< 2 Mga Hari 11 >

1 Ngayon, nang nakita ni Atalia, ang ina ni Ahazias, na patay na ang kaniyang anak, tumayo siya at pinatay ang lahat ng mga anak ng hari.
亚哈谢的母亲亚她利雅见她儿子死了,就起来剿灭王室。
2 Pero kinuha ni Jehoseba, anak na babae ni Haring Joram at kapatid ni Ahazias, si Joas anak ni Ahazias, at itinago siya malayo sa mga anak ng hari na pinatay, kasama ang kaniyang tagapag-alaga; itinago niya sila sa silid. Itinago nila siya mula kay Atalia para hindi siya mapatay.
但约兰王的女儿,亚哈谢的妹子约示巴,将亚哈谢的儿子约阿施从那被杀的王子中偷出来,把他和他的乳母都藏在卧房里,躲避亚她利雅,免得被杀。
3 Kasama niya si Jehoseba sa pagtatago sa tahanan ni Yahweh sa loob ng anim na taon, habang si Atalia ang naghahari sa lupain.
约阿施和他的乳母藏在耶和华的殿里六年;亚她利雅篡了国位。
4 Nang ikapitong taon, nagpadala ng mensahe si Jehoiada at pinapunta ang mga pinuno ng daan-daang taga-Karito at tagapagbantay sa kaniya patungo sa templo ni Yahweh. Nakipagtipan siya sa kanila, at ipinanumpa sa tahanan ni Yahweh. Pagkatapos ipinakita niya sa kanila ang anak ng hari.
第七年,耶何耶大打发人叫迦利人和护卫兵的众百夫长来,领他们进了耶和华的殿,与他们立约,使他们在耶和华殿里起誓,又将王的儿子指给他们看,
5 Inutusan niya sila at sinabing, “Ito ang dapat ninyong gawin. Ang ikatlong bahagi ninyo na pumupunta sa Araw ng Pamamahinga ay magbantay sa tahanan ng hari, ang ikatlo ay sa Tarangkahan ng Sur,
吩咐他们说:“你们当这样行:凡安息日进班的三分之一要看守王宫,
6 at ang ikatlo ay sa tarangkahan sa likod ng himpilan ng bantay.”
三分之一要在苏珥门,三分之一要在护卫兵院的后门。这样把守王宫,拦阻闲人。
7 At ang dalawa pang grupo, kayo na hindi naglilingkod sa Araw ng Pamamahinga, ay bantayan ang tahanan ni Yahweh para sa hari.
你们安息日所有出班的三分之二要在耶和华的殿里护卫王;
8 Paligiran ninyo ang hari, lahat ng may sandata sa kaniyang kamay. Sinuman ang pumasok mula sa inyong hanay, patayin ninyo siya. Samahan ninyo ang hari kapag siya ay lumalabas at pumapasok.
各人手拿兵器,四围护卫王。凡擅入你们班次的必当治死,王出入的时候,你们当跟随他。”
9 At sinunod ng mga pinuno ng daan-daan ang lahat ng inutos ni Joiada ang pari. Ang bawat pinuno ay isinama ang kanilang mga tauhan, ang mga naglilingkod tuwing Araw ng Pamamahinga pati na ang mga hindi naglilingkod; at pumunta sila kay Jehoiada, ang pari.
众百夫长就照着祭司耶何耶大一切所吩咐的去行,各带所管安息日进班出班的人来见祭司耶何耶大。
10 Pagkatapos ibinigay ni Jehoiada ang pari, sa mga pinuno ng daan-daan ang mga sibat at panangga na pag-aari noon ni Haring David, na nakatabi sa tahanan ni Yahweh.
祭司便将耶和华殿里所藏大卫王的枪和盾牌交给百夫长。
11 Kaya ang mga tagapagbantay ay tumayo, ang bawat isa na may hawak na sandata, mula sa kanang bahagi ng templo hanggang sa kaliwang bahagi nito, sa paligid ng altar at templo, na nakapalibot sa hari.
