< 2 Samuel 19 >
1 Sinabihan si Joab, “Tingnan mo, humagulgol ang hari at nagluksa para kay Absalom.”
It was told Joab, "Look, the king weeps and mourns for Absalom."
2 Kaya ang tagumpay ng araw na iyon ay naging pagluluksa sa lahat ng hukbo, dahil narinig ito ng hukbo nang sinabi ng araw na iyon, “Nagluksa ang hari para sa kaniyang anak na lalaki.”
The victory that day was turned into mourning to all the people; for the people heard it said that day, "The king grieves for his son."
3 Kinailangang patagong maglakad ng tahimik ang mga sundalo sa lungsod ng araw na iyon, katulad ng mga taong nahihiyang tumatakbo palayo mula sa labanan.
So the people went quietly into the city that day, the way that people who are humiliated creep away when fleeing in battle.
4 Tinakpan ng hari ang kaniyang mukha at umiyak sa isang malakas na tinig, “Anak kong Absalom, Absalom, anak ko, anak ko!”
The king covered his face, and he cried with a loud voice, "My son Absalom, Absalom, my son."
5 Pagkatapos pumasok sa loob ng bahay ang hari si Joab at sinabi sa kaniya, “Pinahiya mo ang mga mukha ng lahat ng iyong mga sundalo sa araw na ito, na nagligtas ng iyong buhay sa araw na ito, at ang buhay ng iyong mga anak na lalaki at ng iyong mga anak na babae, at ang buhay ng iyong mga asawa, at ang buhay ng iyong mga asawang alipin,
Then Joab went into the house to the king, and said, "Today you have humiliated the faces of all your servants, who have this day saved your life and the lives of your sons and of your daughters and the lives of your wives and the lives of your secondary wives;
6 dahil minahal mo galit sa iyo, at galit ka sa mga nagmamahal sa iyo. Dahil sa araw na ito ipinakita mo na ang mga pinuno at mga sundalo ay baliwala sa iyo. Naniniwala ako sa araw na ito kung nabuhay si Absalom, at tayong lahat ay namatay, iyon siguro ang makapagpapasaya sa iyo.
by loving those who hate you and hating those who love you. For you have made it clear today that commanders and servants are nothing to you. For you know that if Absalom were alive today, and all of us had died, then you would be pleased.
7 Kaya ngayon tumayo ka at lumabas, magsalita ng mabuti sa iyong mga sundalo, dahil ipinapangako ko kay Yahweh, kapag hindi ka pumunta, wala ni isang taong mananatili sa iyo mamayang gabi. Iyon ay magiging masama para sa iyo kaysa sa lahat ng kapahamakang nangyari sa iyo mula ng iyong kabataan hanggang ngayon.”
Now therefore get up, go out and speak kindly to your servants. For I swear by YHWH, if you do not go out, not a man will remain with you this night, and that will be worse for you than all the evil that has happened to you from your youth until now."
8 Kaya tumayo ang hari at umupo sa tarangkahan ng lungsod, at sinabi ito sa lahat ng kalalakihan, “Tingnan, nakaupo ang hari sa tarangkahan.” Kaya pumunta ang lahat ng mga tao sa harap ng hari. Samantala, sa Israel, tumakas ang bawat tao sa kaniyang tahanan.
So the king got up and sat at the gate. And all the people were informed, saying, "Look, the king is sitting at the gate." And all the people came before the king. Meanwhile, Israel had fled each man to his tent.
9 Nagtatalo ang lahat ng mga tao sa lahat ng lipi sa buong Israel sinasabing, “Iniligtas tayo ng hari mula sa kamay ng ating mga kaaway. Iniligtas niya tayo mula sa kamay ng mga Filisteo at ngayon naubusan siya ng lungsod mula kay Absalom.
All the people were at strife throughout all the tribes of Israel, saying, "The king delivered us out of the hand of our enemies, and he saved us out of the hand of the Philistines, but now he has fled from the land and from being over his kingdom.
10 At si Absalom, na ating hinirang para sa atin, ay namatay sa labanan. Kaya bakit hindi natin pag-usapan ang pagbabalik muli ng hari?”
And Absalom, whom we anointed over us, is dead in battle. Now therefore why do you not speak a word of bringing the king back?" And the talk of all Israel came to the king.
