< 2 Samuel 16 >
1 Nang makaalis si David nang di kalayuan sa tuktok ng burol, sinalubong siya ni Ziba ang lingkod ni Mefiboset na may dalawang upuang asno; may dalawandaang tinapay sa mga ito at sandaang kumpol ng mga pasas at sandaang buwig ng igos at isang balat na sisidlang alak.
ダビデが山の頂を過ぎて、すこし行った時、メピボセテのしもべヂバは、くらを置いた二頭のろばを引き、その上にパン二百個、干ぶどう百ふさ、夏のくだもの一百、ぶどう酒一袋を載せてきてダビデを迎えた。
2 Sinabi ng hari kay Ziba, “Bakit mo dinala ang mga bagay na ito?” Sumagot si Ziba, “Ang mga asno ay para sa sambahayan ng hari para sakyan at ang mga tinapay at mga mamon na igos ay para sa iyong mga tauhan para kainin at ang alak ay para sa sinumang mahihilo sa ilang para inumin.”
王はヂバに言った、「あなたはどうしてこれらのものを持ってきたのですか」。ヂバは答えた、「ろばは王の家族が乗るため、パンと夏のくだものは若者たちが食べるため、ぶどう酒は荒野で弱った者が飲むためです」。
3 Sinabi ng hari, “At nasaan ang apo ng iyong panginoon?” Sumagot si Ziba sa hari, “Tingnan, nagpaiwan siya sa Jerusalem, dahil sinabi niya, 'Ngayon ang tahanan ng Israel ay ipanunumbalik ang kaharian ng aking ama sa akin.”'
王は言った、「あなたの主人の子はどこにおるのですか」。ヂバは王に言った、「エルサレムにとどまっています。彼は、『イスラエルの家はきょう、わたしの父の国をわたしに返すであろう』と思ったのです」。
4 Pagkatapos sinabi ng hari kay Ziba, “Tingnan mo, lahat ng nabibilang kay Mefiboset ay nabibilang na sa iyo ngayon.” Sumagot si Ziba, “Yumuyukod akong may pagpapakumbaba sa iyo, aking panginoon, ang hari. Hayaan mo akong makasumpong ng biyaya sa iyong paningin.”
王はヂバに言った、「見よ、メピボセテのものはことごとくあなたのものです」。ヂバは言った、「わたしは敬意を表します。わが主、王よ、あなたの前にいつまでも恵みを得させてください」。
5 Nang lumapit si Haring David sa Bahurim, may lumabas mula roon na isang lalaki mula sa angkan ni Saul na ang pangalan ay Simei anak ni Gera. Lumabas siyang nagmumura habang naglalakad.
ダビデ王がバホリムにきた時、サウルの家の一族の者がひとりそこから出てきた。その名をシメイといい、ゲラの子である。彼は出てきながら絶えずのろった。
6 Binato niya si David at ang lahat ng mga opisyal ng hari, kahit na may hukbo at mga bantay na nasa kanan at kaliwa ng hari.
そして彼はダビデとダビデ王のもろもろの家来に向かって石を投げた。その時、民と勇士たちはみな王の左右にいた。
7 Sumigaw si Simei na nagmumura, “Umalis ka, lumayas mula rito, masamang tao ka, tao ng dugo!
シメイはのろう時にこう言った、「血を流す人よ、よこしまな人よ、立ち去れ、立ち去れ。
8 Pinaghigantihan kayong lahat ni Yahweh para sa dugo ng pamilya ni Saul na pinalitan ninyo sa pamumuno. Ibinigay ni Yahweh ang kaharian sa kamay ni Absalom ang iyong anak. At ngayon sira ka na dahil isa kang tao ng dugo.”
あなたが代って王となったサウルの家の血をすべて主があなたに報いられたのだ。主は王国をあなたの子アブサロムの手に渡された。見よ、あなたは血を流す人だから、災に会うのだ」。
9 Pagkatapos sinabi ni Abisai anak na lalaki ni Zeruias sa hari, “Bakit kailangang murahin ng patay na asong ito ang aking panginoong hari? Pakiusap pahintulutan mo akong pumaroon at pugutan siya ng ulo.”
時にゼルヤの子アビシャイは王に言った、「この死んだ犬がどうしてわが主、王をのろってよかろうか。わたしに、行って彼の首を取らせてください」。
10 Pero sinabi ng hari, “Ano ang gagawin ko sa inyo, mga anak ni Zeruias? Marahil minumura niya ako dahil sinabi ni Yahweh sa kainya, 'Sumpain si David.' Sino sa gayon ang magkapagsabi sa kaniya, 'Bakit mo isinusumpa ang hari?”'
しかし王は言った、「ゼルヤの子たちよ、あなたがたと、なんのかかわりがあるのか。彼がのろうのは、主が彼に、『ダビデをのろえ』と言われたからであるならば、だれが、『あなたはどうしてこういうことをするのか』と言ってよいであろうか」。
11 Kaya sinabi ni David kay Abisai at sa lahat ng kaniyang lingkod, “Tingnan niyo, ang aking anak na lalaki na ipinanganak mula sa aking katawan ay gustong kunin ang aking buhay. Paano pa kaya ang pagnanais na sirain ang lipi ng Benjamin? Iwan siyang mag-isa at hayaan siyang magmura, dahil inutusan siya ni Yahweh na gawin ito.
