< 2 Mga Hari 21 >
1 Labingdalawang taong gulang si Manasses nang magsimula siyang maghari; naghari siya ng limampu't limang taon sa Jerusalem. Hefzibas ang pangalan ng kaniyang ina.
Manase xɔ ƒe wuieve esime wòzu fia, eye wòɖu fia ƒe blaatɔ̃ vɔ atɔ̃ le Yerusalem. Dadaa ŋkɔe nye Hefziba.
2 Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, gaya ng mga nakapandidiring mga bagay ng mga bansa na pinalayas ni Yahweh sa harapan ng bayan ng Israel.
Ewɔ nu si nye vɔ̃ le Yehowa ŋkume eye wòdze dukɔ siwo Yehowa nya le Israelviwo ŋgɔ ƒe ŋunyɔnuwo wɔwɔ yome.
3 Dahil itinayo niya muli ang mga dambana na winasak ng kaniyang ama na si Hezekias, at nagtayo siya ng mga altar para kay Baal, gumawa ng poste ni Asera, gaya ng ginawa ni Ahab na hari ng Israel, at lumuhod siya sa lahat ng mga bituin ng langit at sinamba ang mga ito.
Egbugbɔ nuxeƒe siwo fofoa, Hezekia gbã la tu. Hekpe ɖe esiawo ŋu la, etu vɔsamlekpuiwo na Baal eye wòli aƒeli abe ale si Ahab, Israel fia, wɔ la ene. Ede ta agu na dziƒonuwo katã eye wòsubɔ wo.
4 Nagtayo si Manasses ng paganong mga altar sa tahanan ni Yahweh, bagaman inutos ni Yahweh, “Sa Jerusalem mananatili ang aking pangalan magpakailanman.”
Etu vɔsamlekpuiwo ɖe Yehowa ƒe gbedoxɔ me, teƒe si ŋu Yehowa gblɔ le be, “Yerusalem anye nye ŋkɔ ƒe nɔƒe.”
5 Nagtayo siya ng mga altar para sa lahat ng mga bituin ng kalangitan sa dalawang patyo ng tahanan ni Yahweh.
Le Yehowa ƒe gbedoxɔ ƒe xɔxɔnu eveawo la, eɖi vɔsamlekpuiwo na dziƒoŋunuwo.
6 Hinandog niya ang kaniyang anak bilang sinunog na handog sa apoy, nagsagawa siya ng panghuhula at salamangka, at kumonsulta sa mga nakipagusap sa mga patay at sa mga nakipagusap sa mga espiritu. Gumawa siya ng labis na kasamaan sa paningin ni Yahweh, at pinukaw niya ang Diyos na magalit.
Etsɔa Via ŋutsuvi saa dzovɔe. Ekaa afa, dea nubiaƒe kple ŋɔliyɔlawo gbɔ. Ewɔ nu siwo nye vɔ̃ la geɖe fũu le Yehowa ŋkume hetsɔ do dzikue nɛ.
7 Ang inukit niyang imahe ni Asera na ginawa niya, ay inilagay niya sa tahanan ni Yahweh. Ang tahanan na ito ang lugar kung saan nangusap si Yahweh kay David at Solomon na kaniyang anak; na sinasabing, “Sa tahanan na ito at sa Jerusalem, na aking pinili mula sa lahat ng mga tribo ng Israel, mananatili ang aking pangalan magpakailanman.
Manase li aƒeli si wòwɔ la ɖe gbedoxɔ la me, teƒe si tututu ŋu Yehowa ƒo nu tsoe na David kple Solomo esi wògblɔ be, “Matsɔ nye ŋkɔ aɖo gbedoxɔ sia me kple Yerusalem, du si metia tso Israel ƒe towo ƒe duwo katã me la ŋu tegbetegbe!
