< 2 Mga Hari 18 >

1 Ngayon sa pangatlong taon ni Hosea na anak ni Ela, hari ng Israel, nagsimulang maghari si Hezekias na anak ni Ahaz, hari ng Juda.
And it came to pass, in the third year of Hoshea son of Elah king of Israel, that Hezekiah son of Ahaz king of Judah began to reign.
2 Dalawampu't limang taong gulang siya nang magsimula siyang maghari; naghari siya ng dalawampu't siyam na taon sa Jerusalem. Abija ang pangalan ng kaniyang ina; na anak ni Zecarias.
Twenty-five years old, was he when he began to reign, and, twenty-nine years, reigned he in Jerusalem, —and, his mother’s name, was Abi, daughter of Zachariah.
3 Ginawa niya ang tama sa paningin ni Yahweh, sinunod ang lahat ng halimbawa na ginawa ni David, na kaniyang ninuno.
And he did that which was right in the eyes of Yahweh, —according to all that, David his father, did.
4 Tinanggal niya ang mga dambana, winasak ang mga sagradong poste na gawa sa bato, at pinutol ang mga poste ni Asera. Pinagpira-piraso niya ang tansong ahas na ginawa ni Moises, dahil sa mga panahon na iyon nagsusunog dito ng insenso ang bayan ng Israel; tinawag itong “Nehustan”.
He, removed the high places, and brake in pieces the pillars, and cut down the Sacred Stem, —and beat in pieces the serpent of bronze that, Moses, had made, because, until those days, had the sons of Israel been burning incense thereunto, so he called it Nehushtan.
5 Nagtiwala si Hezekias kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, na walang katulad sa lahat ng mga haring sumunod sa kaniya, ni sa mga haring sinundan niya.
In Yahweh, God of Israel, did he trust, —so that, after him, was none like him, among all the kings of Judah, nor that were before him;
6 Dahil nanindigan siya kay Yahweh. Hindi siya tumigil sa pag-sunod sa kaniya pero iningatan niya ang lahat ng kaniyang mga kautusan, na inutos ni Yahweh kay Moises.
and he did cleave unto Yahweh, he turned not away from following him, —but kept his commandments, which, Yahweh, commanded, Moses.
7 Kaya sinamahan ni Yahweh si Hezekias, at saanman siya pumunta siya ay sumagana. Naghimagsik siya laban sa hari ng Asiria at hindi siya pinaglingkuran.
So Yahweh was with him, whithersoever he went forth, he prospered, —and he rebelled against the king of Assyria, and served him not.
8 Nilusob niya ang mga taga-Filisteo patungong Gaza at ang mga hangganang nasa paligid, mula sa tore ng bantay hanggang sa matibay na lungsod.
He, smote the Philistines, as far as Gazah, and her boundaries, —from the watchmen’s tower even to the fortified city.
9 Sa ika-apat na taon ni Haring Hezekias, na ika-pitong taon ni Haring Hosea na anak ni Ela hari ng Israel, nilusob ni Salmaneser na hari ng Asiria ang Samaria at pinalibutan ito.
And it came to pass, in the fourth year of King Hezekiah—the same, was the seventh year of Hosea son of Elah king of Israel, that Shalmaneser king of Assyria came up against Samaria, and laid siege against it;
10 Sa katapusan ng ikatlong taon ay kinuha nila ito, sa ika-anim na taon ni Hezekias, na ika-siyam na taon ni Hoshea na hari ng Israel; sa ganitong paraan ay nasakop ang Samaria.
and he captured it at the end of three years, in the sixth year of Hezekiah, —the same, is the ninth year of Hoshea king of Israel, was Samaria captured.
11 Kaya dinala ng hari ng Asiria ang mga Israelita papuntang Asiria at nilagay sila sa Hala, at sa Ilog Habor sa Gozan, at sa mga lungsod ng Medes.
