< 2 Samuel 13 >
1 Nangyari na pagkatapos nito labis na naakit si Amnon anak na lalaki ni David, kay Tamar na kaniyang kapatid na babae sa ama na kapatid na babaeng buo ni Absalom, isa pa sa mga anak na lalaki ni David.
Pi tà, apre sa Absalom, fis a David la te gen yon sè byen bèl ki te rele Tamar e Amnon, fis a David la te renmen li.
2 Bigong-bigo si Amnon na nagkasakit siya dahil sa kaniyang kapatid na babae sa ama na si Tamar. Isa siyang birhen at tila malayong makagawa ng anumang bagay si Amnon sa kaniya.
Amnon te tèlman fristre akoz sè li, Tamar, ke sa te fè li vin malad, paske li te vyèj e li te sanble difisil pou Amnon fè yon bagay ak li.
3 Pero may kaibigan si Amnon na ang pangalan ay si Jonadab anak na lalaki ni Simea, kapatid na lalaki ni David. Isang tusong lalaki si Jonadab.
Men Amnon te gen yon zanmi ki te rele Jonadab, fis a Schimea a, frè David. Epi Jonadab te yon nonm byen rize.
4 Sinabi ni Jonadab kay Amnon, “Bakit, nalulumbay ka bawat umaga, anak ng hari? Hindi mo ba sasabihin sa akin?” Kaya sumagot si Amnon sa kaniya, “Umiibig ako kay Tamar, kapatid na babae ng aking kapatid na si Absalom.”
Li te di li: “O fis a wa a, poukisa ou deprime maten apre maten konsa? Èske ou p ap di m sa?” Epi Amnon te di li: “Mwen tonbe nan renmen avèk Tamar, sè a frè m nan, Absalom.”
5 Pagkatapos sinabi ni Jonadab sa kaniya, “Humiga ka sa iyong higaan at magkunwaring may sakit. Kapag dumating ang iyong ama para makita ka, hingin sa kanya, 'Pakiusap, maaari mo bang papuntahin ang aking kapatid na babaeng si Tamar para bigyan ako ng isang bagay na makakain at lutuin ito sa aking harapan, para maaari ko itong makita at kainin mula sa kaniyang kamay?'”
Alò, Jonadab te di li: “Kouche sou kabann ou e fè kòmsi ou malad. Lè papa ou vin wè ou, di li: ‘Souple, kite sè m nan, Tamar vin ban m manje. Kite li prepare manje a devan zye m, pou mwen kapab wè li e manje manje a soti nan men li.’”
6 Kaya humiga si Amnon at nagkunwaring may sakit. Nang dumating ang hari para makita siya, sinabi ni Amnon sa hari, “Pakiusap, papuntahin mo ang aking kapatid na babaeng si Tamar para maghanda ng pagkain sa aking harapan para sa aking sakit upang makakain ako mula sa kaniyang kamay.”
Konsa, Amnon te kouche e te fè tankou li te malad. Lè wa a te vin wè li, Amnon te di a wa a: “Souple, kite sè m nan, Tamar vini fè kèk gato devan zye m, pou m kab manje nan men li.”
7 Pagkatapos nagpadala ng salita si David kay Tamar sa kaniyang palasyo na nagsasabing, “Pumunta ka ngayon sa bahay ng iyong kapatid na lalaking si Amnon at maghanda ng pagkain para sa kaniya.”
Alò, David te voye lakay pou Tamar. Li te di: “Ale koulye a lakay frè ou a, Amnon e prepare manje pou li.”
8 Kaya pumunta si Tamar sa bahay ng kaniyang kapatid na lalaking si Amnon kung saan siya nakahiga. Kumuha siya ng masa at minasa ito at hinulmang tinapay sa kaniyang paningin at pagkatapos hinurno niya ito.
Konsa, Tamar te ale lakay Amnon pandan li te kouche a. Li te pran boul pen an, li te fwote l, li te fè gato devan zye li e te kwit gato yo.
9 Kinuha niya ang kawali at ibinigay ang tinapay sa kaniya, pero tumanggi siyang kumain. Pagkatapos sinabi ni Amnon sa ibang nandoon, “Palabasin ang lahat, palayo sa akin.” Kaya umalis ang lahat mula sa kaniya.
