< 2 Juan 1 >
1 Mula sa nakatatanda hanggang sa piniling babae at sa kanyang mga anak, na siyang minamahal ko sa katotohanan, at hindi lamang ako, kundi lahat din ng mga sinumang nakakaalam ng katotohanan,
長老のわたしから、真実に愛している選ばれた婦人とその子たちへ。あなたがたを愛しているのは、わたしだけではなく、真理を知っている者はみなそうである。
2 dahil sa katotohanan na nananatili sa atin at mapapasaatin magpakailanman. (aiōn )
それは、わたしたちのうちにあり、また永遠に共にあるべき真理によるのである。 (aiōn )
3 Biyaya, habag, at kapayapaan ay mapapasaatin mula sa Diyos na Ama at mula kay Jesu-Cristo, ang Anak ng Ama, sa katotohanan at pag-ibig.
父なる神および父の御子イエス・キリストから、恵みとあわれみと平安とが、真理と愛のうちにあって、わたしたちと共にあるように。
4 Ako ay lubos na nagagalak na nakita ko ang iba mong mga anak na lumalakad sa katotohanan, tulad ng aming pagtanggap sa kautusang ito galing sa Ama.
あなたの子供たちのうちで、わたしたちが父から受けた戒めどおりに、真理のうちを歩いている者があるのを見て、わたしは非常に喜んでいる。
5 At ngayon ako ay nagsusumamo sa iyo, ginang, hindi na parang ako ay sumulat sa iyo ng bagong kautusan, pero ang mayroon na tayo mula pa sa simula, na dapat nating ibigin ang bawat isa.
婦人よ。ここにお願いしたいことがある。それは、新しい戒めを書くわけではなく、初めから持っていた戒めなのであるが、わたしたちは、みんな互に愛し合おうではないか。
6 At ito ang pag-ibig, na dapat tayong lumakad ayon sa kanyang mga kautusan. Ito ang kautusan, kahit narinig ninyo na mula sa simula, na dapat ninyo itong lakaran.
父の戒めどおりに歩くことが、すなわち、愛であり、あなたがたが初めから聞いてきたとおりに愛のうちを歩くことが、すなわち、戒めなのである。
7 Sapagkat maraming manlilinlang ang naglipana sa mundo, at hindi nila ipinapahayag na si Jesu-Cristo ay dumating sa laman. Ito ay ang manlilinlang at ang anticristo.
なぜなら、イエス・キリストが肉体をとってこられたことを告白しないで人を惑わす者が、多く世にはいってきたからである。そういう者は、惑わす者であり、反キリストである。
8 Tingnan ang inyong mga sarili, upang hindi ninyo mawala ang mga bagay na pinagtrabahuhan nating lahat, pero nang sa gayon kayo ay maaaring makatanggap ng buong gantimpala.
よく注意して、わたしたちの働いて得た成果を失うことがなく、豊かな報いを受けられるようにしなさい。
9 Kung sinuman ang nauuna at hindi nananatili sa katuruan ni Cristo ay walang Diyos. Siya na nananatili sa katuruan ay nasa kanya pareho ang Ama at ang Anak.
すべてキリストの教をとおり過ごして、それにとどまらない者は、神を持っていないのである。その教にとどまっている者は、父を持ち、また御子をも持つ。
10 Kung sinuman ang lumapit sa inyo at hindi dala ang katuruang ito, huwag ninyo siyang tanggapin sa inyong bahay at huwag ninyo siyang batiin.
この教を持たずにあなたがたのところに来る者があれば、その人を家に入れることも、あいさつすることもしてはいけない。
11 Sapagkat ang sinumang bumabati sa kaniya ay nakikisali sa kaniyang mga masasamang gawa.
そのような人にあいさつする者は、その悪い行いにあずかることになるからである。
12 Marami akong mga bagay na isusulat sa inyo at hindi ko nais na isulat ang mga ito sa pamamagitan ng papel at tinta. Pero umaasa akong pumunta sa inyo at makipag-usap ng harap-harapan, upang ang ating kaligayahan ay maging lubos.
あなたがたに書きおくることはたくさんあるが、紙と墨とで書くことはすまい。むしろ、あなたがたのところに行き、直接はなし合って、共に喜びに満ちあふれたいものである。
13 Ang mga anak nang pinili ninyong kapatid na babae ay bumabati sa inyo.
選ばれたあなたの姉妹の子供たちが、あなたによろしく。