< 2 Pedro 1 >

1 Ako, si Simon Pedro, isang alipin at apostol ni Jesu-Cristo, para sa mga nakatanggap ng mahalagang pananampalataya kagaya ng natanggap namin, ang pananampalataya sa katuwiran ng ating Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
耶穌基督的僕人和宗徒西滿伯多祿,致書給那些因我們的天主和救主耶穌基督的正義,與我們分享同樣寶貴信德的人。
2 Ang biyaya nawa ay sumainyo; nawa ang kapayapaan ay lumago sa pamamagitan ng kaalaman ng Diyos at ng ating Panginoong Jesus.
願恩寵與平安,因認識天主和我們的主耶穌,豐富地賜予你們。
3 Lahat ng mga bagay ng banal na kapangyarihan para sa buhay at pagiging maka-diyos ay ibinigay sa atin sa pamamagitan ng kaalaman ng Diyos na siyang tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kabutihan.
因為我們認識了那藉自己的光榮和德能,召叫我們的基督,基督天主性的大能,就將各種關乎生命和虔敬的恩惠,賞給了我們,
4 Sa pamamagitan nito, binigyan niya tayo ng mahahalaga at dakilang mga pangako. Ginawa niya ito upang kayo ay makibahagi sa banal na katangian habang kayo ay tumatakas mula sa kasamaan na nasa mundo sa masamang hangarin.
並藉著自己的光榮和德能,將最大和寶貴的恩許賞給了我們,為使你們藉著這些恩許,在逃脫世界上所有敗壞的貪慾之後,能成為有分於天主性體的人。
5 Sa kadahilanang ito, gawin ninyo ang inyong makakaya para dagdagan ang kabutihan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, at sa pamamagitan ng inyong kabutihan ay kaalaman.
正為了這個原故,你們要全力奮勉,在你們的信仰上還要加毅力,在毅力上加知識,
6 Sa pamamagitan ng inyong kaalaman ay pagpipigil sa sarili, at sa pamamagitan ng inyong pagpipigil sa sarili ay pagtitiyaga, at sa pamamagitan ng inyong pagtitiyaga ay pagiging maka-diyos.
在知識上加節制,在節制上加忍耐,在忍耐上加虔敬,
7 Sa pamamagitan ng inyong pagiging maka-diyos ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, at sa pamamagitan ng inyong pagmamahal bilang magkakapatid ay ang pag-ibig.
在虔敬上加兄弟的友愛,在兄弟的友愛上加愛德。
8 Kung ang mga bagay na ito ay nasa inyo at lumalago sa inyo, kayo ay hindi magiging baog o hindi namumunga sa kaalaman ng ating Panginoon na si Jesu-Cristo.
實在,這些德行如果存在你們內,且不斷增添,你們決不致於在認識我們的主耶穌基督上,成為不工作,不結果實的人,
9 Ngunit ang sinuman na nagkukulang sa mga bagay na ito ay nakikita niya lamang kung ano ang malapit; siya ay bulag. Nakalimutan niya ang paglilinis mula sa kaniyang mga lumang kasalanan.
因為那沒有這些德行的,便是瞎子,是近視眼,忘卻了他從前的罪惡已被清除。
10 Samakatwid, mga kapatid, gawin ninyo ang inyong makakaya upang gawin ang inyong pagkatawag at pagkakapili na tiyak sa inyong mga sarili. Kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito, hindi kayo matitisod.
為此,弟兄們,你們更要盡心竭力,使你們的蒙召和被選,賴善行而堅定不移;倘若你們這樣作,決不會跌倒。
11 Sa gayon, ang daan ay masaganang ipagkakaloob sa inyo sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. (aiōnios g166)
的確,這樣你們便更有把握,進入我們的主和救主耶穌基督永遠的國。 (aiōnios g166)
12 Samakatwid, ako ay magiging laging handa na ipaalala sa inyo ang mga bagay na ito, gayong alam na ninyo ang mga ito, kayo ngayon ay matibay na sa katotohanan.
為此,縱然你們已知道這些事,已堅定在所懷有的真理之上,我還是要常提醒你們。
13 Sa aking palagay ay dapat ko na kayong gisingin at paalalahanan sa mga bagay na ito habang ako ay nandito sa tolda.
我以為只要我還在這帳幕內,就有義務以勸言來鼓勵你們。
14 Sapagkat alam ko na malapit ko nang tanggalin ang aking tolda tulad ng ipinakita ng Panginoong Jesu-Cristo sa akin.
我知道我的帳幕快要拆卸了,一如我們的主耶穌基督指示給我的。
15 Gagawin ko ang aking makakaya upang lagi ninyong alalahanin ang mga bagay na ito pagkatapos ng aking pag-alis.
我要盡心竭力使你們在我去世以後,也時常記念這些事。
16 Sapagkat hindi namin sinundan ang mga katalinuhang lumikha ng mga kathang-isip noong sinabi namin sa inyo ang patungkol sa kapangyarihan at pagpapakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ngunit kami ang mga naging saksi sa kaniyang kadakilaan.
我們將我們的主耶穌基督的大能和來臨,宣告給你們,並不是依據虛構的荒誕故事,而是因為我們親眼見過他的威榮。
17 Natanggap niya mula sa Diyos Ama ang karangalan at kaluwalhatian noong may isang tinig ang dumating sa kaniya mula sa Dakilang Kaluwalhatian na nagsasabing, “Ito ang aking Anak, ang Kaisa-isa kong minamahal, sa kaniya ay lubos akong nalulugod.”
他實在由天主接受了尊敬和光榮,因那時曾有這樣的聲音,從顯赫的光榮中發出來,向他說:「這是我的愛子,我所喜悅的。」
18 Narinig namin itong tinig na nagmula sa langit habang kami ay kasama niya sa banal na bundok.
這來自天上的聲音,是我們同他在那座聖山上的時候,親自聽見的。
19 Nasa amin ang mga salitang ipinahayag ng mga propeta at ito ay lalong tiyak, ito ay mabuting pag-ukulan ninyo ng pansin. Ito ay tulad ng isang lampara na nagliliwanag sa madilim na lugar hanggang dumating ang umaga at ang mga bituin sa umaga ay sisikat sa inyong mga puso.
因此,我們認定先知的話更為確實,對這話你們當十分留神,就如留神在暗中發光的燈,直到天亮,晨星在你們的心中昇起的時候。
20 Una ninyong alamin ito, na ang nasusulat na propesiya ay hindi nagmula sa mismong pangangatwiran ng propeta.
最主要的,你們應知道經上的一切預言,決不應隨私人的解釋,
21 Sapagkat walang anumang propesiya ang nagmula sa kalooban ng tao, kundi sa pamamagitan ng tao, sa ilalim ng Banal na Espiritu na siyang nagsalita mula sa Diyos.
因為預言從來 不是由人的意願而發的,而是由天主所派遣的聖人,在聖神推動之下說出來的。

< 2 Pedro 1 >