< 2 Mga Cronica 5 >

1 Kaya natapos ang lahat ng gawain na ginawa ni Solomon para sa tahanan ni Yahweh. Dinala ni Solomon ang mga bagay na inialay ni David na kaniyang ama, kabilang ang pilak, ang ginto, at ang lahat ng mga kasangkapan, at inilagay ang mga ito sa mga silid-imbakan ng tahanan ng Diyos.
Ka tije duto mane Solomon osetimo e hekalu mar Jehova Nyasaye noserumo, nokelo gik duto mane Daudi wuon-gi osewalo kaka fedha gi dhahabu kod gik mitimogo lemo kendo noketogi e od keno mar hekalu mar Nyasaye.
2 Pagkatapos, tinipon ni Solomon sa Jerusalem ang mga nakatatanda ng Israel, ang lahat ng mga pinuno ng mga lipi, at ang mga pinuno ng mga angkan ng mga tao sa Israel, upang kunin ang kaban ng tipan ni Yahweh mula sa lungsod ni David, ang Zion.
Bangʼe Solomon noluongo jodong jo-Israel, jodong dhoudi duto gi jotend anywola mag Israel mondo odhi ire Jerusalem mondo gikel Sandug Muma mar singruok mar Jehova Nyasaye koa e Dala Maduongʼ mar Daudi miluongo ni Sayun.
3 Lahat ng kalalakihan ng Israel ay nagtipun-tipon sa harapan ng hari sa pagdiriwang, na ginaganap sa ikapitong buwan.
Jo-Israel duto nobiro kanyakla ir ruoth e ndalo Sawo matimore dwe mar abiriyo.
4 Dumating ang lahat ng mga nakatatanda ng Israel, at binuhat ng mga Levita ang kaban.
Kane jodong Israel duto osechopo jo-Lawi nokawo Sandug Muma,
5 Dinala nila ang kaban, ang toldang tipanan at ang lahat ng banal na kasangkapan na nasa loob ng tolda. Dinala ng mga pari na kabilang sa tribu ni Levi ang mga bagay na ito.
kendo negikelo Sandug Muma gi Hemb Romo kod gik moko duto maler manie iye. Jodolo mane jo-Lawi notingʼogi;
6 Si Haring Solomon at ang buong kapulungan ng Israel ay nagtipon sa harapan ng kaban, na nag-aalay ng mga tupa at mga baka na hindi mabilang.
kendo Ruoth Solomon kod oganda jo-Israel duto mane ochokore molwore nochopo e nyim Sandug Muma; kendo negichiwo rombe kod dhok mangʼeny mane kwan-gi ok nyal ndiki kata kwan kaka misango.
7 Dinala ng mga pari ang kaban ng tipan ni Yahweh sa lagayan nito, sa loobang silid ng tahanan, sa dakong kabanal-banalan, sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin.
Eka jodolo nokelo Sandug Muma mar singruok mar Jehova Nyasaye kama ne olosne ei kama ler mar lemo mar hekalu, ma en Kama Ler Moloyo mi gikete e bwomb kerubi.
8 Sapagkat nakabuka ang mga pakpak ng mga kerubin sa kinaroroonan ng kaban, at tinakpan ng mga ito ang kaban at ang mga pasanan nito.
Kerubigo noyaro bwombegi ewi kama noketie Sandug Muma gi ludhe mitingʼego.
9 Ang mga pasanan ay napakahaba at ang mga dulo nito ay nakikita mula sa dakong banal sa harap ng silid na nasa loob, ngunit hindi nila ito nakikita mula sa labas. Naroon pa rin ang mga ito hanggang sa araw na ito.
Ludhegi ne boyo ahinya kochakore e Sandug Muma ma gikogi ne inyalo ne koa e nyim kama ler mar lemo, to ne ok ginen gi oko mar Kama Ler kendo pod gin kanyo nyaka chil kawuono.
10 Walang laman ang kaban maliban sa dalawang tapyas ng bato na inilagay roon ni Moises sa Horeb noong si Yahweh ay gumawa ng kasunduan sa mga tao ng Israel nang makalabas sila sa Ehipto.
Ne onge gimoro ei Sandug Muma makmana kite ariyo mopa mane Musa oketo e iye kane en Horeb kama Jehova Nyasaye ne otimoe singruok kod jo-Israel kane gisewuok Misri.
11 Nangyari na ang mga pari ay lumabas mula sa dakong banal. Inilaan ng lahat ng mga paring naroon ang kanilang mga sarili kay Yahweh; pinangkat sila ayon sa kanilang pagkakabaha-bahagi.
Bangʼe jodolo bangʼe nowuok oa Kama Ler. Jodolo duto mane ni kanyo nopwodhore ka ok odewo ni gin e migepe mage mag tich.
12 Maging ang mga Levitang mga mang-aawit, lahat sila, kabilang sina Asaf, Heman, Jedutun, at ang kanilang lalaking anak at ang kanilang mga kapatid na lalaki ay nakadamit ng pinong lino at tumutugtog ng mga pompiyang, mga alpa, at mga lira, na nakatayo sa silangang dulo ng altar. Kasama nila ang 120 pari na umiihip ng mga trumpeta.
Jo-Lawi duto mane jothum kaka Asaf, Heman, Jeduthun kod yawuotgi gi jowetene nochungʼ e bath kendo mar misango yo wuok chiengʼ ka girwako lewni mar katana maber ka gigoyo ongengʼo gi nyatiti kod orutu. Jodolo mia achiel gi piero ariyo to ne goyo turumbete.
13 Nangyari na ang mga umiihip ng trumpeta at ang mga mang-aawit ay sama-samang gumawa ng musika, tumutugtog nang iisang tunog na maririnig para sa pagpupuri at pagpapasalamat kay Yahweh. Nilakasan nila ang kanilang mga tinig kasama ng mga trumpeta at mga pompiyang at iba pang mga instrumento, at pinuri nila si Yahweh. Umawit sila, “Sapagkat siya ay mabuti, sapagkat ang kaniyang katapatan sa kaniyang kasunduan ay nananatili magpakailanman.” At ang tahanan, na tahanan ni Yahweh ay napuno ng ulap.
Jogo turumbete kaachiel gi jower ne wer gi chuny achiel ka gima ne en dwond ngʼato achiel ka gipako kendo goyone Jehova Nyasaye erokamano. Kaachiel ka gigoyo turumbete gi ongengʼo to gi thumbe mamoko negitingʼo dwondgi malo ka gipako Jehova Nyasaye kendo ka giwer niya, “Jehova Nyasaye ber; kendo herane osiko manyaka chiengʼ.” Eka hekalu mar Jehova Nyasaye nopongʼ kod bor polo,
14 Ang mga pari ay hindi makatayo sa loob upang maglingkod dahil sa ulap, sapagkat pinuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang kaniyang tahanan.
kendo jodolo ne ok nyal tiyo tijegi nikech bor polo, nimar duongʼ mar Jehova Nyasaye nopongʼo hekalu mar Nyasaye.

< 2 Mga Cronica 5 >