< 2 Samuel 12 >

1 Pagkatapos ipinadala ni Yahweh si Natan kay David. Pumunta siya sa kaniya at sinabi, “May dalawang lalaki sa isang lungsod. Mayaman ang isang lalaki at mahirap ang isa.
וישלח יהוה את נתן אל דוד ויבא אליו ויאמר לו שני אנשים היו בעיר אחת אחד עשיר ואחד ראש׃
2 Maraming bakahan at kawan ang mayamang lalaki,
לעשיר היה צאן ובקר הרבה מאד׃
3 pero ang mahirap na lalaki ay wala maliban sa isang maliit na babaeng tupa na binili niya at pinakain at pinalaki. Lumaki iyon kasama niya at kasama ng kaniyang mga anak. Kumakain ang tupa kasama niya at umiinom mula sa kaniyang sariling tasa at natutulog iyon sa kaniyang mga bisig at parang isang anak na babae sa kaniya.
ולרש אין כל כי אם כבשה אחת קטנה אשר קנה ויחיה ותגדל עמו ועם בניו יחדו מפתו תאכל ומכסו תשתה ובחיקו תשכב ותהי לו כבת׃
4 Isang araw may isang panauhin ang dumating sa mayamang lalaki, pero ayaw ng mayamang lalaki na kumuha ng isang hayop mula sa kaniyang sariling bakahan at mga kawan para magbigay ng pagkain para sa kaniya. Sa halip kinuha niya ang babaeng tupa ng mahirap na lalaki at niluto ito para sa kaniyang panauhin.”
ויבא הלך לאיש העשיר ויחמל לקחת מצאנו ומבקרו לעשות לארח הבא לו ויקח את כבשת האיש הראש ויעשה לאיש הבא אליו׃
5 Nag-aapoy sa galit si David laban sa mayamang lalaki at nagalit siya ng labis kay Natan, “Habang si Yahweh ay nabubuhay, dapat patayin ang lalaking gumawa nito.
ויחר אף דוד באיש מאד ויאמר אל נתן חי יהוה כי בן מות האיש העשה זאת׃
6 Dapat niyang bayaran ang tupa ng apat na beses dahil ginawa niya ang ganoong bagay at dahil wala siyang awa sa mahirap na lalaki.”
ואת הכבשה ישלם ארבעתים עקב אשר עשה את הדבר הזה ועל אשר לא חמל׃
7 Pagkatapos sinabi ni Nathan kay David, “Ikaw ang lalaking iyon! Sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, 'Pinahiran kita ng langis para maging hari ng buong Israel at iniligtas kita mula sa kamay ni Saul.
ויאמר נתן אל דוד אתה האיש כה אמר יהוה אלהי ישראל אנכי משחתיך למלך על ישראל ואנכי הצלתיך מיד שאול׃
8 Ibinigay ko sa iyo ang bahay ng iyong amo at ang mga asawa ng iyong amo sa iyong mga bisig. Ibinigay ko rin sa iyo ang bahay ng Israel at Juda. At kung kulang pa iyon, ibibigay ko pa sana sa iyo ang maraming bagay bilang karagdagan.
ואתנה לך את בית אדניך ואת נשי אדניך בחיקך ואתנה לך את בית ישראל ויהודה ואם מעט ואספה לך כהנה וכהנה׃
9 Kaya bakit mo inalipusta ang mga utos ni Yahweh, para gumawa ng masama sa kaniyang paningin? Pinatay mo si Urias ang Heteo sa pamamagitan ng espada at kinuha ang kaniyang asawa upang maging iyong sariling asawa. Pinatay mo siya sa pamamagitan ng espada ng hukbo ng Ammon.
מדוע בזית את דבר יהוה לעשות הרע בעינו את אוריה החתי הכית בחרב ואת אשתו לקחת לך לאשה ואתו הרגת בחרב בני עמון׃
10 Kaya ngayon hindi aalis ang espada sa iyong bahay, dahil inalipusta mo ako at kinuha ang asawa ni Urias ang Heteo bilang iyong asawa.'
