< 2 Mga Hari 16 >
1 Sa ika-labing pitong taon ni Peka anak ni Remalias, si Ahaz anak ni Jotam hari ng Juda ay nagsimulang maghari.
Anno decimo septimo Phacee filii Romeliæ regnavit Achaz filius Ioatham regis Iuda.
2 Dalampung taong gulang si Ahaz nang magsimulang maghari, at siya ay labing anim na taong naghari sa Jerusalem. Hindi niya ginawa ang matuwid sa paningin ni Yahweh kaniyang Diyos, tulad sa ginawa ni David kaniyang ninuno.
Viginti annorum erat Achaz cum regnare cœpisset, et sedecim annis regnavit in Ierusalem: non fecit quod erat placitum in conspectu Domini Dei sui, sicut David pater eius.
3 Sa halip, nilakaran niya ang landas ng mga hari ng Israel; sa katunayan, sinunog niya ang kaniyang anak bilang isang handog na sinusunog, ayon sa nakasusuklam na mga kaugalian ng mga bansa, na itinaboy ni Yahweh sa harapan ng mamamayan ng Israel.
Sed ambulavit in via regum Israel: insuper et filium suum consecravit, transferens per ignem secundum idola gentium, quæ dissipavit Dominus coram filiis Israel.
4 Naghandog siya ng mga alay at nagsunog ng insenso sa matataas na lugar, sa tuktok ng burol, at sa lilim ng bawat luntiang puno.
Immolabat quoque victimas, et adolebat incensum in excelsis, et in collibus, et sub omni ligno frondoso.
5 Pagkatapos si Rezin, hari ng Aram at Peka anak ni Remalias, hari ng Israel, ay dumating at sinalakay ang Jerusalem. Napalibutan nila si Ahaz, pero hindi siya magapi.
Tunc ascendit Rasin rex Syriæ, et Phacee filius Romeliæ rex Israel in Ierusalem ad præliandum: cumque obsiderent Achaz, non valuerunt superare eum.
6 Sa panahong iyon, si Rezin hari ng Aram ay nabawi ang Elat para sa Aram at itinaboy ang mga taga-Juda mula sa Elat. Pagkatapos dumating ang mga taga-Aram sa Elat kung saan sila ay naninirahan hanggang sa mga araw na ito.
In tempore illo restituit Rasin rex Syriæ, Ailam Syriæ, et eiecit Iudæos de Aila: et Idumæi venerunt in Ailam, et habitaverunt ibi usque in diem hanc.
7 Kaya nagsugo ng mga tagapagbalita si Ahaz kay Tiglat Pileser hari ng Asiria, sinasabing, ''Ako ay iyong lingkod at iyong anak. Lumapit ka at iligtas ako mula sa kamay ng hari ng Aram at mula sa kamay ng hari ng Israel, na lumusob sa akin.''
Misit autem Achaz nuncios ad Theglathphalasar regem Assyriorum, dicens: Servus tuus, et filius tuus ego sum: ascende, et salvum me fac de manu regis Syriæ, et de manu regis Israel, qui consurrexerunt adversum me.
8 Kaya kinuha ni Ahaz ang pilak at gintong mayroon sa tahanan ni Yahweh at kasama ng mga yaman ng palasyo ng hari at ipinadala ito bilang isang handog sa hari ng Asiria.
Et cum collegisset argentum et aurum, quod inveniri potuit in domo Domini, et in thesauris regis, misit regi Assyriorum munera.
9 Pagkatapos pinakinggan siya ng hari ng Asiria, at dumating ang hari ng Asiria laban sa Damasco, sinakop ito at ibinilanggo ang kanilang mamamayan sa Kir. Pinaslang din niya si Rezin ang hari ng Aram.
Qui et acquievit voluntati eius: ascendit enim rex Assyriorum in Damascum, et vastavit eam: et transtulit habitatores eius Cyrenen, Rasin autem interfecit.
10 Nagtungo sa Damasco si Haring Ahaz para makipagkita kay Tiglat Pileser hari ng Asiria. Sa Damasco nakita niya ang isang altar. Pinadala niya kay Urias ang pari ang isang modelo ng altar at pagpaparisan nito at ang plano ng lahat ng kailangang gawin.
