< 2 Mga Hari 20 >

1 Sa mga panahon na iyon ay may sakit si Hezekias na maaari niyang ikamatay. Kaya pinuntahan siya ni Isaias ang anak ni Amoz, at sinabi sa kaniya, “Sinasabi ni Yahweh, 'Ihanda mo ang iyong sambahayan; dahil mamamatay ka na, at hindi na mabubuhay.'”
בימים ההם חלה חזקיהו למות ויבא אליו ישעיהו בן אמוץ הנביא ויאמר אליו כה אמר יהוה צו לביתך--כי מת אתה ולא תחיה
2 Pagkatapos humarap si Hezekias sa pader at nanalangin kay Yahweh, na sinasabing,
ויסב את פניו אל הקיר ויתפלל--אל יהוה לאמר
3 “Pakiusap, Yahweh, alalahanin mo kung paano ako buong pusong lumakad ng tapat sa iyong harapan, at kung paano ko ginawa ang tama sa iyong paningin.” At tumangis ng malakas si Hezekais.
אנה יהוה זכר נא את אשר התהלכתי לפניך באמת ובלבב שלם והטוב בעיניך עשיתי ויבך חזקיהו בכי גדול
4 Bago lumabas si Isaias sa gitnang patyo, dumating sa kaniya ang mensahe ni Yahweh, na sinasabing,
ויהי ישעיהו--לא יצא העיר (חצר) התיכנה ודבר יהוה--היה אליו לאמר
5 “Bumalik ka, at sabihin kay Hezekias, ang pinuno ng aking bayan, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ni David na inyong ninuno: “Narinig ko ang iyong panalangin, at nakita ko ang iyong mga luha. Pagagalingin na kita sa ikatlong araw, at aakyat ka sa tahanan ni Yahweh.
שוב ואמרת אל חזקיהו נגיד עמי כה אמר יהוה אלהי דוד אביך שמעתי את תפלתך ראיתי את דמעתך הנני רפא לך--ביום השלישי תעלה בית יהוה
6 Dadagdagan ko ng labinlimang taon ang iyong buhay, at ililigtas kita at ang lungsod na ito mula sa kapangyarihan ng hari ng Asiria, at ipagtatanggol ko ang lungsod na ito para sa sarili kong kapakanan at para sa kapakanan ng aking lingkod na si David.'”
והספתי על ימיך חמש עשרה שנה ומכף מלך אשור אצילך ואת העיר הזאת וגנותי על העיר הזאת--למעני ולמען דוד עבדי
7 Kaya sinabi ni Isaias, “Kumuha kayo ng tumpok ng mga igos.” Ginawa nila ito at pinatong sa kaniyang pigsa, at gumaling siya.
ויאמר ישעיהו קחו דבלת תאנים ויקחו וישימו על השחין ויחי
8 Sabi ni Hezekias kay Isaias, “Ano ang magiging tanda na pagagalingin ako ni Yahweh, at dapat akong umakyat sa templo ni Yahweh sa ikatlong araw?”
ויאמר חזקיהו אל ישעיהו מה אות כי ירפא יהוה לי ועליתי ביום השלישי בית יהוה
9 Sumagot si Isaias, “Ito ang magiging tanda para sa iyo mula kay Yahweh, na gagawin ni Yahweh ang bagay na kaniyang sinabi. Dapat bang humakbang ang anino ng sampung hakbang pasulong, o sampung hakbang pabalik?”
ויאמר ישעיהו זה לך האות מאת יהוה כי יעשה יהוה את הדבר אשר דבר הלך הצל עשר מעלות אם ישוב עשר מעלות
10 Sumagot si Hezekias, “Madali lang para sa anino na humakbang ng sampung beses pasulong. Hindi, hayaang humakbang ang anino ng sampung hakbang pabalik.”
ויאמר יחזקיהו נקל לצל לנטות עשר מעלות לא כי ישוב הצל אחרנית עשר מעלות
11 Kaya tumawag si Isaias kay Yahweh, at dinulot niya ang anino na humakbang ng sampung beses pabalik, mula sa pinanggalingan nito sa hagdan ni Ahaz.
