< 2 Mga Cronica 7 >
1 Ngayon pagkatapos manalangin ni Solomon, bumaba ang apoy mula sa langit at nilamon ang mga handog na susunugin at ang mga Alay, at pinuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tahanan.
[祝聖聖殿]撒羅滿祈禱完了,有火從天上降下,焚燒了全燔祭和其他的犧牲;上主的榮耀充滿了聖殿。
2 Hindi makapasok ang mga pari sa tahanan ni Yahweh, dahil pinuno ng kaniyang kaluwalhatian ang kaniyang tahanan.
由於上主的榮耀充滿了上主的殿,司祭不能進入上主的殿。
3 Tumingin ang lahat ng mga tao ng Israel nang bumaba ang apoy at ang kaluwalhatian ni Yahweh ay nasa tahanan. Yumuko sila na nakasayad ang kanilang mga mukha sa sahig na bato, sumamba, at nagpasalamat kay Yahweh. Sinabi nila, “Sapagkat siya ay mabuti, sapagkat ang kaniyang tipan ng katapatan ay magpakailanman.”
所有的以色列子民看見有火降下,上主的榮耀充滿了聖殿,便俯伏在石鋪的地上,叩拜稱頌上主說:「因為他是聖善的,因為他的仁慈永遠常存。」
4 Kaya naghandog ang hari at ang lahat ng tao ng mga alay kay Yahweh.
君王和眾百姓在上主面前祭殺了犧牲。
5 Naghandog ng alay si Haring Solomon ng dalawampung libong mga baka at 120, 000 na mga tupa at mga kambing. Kaya inihandog ng hari at ng lahat ng mga tao ang tahanan ng Diyos.
撒羅滿王那時祭殺了二萬二千頭牛,十二萬隻羊;這樣君王和全百姓為上主的聖殿行了奉獻禮。
6 Tumayo ang mga pari, nakatayo ang bawat isa kung saan sila naglilingkod; ganoon din ang mga Levita dala ang mga kagamitan ng musika ni Yahweh na ginawa ni David sa pagbibigay ng mga pasasalamat kay Yahweh sa awitin, “Mananatili ang kaniyang tipan ng kasunduan magpakailanman.” Nagpatunog ng mga trumpeta ang lahat ng pari sa harap nila; at tumayo ang lahat ng Israelita.
司祭各站在自己的岡位上,肋未人拿著達味王所製的上主的樂器,奏「因為他的仁慈永遠常存」稱頌上主的歌;這讚美歌是達味令他們唱的;司祭們面對著他們吹號筒,同時全以色列人都站立不動。
7 Inihandog ni Solomon ang gitna ng patyo na nasa harap ng tahanan ni Yahweh. Hinandog niya roon ang mga handog na susunugin at ang taba ng handog pangkapayapaan, dahil hindi magkasya sa ginawa niyang altar na tanso ang mga handog na susunudin, ang mga butil na handog, at ang taba.
撒羅滿祝聖了上主殿前的內院,在那裏,獻了全燔祭與和平祭的脂油,因為他製造的銅壇容不下那麼多全燔祭、素祭和脂油。
8 Kaya idinaos ni Solomon ang pagdiriwang sa panahong iyon sa loob ng pitong araw, kasama ang buong Israel, isang napakalaking kapulungan, mula sa Lebo Hamat hanggang sa batis ng Ehipto.
那時,撒羅滿舉行慶節七天之久,所有的哈瑪特渡口到埃及小河的以色列百姓,都與他在一起,實是一大集會。
9 At sa ika-walong araw nagdaos sila ng taimtim na pagtitipon, sapagkat ginawa nila ang paghahandog ng altar sa loob ng pitong araw, at ang pagdiriwang sa loob ng pitong araw.
第八天又舉行了盛大的集會,如此舉行獻壇七天,過節七天。
10 Sa ika- dalawampu't tatlong araw ng ika-pitong buwan, pina-uwi ni Solomon ang mga tao sa kanilang mga tahanan na may mga pusong masaya at nagagalak dahil sa kabutihan na ipinakita ni Yahweh kay David, kay Solomon, at sa Israel, ang kaniyang mga tao.
七月二十三日,君王遣散了民眾。他們因上主對達味、撒羅滿和他的百姓以色列所施的恩惠,都滿懷歡樂,回了自己的帳幕。[上主的俯允與警告]
11 Sa gayon natapos ni Solomon ang tahanan ni Yahweh at ang kaniyang sariling tahanan. Lahat ng nasa puso ni Solomon na gawin sa tahanan ni Yahweh at sa kaniyang sariling tahanan, matagumpay niyang nagawa.