ועתה לא תסור חרב מביתך עד עולם עקב כי בזתני ותקח את אשת אוריה החתי להיות לך לאשה׃
11 Sinabi ni Yahweh, 'Tingnan, ibabangon ko ang kapahamakan laban sa iyo mula sa iyong sariling bahay. Sa harapan ng iyong mga mata, kukunin ko ang iyong mga asawa at ibibigay sila sa iyong kapwa at sisipingan niya ang iyong mga asawa sa maliwanag na araw.
כה אמר יהוה הנני מקים עליך רעה מביתך ולקחתי את נשיך לעיניך ונתתי לרעיך ושכב עם נשיך לעיני השמש הזאת׃
12 Dahil palihim mong ginawa ang iyong kasalanan, pero gagawin ko ang bagay na ito sa harapan ng buong Israel, sa tanghaling-tapat.”'
כי אתה עשית בסתר ואני אעשה את הדבר הזה נגד כל ישראל ונגד השמש׃
13 Pagkatapos sinabi ni David kay Natan, “Nagkasala ako laban kay Yahweh.” Sumagot si Natan kay David, “Pinatawad na rin ni Yahweh ang iyong kasalanan. Hindi ka papatayin.
ויאמר דוד אל נתן חטאתי ליהוה ויאמר נתן אל דוד גם יהוה העביר חטאתך לא תמות׃
14 Gayunman, dahil sa gawaing ito inalipusta mo si Yahweh, tiyak na mamamatay ang batang isisilang sa iyo.”
אפס כי נאץ נאצת את איבי יהוה בדבר הזה גם הבן הילוד לך מות ימות׃
15 Pagkatapos umalis si Natan at umuwi. Sinaktan ni Yahweh ang anak ng asawa ni Urias kay David at lubha siyang nagkasakit.
וילך נתן אל ביתו ויגף יהוה את הילד אשר ילדה אשת אוריה לדוד ויאנש׃
16 Pagkatapos nagsumamo si David sa Diyos para sa bata. Nag-ayuno si David at pumunta sa loob at buong gabing humiga sa sahig.
ויבקש דוד את האלהים בעד הנער ויצם דוד צום ובא ולן ושכב ארצה׃
17 Bumangon at tumayo sa tabi niya ang mga nakatatanda sa kaniyang bahay, para ibangon siya mula sa sahig, pero hindi siya bumangon at hindi siya kumain kasama nila.
ויקמו זקני ביתו עליו להקימו מן הארץ ולא אבה ולא ברא אתם לחם׃
18 Nangyari na sa ika-pitong araw namatay ang bata. Natakot ang mga lingkod ni David na sabihin sa kaniya na patay na ang bata, dahil sinabi nila, “Tingnan mo, habang buhay pa ang bata kinausap natin siya at hindi siya nakinig sa ating boses. Baka kung ano gawin niya sa kanyang sarili kung sasabihin natin sa kaniyang patay na ang bata?!”
ויהי ביום השביעי וימת הילד ויראו עבדי דוד להגיד לו כי מת הילד כי אמרו הנה בהיות הילד חי דברנו אליו ולא שמע בקולנו ואיך נאמר אליו מת הילד ועשה רעה׃
19 Pero nang makita ni David na nagbubulungan ang kaniyang mga lingkod, naghinala si David na patay na ang bata. Sinabi niya sa kaniyang mga lingkod, “Patay na ba ang bata?” Sumagot sila, “Patay na siya.”
וירא דוד כי עבדיו מתלחשים ויבן דוד כי מת הילד ויאמר דוד אל עבדיו המת הילד ויאמרו מת׃
20 Pagkatapos bumangon si David mula sa sahig at hinugasan ang kaniyang sarili, pinahiran ng langis ang kaniyang sarili at pinalitan ang kaniyang mga damit. Pumunta siya sa tabernakulo ni Yahweh at sumamba doon at pagkatapos bumalik sa kaniyang sariling palasyo. Nang hilingin niya ito, naghanda sila ng pagkain sa kanyang harapan at kumain siya.