8 Hindi ko hahayaang maligaw ang landas ng Israel mula sa lupain na aking binigay sa kanilang mga ninuno, kung susundin lang nila ng mabuti ang lahat ng inutos ko sa kanila, at sundin ang lahat ng batas na inutos sa kanila ng aking lingkod na si Moises.”
Eye nyemana Israel ƒe afɔ nage le anyigba si metsɔ na wo fofowo la dzi o, nenye be wolé se siwo katã mede na wo kple se siwo katã nye dɔla Mose de na wo la me ɖe asi, eye wowɔ wo dzi ko.”
9 Pero hindi nakinig ang mga tao, at inakay sila ni Manasses na gumawa ng higit pang kasamaan kaysa sa mga bansa na winasak ni Yahweh sa harapan ng bayan ng Israel.
Ke ameawo meɖo to Yehowa o eye Manase na wowɔ nu vɔ̃ wu dukɔ siwo ƒo xlã wo, togbɔ be Yehowa tsrɔ̃ dukɔ siawo le woƒe nu vɔ̃wo ta, esi Israelviwo ge ɖe anyigba la dzi gɔ̃ hã.
10 Kaya nangusap si Yahweh sa pamamagitan ng kaniyang mga lingkod na mga propeta, na sinasabing,
Yehowa ƒo nu to eƒe nyagblɔɖilawo dzi na ameawo be,
11 “Dahil gumawa ng karumal-dumal na mga bagay si Manasses ang hari ng Juda, at kumilos ng may kasamaan na higit pa sa lahat ng ginawa ng mga Amorita na kaniyang sinundan, at dinulot ding magkasala ang Juda kasama ng kaniyang mga diyus-diyosan,”
“Esi Fia Manase wɔ nu vɔ̃ siawo eye wòvɔ̃ɖi wu Amoritɔwo, ame siwo nɔ anyigba la dzi tsã eye esi wòkplɔ Yuda de legbasubɔsubɔ me ta la,
12 kaya sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, “Tingnan ninyo, malapit na akong magpadala ng labis na kapahamakan sa Jerusalem at Juda na kung sinuman ang makarinig nito, kikilabutan ang pareho niyang tainga.
Yehowa, Israel ƒe Mawu be mahe dzɔgbevɔ̃e va Yerusalem kple Yuda dzi ale gbegbe be ame sia ame si ase nu tso dzɔgbevɔ̃e sia ŋu la ƒe to me aɖi yeŋ kple vɔvɔ̃.
13 Ilalatag ko sa ibabaw ng Jerusalem ang panukat na linya na ginamit laban sa Samaria, at ang panghulog na ginamit laban sa bahay ni Ahab; pupunasan at lilinisin ko ang Jerusalem, gaya ng pagpupunas ng pinggan ng isang tao, pinupunasan ito at pagkatapos ay itinataob ito.
Matsɔ dzidzeka si metsɔ dzidze Samaria kple Ahab ƒe aƒe la adzidze Yerusalem. Maklɔ Yerusalem abe ale si woklɔa agbae ene eye matrɔe atsyɔ anyi.
14 Itatapon ko ang mga nalalabi ng aking mana at ibibigay sila sa kamay ng kanilang mga kaaway. Magiging biktima sila ng pandarambong para sa lahat ng kanilang mga kaaway,
Gawu la, magbe nu le nye ame ʋɛ siwo asusɔ la gɔ̃ hã gbɔ eye matsɔ wo ade asi na woƒe futɔwo
15 dahil ginawa nila kung ano ang masama sa aking paningin, at pinukaw ako para magalit, simula nang lumabas ang kanilang mga ninuno sa Ehipto, hanggang sa araw na ito.”
elabena wowɔ nu vɔ̃ le nye ŋkume eye wodo dɔmedzoe nam tso esime mekplɔ wo tɔgbuiwo tso Egipte va se ɖe fifi.”