ויקרא ישעיהו הנביא אל יהוה וישב את הצל במעלות אשר ירדה במעלות אחז אחרנית--עשר מעלות
12 Sa panahon na iyon si Berodac Baladan na anak ni Baladan hari ng Babilonia ay nagpadala ng mga liham at isang kaloob kay Hezekias, dahil narinig niya na nagkaroon ng karamdaman si Hezekias.
בעת ההיא שלח בראדך בלאדן בן בלאדן מלך בבל ספרים ומנחה--אל חזקיהו כי שמע כי חלה חזקיהו
13 Nakinig si Hezekias sa mga liham na iyon, at pinakita niya sa mga mensahero ang buong palasyo at ang kaniyang mahahalagang mga gamit, ang pilak, ang ginto, ang mga sangkap at mahalagang langis, at ang imbakan ng kaniyang mga sandata, at lahat ng matatagpuan sa kaniyang mga imbakan. Walang natira sa kaniyang bahay, ni sa lahat ng kaniyang kaharian, ang hindi pinakita ni Hezekias sa kanila.
וישמע עליהם חזקיהו ויראם את כל בית נכתה את הכסף ואת הזהב ואת הבשמים ואת שמן הטוב ואת בית כליו ואת כל אשר נמצא באוצרתיו לא היה דבר אשר לא הראם חזקיהו בביתו--ובכל ממשלתו
14 Pumunta si propeta Isaias kay Haring Hezekias at tinanong siya, “Anong sinabi ng mga lalaking ito sa iyo? Saan sila nagmula?” Sinabi ni Hezekias, “Nagmula sila sa malayong bansa ng Babilonia.”
ויבא ישעיהו הנביא אל המלך חזקיהו ויאמר אליו מה אמרו האנשים האלה ומאין יבאו אליך ויאמר חזקיהו מארץ רחוקה באו מבבל
15 Tinanong ni Isaias, “Ano ang nakita nila sa bahay mo?” Sumagot si Hezekias, “Nakita nila lahat ng bagay sa aking bahay. Wala sa mga mahahalaga kong mga gamit ang hindi ko ipinakita sa kanila.”
ויאמר מה ראו בביתך ויאמר חזקיהו את כל אשר בביתי ראו--לא היה דבר אשר לא הראיתם באצרתי
16 Kaya sinabi ni Isaias kay Hezekias, “Makinig sa mensahe ni Yahweh:
ויאמר ישעיהו אל חזקיהו שמע דבר יהוה
17 'Tingnan mo, paparating na ang araw nang lahat ng nasa iyong palasyo, ang mga bagay na inimbak ng iyong mga ninuno hanggang sa araw na ito, ay dadalhin sa Babilonia. Walang matitira, sabi ni Yahweh.
הנה ימים באים ונשא כל אשר בביתך ואשר אצרו אבתיך עד היום הזה בבלה לא יותר דבר אמר יהוה
18 At ang mga anak na lalaki na nanggaling sa iyo, na ikaw mismo ang nag-alaga—dadalhin nila palayo, at sila ay magiging mga eunoko sa palasyo ng hari ng Babilonia.'”
ומבניך אשר יצאו ממך אשר תוליד--יקח (יקחו) והיו סריסים בהיכל מלך בבל
19 Pagkatapos sinabi ni Hezekias kay Isaias, “Mabuti ang mensahe ni Yahweh na iyong sinabi.” Dahil inisip niya, “Hindi ba magkakaroon ng kapayapaan at katatagan sa aking panahon?”
ויאמר חזקיהו אל ישעיהו טוב דבר יהוה אשר דברת ויאמר הלוא אם שלום ואמת יהיה בימי
20 Para sa ibang mga bagay tungkol kay Hezekias, at lahat ng kaniyang kapangyarihan, at kung paano niya itinayo ang tubigan at ang padaluyan ng tubig, at paano niya dinala ang tubig sa lungsod—hindi ba nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa buhay ng mga Hari ng Juda?
ויתר דברי חזקיהו וכל גבורתו ואשר עשה את הברכה ואת התעלה ויבא את המים העירה הלא הם כתובים על ספר דברי הימים--למלכי יהודה
21 Nahimlay si Hezekias kasama ng kaniyang mga ninuno, at si Manasses na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
וישכב חזקיהו עם אבתיו וימלך מנשה בנו תחתיו

< 2 Mga Hari 20 >