Li te pran chodyè a pou te lonje mete yo devan li, men li te refize manje. Epi Amnon te di: “Fè tout moun sòti devan m.” Konsa tout moun te sòti devan li.
10 Kaya sinabi ni Amnon kay Tamar, “Dalhin ang pagkain sa loob ng aking silid para makakain ako mula sa iyong kamay.” Kaya kinuha ni Tamar ang tinapay na kaniyang ginawa at dinala ito sa loob ng silid ni Amnon na kaniyang kapatid.
Alò, Amnon te di a Tamar: “Mennen manje a nan chanm dòmi mwen an, pou m kab manje li nan men ou.” Konsa, Tamar te pran gato ke li te fè yo e te mennen yo antre nan chanm dòmi kote frè li a, Amnon.
11 Nang dinala niya ang pagkain sa kanya, siya'y hinawakan niya at sinabi sa kaniya, “Halika, sumiping sa akin, aking kapatid.”
Lè li te mennen kote li pou manje, Amnon te kenbe li e te di li: “Vin kouche avè m, sè mwen.”
12 Sumagot siya sa kaniya, “Hindi, aking kapatid, huwag mo akong pilitin, dahil walang dapat mangyaring gantong bagay sa Israel. Huwag mong gawin itong nakapanlulumong bagay!
Men li te reponn li: “Non, frè mwen, pa vyole mwen! Paske bagay konsa yo pa fèt an Israël. Pa fè dega sila a!
13 Saan ako maaaring pumunta para makatakas sa kahihiyang idudulot nito sa aking buhay? At tatatakan ka ng gawaing ito bilang isang hangal na walang kahihiyan sa buong Israel. Pakiusap, hinihiling kong kausapin mo ang hari. Papayagan ka niyang pakasalan ako.”
Pou mwen menm, kote mwen ta kab livre a wont sa a? Epi pou ou menm, ou va tankou yon moun ranpli avèk foli an Israël. Pou sa, souple, pale avèk wa a, paske li p ap anpeche ou pran m.”
14 Pero, hindi nakinig si Amnon sa kaniya. Yamang malakas siya kaysa kay Tamar, siya'y sinunggaban niya at sumiping siya sa kaniya.
Sepandan, li pa t koute li. Akoz Amnon te pi fò pase li, li te vyole li, e te kouche avèk li.
15 Pagkatapos kinapootan ni Amnon si Tamar ng matinding pagkapoot. Siya'y kinapootan niya ng higit pa kaysa kaniyang paghahangad sa kaniya. Sinabi ni Amnon sa kaniya, “Bumangon ka at umalis.”
Epi Amnon te vin rayi li avèk yon trè gwo rayisman. Rayisman avèk sila li te rayi li a te pi gran pase renmen avèk sila li te renmen li an. Amnon te di li: “Leve, sòti!”
16 Pero sumagot siya sa kaniya. “Hindi! Dahil ang malaking kasamaang ito na pagpapaalis mo sa akin ay mas masama pa sa kung ano ang ginawa mo sa akin!” Pero hindi nakinig si Amnon sa kaniya.
Men li te di a li: “Non, paske mal sa a ke w ap fè nan voye m ale a pi mal pase lòt ke ou te fè m nan!” Men li pa t koute li.
17 Sa halip, tinawag niya ang kaniyang pansariling lingkod at sinabi, “Dalhin mo ang babaeng ito palayo sa akin at ikandado ang pintuan pagkaalis niya.”
Alò, li te rele jennonm ki t ap okipe li a, e te di: “Koulye a, jete fanm sa deyò prezans mwen e kadnase pòt la dèyè l.”
18 Pagkatapos dinala siya palabas ng kaniyang lingkod at kinandado ang pintuan pagkalabas niya. Suot-suot ni Tamar ang isang ginayakang balabal dahil sa ganoong paraan nagbibihis ang mga anak na babae ng hari na siyang mga birhen.
Alò, li te genyen yon rad avèk manch long, paske se te konsa fi vyèj a wa yo te konn abiye an manto. Epi sèvitè l te mennen Tamar deyò e te kadnase pòt la dèyè li.
19 Naglagay si Tamar ng mga abo sa kaniyang ulo at pinunit ang kaniyang balabal. Nilagay niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang ulo at lumakad papalayo, umiiyak ng malakas habang umaalis.