ויקם דוד מהארץ וירחץ ויסך ויחלף שמלתו ויבא בית יהוה וישתחו ויבא אל ביתו וישאל וישימו לו לחם ויאכל׃
21 Pagkatapos sinabi ng kaniyang mga lingkod sa kaniya, “Bakit mo ginawa ito? Nag-ayuno ka at umiyak para sa bata habang nabubuhay pa siya, pero nang namatay ang bata, bumangon ka at kumain.”
ויאמרו עבדיו אליו מה הדבר הזה אשר עשיתה בעבור הילד חי צמת ותבך וכאשר מת הילד קמת ותאכל לחם׃
22 Sumagot si David, “Habang buhay pa ang bata nag-ayuno ako at umiyak. Sinabi ko, 'Sinong nakakaalam kung kaaawaan ako ni Yahweh o hindi na maaaring mabuhay ang bata?'
ויאמר בעוד הילד חי צמתי ואבכה כי אמרתי מי יודע יחנני יהוה וחי הילד׃
23 Pero ngayon patay na siya, bakit pa ako mag-ayuno? Maibabalik ko ba siyang muli? Pupunta ako sa kaniya, pero hindi siya babalik sa akin.”
ועתה מת למה זה אני צם האוכל להשיבו עוד אני הלך אליו והוא לא ישוב אלי׃
24 Inaliw ni David ang kaniyang asawang si Batsheba at pumunta sa kaniya at sumiping sa kaniya. Kaya nagkaanak siya ng isang batang lalaki at pinangalanang Solomon ang bata. Mahal siya ni Yahweh,
וינחם דוד את בת שבע אשתו ויבא אליה וישכב עמה ותלד בן ויקרא את שמו שלמה ויהוה אהבו׃
25 kaya nagpadala siya ng salita sa pamamagitan ni Natan ang propeta para pangalanan siyang Jedidias, dahil mahal siya ni Yahweh.
וישלח ביד נתן הנביא ויקרא את שמו ידידיה בעבור יהוה׃
26 Ngayon, nakipaglaban si Joab sa Rabba, ang maharlikang lungsod ng mga tao ng Ammon at nabihag niya ang kuta nito.
וילחם יואב ברבת בני עמון וילכד את עיר המלוכה׃
27 Kaya nagpadala si Joab ng mga mensahero kay David at sinabi, “Nakipaglaban ako sa Rabba at nakuha ko ang ipunan ng tubig ng lungsod.
וישלח יואב מלאכים אל דוד ויאמר נלחמתי ברבה גם לכדתי את עיר המים׃
28 Ngayon samakatwid sama-samang ipunin ang natitirang hukbo at magkampo laban sa lungsod at kunin ito, dahil kung kukunin ko ang lungsod, ipapangalan ito sa akin.”
ועתה אסף את יתר העם וחנה על העיר ולכדה פן אלכד אני את העיר ונקרא שמי עליה׃
29 Kaya sama-samang tinipon ni David ang lahat ng kaniyang mga hukbo at pumunta sa Rabba; nakipaglaban siya sa lungsod at nabihag ito.
ויאסף דוד את כל העם וילך רבתה וילחם בה וילכדה׃
30 Kinuha ni David ang korona mula sa ulo ng kanilang hari—tumitimbang ito ng isang talentong ginto at may isang mamahaling bato rito. Inilagay ang korona sa sariling ulo ni David. Pagkatapos inilabas niya ang nakuha sa panloloob ng lungsod na may malalaking kabuuan.
ויקח את עטרת מלכם מעל ראשו ומשקלה ככר זהב ואבן יקרה ותהי על ראש דוד ושלל העיר הוציא הרבה מאד׃
31 Inilabas niya ang mga tao na nasa lungsod at pinilit silang magtrabaho gamit ang mga lagari, mga suyod na bakal at mga palakol; pinagtrabaho din niya sila sa tapahan ng laryo. Inatasan ni David ang lahat ng mga lungsod ng mga tao ng Ammon na gawin ang mga trabahong ito. Pagkatapos bumalik si David at ang buong hukbo sa Jerusalem.
ואת העם אשר בה הוציא וישם במגרה ובחרצי הברזל ובמגזרת הברזל והעביר אותם במלכן וכן יעשה לכל ערי בני עמון וישב דוד וכל העם ירושלם׃

< 2 Samuel 12 >