11 Nagpadala si Haring David kay Zadok at kay Abiatar ng mga pari na sinasabing, “Kausapin ang mga pinuno ng Juda sabihin na, 'Bakit huli kayo sa pagpapabalik sa hari sa kaniyang palasyo, yamang ang usapin sa buong Israel pinapaboran ang hari, para dalhin siya pabalik sa kaniyang palasyo?
So king David sent to Zadok and to Abiathar the priests, saying, "Speak to the elders of Judah, saying, 'Why are you the last to bring the king back to his palace?
12 Kayo ang aking mga kapatid na lalaki, aking laman at buto. Bakit kayo ang huling magdadala sa hari pabalik?'
You are my brothers, you are my bone and my flesh. Why then are you the last to bring back the king?'
13 At sabihin kay Amasa, 'Hindi ba ikaw ang aking laman at aking buto? Gagawin sa akin ng Diyos, ng higit pa, kapag hindi ikaw ang kapitan ng aking hukbo mula ngayon sa lugar ni Joab.'”
And say to Amasa, 'Aren't you my bone and my flesh? Now then, God do so to me, and more also, if you aren't commander of the army before me continually in place of Joab. '"
14 At nakuha niya ang mga puso ng lahat ng tao sa Juda, na parang sila ay puso ng isang tao, nang sa gayon nagpadala sila sa hari sinasabing, “Bumalik ka, ikaw at lahat ng iyong kalalakihan.”
Thus the heart of all the men of Judah was inclined as one man, so that they sent a message to the king, "Return, you and all your servants."
15 Kaya bumalik ang hari at dumating sa Jordan. At dumating ang kalalakihan ng Juda sa Gilgal para makipagkita sa hari, para samahan ang hari sa Jordan.
So the king returned and came to the Jordan. And Judah came to Gilgal, having come down to meet the king, to bring the king across the Jordan.
16 Si Simei anak na lalaki ni Gera, ang lahi ni Benjamin, na nagmula sa Bahurim, ay nagmadaling bumaba kasama ng kalalakihan ng Juda para makipagkita kay Haring David.
And Shimei the son of Gera, the Benjamite who was from Bahurim, hurried and came down with the men of Judah to meet king David,
17 Mayroong isang libong kalalakihan mula kay Benjamin na kasama niya, at si Ziba ang lingkod ni Saul, at kaniyang labinlimang anak na lalaki at dalawampung lingkod na kasama niya.
and a thousand men from Benjamin with him. But Ziba the servant of the house of Saul, and his fifteen sons and his twenty servants with him, waded through the Jordan ahead of the king,
18 Tumawid sila sa Jordan sa harap ng hari. Tumawid sila para dalhin ang pamilya ng hari at para gawin ang anumang inisip niyang mabuti. Yumuko si Simei anak na lalaki ni Gera sa hari bago palang niya simulang tawirin ang Jordan.
and did the work of bringing the king across and to do whatever he wished. And Shimei the son of Gera fell down before the king, when he crossed the Jordan.
19 Sinabi ni Simei sa hari, “Huwag, aking panginoon, na hanapin ang pagkakasala at isaisip kung ano ang katigasan ng ulo na ginawa ng iyong lingkod ng araw na umalis sa Jerusalem ang aking panginoon, ang hari. pakiusap, nawa'y hindi isapuso ito ng hari.
Then he said to the king, "May my lord not consider punishment. Do not remember what your servant did wrong on the day when my lord the king left Jerusalem, so that the king should call it to mind.
20 Dahil alam ng iyong lingkod na ako ay nagkasala. Tingnan mo, kaya pumunta ako sa araw na ito bilang una mula sa lahat ng pamilya ni Jose para pumunta pababa para makipagkita sa aking panginoong hari.”
For your servant knows that I have sinned. Therefore, look, I have come today the first of all the house of Joseph to come down to meet my lord the king."
21 Pero sumagot si Abisai anak na lalaki ni Zeruias at sinabing, “Hindi ba kailangang malagay sa kamatayan si Simei dahil dito, dahil nilapastangan niya ang hinirang ni Yahweh?”
But Abishai the son of Zeruiah replied, "Should not Shimei be put to death for this, because he cursed YHWH's anointed?"
22 Pagkatapos sinabi ni David, “Ano ba ang dapat kong gawin sa inyo, kayo na mga anak na lalaki ni Zeruias, na kayo ay maging kaaway ko sa araw na ito? Maaari bang malagay ng sinumang lalaki sa kamatayan sa araw na ito sa Israel? Dahil hindi ko alam na sa araw na ito ako ang hari ng Israel?”
