< 2 Mga Hari 6 >
1 Sinabi ng mga anak ng mga propeta kay Eliseo, “Ang lugar kung saan kami nakatira kasama ka ay masyadong maliit para sa ating lahat.
And sons of the prophet say unto Elisha, 'Lo, we pray thee, the place where we are dwelling before thee is too strait for us;
2 Hayaan mo kaming pumunta sa Jordan, at magputol ng puno roon at magtayo ng matitirahan.” Tumugon si Eliseo sinabing, “Sige.”
let us go, we pray thee, unto the Jordan, and we take thence each one beam, and we make for ourselves there a place to dwell there;' and he saith, 'Go.'
3 Sinabi ng isa sa kanila, “Pakiusap samahan mo ang iyong mga lingkod.” Sumagot si Eliseo, “Sasama ako.”
And the one saith, 'Be pleased, I pray thee, and go with thy servants;' and he saith, 'I — I go.'
4 Kaya sumama siya sa kanila, at nang makarating sila sa Jordan, nag-umpisa silang magputol ng mga puno.
And he goeth with them, and they come in to the Jordan, and cut down the trees,
5 Pero habang nagpuputol ang isa sa kanila, nalaglag ang ulo ng palakol sa tubig; sumigaw siya at sinabinig, “Naku, panginoon, hiniram ko lang iyon!”
and it cometh to pass, the one is felling the beam, and the iron hath fallen into the water, and he crieth and saith, 'Alas! my lord, and it asked!'
6 Kaya sinabi ng lingkod ng Diyos, “Saan ito nahulog?” Tinuro ng lalaki kay Eliseo ang lugar. Pumutol siya ngayon siya ng isang patpat, tinapon ito sa tubig at pinalutang ang palakol.
And the man of God saith, 'Whither hath it fallen?' and he sheweth him the place, and he cutteth a stick, and casteth thither, and causeth the iron to swim,
7 Sinabi ni Eliseo, “Kunin mo.” Kaya inabot ito ng lalaki ng kaniyang kamay.
and saith, 'Raise to thee;' and he putteth forth his hand and taketh it.
8 Ngayon nakikipagdigma ang hari ng Aram laban sa Israel. Sumangguni siya sa kaniyang mga lingkod, sinasabing, “Ang kampo ko ay nasa ganitong lugar.”
And the king of Aram hath been fighting against Israel, and taketh counsel with his servants, saying, 'At such and such a place [is] my encamping.'
9 Kaya nagpunta ang lingkod ng Diyos sa hari ng Israel, sinasabing, “Sikapin ninyong hindi dumaan sa lugar na iyon, dahil ang mga Aramean ay bababa roon.”
And the man of God sendeth unto the king of Israel, saying, 'Take heed of passing by this place, for thither are the Aramaeans coming down;
10 Pagkatapos nagpadala ang hari ng Israel ng mga tauhan sa lugar na iyon kung saan binalaan siya ng lingkod ng Diyos. Iniligtas siya ng babalang iyon ng ilang beses.
and the king of Israel sendeth unto the place of which the man of God spake to him, and warned him, and he is preserved there not once nor twice.
11 Gulong-gulo ang isip ng hari ng Aram dahil sa babalang ito, at tinawag niya ang kaniyang mga lingkod at sinabi sa kanila, “Wala ba sa inyo ang magsasabi kung sino sa inyo ang pumapanig sa hari ng Israel?”
And the heart of the king of Aram is tossed about concerning this thing, and he calleth unto his servants, and saith unto them, 'Do ye not declare to me who of us [is] for the king of Israel?'
12 Kaya sinabi ng isa sa kaniyang mga lingkod, “Hindi, panginoong hari, dahil si Eliseo na propeta ng Israel ang nagsasabi sa hari ng Israel ng mga sinasabi mo sa iyong silid!”
And one of his servants saith, 'Nay, my lord, O king, for Elisha the prophet, who [is] in Israel, declareth to the king of Israel the words that thou speakest in the inner part of thy bed-chamber.'
13 Tumugon ang hari, “Humayo kayo at tingnan ninyo kung nasaan si Eliseo nang makapagpadala ako ng mga tauhan para dakpin siya.” At sinabi sa kaniya, “Nasa Dotan siya.”
