliman sa toldang nakapalibot sa kaniya, nag-iipon ng mga mabibigat na ulap ulan sa himpapawid.
And made of the darkness around him, pavilions, —gathering of waters, clouds of vapours.
13 Mula sa kidlat sa harapan niya nahulog ang mga uling ng apoy.
Out of the brightness before him, were kindled live coals of fire;
14 Kumulog si Yahweh mula sa kalangitan. Sumigaw ang Kataas-taasan.
Thunder from the heavens, did Yahweh give forth, —yea, the Highest, uttered his voice;
15 Nagpatama siya ng mga pana at kinalat ang kaniyang mga kaaway — mga boltahe ng kidlat at ikinalat ito.
And he sent forth arrows, and scattered them, —lightning, and confused them;
16 Pagkatapos nagkaroon ng mga daluyan ng tubig; ang mga pundasyon ng mundo ay nagkalat sa sigaw ng digmaan ni Yahweh, sa bugso ng hininga ng mga butas ng kaniyang ilong.
Then appeared the channels of the sea, were uncovered the foundations of the world, —at the rebuke of Yahweh, the blast of the breath of his nostrils;
17 Inabot niya pababa mula sa itaas; hinawakan niya ako! Hinila niya ako palabas ng umaalon na tubig.
He sent from on high, he took me, —he drew me out of many waters;
18 Iniligtas niya ako mula sa malakas kong kaaway, mula doon sa napopoot sa akin, dahil masyado silang malakas sa akin.
He rescued me from my foe, in his might, —from them who hated me, because they were too strong for me:
19 Dumating sila laban sa akin sa araw ng aking pagkabalisa, pero si Yahweh ang umalalay sa akin.
They confronted me, in the day of my necessity, —then became Yahweh my stay:
20 Dinala rin niya ako sa isang malawak na lugar. Iniligtas niya ako dahil nasiyahan siya sa akin.
And brought out, into a large place, even me, —he delivered me, because he delighted in me:
21 Ginantimpalaan ako ni Yahweh sa sukat ng aking katuwiran; binalik niya ako sa sukat ng kalinisan ng aking mga kamay.
Yahweh rewarded me, according to my righteousness—according to the cleanness of my hands, he repaid me:
22 Dahil pinanatili ko ang mga kaparaanan ni Yahweh at hindi gumawa ng kasamaan sa pamamagitan ng pagtalikod mula sa aking Diyos.
For I had kept the ways of Yahweh, —and not broken away from my God;
23 Dahil ang lahat ng kaniyang matuwid na mga utos ay nasa harapan ko; para sa kaniyang mga batas, hindi ako tumalikod palayo sa mga ito.
For, all his regulations, were before me, —and, as for his statutes, I turned not from them.
24 Naging walang sala rin ako sa harapan niya, at pinanatili kong malayo ako mula sa kasalanan.
So became I blameless towards him, —and kept myself from mine iniquity:
25 Kaya ibinalik ako ni Yahweh sa sukat ng aking katuwiran, sa antas ng aking kalinisan sa kaniyang paningin.
Yahweh therefore repaid me, according to my righteousness, —according to my pureness before his eyes.
26 Sa isang tapat, ipinakita mo ang iyong sarili na maging tapat; sa isang tao na walang sala, ipinakita mo ang iyong sarili na maging walang sala.
With the loving, thou didst show thyself loving, —with the blameless hero, thou didst show thyself blameless;
27 Sa mga dalisay ipinakita mo ang iyong sariling dalisay, pero ikaw ay matigas sa baluktot.
With the pure, thou didst show thyself pure, —but, with the perverse, thou didst shew thyself ready to contend:
28 Iniligtas mo ang mga taong nasaktan, pero laban ang iyong mga mata sa mayayabang, at ibinababa mo sila.
And, a patient people, thou didst save, —but, thine eyes, were on the lofty—thou layedst them low;
29 Dahil ikaw ang aking lampara, Yahweh. Inilawan ni Yahweh ang aking kadiliman.
For, thou, wast my lamp, O Yahweh, —and, Yahweh, enlightened my darkness;
30 Dahil sa pamamagitan kaya kong tumakbo sa ibabaw ng barikada; sa pamamagitan ng aking Diyos makakatalon ako sa ibabaw ng isang pader.
For, by thee, I ran through a troop, —by my God, I leapt over a wall.
31 Para sa Diyos, ang kaniyang paraan ay tama. Ang salita ni Yahweh ay dalisay. Siya ay isang panangga sa bawat taong nagkukubli sa kaniya.
As for God, blameless is his way, —the speech of Yahweh, hath been proved, a shield, he is to all who seek refuge in him.
32 Dahil sino ang Diyos maliban kay Yahweh? At sino ang isang bato maliban sa ating Diyos?
For who is a GOD, save Yahweh? and who a Rock, save our God?
