< 2 Samuel 20 >

1 Mayroon ding nangyari sa parehong lugar isang basagulero na ang pangalan ay Seba anak na lalaki ni Bicri, isang lahi ni Benjamin. Hinipan niya ang trumpeta at sinabing, “Wala kaming kinuhang bahagi kay David, ni nakuhang pamana sa anak na lalaki ni Jesse. Hayaan ang bawat lalaking bumalik sa kaniyang tahanan, sa Israel.”
And there happened to be there a man of Belial, whose name was Sheba, the son of Bichri, a Benjamite: and he blew a trumpet, and said, We have no part in David, neither have we inheritance in the son of Jesse: every man to his tents, O Israel.
2 Kaya iniwan si David ng lahat ng kalalakihan ng Israel at sumunod kay Seba na anak na lalaki ni Bicri. Pero sumunod ng mas malapit ang kalalakihan ng Juda sa kanilang hari, mula Jordan hanggang Jerusalem.
So every man of Israel went up from after David, and followed Sheba the son of Bichri: but the men of Judah clave unto their king, from Jordan even to Jerusalem.
3 Nang dumating si David sa kaniyang palasyo sa Jerusalem, kinuha niya ang sampung asawang lingkod na iniwan niya para pangalagaan ang palasyo, at inilagay niya sila sa isang bahay na may mga bantay. Naglaan siya para sa kanilang pangangailangan, pero hindi na siya sumiping sa kanila kailanman. Kaya kinulong sila hanggang sa araw ng kanilang kamatayan, namuhay na parang sila ay mga balo.
And David came to his house at Jerusalem; and the king took the ten women his concubines, whom he had left to keep the house, and put them in ward, and fed them, but went not in unto them. So they were shut up unto the day of their death, living in widowhood.
4 Pagkatapos sinabi ng hari kay Amasa, “Tawagin ang kalalakihan ng Juda ng magkasama sa loob ng tatlong araw; dapat narito karin.”
Then said the king to Amasa, Assemble me the men of Judah within three days, and be thou here present.
5 Kaya pumunta si Amasa para tawagin ang kalalakihan ng Juda ng magkasama, pero nanatili siya ng higit pa sa itinakdang oras na inutos sa kaniya ng hari.
So Amasa went to assemble the men of Judah: but he tarried longer than the set time which he had appointed him.
6 Kaya sinabi ni David kay Abisai, “Ngayon si Seba anak na lalaki ni Bicri ay gagawan tayo ng mas maraming pinsala kaysa sa ginawa ni Absalom. Kunin ang mga lingkod ng iyong panginoon, aking mga sundalo, at tugisin siya o baka makahanap siya ng pinatibay na mga lungsod at makawala sa ating paningin.”
And David said to Abishai, Now shall Sheba the son of Bichri do us more harm than did Absalom: take thou thy master's servants, and pursue after him, lest he get him fenced cities, and escape us.
7 Pagkatapos lumabas ang kalalakihan ni Joab at hinabol siya, kasama ng mga lahi ni Kereteo at ang mga lahi ni Pelet at lahat ng malalakas na mandirigma. Umalis sila sa Jerusalem para habulin si Seba anak na lalaki ni Bicri.
And there went out after him Joab's men, and the Cherethites, and the Pelethites, and all the mighty men: and they went out of Jerusalem, to pursue after Sheba the son of Bichri.
8 Nang nasa dakilang bato na sila na nasa Gibeon, Dumating si Amasa para salubungin sila. Nakasuot si Joab ng baluting pandigma na kaniyang isinuot, na kalakip ang isang sinturon palibot sa kaniyang baywang na mayroong nakalagay na isang espadang may lalagyan nito. Sa kaniyang paglalakad, nahulog ang espada.
When they were at the great stone which is in Gibeon, Amasa went before them. And Joab's garment that he had put on was girded unto him, and upon it a girdle with a sword fastened upon his loins in the sheath thereof; and as he went forth it fell out.
9 Kaya sinabi ni Joab kay Amasa, “Mabuti ba ang lagay mo, aking pinsan?” Magiliw ni Joab na kinuha ang balbas ni Amasa ng kaniyang kanang kamay para halikan siya.
And Joab said to Amasa, Art thou in health, my brother? And Joab took Amasa by the beard with the right hand to kiss him.
10 Hindi napansin ni Amasa ang punyal na nasa kaliwang kamay ni Joab. Sinaksak ni Joab si Amasa sa tiyan at nahulog sa lupa ang kaniyang mga bituka. Hindi na siya hinampas muli ni Joab, at namatay si Amasa. Kaya si Joab at Abisai kaniyang kapatid na lalaki ay hinabol si Seba anak na lalaki ni Bicri.
But Amasa took no heed to the sword that was in Joab's hand: so he smote him therewith in the fifth rib, and shed out his bowels to the ground, and struck him not again; and he died. So Joab and Abishai his brother pursued after Sheba the son of Bichri.
11 Pagkatapos isa sa kalalakihan ni Joab ay tumayo sa gilid ni Amasa, at sinabi ng lalaki, “Siya na pumapanig kay Joab, at siya na kay David, hayaan silang sumunod kay Joab.”
And one of Joab's men stood by him, and said, He that favoureth Joab, and he that is for David, let him go after Joab.
12 Nakahiga si Amasa na naliligo sa kaniyang dugo sa gitna ng daan. Nang nakita ng lalaki na lahat ng tao'y nanatiling nakatayo, kinuha niya si Amasa paalis sa daan at inilagay sa isang bukirin. Tinapon niya ang isang tela kay Amasa dahil nakita niya na ang bawat isa na dumating kasama niya ay nanatiling nakatayo.
