< 2 Pedro 3 >
1 Ngayon, sumulat ako sa inyo, mga minamahal, ang ikalawang sulat na ito ay upang gisingin ang inyong tapat na kaisipan,
hanc ecce vobis carissimi secundam scribo epistulam in quibus excito vestram in commonitione sinceram mentem
2 upang inyong maalala ang mga salita na sinabi noon ng mga banal na propeta at ang tungkol sa utos ng Panginoon at tagapagligtas sa pamamagitan ng inyong mga apostol.
ut memores sitis eorum quae praedixi verborum a sanctis prophetis et apostolorum vestrorum praeceptorum Domini et salvatoris
3 Una ninyong alamin ito, na darating ang mga mangungutya sa huling araw ay kukutyain kayo ng taong mangungutya at mamumuhay sa kanilang mga sariling kagustuhan.
hoc primum scientes quod venient in novissimis diebus in deceptione inlusores iuxta proprias concupiscentias ambulantes
4 at sasabihing, “Nasaan ang pangako ng kaniyang pagbabalik? Patay na ang ating mga ama, ngunit ang lahat ng mga bagay ay nananatili buhat nang likhain ang mundo.”
dicentes ubi est promissio aut adventus eius ex quo enim patres dormierunt omnia sic perseverant ab initio creaturae
5 Sinadya nilang kinalimutan na ang mga langit at lupa ay nabuo mula sa tubig, at sa tubig, mahabang panahon na ang nakalipas, sa pamamagitan ng salita ng Diyos,
latet enim eos hoc volentes quod caeli erant prius et terra de aqua et per aquam consistens Dei verbo
6 at sa kaniyang salita ang mundo ay nagkaroon ng tubig sa oras na iyon, at ang tubig ay siyang bumaha at sumira.
per quae ille tunc mundus aqua inundatus periit
7 Ngunit ngayon ang mga langit at ang lupa ay ipinapanatili para sa katulad na salita para sa apoy, nakahanda para sa araw ng paghuhukom at ang pagkawasak ng mga taong hindi maka Diyos.
caeli autem qui nunc sunt et terra eodem verbo repositi sunt igni servati in diem iudicii et perditionis impiorum hominum
8 Ito ay hindi sana mawawala sa inyong kaalaman, mga minamahal, na ang isang araw sa Panginoon ay tulad ng isang libong mga taon, at ang isang libong mga taon ay tulad ng isang araw.
unum vero hoc non lateat vos carissimi quia unus dies apud Dominum sicut mille anni et mille anni sicut dies unus
9 Ang Panginoon ay hindi mabagal tungkol sa kaniyang mga pangako, na itinuturing ng iba na kabagalan, ngunit siya ay matiyaga sa iyo. Hindi niya ninanais na sino man sa inyo ay mapahamak, ngunit ninanais niyang bigyan ng panahon ang lahat upang magsisi.
non tardat Dominus promissi sed patienter agit propter vos nolens aliquos perire sed omnes ad paenitentiam reverti
10 Gayunpaman, ang araw ng Panginoon ay darating na parang isang magnanakaw, ang mga langit ay mawawala kasabay ng malakas na ingay. Ang mga bagay ay masusunog sa apoy, at ang lupa at ang mga gawa dito ay maihahayag.
adveniet autem dies Domini ut fur in qua caeli magno impetu transient elementa vero calore solventur
11 Yaman lamang na ang lahat ng mga bagay na ito ay mawawala sa ganitong kaparaanan, anong uri ng tao kayo dapat maging? Dapat kayong mamuhay na banal at maka-Diyos.
cum haec igitur omnia dissolvenda sint quales oportet esse vos in sanctis conversationibus et pietatibus
12 Inyo ngang asahan at magmadali patungo sa pagdating ng araw ng Diyos. Sa araw na iyon, ang langit ay magugunaw sa pamamagitan ng apoy, at ang mga bahagi nito ay matutunaw sa pamamagitan ng sobrang init.
expectantes et properantes in adventum Dei diei per quam caeli ardentes solventur et elementa ignis ardore tabescent
13 Ngunit ayon sa kaniyang pangako, ating hintayin ang bagong mga langit at ang bagong lupa, kung saan ang mga katuwiran ay mananahan.
novos vero caelos et novam terram et promissa ipsius expectamus in quibus iustitia habitat
14 Kaya nga, mga minamahal, yaman din lamang na inaasahan ninyo ang mga bagay na ito, sikapin ninyong gawin ang lahat na kayo ay matagpuang walang bahid, at walang kapintasan upang makatagpo ng kapayapaan sa kaniya,
propter quod carissimi haec expectantes satis agite inmaculati et inviolati ei inveniri in pace
15 At isaalang-alang ninyo ang katiyagahan ng ating Panginoon na maging kaligtasan, kagaya ng ating minamahal na kapatid na si Pablo, ayon sa karunungan na ipinagkaloob sa kaniya.
et Domini nostri longanimitatem salutem arbitramini sicut et carissimus frater noster Paulus secundum datam sibi sapientiam scripsit vobis
16 Sinabi ni Pablo ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat ng kaniyang mga sulat, na kung saan maraming mga bagay ang mahihirap na maintindihan. Ang mga bagay na ito ay binaluktot ng mga taong hindi naturuan at walang katiyakan, habang sila ay gumagawa ng ibang mga kasulatan para sa sarili nilang kapahamakan.
sicut et in omnibus epistulis loquens in eis de his in quibus sunt quaedam difficilia intellectu quae indocti et instabiles depravant sicut et ceteras scripturas ad suam ipsorum perditionem
17 Kaya nga mga minamahal, yamang din lamang na alam na ninyo ang mga bagay na ito, bantayan ninyo ang inyong mga sarili, upang hindi kayo maililigaw sa panlilinlang ng mga taong walang batas na siyang magdudulot ng pagkawala ng inyong katapatan.
vos igitur fratres praescientes custodite ne insipientium errore transducti excidatis a propria firmitate
18 Ngunit, lumago kayo sa biyaya at kaalaman ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Sa kaniya ang kaluwalhatian ngayon at magpakailanman. Amen! (aiōn )
crescite vero in gratia et in cognitione Domini nostri et salvatoris Iesu Christi ipsi gloria et nunc et in die aeternitatis amen (aiōn )