< 2 Samuel 16 >

1 Nang makaalis si David nang di kalayuan sa tuktok ng burol, sinalubong siya ni Ziba ang lingkod ni Mefiboset na may dalawang upuang asno; may dalawandaang tinapay sa mga ito at sandaang kumpol ng mga pasas at sandaang buwig ng igos at isang balat na sisidlang alak.
Cuando David pasó un poco más allá de la cima de la montaña, allí estaba Ziba, el siervo de Mefi-boset, esperándole. Llevaba ya ensillados dos asnos con doscientos panes, cien tortas de pasas, cien frutas de verano, y un odre de vino.
2 Sinabi ng hari kay Ziba, “Bakit mo dinala ang mga bagay na ito?” Sumagot si Ziba, “Ang mga asno ay para sa sambahayan ng hari para sakyan at ang mga tinapay at mga mamon na igos ay para sa iyong mga tauhan para kainin at ang alak ay para sa sinumang mahihilo sa ilang para inumin.”
“¿Para qué has traído esto?” le preguntó David a Siba. Siba respondió: “Los burros son para que los monte la familia del rey, el pan y la fruta de verano son para que coman los hombres, y el vino es para que lo beban los que se desgastan en el desierto”.
3 Sinabi ng hari, “At nasaan ang apo ng iyong panginoon?” Sumagot si Ziba sa hari, “Tingnan, nagpaiwan siya sa Jerusalem, dahil sinabi niya, 'Ngayon ang tahanan ng Israel ay ipanunumbalik ang kaharian ng aking ama sa akin.”'
“¿Dónde está el nieto de tu amo?”, preguntó el rey. Siba respondió: “Ha decidido quedarse en Jerusalén. Dice: ‘Hoy el pueblo de Israel me devolverá el reino de mi abuelo’”.
4 Pagkatapos sinabi ng hari kay Ziba, “Tingnan mo, lahat ng nabibilang kay Mefiboset ay nabibilang na sa iyo ngayon.” Sumagot si Ziba, “Yumuyukod akong may pagpapakumbaba sa iyo, aking panginoon, ang hari. Hayaan mo akong makasumpong ng biyaya sa iyong paningin.”
El rey le dijo a Siba: “¡Te doy todo lo que pertenece a Mefi-boset!” “Me inclino ante ti”, respondió Siba. “Que me apruebe, Su Majestad”.
5 Nang lumapit si Haring David sa Bahurim, may lumabas mula roon na isang lalaki mula sa angkan ni Saul na ang pangalan ay Simei anak ni Gera. Lumabas siyang nagmumura habang naglalakad.
Cuando el rey David llegó a la ciudad de Bahurim, un hombre de la familia de Saúl estaba saliendo. Se llamaba Simei, hijo de Gera, y gritaba maldiciones al llegar.
6 Binato niya si David at ang lahat ng mga opisyal ng hari, kahit na may hukbo at mga bantay na nasa kanan at kaliwa ng hari.
Arrojó piedras a David y a todos los oficiales del rey, a pesar de que los hombres del rey y todos sus guardaespaldas rodeaban a David.
7 Sumigaw si Simei na nagmumura, “Umalis ka, lumayas mula rito, masamang tao ka, tao ng dugo!
“¡Sal de aquí, vete, asesino, malvado!” dijo Simei mientras maldecía.
8 Pinaghigantihan kayong lahat ni Yahweh para sa dugo ng pamilya ni Saul na pinalitan ninyo sa pamumuno. Ibinigay ni Yahweh ang kaharian sa kamay ni Absalom ang iyong anak. At ngayon sira ka na dahil isa kang tao ng dugo.”
“El Señor te ha pagado por toda la familia de Saúl que mataste y por robarle el trono. El Señor le ha dado el reino a tu hijo Absalón. Mira cómo has acabado en el desastre por ser un asesino”.
9 Pagkatapos sinabi ni Abisai anak na lalaki ni Zeruias sa hari, “Bakit kailangang murahin ng patay na asong ito ang aking panginoong hari? Pakiusap pahintulutan mo akong pumaroon at pugutan siya ng ulo.”
Abisai, hijo de Sarvia, preguntó al rey: “¿Por qué este perro muerto debe maldecir a Su Majestad? Deja que vaya y le corte la cabeza”.
10 Pero sinabi ng hari, “Ano ang gagawin ko sa inyo, mga anak ni Zeruias? Marahil minumura niya ako dahil sinabi ni Yahweh sa kainya, 'Sumpain si David.' Sino sa gayon ang magkapagsabi sa kaniya, 'Bakit mo isinusumpa ang hari?”'
“¿Qué tiene eso que ver con ustedes, hijos de Sarvia?”, respondió el rey. “Si me está maldiciendo porque el Señor se lo ha dicho, ¿quién puede cuestionar lo que hace?”.