And Amasa wallowed in blood in the midst of the highway. And when the man saw that all the people stood still, he removed Amasa out of the highway into the field, and cast a cloth upon him, when he saw that every one that came by him stood still.
13 Pagkatapos nang inalis si Amasa sa daan, sumunod ang lahat ng kalalakihan kay Joab sa paghabol kay Seba na anak na lalaki ni Bicri.
When he was removed out of the highway, all the people went on after Joab, to pursue after Sheba the son of Bichri.
14 Nakalagpas si Seba sa lahat ng lipi ng Israel sa Abel, sa Bet Maaca, at sa lahat ng lupain ng mga lahi ni Beri, na nagtipong magkakasama at tinugis rin si Seba.
And he went through all the tribes of Israel unto Abel, and to Beth-maachah, and all the Berites: and they were gathered together, and went also after him.
15 Nahuli nila siya at nakulong siya sa Abel ng Bet Maaca. Gumawa sila ng isang panlusob na dahilig laban sa lungsod laban sa pader. Lahat ng hukbo na kasama ni Joab ay hinampas ang pader para patumbahin ito.
And they came and besieged him in Abel of Beth-maachah, and they cast up a bank against the city, and it stood in the trench: and all the people that were with Joab battered the wall, to throw it down.
16 Pagkatapos isang matalinong babae ang sumigaw sa labas ng lungsod, “Makinig kayo, pakiusap makinig ka, Joab! Lumapit ka sa akin para maaari akong makipag-usap sa iyo.”
Then cried a wise woman out of the city, Hear, hear; say, I pray you, unto Joab, Come near hither, that I may speak with thee.
17 Kaya lumapit si Joab sa kaniya, at sinabi ng babae, “Ikaw ba si Joab?” Sumagot siya, “Ako nga.” Pagkatapos sinabi niya sa kaniya, “Makinig sa mga salita ng iyong lingkod.” Sumagot siya, “Nakikinig ako.”
And when he was come near unto her, the woman said, Art thou Joab? And he answered, I am he. Then she said unto him, Hear the words of thine handmaid. And he answered, I do hear.
18 Pagkatapos sinabi niya, “Sinasabi nila sa sinaunang panahon, 'Siguraduhing humingi ng payo sa Abel,' at ang payong iyon ang tatapos sa bagay.
Then she spake, saying, They were wont to speak in old time, saying, They shall surely ask counsel at Abel: and so they ended the matter.
19 Kami ang lungsod na isa sa mga pinaka-mapayapa at tapat sa Israel. Sinusubukan ninyong sirain ang isang lungsod na ina sa Israel. Bakit ninyo gustong lunukin ang mana ni Yahweh?”
I am one of them that are peaceable and faithful in Israel: thou seekest to destroy a city and a mother in Israel: why wilt thou swallow up the inheritance of YHWH?
20 Kaya sumagot si Joab at sinabing, “Huwag sanang pahintulatan, huwag sanang pahintulatan mula sa akin, na lunukin ko o sirain.
And Joab answered and said, Far be it, far be it from me, that I should swallow up or destroy.
21 Hindi iyan totoo. Pero isang lalaki mula sa burulang bansa ng Efraim, na ang pangalan ay Seba anak na lalaki ni Bicri, itinaas niya ang kaniyang kamay laban sa hari, laban kay David. Ibigay ninyo siyang mag-isa, at aalis ako mula sa lungsod.” Sinabi ng babae kay Joab, “Itatapon ang kaniyang ulo sa iyo sa ibabaw ng pader.”
The matter is not so: but a man of mount Ephraim, Sheba the son of Bichri by name, hath lifted up his hand against the king, even against David: deliver him only, and I will depart from the city. And the woman said unto Joab, Behold, his head shall be thrown to thee over the wall.
22 Pagkatapos pumunta ang babae sa lahat ng tao sa kaniyang karunungan. Pinutol nila ang ulo ni Seba anak na lalaki ni Bicri, at itinapon ito palabas kay Joab. Pagkatapos hinipan niya ang trumpeta at nilisan ng mga tauhan ni Joab ang lungsod, bawat lalaki sa kaniyang tahanan. At bumalik si Joab sa Jerusalem sa hari.
Then the woman went unto all the people in her wisdom. And they cut off the head of Sheba the son of Bichri, and cast it out to Joab. And he blew a trumpet, and they retired from the city, every man to his tent. And Joab returned to Jerusalem unto the king.
23 Ngayon si Joab ay nasa lahat ng hukbo ng Israel, at si Benaias anak na lalaki ni Joaida ay nasa mga lahi ni Ceret at sa mga lahi ni Pelet.
Now Joab was over all the host of Israel: and Benaiah the son of Jehoiada was over the Cherethites and over the Pelethites:
24 Si Adoram ay nasa kalalakihan na gumagawa ng sapilitang trabaho, at si Jehoshafat anak na lalaki ni Ahilud ay ang tagatala.
And Adoram was over the tribute: and Jehoshaphat the son of Ahilud was recorder:
25 Si Seva ay tagasulat at si Zadok at Abiatar ang mga pari.
And Sheva was scribe: and Zadok and Abiathar were the priests:
26 Si Ira ang lahi ni Jair ang pangulong ministro ni David.
And Ira also the Jairite was a chief ruler about David.

< 2 Samuel 20 >