< 2 Mga Hari 24 >

1 Sa panahon ng paghahari ni Jehoiakim, nilusob ni Nebucadnezar hari ng Babilonia ang Juda; naging lingkod niya si Jehoiakim sa loob ng tatlong taon. Pagkatapos nagtaksil si Jehoiakim at naghimagsik laban kay Nebucadnezar.
約雅敬年間,巴比倫王尼布甲尼撒上到 猶大;約雅敬服事他三年,然後背叛他。
2 Nagpadala si Yahweh laban kay Jehoiakim ng mga pangkat ng mga Caldean, Aramean, Moabita, at Ammonita; ipinadala niya sila laban sa Juda para wasakin ito. Ito ay naaayon sa salita ni Yahweh na sinabi sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta.
耶和華使迦勒底軍、亞蘭軍、摩押軍,和亞捫人的軍來攻擊約雅敬,毀滅猶大,正如耶和華藉他僕人眾先知所說的。
3 Tiyak na nangyari ito sa Juda sa utos ni Yahweh, para alisin sila mula sa kaniyang paningin, dahil sa mga kasalanan ni Manases, lahat ng kaniyang mga ginawa,
這禍臨到猶大人,誠然是耶和華所命的,要將他們從自己面前趕出,是因瑪拿西所犯的一切罪;
4 at dahil din sa mga inosenteng dugo na kaniyang pinadanak, dahil pinuno niya ang Jerusalem ng inosenteng dugo. Hindi mapapatawad ni Yahweh ang mga iyon.
又因他流無辜人的血,充滿了耶路撒冷;耶和華決不肯赦免。
5 Sa ibang mga bagay patungkol kay Johoiakim, at lahat ng kaniyang ginawa, hindi ba nasusulat ang mga iyon sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda?
約雅敬其餘的事,凡他所行的都寫在猶大列王記上。
6 Humimlay si Johoiakim kasama ng kaniyang mga ninuno, at ang kaniyang anak na si Jehoiakin ang naging hari kapalit niya.
約雅敬與他列祖同睡。他兒子約雅斤接續他作王。
7 Hindi na muling sumalakay ang hari ng Ehipto sa labas ng kaniyang lupain, dahil sinakop na ng hari ng Babilonia ang lahat ng mga lupain na hawak ng hari ng Ehipto, mula sa batis ng Ehipto hanggang sa Ilog Eufrates.
埃及王不再從他國中出來;因為巴比倫王將埃及王所管之地,從埃及小河直到幼發拉底河都奪去了。
8 Si Johoiakin ay labing walong taong gulang nang nagsimula siyang maghari; naghari siya sa Jerusalem sa loob ng tatlong buwan. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Nehusta. Siya ay ang anak na babae ni Elnatan ng Jerusalem.
約雅斤登基的時候年十八歲,在耶路撒冷作王三個月。他母親名叫尼護施她,是耶路撒冷人以利拿單的女兒。
9 Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh - ginawa niya lahat ng nagawa ng kaniyang ama.
約雅斤行耶和華眼中看為惡的事,效法他父親一切所行的。
10 Nang panahong iyon sinalakay ng hukbo ni Nebucadnezar hari ng Babilonia ang Jerusalem at pinaligiran ang lungsod.
那時,巴比倫王尼布甲尼撒的軍兵上到耶路撒冷,圍困城。
11 Dumating sa lungsod si Nebucadnezar hari ng Babilonia habang pinaliligiran ito ng kaniyang mga kawal,
當他軍兵圍困城的時候,巴比倫王尼布甲尼撒就親自來了。
12 at si Jehoiakin ang hari ng Juda ay lumabas patungo sa hari ng Babilonia, siya, ang kaniyang ina, mga lingkod, prinsipe, at opisyal. Binihag siya ng hari ng Babilonia sa ika-walong taon ng kaniyang paghahari.
猶大王約雅斤和他母親、臣僕、首領、太監一同出城,投降巴比倫王;巴比倫王便拿住他。那時是巴比倫王第八年。
13 Kinuha mula roon ni Nebucadnezar ang lahat ng mga mahahalagang bagay sa tahanan ni Yahweh, at ang mga nasa palasyo ng hari. Pinira-piraso niya ang lahat ng mga gintong bagay na ginawa ni Solomon hari ng Israel sa templo ni Yahweh, gaya ng sinabi ni Yahweh na mangyayari.
巴比倫王將耶和華殿和王宮裏的寶物都拿去了,將以色列王所羅門所造耶和華殿裏的金器都毀壞了,正如耶和華所說的;
14 Dinala niyang bihag ang lahat ng Jerusalem, mga pinuno at mga mandirigma, sampung libong mga bihag, at lahat ng mga mahuhusay na manggagawa at mga panday. Walang naiwan kung hindi ang mga pinakamahihirap na mga tao sa lupain.
又將耶路撒冷的眾民和眾首領,並所有大能的勇士,共一萬人,連一切木匠、鐵匠都擄了去;除了國中極貧窮的人以外,沒有剩下的;
15 Itinapon ni Nebucadnezar si Jehoiakin sa Babilonia, pati na ang ina ng hari, mga asawa, opisyal, at ang pangunahing mga lalaki ng lupain. Ipinatapon niya sila sa Babilonia mula sa Jerusalem.
並將約雅斤和王母、后妃、太監,與國中的大官,都從耶路撒冷擄到巴比倫去了;
16 Lahat ng mga kawal, pitong libo ang bilang, at isang libong mahuhusay na mangagawa at mga panday, lahat sa kanila may kakayahang lumaban - itinapon ng hari ng Babilonia ang mga lalaking ito sa Babilonia.
又將一切勇士七千人和木匠、鐵匠一千人,都是能上陣的勇士,全擄到巴比倫去了。
17 Ginawa ng hari ng Babilonia si Matanias, ang kapatid na lalaki ng ama ni Jehoiakin, na hari kapalit niya, at pinalitan sa Zedekias ang kaniyang pangalan.
巴比倫王立約雅斤的叔叔瑪探雅代替他作王,給瑪探雅改名叫西底家。
18 Si Zedekias ay dalawampu't isang taong gulang nang nagsimula siyang maghari; naghari siya nang labing isang taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Hamutal; siya ay anak ni Jeremias na taga-Libna.
西底家登基的時候年二十一歲,在耶路撒冷作王十一年。他母親名叫哈慕她,是立拿人耶利米的女兒。
19 Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh - ginawa niya ang lahat ng bagay na nagawa ni Jehoiakim.
西底家行耶和華眼中看為惡的事,是照約雅敬一切所行的。
20 Dahil sa galit ni Yahweh, nangyari sa Jerusalem at Juda ang lahat ng mga kaganapang ito, hanggang sa mapalayas niya sila mula sa kaniyang presensya. Pagkatapos naghimagsik si Zedekias laban sa hari ng Babilonia.
因此耶和華的怒氣在耶路撒冷和猶大發作,以致將人民從自己面前趕出。

< 2 Mga Hari 24 >