Tamar te mete sann yo sou tèt li e te chire manch long yo nan rad sou li a. Li te mete men li sou tèt li, li te sòti e t ap kriye fò pandan li prale a.
20 Sinabi sa kaniya ng kapatid niyang si Absalom, “Kinasama mo ba si Amnon ang iyong kapatid? Pero ngayon manatiling tahimik, aking kapatid. Siya ay iyong kapatid. Huwag isapuso ang bagay na ito.” Kaya mag-isang nanatili si Tamar sa bahay ni Absalom na kaniyang kapatid.
Alò, Absalom, frè li a te di li: “Èske Amnon, frè ou a te avèk ou? Men koulye a, rete an silans, sè mwen, li se frè ou. Pa mete afè sa a sou kè.” Pou sa, Tamar te rete e te dezole lakay Absalom, frè li a.
21 Pero nang marinig ni David ang lahat ng mga bagay na ito, labis siyang nagalit.
Alò, lè David te tande tout koze sila yo, li te vin byen fache.
22 Walang anumang sinabi si Absalom kay Amnon, dahil kinapootan siya ni Absalom dahil sa kaniyang ginawa at kung papaano niya pinahiya ang kaniyang kapatid na babaeng si Tamar.
Men Absalom pa t pale ak Amnon anyen, ni bon, ni mal; paske Absalom te rayi Amnon akoz li te vyole sè li a, Tamar.
23 Nangyari pagkatapos ng dalawang buong taon si Absalom ay nagtrabaho bilang manggugupit ng tupa sa Baal Hazor na malapit sa Efraim at inanyayahan ni Absalom ang lahat ng mga anak na lalaki ng hari para bumisita roon.
Alò, li te vin rive apre dezan nèt ke Absalom te gen moun pou taye lenn mouton Baal-Hatsor ki toupre Ephraïm, e Absalom te envite tout fis a wa yo.
24 Pumunta si Absalom sa hari at sinabi, “Tingnan mo ngayon, may mga manggugupit ng tupa ang iyong lingkod. Pakiusap, nawa'y ang hari at kaniyang mga lingkod ay sumama sa akin, iyong lingkod.”
Absalom te vin kote wa a e te di: “Gade byen, sèvitè ou a genyen moun k ap taye lenn mouton. Souple, kite wa a avèk sèvitè li yo ale avèk sèvitè ou.”
25 Sumagot ang hari kay Absalom. “Hindi, aking anak, kaming lahat ay hindi dapat pumunta dahil magiging pabigat kami sa iyo.” Pinilit ni Absalom ang hari, pero ayaw niyang pumunta, gayun pa man pinagpala niya si Absalom.
Men wa a te di a Absalom: “Non, fis mwen, se pa tout moun ki pou ale, paske nou va yon fado pou ou.” Malgre li te ankouraje li, li pa t ale, men li te beni li.
26 Pagkatapos sinabi ni Absalom, “Kung hindi, pakiusap hayaang sumama sa amin ang aking kapatid na si Amnon.” Kaya sinabi ng hari sa kaniya, “Bakit dapat sumama si Amnon sa iyo?”
Alò, Absalom te di: “Si se pa sa, souple kite frè m nan, Amnon, ale avèk nou.” Epi wa a te di li: “Poukisa li dwe ale avèk ou?”
27 Pinilit ni Absalom si David, kaya hinayaan niyang sumama sa kaniya si Amnon at ang lahat ng anak na lalaki ng hari.
Men lè Absalom te ankouraje li, li te kite Amnon avèk tout fis a wa yo ale avèk li.
28 Inutusan ni Absalom ang kaniyang mga lingkod na nagsasabing, “Makinig nang mabuti. Kapag nagsimula ng malasing si Amnon sa alak at kapag sinabi ko sa inyo na, 'Salakayin si Amnon,' patayin siya. Huwag matakot. Hindi ba't inutusan ko kayo? Maging magiting at matapang.”
Absalom te kòmande sèvitè li yo. Li te di: “Gade koulye a, lè kè Amnon kontan avèk diven an, lè mwen di nou: ‘Frape Amnon’, alò, mete li a lanmò. Pa pè! Èske se pa mwen menm ki kòmande nou? Pran kouraj e rete brav.”