And he saith, 'Go ye and see where he [is], and I send and take him;' and it is declared to him, saying, 'Lo — in Dothan.'
14 Kaya nagpadala ang hari ng mga kabayo, mga karwahe at isang malaking hukbo sa Dotan. Dumating sila nang gabi at pinalibutan ang lungsod.
And he sendeth thither horses and chariot, and a heavy force, and they come in by night, and go round against the city.
15 Nang ang alipin ng lingkod ng Diyos ay maagang bumangon at lumabas, pagmasdan mo, isang malaking hukbo at mga kabayo ang nakapaligid sa lungsod. Sinabi ng kaniyang alipin sa kaniya, “Panginoon! Anong gagawin natin?”
And the servant of the man of God riseth early, and goeth out, and lo, a force is surrounding the city, and horse and chariot, and his young man saith unto him, 'Alas! my lord, how do we do?'
16 Sumagot si Eliseo, “Huwag kang matakot, dahil ang mga kasama natin ay higit na mas marami kumpara sa kanila.”
And he saith, 'Fear not, for more [are] they who [are] with us than they who [are] with them.'
17 Nanalangin si Eliseo at sinabing, “Yahweh, Nakiki-usap ako na buksan mo ang mga mata niya nang makakita siya.” Kaya't binuksan ni Yahweh ang mga mata ng kaniyang alipin at nakakita siya. Ang bundok ay puno ng mga kabayo at karwahe na nag-aapoy sa paligid ni Eliseo!
And Elisha prayeth, and saith, 'Jehovah, open, I pray Thee, his eyes, and he doth see;' and Jehovah openeth the eyes of the young man, and he seeth, and lo, the hill is full of horses and chariots of fire, round about Elisha.
18 Nang bumaba ang mga Aramean sa kaniya, nanalangin si Eliseo kay Yahweh at sinabing, “Hinihiling kong bulagin mo sila.” Kaya't binulag sila ni Yahweh, gaya ng hiling ni Eliseo.
And they come down unto it, and Elisha prayeth unto Jehovah, and saith, 'Smite, I pray Thee, this nation with blindness;' and He smiteth them with blindness, according to the word of Elisha.
19 Pagkatapos sinabi ni Eliseo sa mga Aramean, “Hindi ito ang daan, ni ito ang lungsod. Sumunod kayo sa akin at dadalhin ko kayo sa taong hinahanap ninyo.” At dinala niya sila sa Samaria.
And Elisha saith unto them, 'This [is] not the way, nor [is] this the city; come after me, and I lead you unto the man whom ye seek;' and he leadeth them to Samaria.
20 Nang dumating sila sa Samaria, sinabi ni Eliseo, “Buksan mo ang mga mata nila, Yahweh, nang makakita sila.” Binuksan ni Yahweh ang mga mata nila at nakakita sila, at nakita nilang nasa gitna sila ng lungsod ng Samaria.
And it cometh to pass, at their coming in to Samaria, that Elisha saith, 'Jehovah, open the eyes of these, and they see;' and Jehovah openeth their eyes, and they see, and lo, in the midst of Samaria!
21 Nang makita sila ng hari ng Israel, sinabi niya kay Eliseo, “Ama, dapat ko na ba silang patayin? Papatayin ko na ba sila?”
And the king of Israel saith unto Elisha, at his seeing them, 'Do I smite — do I smite — my father?'
22 Sumagot si Eliseo, “Huwag mo silang patayin. Papatayin mo ba silang mga kinuha mong bihag gamit ang espada at pana mo? Maghain ka ng tinapay at tubig sa kanila para makakain at makainom sila at makapunta sa kanilang panginoon.”
And he saith, 'Thou dost not smite; those whom thou hast taken captive with thy sword and with thy bow art thou smiting? set bread and water before them, and they eat, and drink, and go unto their lord.'
23 Kaya't naghain ng pagkain ang hari para sa kanila, at nang nakakain at nakainom sila, pinalaya niya sila at pinabalik sa kanilang panginoon. Ang mga grupo ng sundalong Aramean na iyon ay hindi bumalik sa lupain ng Israel nang mahabang panahon.
And he prepareth for them great provision, and they eat and drink, and he sendeth them away, and they go unto their lord: and troops of Aram have not added any more to come in to the land of Israel.