So the king of Assyria drave away Israel to Assyria, —and settled them in Halah, and in Habor, by the river of Gozan, and the mountains of Media:
12 Ginawa niya ito dahil hindi nila sinunod ang tinig ni Yahweh na kanilang Diyos, pero nilabag ang kaniyang tipan, lahat ng inutos ni Moises ang lingkod ni Yahweh. Tinanggihan nilang makinig dito o gawin ito.
because they hearkened not unto the voice of Yahweh their God, but transgressed his covenant, all that Moses the servant of Yahweh commanded, —they neither hearkened nor performed.
13 Pagkatapos sa ika-labing apat na taon ni Haring Hezekias, nilusob ni Senaquerib na hari ng Asiria ang lahat ng matitibay na lungsod ng Juda at sinakop sila.
And, in the fourteenth year of King Hezekiah, came up Sennacherib king of Assyria, against all the fortified cities of Judah, and took them.
14 Kaya nagpadala si Hezekias hari ng Juda ng mensahe sa hari ng Asiria, na nasa Lacis, sinasabing, “Nasaktan ko ang iyong kalooban. Lumayo ka mula sa akin. Titiisin ko kung anuman ang ipataw mo sa akin.” Hiningi ng hari ng Asiria kay Hezekias na hari ng Juda na magbayad ng tatlong daang talento ng pilak at tatlumpung talento ng ginto.
Then sent Hezekiah king of Judah unto the king of Assyria, to Lachish, saying—I have sinned, Return from me, What thou shalt lay upon me, I will bear. So the king of Assyria appointed unto Hezekiah king of Judah, three hundred talents of silver, and thirty talents of gold.
15 Kaya binigay sa kaniya ni Hezekias ang lahat ng pilak na natagpuan sa tahanan ni Yahweh at sa mga pananalapi sa palasyo ng hari.
And Hezekiah delivered up all the silver that was found in the house of Yahweh, and in the treasuries of the house of the king.
16 Pagkatapos pinutol ni Hezekias ang ginto mula sa mga pinto ng templo ni Yahweh at mula sa mga poste na kaniyang pinagpatungan; binigay niya ang ginto sa hari ng Asiria.
At that time, Hezekiah cut off the doors of the temple of Yahweh, and the columns, which Hezekiah king of Judah had overlaid, —and gave them unto the king of Assyria.
17 Pero pinakilos ng hari ng Asiria ang kaniyang dakilang hukbo, pinadala si Tartan at Rabsaris at ang punong tagapag-utos mula sa Lacis kay Haring Hezekias sa Jerusalem. Naglakbay sila sa kalsada at dumating sa labas ng Jerusalem. Nilapitan nila ang padaluyan ng tubig sa itaas na tubigan, sa malawak na daanan ng mga naglalaba, at tumayo dito.
And the king of Assyria sent Tartan and Rab-saris and Rab-shakeh, from Lachish unto King Hezekiah, with a heavy force to Jerusalem, —so they came up and drew near to Jerusalem, and took their stand by the upper channel of the pool, which is in the highway of the fuller’s field.
18 Nang nanawagan sila kay Haring Hezekias, sina Eliakim na anak ni Hilkias, na namamahala ng sambahayan, at Sebna ang eskriba, at Joas anak ni Asaf, ang tagapagtala, ay lumabas para katagpuin sila.
Then called they for the king, and there went out unto them Eliakim son of Hilkiah, who was over the household, —and Shebnah, the scribe, and Joah son of Asaph, the recorder.
19 Kaya sinabi sa kanila ng punong tagapag-utos na sabihin kay Hezekias kung ano ang sinabi ng dakilang hari, ang hari ng Asiria: “Ano ang pinanggagalingan ng iyong kapanatagan?
And Rab-shakeh said unto them—Pray you, say unto Hezekiah, —Thus, saith the great king, the king of Assyria, What trust is this wherewith thou dost trust?
20 Nagsasalita ka lang ng mga walang kabuluhang mga salita, sinasabi mong may mga alyansa at lakas para sa digmaan. Ngayon sino ang iyong pinagkakatiwalaan? Sino ang nagbigay sa iyo ng tapang na maghimagsik laban sa akin?
