< 2 Mga Hari 7 >

1 Sinabi ni Eliseo, “Pakinggan ninyo ang salita ni Yahweh. Ito ang sinasabi niya: 'Bukas, sa ganitong oras, isang takal ng mainam na harina ang ipagbibili kapalit ng isang sekel, at dalawang takal ng sebada ang ipagbibili kapalit ng isang sekel sa tarangkahan ng Samaria.'”
厄里叟說:「請聽上主的話:上主這樣說:明天這個時候,在撒瑪黎雅城門口,一「色阿」上等麵粉只值一「協刻耳,」兩「色阿」大麥,只值一「協刻耳。」
2 Pagkatapos ang kapitan na kanang kamay ng hari ay sumagot sa lingkod ng diyos, at sinabi, “Masdan mo, kahit na gumawa si Yahweh ng bintana sa langit, maaari bang mangyari ito?” Tumugon si Eliseo, “Masasaksihan mo itong mangyari gamit ang sarili mong mga mata, pero hindi ka makakakain mula dito.”
那個手扶君王的侍衛回答天主的人說:「縱使上主打開天上的閘,也不會有這樣的事! 」先知說:「你必親眼看到,只是吃不上。」
3 Ngayon, mayroong apat na lalaking may ketong sa labas ng tarangkahan ng lungsod. Sinabi nila sa isa't isa, “Bakit tayo mauupo rito hanggang mamatay tayo?
在城門口有四個癩病人,他們彼此說:「我們為什麼在這裏坐著等死呢﹖
4 Kung sabihin nating papasok tayo sa lungsod, ang taggutom ay nasa lungsod, at mamamatay tayo roon. Pero kung uupo pa rin tayo dito, mamamatay pa rin tayo. Kaya ngayon, halika, pumunta tayo sa hukbo ng mga Aramean. Kung pananatilihin nila tayong buhay, mabubuhay tayo, at kung papatayin nila tayo, mamamatay lang tayo.”
如果我們決意進城去,城裏也有饑荒,我們必死在那裏;如果留在這裏,我們也是一樣死;不如去投到阿蘭人營中,假如他們讓我們活著,我們就活著;假如他們要殺我們,我們就死罷。」
5 Kaya tumayo sila nang mag-gagabi na para pumunta sa kampo ng mga Aramean; nang dumating sila sa pinakalabas na bahagi ng kampo, walang naroon.
他們於是在黃昏時起身,往阿蘭人的營盤那裏去;及至到了阿蘭人的營盤邊時,哦! 那裏一個人也沒有了。
6 Dahil pinarinig ng Panginoon sa mga Aramean ang ingay ng mga karwahe, at ang ingay ng mga kabayo —ang ingay ng isang malaking hukbo, at sinabi nila sa isa't isa, “Inupahan ng hari ng Israel ang mga hari ng mga Hiteo at mga taga-Ehipto para pumunta laban sa amin.”
原來上主早已使阿蘭人的營盤中聽到戰車馬隊和大軍的喧囂聲,他們就彼此說:「呀! 以色列王雇用了赫特人王和慕茲黎人王來攻打我們了。」
7 Kaya tumayo ang mga sundalo at tumakas nang mag-gagabi na; iniwan nila ang kanilang mga tolda, mga kabayo, mga asno, at ang kampo sa lagay nito, at tumakas para sa mga buhay nila.
所以,他們在黃昏時,即起身逃走,丟下了他們的帳幕騾馬,只顧逃命,留下營盤未動。
8 Nang dumating sa pinakalabas na bahagi ng kampo ang mga lalaking may ketong, pumasok sila sa loob ng isang tolda at kumain at uminom, at tinangay ang pilak at ginto at mga damit at tinago ito. Bumalik sila at pumasok sa isa pang tolda at tinangay ang mga nasamsam nila mula roon at tinago itong muli.
這些癩病人到了營盤邊,進了一個帳幕,又吃又喝,將那裏的金銀和衣服拿走,去收藏起來;然後又回來,進了另一帳幕,拿走了那裏的東西,去收藏起來。
9 Pagkatapos sinabi nila sa isa't isa, “Hindi tama ang ginagawa natin. Ang araw na ito ay araw ng magandang balita, pero nananahimik tayo patungkol dito. Kung maghihintay tayo hanggang bukang-liwayway, parurusahan tayo. Kaya, halina at sabihin natin ito sa sambahayan ng hari.”
以後,癩病人彼此說:「我們這樣做得不對,今天原是報喜訊的日子,我們竟然不聲不響;如果等到早晨天亮,我們就有罪了。來,現在我們就去向王室報信! 」
10 Kaya't pumunta sila at tinawag ang mga tagabantay ng tarangkahan ng lungsod. Sinabi nila sa kanila, “Nagpunta kami sa kampo ng mga Aramean, pero walang naroon, wala ni tunog ninuman, pero naroon ang mga kabayo nila, at ang mga asnong nakatali, at ang mga tolda sa lagay nito.”
