< 2 Mga Hari 1 >
1 Nang namatay si Ahab, nagrebelde ang Moab laban sa Israel.
阿哈布死後,摩阿布就背叛了以色列。
2 Pagkatapos, nahulog si Ahazias sa balkonahe sa taas ng kaniyang tulugan sa Samaria, at nagkaroon ng malubhang karamdaman. Kaya nagpadala siya ng mga mensahero at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo at tanungin si Baal-zebub, ang diyos ng Ekron, kung gagaling pa ako sa karamdamang ito.”
阿哈齊雅在撒瑪黎雅從樓上的欄杆上跌下來就病了,遂打發使者,吩咐他們說:「你們去求問厄刻龍的神巴耳則步布,我這病寒能好嗎﹖」
3 Pero sinabi ng anghel ni Yahweh kay Elias ang taga-Tisbe, “Tumayo ka at puntahan ang mga mensahero ng hari ng Samaria, at tanungin mo sila, 'Dahil ba walang Diyos sa Israel kaya kayo pupunta para sumangguni kay Baal-zebub ang diyos ng Ekron?
上主的使者對提市貝人厄里亞說:「快起身,去迎撒瑪黎雅王的使者,問他們說:你們去求問厄刻龍的神巴耳則步布,難道在以色列沒有天主嗎﹖
4 Dahil dito, ito ang sabi ni Yahweh, “Hindi ka na makakabangon sa higaan kung saan ka bumabangon; sa halip, tiyak kang mamamatay.” Pagkatapos umalis si Elias.
為此,上主這樣說:你再不能從你所上的床上下來,你必定要死。」厄里亞就去了。
5 Nang bumalik ang mga mensahero kay Ahazias, sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo bumalik?”
使者回來見了君王,阿哈齊雅問他們說:「你們為什麼回來了。」
6 Sinabi nila sa kaniya, “Isang lalaki ang lumapit sa amin na nagsabi, 'Bumalik kayo sa haring nagpadala sa inyo, at sabihin sa kaniya, “Sinabi ito ni Yahweh: 'Dahil ba walang Diyos sa Israel kaya kayo pupunta para sumangguni kay Baal-zebub ang diyos ng Ekron? Dahil dito, hindi ka na makakabangon sa hingaan kung saan ka bumabangon; sa halip, tiyak kang mamamatay.”
他們回答說:「有一個人迎上我們來,對我們說:你們回去見打發你們來的君王,對他說:上主這樣說:你派人去求問厄刻龍的神巴耳則步布,難道以色列沒有天主嗎﹖為此,你再不能從你所上的床上下來,你必定要死。」
7 Sinabi ni Ahazias sa kaniyang mga mensahero, “Anong klaseng tao siya, ang taong lumapit sa inyo at sinabi ang mga salitang ito?
君王問他們說:「迎上你們,且告訴你們這些話的是怎樣的一個人﹖」
8 Sumagot sila sa kaniya, “Nakasuot siya ng damit na gawa sa buhok at mayroong balat na sinturon na nakasuot sa kaniyang baywang.” Kaya sumagot ang hari, “Si Elias iyon na taga-Tisbe.”
他們回答說,「是一個身穿皮毛衣,腰束皮帶的人。」君王說:「這一定是提市貝人厄里亞。」
9 Pagkatapos nagpadala ang hari ng kapitan kasama ang limampung sundalo para kay Elias. Nagpunta ang kapitan kay Elias kung saan nakaupo siya sa tuktok ng burol. Nagsalita ang kapitan sa kaniya, ikaw na lingkod ng Diyos, sinabi ng hari, 'Bumaba ka.'”
王遂派五十夫長,帶領五十人,去見厄里亞。他上去見厄里亞,厄里亞正坐在山頂上。五十夫長便對厄里亞說:「天主的人,王命你下去。」
10 Sumagot si Elias at sinabi sa kapitan, “kung ako ay lingkod ng Diyos, bumaba sana ang apoy mula sa kalangitan at sunugin ka at ang limampung sundalo mo.” Pagkatapos bumaba ang apoy mula sa kalangitan at sinunog siya at kaniyang limampung sundalo.