11 Kaya sinabi ni David kay Abisai at sa lahat ng kaniyang lingkod, “Tingnan niyo, ang aking anak na lalaki na ipinanganak mula sa aking katawan ay gustong kunin ang aking buhay. Paano pa kaya ang pagnanais na sirain ang lipi ng Benjamin? Iwan siyang mag-isa at hayaan siyang magmura, dahil inutusan siya ni Yahweh na gawin ito.
David dijo a Abisai y a todos sus oficiales: “Miren, si mi propio hijo está tratando de matarme, ¿por qué no va a quererlo aún más este Benjamíta? Déjenlo en paz; que me maldiga, porque el Señor se lo ha dicho.
12 Marahil mamasdan ni Yahweh ang kapighatiang ipinataw sa akin at gantihan ako ng mabuti dahil sa pagmumura niya sa akin ngayon.”
Tal vez el Señor vea cómo estoy sufriendo y me pague con bien sus maldiciones de hoy”.
13 Kaya naglakbay si David at ang kaniyang mga tauhan sa daan, samantalang si Simei ay sumabay sa kaniyang tabi paakyat sa dalisdis ng burol, nagmumura at naghahagis sa kaniya ng lupa at mga bato.
David y sus hombres continuaron por el camino, y Simei los seguía por la ladera de enfrente. Siguió maldiciendo mientras avanzaba, arrojándole piedras y tierra a David.
14 Pagkatapos napagod ang hari at ang lahat ng taong kasama niya at nagpahinga siya nang huminto sila nang gabi na.
El rey y todos los que estaban con él estaban cansados cuando llegaron al Jordán. Y David descansó allí.
15 Si Absalom naman at ang lahat ng kalalakihan ng Israel na kasama niya, dumating sila sa Jerusalem at kasama niya si Ahitofel.
Mientras tanto, Absalón y todos los israelitas que lo acompañaban llegaron a Jerusalén, junto con Ahitofel.
16 Nang dumating kay Absalom si Cusai na Arkite, ang kaibigan ni David, na sinabi ni Cusai kay Absalom, “Mabuhay ng mahaba ang hari! Mabuhay ng mahaba ang hari!”
Husai el arquita, amigo de David, fue a ver a Absalón y declaró: “¡Viva el rey! ¡Viva el rey!”
17 Sinabi ni Absalom kay Cusai, “Ito ba ang katapatan mo sa iyong kaibigan? Bakit hindi ka sumama sa kaniya?”
“¿Así es como demuestras lealtad a tu amigo?” preguntó Absalón. “¿Por qué no te fuiste con tu amigo?”
18 Sinabi ni Cusai kay Absalom, “Hindi! Sa halip, ang isang pinili ni Yahweh at ang mga tao ito at ang lahat ng kalalakihan ng Israel, sa mga taong ito ako napapabilang, at mananatili ako kasama niya.
“¡Claro que no!” respondió Husai. “Estoy del lado del elegido por el Señor, por el ejército y por todo el pueblo de Israel. Me mantendré leal a él.
19 At saka, anong tao ang dapat kong paglingkuran? Hindi ba ako dapat maglingkod sa presensiya ng kaniyang anak na lalaki? Gaya ng paglilingkod ko sa presensiya ng iyong ama, maglilingkod ako sa iyong presensiya.”
En todo caso, ¿por qué no habría de servir a su hijo? De la misma manera que serví a tu padre, te serviré a ti”.
20 Pagkatapos sinabi ni Absalom kay Ahitofel, “Ibigay sa amin ang iyong payo tungkol sa dapat naming gawin.”
Entonces Absalón le preguntó a Ahitofel: “Dame tu consejo. ¿Qué debemos hacer?”
21 Sumagot si Ahitopel kay Absalom, “Sumiping sa mga asawang alipin ng iyong ama na iniwan niya para pangalagaan ang palasyo at maririnig ng buong Israel na naging isa kang mabahong amoy sa iyong ama. Pagkatapos magiging malakas ang mga kamay ng lahat ng kasama mo.
Ahitofel le dijo: “Ve a dormir con las concubinas de tu padre, las que él dejó aquí para cuidar el palacio. Así todos en Israel se darán cuenta de que has ofendido tanto a tu padre que no hay vuelta atrás, lo que animará a todos tus partidarios”.
22 Kaya naglatag sila ng isang tolda para kay Absalom sa ibabaw ng palasyo at sumiping si Absalom sa mga asawang alipin ng kaniyang ama sa paningin ng buong Israel.
Así que montaron una tienda en el techo del palacio y Absalón entró y tuvo relaciones sexuales con las concubinas de su padre a la vista de todos.
23 Ngayon ang payo ni Ahitofel na ibinigay niya sa mga araw na iyon ay para bang narinig ng isang tao ito mula mismo sa bibig ng Diyos. Ganyang paraan tiningnan nina David at Absalom ang payo ni Ahitofel.
En ese momento los consejos de Ahitofel eran como si recibieran mensajes del propio Dios. Así consideraban tanto David como Absalón los consejos de Ahitofel.

< 2 Samuel 16 >