他們於是去向把守城門的人喊叫,給他們報告說:「我們曾到過罷蘭人的營盤,那裏一個人也沒有,也沒有人聲,只有栓著的馬,栓著的驢;帳幕一點未動。」
11 At isinigaw ng mga bantay ng tarangkahan ang balita, at pagkatapos sinabi ito sa loob ng sambahayan ng hari.
把守城門的人就高聲喊叫,向王室傳報消息。
12 Pagkatapos bumangon ang hari kinagabihan at sinabi sa kaniyang mga lingkod, “Sasabihin ko sa inyo ngayon ang ginawa ng mga Aramean sa atin. Alam nilang gutom tayo, kaya umalis sila ng kampo para magtago sa mga bukirin. Sinasabi nila, “Sa oras na lumabas sila sa lungsod, kukunin natin sila nang buhay, at papasok tayo sa lungsod.'”
君王夜間起來,對自己的臣僕說:「現在讓我給你們解釋,阿蘭人對我們所做得事:他們知道我們鬧饑荒,所以離開營盤,埋伏在田間,心想:以色列人必由城裏出來,那時,我們可將他們活活捉住,然後開進城去。」
13 Sumagot ang isa sa mga lingkod ng hari at sinabing, “Pakiusap, hayaan mong kunin ng ilan sa mga tauhan ang limang kabayong natitira sa lungsod. Tulad sila ng lahat ng natitira sa mga mamamayan ng Israel —karamihan ay patay na; hayaan mong ipadala namin sila at tingnan ito.”
有個臣僕回答說:「請叫人從這裏所剩下的馬中,牽出五匹來,無論怎樣,同別的一樣要死,倒不如派人去看看。
14 Kaya kumuha sila ng dalawang karwahe na may mga kabayo, at sinugo sila ng hari sa hukbo ng mga Aramean, sinasabing, “Tingnan ninyo iyon.”
他們於是推出兩輛戰車,五匹馬,君王就派他們去追趕阿蘭軍隊說:「你們去看看! 」
15 Sinundan nila sila hanggang sa Jordan, at ang lahat ng daanan ay puno ng mga damit at gamit na iniwan ng mga Aramean sa pagmamadali. Kaya bumalik ang mga mensahero at sinabi sa hari.”
那些人追蹤阿蘭人,直到約旦河,見路上滿是阿蘭人在倉卒逃走中,丟下的衣服和裝備;使者們便回來報告了君王。
16 Lumabas ang mga tao at sinamsam ang mga gamit sa kampo ng mga Aramean. Kaya ang takal ng mainam na harina ay ipinagbili sa halagang isang sekel at ang dalawang takal ng sebada ay kapalit ng isang sekel, tulad ng sinabi ni Yahweh.
人民便出來搶掠了阿蘭人的營盤。於是一「色阿」上等麵粉,只值一「協刻耳,」兩「色阿」大麥,只值一「協刻耳,」正應驗了上主所說的話。
17 Inutusan ng hari ang kapitan, ang kaniyang kanang kamay, para mangasiwa sa tarangkahan, at tinapak-tapakan siya ng mga tao sa daan ng tarangkahan. Namatay siya gaya ng sinabi ng lingkod ng Diyos nang bumaba ang hari sa kaniya.
君王派定那手扶自己的侍衛,把守城門;但人民在城門口把他踏死了,應驗了天主的人,在君王下來見他時,所說的話。
18 Kaya nangyari iyon gaya ng sinabi ng lingkod ng Diyos sa hari, sinasabing, “Sa oras na ito sa tarangkahan ng Samaria, ang dalawang takal ng sebada ay ipagbibili sa halagang isang sekel, at ang isang takal ng mainam na harina para sa isang sekel.”
原來,天主的人對君王說過:「明天這個時候,在撒瑪黎雅城門口一『色阿』上等麵粉,只值一『協刻耳。』兩『色阿』大麥,只值一『協刻耳。』」
19 Sinagot ng kapitang iyon ang lingkod ng Diyos at sinabing, “Kahit gumawa si Yahweh ng bintana sa langit, maaari bang mangyari ito?” Sinabi ni Eliseo, “Makikita mong mangyari ito nang sarili mong mga mata, pero hindi ka kakain mula rito.”
那侍衛曾回答天主的人說:「縱然上主打開天上的閘,也不會有這樣的事! 」先知回答說:「你必親眼看到,只是吃不上。」
20 At nangyari ito sa kaniya sa ganoong paraan, dahil tinapak-tapakan siya ng mga tao sa tarangkahan, at namatay siya.
這事果然發生在他身上了:人民在城門口把他踏死了。

< 2 Mga Hari 7 >