Thou hast said—they are only words of the lips!—Counsel and might [have I] for the war. Now, in whom dost thou trust, that thou hast rebelled against me?
21 Tingnan mo, nagtitiwala ka sa tungkod na panglakad ng bugbog na tambo ng Ehipto, pero kapag sinandalan ito ng isang tao tutusok ito sa kaniyang kamay at bubutasin ito. Iyon ang Paraon hari ng Ehipto sa sinumang nagtitiwala sa kaniya.
Now, lo! thou dost trust thyself on the support of this bruised cane, on Egypt, whereon, if a man lean, it will enter his hand and lay it open, —so, is Pharaoh king of Egypt, to all who trust upon him.
22 Pero kapag sinabi mo sa akin, 'Nagtitiwala kami kay Yahweh aming Diyos', hindi ba't siya ang tinaggalan ni Hezekias ng mga dambana at mga altar, at sinabi sa Juda at sa Jerusalem, 'Dapat kayong magsamba sa altar na ito sa Jerusalem'?
But, if ye should say unto me, In Yahweh our God, do we trust, Then is that not he whose high places and whose altars Hezekiah hath removed, and said unto Judah, and unto Jerusalem—Before this altar, shall ye bow down, in Jerusalem?
23 Kaya ngayon, nais kong gumawa ka ng magandang alok mula sa aking panginoon ang hari ng Asiria. Bibigyan kita ng dalawang libong kabayo, kung makakahanap ka ng mga sasakay sa kanila.
Now, therefore, pledge thyself, I pray thee, with my lord, the king of Assyria, —that I supply thee with two thousand horses, if thou, on thy part, be able to set riders upon them.
24 Paano mo malalabanan kahit ang isang kapitan ng mahihina sa mga lingkod ng aking panginoon? Pinagkatiwalaan mo ang Ehipto para sa mga karwahe at mangangabayo!
How then wilt thou turn back the face of one pasha of the least of my lord’s servants? Or hast thou, on thy part, trusted to Egypt for chariots and for horsemen?
25 Naglakbay ba ako dito nang wala si Yahweh para labanan at wasakin ang lugar na ito? Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Lusubin mo ang lupain at wasakin ito.'”
Now, is it, without Yahweh, that I have come up against this place, to destroy it? Yahweh himself, said unto me, Go thou up against this land, and destroy it.
26 Pagkatapos sinabi nila Eliakim na anak ni Hilkias, ni Sebna, at ni Joas sa punong tagapag-utos, “Pakiusap, kausapin mo ang iyong mga lingkod sa wikang Aramaic, dahil naiintindihan namin ito. Huwag mo kaming kausapin sa wika ng Juda sa tainga ng mga mamamayang nasa pader.”
Then said Eliakim son of Hilkiah, and Shebnah, and Joah, unto Rab-shakeh: Speak, we pray thee, unto thy servants in the, Syrian, language, for, we, can, understand, it, —and do not speak with us in, the Jews’, language, in the ears of the people who are upon the wall.
27 Pero sinabi ng punong tagapag-utos sa kanila, “Pinadala ba ako ng aking panginoon para sabihin sa inyong panginoon at sa inyo ang mga salitang ito? Hindi ba niya ako pinadala para sa mga taong nakaupo sa pader, ang kakain ng kanilang sariling mga dumi at iinumin ang kanilang mga ihi kasama ninyo?”
But Rab-shakeh said unto them—Is it, concerning thy lord, and concerning thee, that my lord hath sent me to speak these things? Is it not concerning the men who are tarrying upon the wall, that they may eat their own dung and drink their own water with you?
28 Pagkatapos tumayo ang punong tagapag-utos at sumigaw nang may malakas na tinig sa wikang Judio, “Makinig sa salita ng dakilang hari, ang hari ng Asiria.