厄里亞回答五十夫長說:「如果我是天主的人,願火從天降下,吞噬你和你這五十人! 」果然有火從天降下,吞噬了他和那五十人。
11 Muling nagpadala si Haring Ahazias ng isa pang kapitan na may kasamang limampung sundalo para kay Elias. Sinabi ng kapitan kay Elias, “Ikaw na lingkod ng Diyos, sabi ng hari, 'Magmadali kang bumaba.'”
王又另派一個五十夫長,帶領五十人,去見厄里亞。五十夫長上去對厄里亞說:「天主的人! 王這樣吩咐:要你快下山! 」
12 Sumagot si Elias at sinabi sa kanila, “Kung ako ay lingkod ng Diyos, bumaba sana ang apoy mula sa kalangitan at sunugin ka at iyong limampung sundalo.” Muli, bumaba ang apoy ng Diyos mula sa kalangitan at sinunog siya at kaniyang limampung sundalo.
厄里亞回答說:「如果我是天主的人,願火從天降下,吞噬你和你這五十人。」果然天主的火從天降下,吞噬了他和那五十人。
13 Ganun pa man, nagpadala muli ang hari ng ikatlong grupo ng limampung mandirigma. Umakyat ang kapitan, lumuhod sa harap ni Elias, at nagmakaawa sa kaniya at sinabi, “Ikaw na lingkod ng Diyos, nagmamakaawa ako na ang buhay ko at buhay ng limampung alipin mo ay maging mahalaga sa iyong paningin.
王又派第三個五十夫長,帶領五十人去。這第三個五十夫長上去,一來到就屈膝跪在厄里亞面前,哀求他說:「天主的人,願我的生命和我這五十人的生命,在你眼中有點價值!
14 Tunay nga na bumaba ang apoy mula sa kalangitan at sinunog ang unang dalawang kapitan kasama ng kanilang mga tauhan, pero ngayon hayaan mo sana na maging mahalaga ang buhay ko sa iyong paningin.”
有火從天降下,吞噬了前兩個五十夫長,和他們每人帶領的五十人;現在,願我的生命在你眼中有點價值! 」
15 Kaya nagsabi ang anghel ni Yahweh kay Elias, “Bumaba ka kasama niya. Huwag kang matakot sa kaniya.” Kaya tumayo si Elias at bumaba kasama niya papunta sa hari.
上主的使者對厄里亞說:「你同他下去! 不必害怕。」厄里亞就起身同他一起下去見君王,
16 Pagkatapos, sinabi ni Elias kay Ahazias, “Ito ang sinabi ni Yahweh, 'Nagpadala ka ng mga mensahero para sumangguni kay Baal-zebub ang diyos ng Ekron? Dahil ba walang Diyos sa Israel na maaari mong tanungan ng kaalaman? Kaya ngayon, hindi ka na makakabangon sa hingaan kung saan ka bumabangon; sa halip, tiyak kang mamamatay.”
對君王說:「上主這樣說:由於你打發使者去求問厄刻龍的神巴耳則步布,好像在以色列沒有天主可以向他求問指示一樣,因此,你再不能從你所上的床下來,你必定要死。」
17 Kaya namatay si Haring Ahazias ayon sa mga salita ni Yahweh na binanggit ni Elias. Nagsimulang maghari si Joram kapalit niya, sa ikalawang taon, si Jehoram anak ni Jehoshafat ang naging hari ng Juda, dahil walang anak si Ahazias.
阿哈齊雅果然如上主藉著厄里亞所說的話死了;因為他沒有兒子,他的兄弟耶曷蘭繼位為王,時在猶大王約沙法特的兒子約蘭第二年。
18 Para sa ibang mga bagay na tungkol kay Ahazias, hindi ba sila nakasulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa buhay ng mga Hari ng Israel?
阿哈齊雅其餘的事蹟,都記載在以色列列王實錄上。