ダビデはまたアビシャイと自分のすべての家来とに言った、「わたしの身から出たわが子がわたしの命を求めている。今、このベニヤミンびととしてはなおさらだ。彼を許してのろわせておきなさい。主が彼に命じられたのだ。
12 Marahil mamasdan ni Yahweh ang kapighatiang ipinataw sa akin at gantihan ako ng mabuti dahil sa pagmumura niya sa akin ngayon.”
主はわたしの悩みを顧みてくださるかもしれない。また主はきょう彼ののろいにかえて、わたしに善を報いてくださるかも知れない」。
13 Kaya naglakbay si David at ang kaniyang mga tauhan sa daan, samantalang si Simei ay sumabay sa kaniyang tabi paakyat sa dalisdis ng burol, nagmumura at naghahagis sa kaniya ng lupa at mga bato.
こうしてダビデとその従者たちとは道を行ったが、シメイはダビデに並んで向かいの山の中腹を行き、行きながらのろい、また彼に向かって石や、ちりを投げつけた。
14 Pagkatapos napagod ang hari at ang lahat ng taong kasama niya at nagpahinga siya nang huminto sila nang gabi na.
王および共にいる民はみな疲れてヨルダンに着き、彼はその所で息をついだ。
15 Si Absalom naman at ang lahat ng kalalakihan ng Israel na kasama niya, dumating sila sa Jerusalem at kasama niya si Ahitofel.
さてアブサロムとすべての民、イスラエルの人々はエルサレムにきた。アヒトペルもアブサロムと共にいた。
16 Nang dumating kay Absalom si Cusai na Arkite, ang kaibigan ni David, na sinabi ni Cusai kay Absalom, “Mabuhay ng mahaba ang hari! Mabuhay ng mahaba ang hari!”
ダビデの友であるアルキびとホシャイがアブサロムのもとにきた時、ホシャイはアブサロムに「王万歳、王万歳」と言った。
17 Sinabi ni Absalom kay Cusai, “Ito ba ang katapatan mo sa iyong kaibigan? Bakit hindi ka sumama sa kaniya?”
アブサロムはホシャイに言った、「これはあなたがその友に示す真実なのか。あなたはどうしてあなたの友と一緒に行かなかったのか」。
18 Sinabi ni Cusai kay Absalom, “Hindi! Sa halip, ang isang pinili ni Yahweh at ang mga tao ito at ang lahat ng kalalakihan ng Israel, sa mga taong ito ako napapabilang, at mananatili ako kasama niya.
ホシャイはアブサロムに言った、「いいえ、主とこの民とイスラエルのすべての人々が選んだ者にわたしは属し、かつその人と一緒におります。
19 At saka, anong tao ang dapat kong paglingkuran? Hindi ba ako dapat maglingkod sa presensiya ng kaniyang anak na lalaki? Gaya ng paglilingkod ko sa presensiya ng iyong ama, maglilingkod ako sa iyong presensiya.”
かつまたわたしはだれに仕えるべきですか。その子の前に仕えるべきではありませんか。あなたの父の前に仕えたように、わたしはあなたの前に仕えます」。
20 Pagkatapos sinabi ni Absalom kay Ahitofel, “Ibigay sa amin ang iyong payo tungkol sa dapat naming gawin.”
そこでアブサロムはアヒトペルに言った、「あなたがたは、われわれがどうしたらよいのか、計りごとを述べなさい」。
21 Sumagot si Ahitopel kay Absalom, “Sumiping sa mga asawang alipin ng iyong ama na iniwan niya para pangalagaan ang palasyo at maririnig ng buong Israel na naging isa kang mabahong amoy sa iyong ama. Pagkatapos magiging malakas ang mga kamay ng lahat ng kasama mo.
アヒトペルはアブサロムに言った、「あなたの父が家を守るために残された、めかけたちの所にはいりなさい。そうすればイスラエルは皆あなたが父上に憎まれることを聞くでしょう。そしてあなたと一緒にいる者の手は強くなるでしょう」。
22 Kaya naglatag sila ng isang tolda para kay Absalom sa ibabaw ng palasyo at sumiping si Absalom sa mga asawang alipin ng kaniyang ama sa paningin ng buong Israel.
こうして彼らがアブサロムのために屋上に天幕を張ったので、アブサロムは全イスラエルの目の前で父のめかけたちの所にはいった。
23 Ngayon ang payo ni Ahitofel na ibinigay niya sa mga araw na iyon ay para bang narinig ng isang tao ito mula mismo sa bibig ng Diyos. Ganyang paraan tiningnan nina David at Absalom ang payo ni Ahitofel.
そのころアヒトペルが授ける計りごとは人が神のみ告げを伺うようであった。アヒトペルの計りごとは皆ダビデにもアブサロムにも共にそのように思われた。