33 Ang Diyos ay aking kanlungan, at pinamunuan niya ang walang salang tao sa kaniyang daraanan.
GOD, is my fortress of strength, —and shewed to the blameless his way;
34 Ginawa niyang matulin ang aking mga paa gaya ng isang usa at inilagay ako sa mga bundok.
Planting my feet like the hinds’, —yea, on my high places, he caused me to stand;
35 Sinanay niya ang aking mga kamay para sa digmaan, at ang aking mga braso para iyuko ang isang tanso na pana.
Teaching my hands, to war, —so that a bow of bronze was bent by mine arms;
36 Ibinigay mo sa akin ang panangga ng iyong kaligtasan, at ang iyong biyaya ay gumawa sa akin ng dakila bagay.
Thus didst thou grant me, as a shield, thy salvation, —and, thy condescension, made me great.
37 Gumawa ka ng isang malapad na lugar para sa aking mga paa na tinatapakan ko, para hindi dumulas ang aking mga paa.
Thou didst widen my stepping-places, under me, —so that mine ankles faltered not:
38 Hinabol ko ang aking mga kaaway at winasak sila. Hindi ako tumalikod hanggang sila ay mawasak.
I pursued my foes, and destroyed them, —and returned not, till they were consumed;
39 Nilamon ko sila at binasag sila; hindi sila makakabangon. Bumagsak sila sa ilalim ng aking mga paa.
So I consumed them, and crushed them, and they rose not again, —thus fell they under my feet:
40 Nilagyan mo ako ng lakas gaya ng isang sinturon para sa labanan; inilagay mo ako sa ibaba sa mga lumalaban sa akin.
Thus didst thou gird me with strength, for the battle, —thou subduedst mine assailants under me:
41 Binigay mo sa akin ang likod ng aking mga kaaway; Winasak ko ang mga galit sa akin.
And, as for my foes, thou didst give me their neck, —yea, them who hated me, that I might destroy them:
42 Umiyak sila para tulungan, pero walang isang naligtas sa kanila; umiyak sila kay Yahweh, pero hindi siya sumagot sa kanila.
They cried out, but there was none to save, —unto Yahweh, but he answered them not.
43 Hinampas ko sila hanggang maging mga piraso tulad ng alikabok sa lupa, pinulbos ko sila gaya ng putik sa mga kalye.
Then did I beat them in pieces, like the dust of the earth, —like the clay of the lanes, did I crush them, stamp them down.
44 Iniligtas mo rin ako mula sa mga alitan ng sarili kong mga tao. Pinanatili mo ako bilang ulo ng mga bansa. Sa mga tao na hindi ko alam kung pinaglilingkuran ako.
Thus didst thou rescue me from the contentions of my people, didst keep me to be the head of nations: —a people whom I had not known, served me;
45 Pinilit ang mga dayuhan na yumuko sa akin. Nang panahon na narinig nila ako, sinunod nila ako.
The sons of the foreigner, came cringing unto me, —at the hearing of the ear, they submitted to me, —
46 Dumating na nanginginig ang mga dayuhan palabas sa kanilang mga kuta.
The sons of the foreigner, were disheartened, and came quaking, out of their fortresses.
47 Buhay si Yahweh! Nawa'y purihin ang aking bato. Nawa'y maitaas ang Diyos, ang bato ang aking kaligtasan.
Yahweh liveth, and blessed be my rock, —and exalted be the God (of the rock) of my salvation: —
48 Ito ang Diyos na nagsasagawa ng paghihiganti para sa akin, ang siyang nagdadala pababa sa mga tao sa ilalim ko.
The GOD who hath avenged me, and brought down peoples under me;
49 Ginawa niya akong malaya mula sa aking mga kaaway. Sa katunayan, itinaas mo ako sa ibabaw ng mga lumalaban sa akin. Iniligtas mo ako mula sa marahas na kalalakihan.
And brought me forth from among my foes, —yea, from mine assailants, hast thou set me on high, from the man of violence, hast thou delivered me.
50 Kung kaya magbibigay ako ng pasasalamat sa iyo, Yahweh, sa piling ng mga bansa; Aawit ako ng mga pasasalamat sa iyong pangalan.
For this cause, will I praise thee, O Yahweh, among the nations, —and, to thy name, will I touch the strings: —
51 Nagbibigay ng dakilang tagumpay ang Diyos sa kaniyang hari, at ipinapakita niya ang kaniyang katapatang tipan sa kaniyang hinirang, kay David at sa kaniyang kaapu-apuhan magpakailanman.”
Who hath made great the victories of his King, —and shown lovingkindness to his Anointed One, to David and to his Seed, unto times age-abiding.

< 2 Samuel 22 >