So then Rab-shakeh took his stand, and cried out with a loud voice, in, the Jews’, language, —and spake, and said, Hear ye the message of the great king, the king of Assyria: —
29 Sinasabi ng hari, “Huwag ninyong hayaang linlangin kayo ni Hezekias, dahil hindi niya kayo maliligtas mula sa aking kapangyarihan.
Thus, saith the king: Let not Hezekiah deceive you, for he shall not he able to deliver you out of his hand;
30 Huwag ninyong hayaang pilitin kayo ni Hezekias na pagkatiwalaan si Yahweh, na sinasabing, “Siguradong ililigtas tayo ni Yahweh; hindi mapapasakamay ang lungsod na ito sa hari ng Asiria.'”
Neither let Hezekiah cause you to trust in Yahweh, saying, Yahweh, will, certainly deliver, us, —this city, therefore, shall not be given over into the hand of the king of Assyria.
31 Huwag kayong makinig kay Hezekias, dahil ito ang sinasabi ng hari ng Asiria: 'Makipagpayapaan kayo sa akin at lumabas kayo at pumunta sa akin. Pagkatapos ang bawat isa sa inyo ay kakain sa sarili niyang ubasan at mula sa sarili niyang puno ng igos, at iinom ng tubig mula sa sarili niyang balon.
Do not hearken unto Hezekiah, —for, thus, saith the king of Assyria, Deal with me thankfully, and come out unto me, then shall ye eat—every one of his own vine, and every one of his own fig-tree, and drink every one the waters of his own cistern;
32 Gagawin ninyo ito hanggang sa dumating ako at dalhin kayo sa lupaing gaya ng inyong sariling lupain, isang lupain ng butil at bagong alak, isang lupain ng tinapay at ubasan, isang lupain ng mga puno ng olibo at pulot, para mabuhay kayo at hindi mamatay.' Huwag kayong makinig kay Hezekias kapag sinubukan niya kayong pilitin, na sinasabing, 'Sasagipin tayo ni Yahweh.'
Until I come and take you, into a land like your own land—A land of corn and new wine, a land of bread and vineyards, a land of oil olive and honey, so shall ye live, and not die, —But do not hearken unto Hezekiah, for he would persuade you, saying, Yahweh, will deliver us!
33 Mayroon ba sa mga diyos ng mga tao ang sumagip sa kanila mula sa kapangyarihan ng hari ng Asiria?
Have, the gods of the nations, at all delivered, any one of them, his country, out of the hand of the king of Assyria?
34 Nasaan na ang mga diyos ng Hamat at Arpad? Nasaan na ang mga diyos ng Sefarvaim, Hena, at Iva? Sinagip ba nila ang Samaria mula sa aking kamay?
Where are the gods of Hamath, and Arpad? Where are the gods of Sepharvaim, Hena and Ivvah? Yea, did they deliver Samaria out of my hand?
35 Sa lahat ng mga diyos sa lupain, mayroon bang diyos na nakapagsagip ng kaniyang lupain mula sa aking kapangyarihan? Paano ililigtas ni Yahweh ang Jerusalem mula sa aking kapangyarihan?”
Who are they, among all the gods of the countries, that have delivered their country, out of my hand, —that, Yahweh, should deliver, Jerusalem, out of my hand?
36 Pero nanatiling tahimik ang mga mamamayan at hindi sumagot, dahil sinabi sa kanila ng hari, “Huwag ninyo siyang sasagutin.”
But the people held their peace, and answered him not a word, —for, the command of the king, it was, saying—Ye must not answer him.
37 Pagkatapos sina Eliakim na anak ni Hilkias, ang pinuno ng sambahayan; si Sebna ang eskriba; at Joas ang anak ni Asaf, ang tagapagtala, ay pinuntahan si Hezekias nang may mga punit na damit, at inulat sa kaniya ang mga sinabi ng punong tagapag-utos.
Then came in Eliakim son of Hilkiah who was over the household, and Shebna the scribe, and Joah son of Asaph the recorder, unto Hezekiah, with rent clothes, —and they told him the words of Rab-shakeh.

< 2 Mga Hari 18 >