撒羅滿完成了上主的殿和王宮,凡撒羅滿心中要在上主的殿和自己的宮內所作的,都順利完成了。
12 Nagpakita si Yahweh kay Solomon sa gabi at sinabi sa kaniya, “Narinig ko ang iyong panalangin, at pinili ko ang lugar na ito para sa aking sarili bilang isang bahay alayan.
夜間上主顯示給撒羅滿,對他說:「我已聽了你的祈禱,我也為我揀選了這地方作為祭祀的大殿。
13 Ipagpalagay na isinara ko ang kalangitan upang walang ulan, o kung utusan ko ang mga balang na lamunin ang lupain, o kung magpadala ako ng sakit sa aking mga tao.
我如果使天閉塞不雨,使蝗蟲吞吃這地,或使瘟疫在我百姓中間流行,
14 Sa panahong iyon kung ang aking mga tao na tinawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpapakumbaba, mananalangin, hahanapin ako, at tatalikod sa kanilang masasamang gawain, makikikiibig ako mula sa langit, patatawarin ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.
這稱為我名下的百姓,如果謙遜祈禱,尋求我的面,遠離自己的惡行,我必從天上俯聽,寬恕他們的罪過,使他們的土地生產。
15 Ngayon magiging bukas ang aking mga mata at makikinig ang aking mga tainga sa mga panalangin na gagawin sa lugar na ito.
自今以後,我必睜眼垂顧,側耳諦聽在此處發出的祈禱。
16 Sapagkat pinili ko ngayon at inilaan ang tahanang ito, upang ang aking pangalan ay naroon magpakailanman; at ang aking mga mata at puso ay naroon sa lahat ng panahon.
現今我已選擇這殿,予以祝聖,使我的名永遠在這殿中;我的眼和我的心,也時時留在那裏。
17 At ikaw, kung lalakad ka sa harap ko tulad ng iyong amang si David, na sinusunod ang lahat ng iniutos ko sa iyo at sinusunod ang aking mga panuntunan at mga kautusan,
至於你,如果你在我面前行走,像你父親達味那樣行走,遵行我吩咐你的一切,恪守我的法律和典章,
18 kung gayon, itatatag ko ang trono ng iyong kaharian, tulad ng sinabi ko sa isang kasunduan kay David na iyong ama, noong sinabi ko, 'Hindi mabibigo kailanman ang isa sa iyong lahi na maging hari ng Israel.'
我必鞏固你的王位,一如我應許你父親達味所說:你的子孫中,決斷不了有人作以色列的統治者。
19 Ngunit kung tatalikod ka, at iiwanan ang aking mga panuntunan at ang mga kautusan na aking ibinigay sa iyo, at kung sasamba ka sa ibang mga diyos at yumuko sa kanila,
但是,如果你們遠離我,離棄我在你們前所頒布的法律和誡命,而去服侍敬拜別的神,
20 sa panahong iyon ay bubunutin ko sila mula sa aking lupain na ibinigay ko sa kanila; at ang tahanang ito na itinalaga ko sa aking pangalan—palalayasin ko ito mula sa aking harapan, at gagawin ko itong kawikaan at isang katatawanan sa gitna ng lahat ng lahi ng tao.
我必將你們從我賜予你們的地上根除,且要拋棄這座為我名而祝聖的殿,毫不顧惜,使它成為萬民的笑話和話柄。
21 At kahit na ang templong ito sa ngayon ay matayog, magugulat ang lahat na dadaan dito at susutsut. Tatanungin nila, 'Bakit ginawa ito ni Yahweh sa lupain ito at sa tahanang ito?'
這殿雖然宏大,凡經過的人必將驚愕說:上主為什麼這樣對待了這地方和這座殿﹖
22 Sasagot ang iba, 'Dahil tinalikuran nila si Yahweh, ang kanilang Diyos, na naglabas sa kanilang mga ninuno mula sa lupain ng Ehipto, at bumaling sila sa ibang diyos at yumuko sa kanila at sinamba sila. Iyon ang dahilan kung bakit dinala ni Yahweh ang lahat ng sakunang ito sa kanila.”
人必回答說:是因為他們離棄了領他們出離埃及地的上主,他們祖先的天主,而歸依、崇拜、服侍了別的神;為此,上主使這一切災禍臨到他們身上。」