护卫兵手中各拿兵器,在坛和殿那里,从殿右直到殿左,站在王子的四围。
12 Pagkatapos inilabas ni Jehoiada si Joas ang anak ng hari, ipinatong ang korona sa kaniya, at ibinigay sa kaniya ang tipan ng mga utos. Ginawa nila siyang hari at pinahiran siya ng langis. Nagpalakpakan sila at sinabing, “Mabuhay ang hari!”
祭司领王子出来,给他戴上冠冕,将律法书交给他,膏他作王;众人就拍掌说:“愿王万岁!”
13 Nang narinig ni Atalia ang ingay ng mga tagapagbantay at ng mga tao, pumunta siya sa tahanan ni Yahweh.
亚她利雅听见护卫兵和民的声音,就到民那里,进耶和华的殿,
14 Tiningnan niya, at nakita ang hari na nakatayo sa gilid ng mga poste, gaya ng nakaugalian, at ang mga pinuno at manunugtog ng trumpeta ay kasama ng hari. Lahat ng tao sa lupain ay nagdiriwang at hinihipan ang trumpeta. Pagkatapos pinunit ni Atalia ang kaniyang damit at sumigaw, “Taksil! Taksil!”
看见王照例站在柱旁,百夫长和吹号的人侍立在王左右,国中的众民欢乐吹号;亚她利雅就撕裂衣服,喊叫说:“反了!反了!”
15 At inutusan ni Jehoiada ang pari, ang mga pinuno ng daan-daan na kasama ng mga sundalo; sinabi niya sa kanila, “Ilabas ninyo siya sa gitna ng mga hanay. Sinuman ang sumunod sa kaniya, patayin sila gamit ang espada.” Dahil sinabi ng pari, “Huwag ninyong hayaang mapatay siya sa tahanan ni Yahweh.
祭司耶何耶大吩咐管辖军兵的百夫长说:“将她赶出班外,凡跟随她的必用刀杀死!”因为祭司说“不可在耶和华殿里杀她”,
16 Kaya nagbigay daan sila sa kaniya, at pumunta siya sa tarangkahan ng kabayo patungo sa tahanan ng hari, at doon siya pinatay.
众兵就闪开让她去;她从马路上王宫去,便在那里被杀。
17 Kaya gumawa ng tipan si Jehoaida para kay Yahweh, kay Haring Joas at sa mga mamamayan, na sila ay dapat maging bayan ni Yahweh, at gumawa rin siya ng tipan sa pagitan ng hari at ng mga mamamayan.
耶何耶大使王和民与耶和华立约,作耶和华的民;又使王与民立约。
18 Kaya lahat ng mamamayan sa lupain ay pumunta sa tahanan ni Baal at winasak ito. Pinagpira-piraso nila ang altar ni Baal at ang kaniyang imahe, at pinatay nila si Matan, ang pari ni Baal, sa harap ng mga altar na iyon. Pagkatapos nagtalaga ng mga tagapagbantay ang pari sa templo ni Yahweh.
于是国民都到巴力庙,拆毁了庙,打碎坛和像,又在坛前将巴力的祭司玛坦杀了。祭司耶何耶大派官看守耶和华的殿,
19 Isinama ni Jehoiada ang mga pinuno ng daan-daan, ang mga Karito, ang tagapagbantay, at ang lahat ng mamamayan sa lupain. Ibinaba nila ang hari mula sa tahanan ni Yahweh at dumaan sa tarangkahan ng tagapagbantay patungo sa palasyo ng hari.
又率领百夫长和迦利人与护卫兵,以及国中的众民,请王从耶和华殿下来,由护卫兵的门进入王宫,他就坐了王位。
20 Kaya si Joas ay umupo sa trono. Lahat ng tao sa lupain ay nagdiwang, at ang lungsod ay tahimik. Tungkol naman kay Atalia, siya ay pinatay nila gamit ang espada sa palasyo ng hari.
国民都欢乐,合城都安静。众人已将亚她利雅在王宫那里用刀杀了。
21 Si Joas ay pitong taon nang magsimula siyang maghari.
约阿施登基的时候年方七岁。

< 2 Mga Hari 11 >