24 Matapos nito, tinipon ni Ben Hadad, hari ng Aram, ang lahat ng kaniyang hukbo at lumusob sa Samaria at binihag ito.
And it cometh to pass afterwards, that Ben-Hadad king of Aram gathereth all his camp, and goeth up, and layeth siege to Samaria,
25 Kaya't nagkaroon ng matinding taggutom sa Samaria. Binihag nila ito hanggang ang isang asno ay maibenta sa halagang walumpung pirasong pilak, at ikaapat na bahagi ng isang kab ng dumi ng kalapati sa halagang limang pirasong pilak.
and there is a great famine in Samaria, and lo, they are laying siege to it, till the head of an ass is at eighty silverlings, and a forth of the cab of dovesdung at five silverlings.
26 Habang dumadaan ang hari ng Israel sa may pader, isang babae ang umiyak sa kaniya, sinasabing, “Tulungan mo ako, panginoong hari.”
And it cometh to pass, the king of Israel is passing by on the wall, and a woman hath cried unto him, saying, 'Save, my lord, O king.'
27 Sinabi niya, “Kung hindi ka tinutulungan ni Yahweh, paano kita matutulungan? Mayroon bang nanggagaling sa giikan o pigaan ng alak?”
And he saith, 'Jehovah doth not save thee — whence do I save thee? out of the threshing-floor, or out of the wine-vat?'
28 Sinabi pa ng hari, “Ano ang bumabagabag sa iyo?” Tumugon siya, “Sinabi ng babeng ito sa akin, 'Ibigay mo sa akin ang iyong anak para kainin natin ngayon, at bukas kakainin natin ang anak ko.'”
And the king saith to her, 'What — to thee?' and she saith, 'This woman said unto me, Give thy son, and we eat him to-day, and my son we eat to-morrow;
29 Kaya't nilaga namin ang anak ko at kinain ito, at sinabi ko sa kaniya kinabukasan, “'Ibigay mo sa akin ang iyong anak para kainin natin, pero tinago niya ito.”
and we boil my son and eat him, and I say unto her on the next day, Give thy son, and we eat him; and she hideth her son.'
30 Kaya nang narinig ng hari ang sinabi ng babae, pinunit niya ang kaniyang damit (dumadaan siya sa may pader), at tumingin ang mga tao at nakita na mayroon siyang sako bilang panloob na kasuotan.
And it cometh to pass, at the king's hearing the words of the woman, that he rendeth his garments, and he is passing by on the wall, and the people see, and lo, the sackcloth [is] on his flesh within.
31 Sinabi niya, “Parusahan nawa ako ng Diyos, at lalong higit pa, kung matatapos ang araw na nananatili pa rin ang ulo ni Eliseo sa kaniya, anak ni Safat.”
And he saith, 'Thus doth God do to me, and thus He doth add — if it remain — the head of Elisha son of Shaphat — upon him this day.'
32 Pero nakaupo si Eliseo sa kaniyang bahay kasama ng mga nakatatanda. Nagpadala ng tao ang hari pero nang dumating ang mensahero kay Eliseo, sinabi niya sa mga nakatatanda, “Tingnan ninyo kung paanong nagpadala ng tao ang anak ng mamamatay-tao na ito para patayin ako? Kapag dumating siya, isara ninyo ang pinto at pigilan ninyong mabuksan niya ito. Hindi ba't kasunod niya ay ang mga yapak ng kaniyang panginoon?”
And Elisha is sitting in his house, and the elders are sitting with him, and [the king] sendeth a man from before him; before the messenger doth come unto him, even he himself said unto the elders, 'Have ye seen that this son of the murderer hath sent to turn aside my head? see, at the coming in of the messenger, shut the door, and ye have held him fast at the door, is not the sound of the feet of his lord behind him?'
33 Habang nakikipag-usap siya sa kanila, dumating ang mensahero sa kaniya. Sinabi ng hari, “Ang suliraning ito ay galing kay Yahweh. Bakit kailangan ko pang maghintay kay Yahweh?”
He is yet speaking with them, and lo, the messenger is coming down unto him, and he saith, 'Lo, this [is] the evil from Jehovah: what — do I wait for Jehovah any more?'