16 Higit pa roon, nagpadanak si Manasses ng labis na inosenteng dugo, pinuno niya ng kamatayan ang magkabilang dulo ng Jerusalem. Karagdagan pa ito sa kasalanan na pinilit niyang gawin ng Juda, sa paggawa ng masama sa paningin ni Yahweh.
Hekpe ɖe legbasubɔsubɔ si Yehowa lé fui, subɔsubɔ si me Manase he ameawo dee ŋu la, Manase wu ame maɖifɔ geɖewo eye ame siwo wòwu la ƒe kukuawo xɔ Yerusalem ƒe akpa sia akpa.
17 Para sa iba pang mga bagay tungkol kay Manasses, lahat ng kaniyang ginawa, at ang kasalanan na kaniyang ginawa, hindi ba nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa buhay ng mga Hari ng Juda?
Woŋlɔ Manase ƒe fiaɖuɖu vɔ̃ɖi la ƒe ŋutinya mamlɛa kple nu siwo wòwɔ kpakple eƒe nu vɔ̃ la ɖe Yuda fiawo ƒe ŋutinyagbalẽwo me.
18 Nahimlay si Manasses kasama ng kaniyang mga ninuno at inilibing sa hardin ng sarili niyang bahay, sa hardin ni Uza. Ang kaniyang anak na si Amon ang pumalit sa kaniya bilang hari.
Esi wòku la woɖii ɖe eƒe aƒe ƒe abɔ si nye Uza ƒe abɔ le fiasã la me, eye via Amon ɖu fia ɖe eteƒe.
19 Dalawampu't dalawang taong gulang si Amon nang magsimula siyang maghari; naghari siya ng dalawang taon sa Jerusalem. Meshulemet ang pangalan ng kaniyang ina, na anak ni Haruz ng Jotba.
Amon xɔ ƒe blaeve-vɔ-eve esi wòɖu fia eye wòɖu fia le Yerusalem ƒe eve. Dadaa ŋkɔe nye Mesulemet, Haruz ƒe vinyɔnu, ame si tso Yotba.
20 Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, gaya ng ginawa ng kaniyang ama na si Manasses.
Ewɔ nu vɔ̃ le Yehowa ŋkume abe fofoa, Manase, ene.
21 Sinunod ni Amon ang lahat ng landas na tinahak ng kaniyang ama at sinamba ang mga diyus-diyosan na sinamba ng kaniyang ama, at lumuhod sa kanila.
Ewɔ nu vɔ̃ siwo katã fofoa wɔ eye wòsubɔ legba siwo katã fofoa subɔ.
22 Iniwan niya si Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ama, at hindi lumakad sa daan ni Yahweh.
Gawu la, egbe nu le Yehowa, fofoawo ƒe Mawu la gbɔ eye mezɔ ɖe Yehowa ƒe ɖoɖowo dzi o.
23 Nagbanta ang mga lingkod ni Amon laban sa kaniya at pinatay ang hari sa sarili niyang tahanan.
Amon ŋumewo ɖo nugbe ɖe eŋu eye wowu fia la le eƒe fiasã me.
24 Pero pinatay ng mga mamamayan ng lupain ang lahat ng nagkaisa laban kay Haring Amon, at ginawa nilang hari si Josias ang anak ng hari bilang kaniyang kapalit.
Dukɔmevi aɖewo wu ame siwo wu Fia Amon la dometɔ ɖe sia ɖe eye wotsɔ Amon ƒe vi Yosia ɖo fiae.
25 Para sa iba pang mga bagay tungkol sa ginawa ni Amon, hindi ba nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda?
Woŋlɔ Amon ƒe ŋutinya mamlɛa ɖe Yuda fiawo ƒe ŋutinyagbalẽ me.
26 Nilibing siya ng mga tao sa kaniyang puntod sa hardin ni Uza, at si Josias na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
Woɖii ɖe eƒe yɔdo me le Uzabɔ me eye via Yosia ɖu fia ɖe eteƒe.