But David replied, "What does this have to do with you, you sons of Zeruiah, that you should become my adversaries today? Should anyone be put to death in Israel today? For do you not know that today I begin to rule over Israel?"
23 Kaya sinabi ng hari kay Simei, “Hindi ka mamamatay.” Kaya nangako ang hari sa kaniya ng isang sumpa.
Then the king said to Shimei, "You will not die." And the king gave him his oath.
24 Pagkatapos bumaba si Mefiboset anak na lalaki ni Saul para makipag-kita sa hari. Hindi niya sinuotan ang kaniyang mga paa, o pinutulan ang kaniyang balbas, o nilabhan ang kaniyang mga damit simula ng araw na umalis ang hari hanggang sa araw na dumating siya ng bahay ng mapayapa.
Now Mippibaal son of Jonathan son of Saul came down to meet the king, and he had neither cared for his feet nor trimmed his beard nor washed his clothes, from the day the king departed until the day he came back safely.
25 At nang dumating siya mula Jerusalem para makipag-kita sa hari, sinabi ng hari sa kaniya, “Bakit hindi ka sumabay sa akin, Mefiboset?”
And it happened when he came to Jerusalem to meet the king, that the king said to him, "Why did you not go with me, Mippibaal?"
26 Sumagot siya, “Aking panginoong hari, nilinlang ako ng aking lingkod, dahil sinabi ko, 'uupo ako sa isang asno para maaari kong sakyan iyon at sumabay sa hari, dahil ang iyong lingkod ay lumpo.'
So he answered, "My lord king, my servant deceived me. For your servant said to him, 'Saddle a donkey for me so that I may ride on it and go with the king,' for your servant is lame.
27 Siniraan ako ng aking lingkod na si Ziba, ang iyong lingkod, sa aking panginoong hari. Pero ang aking panginoong hari ay gaya ng isang anghel ng Diyos. Sa gayon, gawin ang anumang mabuti sa iyong paningin.
And he has slandered your servant to my lord the king. But my lord the king did that which was good in my eyes, like an angel of God.
28 Dahil ang lahat ng sambahayan ng aking ama ay mga patay na tao sa harapan ng aking panginoong hari, pero ginawa mo ang iyong lingkod kasama mong kumakain sa iyong mesa. Anong karapatan meron ako para umiyak pa rin ako sa hari?”
For though all my father's house were but men doomed to death before my lord the king, yet you placed your servant among those who eat at your table. From whom, then, could I have finer treatment?" But when he cried out to the king,
29 Pagkatapos sinabi sa kaniya ng hari, “Bakit nagpapaliwanag pa? Napagpasyahan ko na ikaw at si Ziba ang maghahati sa mga lupain.”
the king said, "Why do you multiply your words? I say: You and Ziba divide the property."
30 Kaya sumagot si Mefiboset sa hari, “Oo, hayaan na makuha niya ang lahat ng ito, yamang dumating ng ligtas ang aking panginoong hari sa kaniyang sariling tahanan.”
And Mippibaal said to the king, "Yes, let him take it all, since my lord the king has come safely home."
31 Pagkatapos bumaba si Barzilai ang lahi ng Galaad mula Rogelim para tumawid sa Jordan kasama ng hari, at sinamahan niya ang hari sa Jordan.
Now Barzillai the Gileadite had come down from Rogelim, and he went with the king to conduct him from the Jordan.
32 Ngayon si Barzilai ay isang napakatandang lalaki, walumpung taong gulang.
Now Barzillai was a very old man, eighty years old; and he had provided for the king while he was staying at Mahanaim, for he was a very rich man.
33 Pinagkalooban niya ang hari ng pangangailangan habang nanatili siya sa Mahanaim, dahil siya ay isang napakayamang tao. Sinabi ng hari kay Barzilai, “Pumunta ka sa akin, at ako ang magbibigay para sa iyo ng matitirahan kasama ko sa Jerusalem.”
And the king said to Barzillai, "Come over with me, and I will provide for your old age in Jerusalem with me."
34 Sumagot si Barzilai sa hari, “Ilang mga araw nalang ang natitira sa mga taon ng aking buhay, dapat umakyat ako kasama ng hari sa Jerusalem?