Perrexitque rex Achaz in occursum Theglathphalasar regis Assyriorum in Damascum. Cumque vidisset altare Damasci, misit rex Achaz ad Uriam sacerdotem exemplar eius, et similitudinem iuxta omne opus eius.
11 Kaya si Urias ang pari ay nagtayo ng altar ayon sa plano na ipinadala ni Haring Ahaz mula sa Damasco. Ito ay natapos bago bumalik si Haring Ahaz mula sa Damasco.
Extruxitque Urias sacerdos altare iuxta omnia, quæ præceperat rex Achaz, de Damasco, ita fecit sacerdos Urias, donec veniret rex Achaz de Damasco.
12 Nang dumating ang hari mula sa Damasco nakita niya ang altar; lumapit ang hari sa altar at nag-alay dito.
Cumque venisset rex de Damasco, vidit altare, et veneratus est illud: ascenditque et immolavit holocausta, et sacrificium suum,
13 Inalay niya ang kaniyang handog na susunugin, at handog na butil, ibinuhos niya ang kaniyang handog na iinumin, at iwinisik ang dugo ng handog ng pakikisama sa altar.
et libavit libamina, et fudit sanguinem pacificorum, quæ obtulerat super altare.
14 Ang tansong altar na nasa harap ni Yahweh - inilipat niya ito mula sa harap ng templo, mula sa pagitan ng kaniyang altar at templo ni Yahweh at nilipat ito sa gawing hilaga ng kaniyang altar.
Porro altare æreum, quod erat coram Domino, transtulit de facie templi, et de loco altaris, et de loco templi Domini: posuitque illud ex latere altaris ad Aquilonem.
15 Pagkatapos inutusan ni Haring Ahaz si Urias ang pari, sinasabing, '' Sa malaking altar sunugin ang pang-umagang handog na susunugin at sa gabi ang handog na butil, at ang handog na susunugin ng hari at kaniyang handog na butil, kasama ang handog na susunugin ng lahat ng mga tao sa lupain, at ang kanilang handog na butil at kanilang handog na iinumin. Wisikan itong lahat ng dugo ng handog na susunugin at lahat ng dugo ng iaalay. Pero ang tansong altar ay para sa aking paghingi ng tulong ng Diyos.
Præcepit quoque rex Achaz Uriæ sacerdoti, dicens: Super altare maius offer holocaustum matutinum, et sacrificium vespertinum, et holocaustum regis, et sacrificium eius, et holocaustum universi populi terræ, et sacrificia eorum, et libamina eorum: et omnem sanguinem holocausti, et universum sanguinem victimæ super illud effundes: altare vero æreum erit paratum ad voluntatem meam.
16 Ginawa nga ni Urias ang pari kung ano ang pinag-utos ni Haring Ahaz.
Fecit igitur Urias sacerdos iuxta omnia, quæ præceperat rex Achaz.
17 Pagkatapos inalis ni Haring Ahaz ang mga balangkas at palanggana mula sa mga nalilipat na patungan; inalis din niya ang dagat mula sa bakang tanso na nasa ilalim nito at inilapag sa batong nakalatag.
Tulit autem rex Achaz cælatas bases, et luterem, qui erat desuper: et mare deposuit de bobus æreis, qui sustentabant illud, et posuit super pavimentum stratum lapide.
18 Inalis din niya ang may bubong na daanan na kanilang itinayo sa templo para sa araw ng Pamamahinga, kasama ang pasukan ng hari sa labas ng templo, lahat dahil sa hari ng Asiria.
Musach quoque Sabbati, quod ædificaverat in templo: et ingressum regis exterius convertit in templum Domini propter regem Assyriorum.
19 Sa iba pang mga bagay tungkol kay Ahaz at kung ano ang kaniyang ginawa, hindi ba ang mga ito ay nakasulat sa Ang Aklat ng mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Juda?
Reliqua autem verborum Achaz, quæ fecit, nonne hæc scripta sunt in Libro sermonum dierum regum Iuda?
20 Nahimlay si Ahaz kasama ng kaniyang ninuno at inilibing kasama ang mga ninuno niya sa lungsod ni David. Si Hezekias kaniyang anak ay naging hari kapalit niya.
Dormivitque Achaz cum patribus suis, et sepultus est cum eis in Civitate David, et regnavit Ezechias filius eius pro eo.