29 Kaya ginawa ng mga lingkod ni Absalom kay Amnon ang iniutos niya sa kanila. Pagkatapos tumayo ang lahat ng anak na lalaki ng hari at sumakay ang bawat lalaki sa kaniyang mola at tumakas.
Sèvitè a Absalom yo te fè Amnon jis jan ke Absalom te kòmande a. Epi tout fis a wa yo te leve monte milèt pa yo e te sove ale.
30 Kaya nangyari na, habang nasa daan sila, nakarating na kay David ang balita na nagsasabing, “Pinatay ni Absalom ang lahat ng anak na lalaki ng hari at walang ni isang natira sa kanila.”
Alò, se te pandan ke yo te nan wout la yon rapò te rive kote David ki te di: “Absalom te frape fè tonbe tout fis a wa yo e nanpwen youn nan yo ki te rete.”
31 Pagkatapos tumayo ang hari at pinunit ang kaniyang mga damit at humiga sa sahig; nakiisa ang lahat ng kaniyang mga lingkod na pinunit ang kanilang mga damit.
Konsa, wa a te leve. Li te chire rad li e te kouche atè, epi tout sèvitè li yo te kanpe akote avèk rad yo chire.
32 Sumagot at sinabi ni Jehonadab anak na lalaki ni Simea, kapatid na lalaki ni David, “Huwag hayaan maniwala ang aking amo na pinatay nila ang lahat ng binatang anak ng hari, dahil si Amnon lamang ang namatay. Binalak ito ni Absalom mula sa araw na nilapastangan ni Amnon ang kaniyang kapatid na babaeng si Tamar.
Jonadab, fis a Schimea a, frè David la, te reponn: “Pa kite mèt mwen an sipoze ke yo te mete a lanmò tout jennonm yo, fis a wa yo. Se sèl Ammon ki mouri. Se sa ki te entansyon Absalom. Afè sa a te vin detèmine depi jou ke li te vyole sè li a, Tamar.
33 Kaya huwag hayaan ang aking panginoon na hari na isapuso ang balitang ito, na maniniwalang namatay ang lahat ng anak na lalaki ng hari, dahil si Amnon lamang ang namatay.”
Alò pou sa, pa kite mèt mwen, wa a, pran rapò sa a a kè, ki vle di ‘tout fis a wa yo mouri’, paske se sèl Amnon ki mouri.”
34 Tumakas si Absalom. Itinaas ng isang lingkod na nagbabantay ang kaniyang mga mata at nakita ang maraming taong paparating sa daan sa burol sa kanluran niya.
Alò, Absalom te sove ale deja. Epi jennonm ki te gadyen an te leve zye li gade e vwala, anpil moun t ap vini soti nan wout la dèyè li akote baz mòn nan.
35 Pagkatapos sinabi ni Jehonadab sa hari, “Tingnan mo, paparating ang mga anak na lalaki ng hari. Kagaya ng sinabi ng iyong lingkod.”
Jonadab te di a wa a: “Gade byen, men fis a wa yo gen tan vini! Menm jan avèk pawòl sèvitè ou a, se konsa sa fèt.”
36 Kaya nangyari na pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita dumating ang mga anak na lalaki ng hari at tumaas ang kanilang mga boses at umiyak. At ang hari at lahat ng kaniyang mga lingkod ay lubhang umiyak.
Depi li fin pale a, vwala, fis a wa yo te vini e te leve vwa yo pou te kriye. Konsa, wa la menm, avèk tout sèvitè li yo te kriye byen anmè.
37 Pero tumakas si Absalom at pumunta kay Talmai anak na lalaki ni Amihud, ang hari ng Gesur. Nagluksa si David para sa kaniyang anak na lalaki bawat araw.
Men Absalom te sove ale e te ale kote Talmaï, fis a Ammihur a, wa a Gueschur a. David te kriye fè lamantasyon pou fis li a chak jou.
38 Kaya tumakas si Absalom at pumunta sa Gesur, kung saan siya nanatili sa loob ng tatlong taon.
Konsa, Absalom te sove ale nan Gueschur e te rete la, pandan twazan.
39 Nananabik si Haring David na lumabas para makita si Absalom, dahil naglubag na ang kalooban niya tungkol kay Amnon at sa kaniyang pagkamatay.
Wa David te byen vle ale kote Absalom, paske li te pran rekonfò konsènan Amnon, akoz li te mouri.