But Barzillai said to the king, "How many more days would I have there, that I should go up with the king to Jerusalem?
35 Ako ay walumpung taong gulang. Malalaman ko paba ang kaibahan sa pagitan ng mabuti at masama? Malalasahan paba ng iyong lingkod ang aking kakainin o anuman iinumin ko? Makakarinig pa ba ako ng ibang boses ng kumakantang kalalakihan at kumakantang kababaihan? Bakit pa kailangan ng iyong lingkod na maging isang pasanin ng aking panginoong hari?
I am now eighty years old. Can I discern between good and bad? Can your servant taste what I eat or what I drink? Can I hear the voice of male and female singers? Why then should your servant be any further burden to my lord the king?
36 Nanaisin nalang ng iyong lingkod na pumunta sa Jordan kasama ng hari. Bakit pa kailangan bayaran ako ng hari ng isang gantimpala?
Your servant will cross the Jordan with the king for a short distance. Why should the king compensate me in this way?
37 Pakiusap hayaan ang iyong lingkod na bumalik sa tahanan, nang sa gayon ako ay mamatay sa aking sariling lungsod sa libingan ng aking ama at aking ina. Pero tingnan mo, narito ang aking lingkod na si Camaam. Hayaan siyang tumawid kasama ang aking panginoong hari, at gawin sa kaniya anuman sa tingin mo ay mabuti.”
Please let your servant return, so that I may die in my own city near the tomb of my father and my mother. But look, here is your servant Kimham. Let him cross over with my lord the king, and do for him what seems good to you."
38 Sumagot ang hari, “Aalis si Camaam kasama ko, at gagawin ko para sa kaniya anumans sa tingin mo ay mabuti, at anuman ang nanaisin mo mula sa akin, gagawin ko iyon para sa iyo.”
And the king answered, "Kimham will go over with me, and I will do for him whatever I consider appropriate, and whatever you require of me I will do for you."
39 Pagkatapos tumawid ang lahat ng mga tao sa Jordan, at tumawid ang hari, at hinalikan ng hari si Barzilai at pinagpala siya. Pagkatapos bumalik si Barzilai sa kaniyang sariling tahanan.
All the people crossed over the Jordan, but the king remained. Then the king kissed Barzillai, and blessed him; and he returned to his own place.
40 Kaya tumawid ang hari patungong Gilgal, at tumawid kasama niya si Camaam. Lahat ng hukbo ng Juda ay dinala ang hari, at kalahati rin ng hukbo ng Israel.
So the king went over to Gilgal, and Kimham went over with him. All the people of Judah brought the king over, and also half the people of Israel.
41 Sa madaling panahon lahat kalalakihan ng Israel ay nag-umpisang pumunta sa hari at sinabi sa hari, “Bakit ang mga kapatid naming lalaki, ang kalalakihan ng Juda, ninakaw kayo palayo at dinala ang hari at kaniyang pamilya sa Jordan, at lahat ng kalalakihan ni David kasama niya?”
Look, all the men of Israel came to the king, and said to the king, "Why have our brothers the men of Judah stolen you away, and brought the king, and his household, over the Jordan, and all David's men with him?"
42 Kaya sumagot ang kalalakihan ng Israel, “Ito ay dahil mas malapit na kamag-anak ang hari sa amin. Kung kaya bakit kayo magagalit tungkol dito? Kinain ba namin ang anumang bagay na kailangan bayaran ng hari? Binigyan ba niya kami ng anumang mga regalo?
The men of Judah answered the men of Israel, "Because the king is a close relative to us. Why then are you angry about this matter? Have we eaten at all at the king's cost? Has he given us a gift? Or has he brought us a portion?"
43 Sumagot ang kalalakihan ng Israel sa kalalakihan ng Juda, “Mayroon kaming sampung liping kamag-anak ng hari, kaya mas may karapatan kami kay David kaysa sa inyo. Kung kaya bakit ninyo kami nilinlang? Hindi ba ang aming mungkahi na ibalik ang aming hari ang unang pinakinggan?” Pero ang mga salita ng kalalakihan ng Juda ay naging mas marahas kaysa sa mga salita ng kalalakihan ng Israel.
Then the men of Israel answered the men of Judah, and said, "We have ten shares in the king, and we are the firstborn rather than you. Why then did you treat us with contempt? Were we not the first to speak of bringing back our king?" But the comments of the men of Judah were more forceful than the comments of the men of Israel.