< 2 Mga Cronica 4 >
1 Bukod dito, gumawa siya ng isang altar na tanso; ang haba nito ay dalawampung siko, at ang lapad nito ay dalawampung siko. Ang taas nito ay sampung siko.
Og han gjorde eit altar av kopar, tjuge alner langt, tjuge alner breidt og ti alner høgt.
2 Ginawa rin niya ang lagayan ng tubig na tinawag na bilog na dagat na gawa sa hinulmang metal, na may sampung siko ang luwang ng labi. Ang taas nito ay limang siko, at ang dagat ay tatlumpung siko ang sukat pabilog.
Og han gjorde havet i støypt arbeid; det var ti alner frå den eine kanten til den andre, rundt alt ikring, fem alner høgt, og ei mælesnor på tretti alner gjekk ikring det.
3 Sa ilalim ng labi nito ay mga toro na pumapalibot sa dagat, sampu sa bawat siko na kasamang hinulma nang hulmahin ang dagat.
Under kanten var det sett bilæte av uksar rundt ikring det; det var ti på kvar aln, det var tvo rader av deim rundt heile havet, og dei var støypte saman med det.
4 Ang lagayan ng tubig na tinawag na dagat ay nakapatong sa labindalawang toro, ang tatlo ay nakaharap sa hilaga, ang tatlo ay nakaharap sa timog, ang tatlo ay nakaharap sa kanluran, at ang tatlo ay nakaharap sa silangan. Ang dagat ay nakapatong sa mga ito, at lahat ng kanilang mga puwitan ay nakapaloob.
Det stod på tolv uksar; av deim snudde tri mot nord, tri mot vest, tri mot sud, og tri mot aust, soleis at havet var ovanpå deim, og dei snudde bakkropparne innetter.
5 Ang dagat ay kasing kapal ng lapad ng isang kamay, at ang labi nito ay pinanday gaya ng labi ng kopa, gaya ng bulaklak na liryo. Ang dagat ay may lamang tatlong libong baldeng tubig.
Det var ei handbreidd tjukt, og kanten var som på eit staup og laga som ein liljeblom. Det tok tri tusund anker.
6 Gumawa rin siya ng sampung palanggana para sa paghuhugas ng mga bagay; naglagay siya ng lima sa gawing kanan, at lima sa kaliwa; ang mga kasangkapang ginamit sa pagsasagawa ng handog na susunugin ay huhugasan sa mga ito. Ngunit ang dagat ay paghuhugasan ng mga pari.
Framleides gjorde han ti tvåttebaljor, og av deim sette han fem på høgre og fem på vinstre sida; i deim skylde dei det som høyrde til brennofferi, men havet bruka prestarne til tvætte.
7 Ginawa niya ang gintong patungan ng ilawan na ginawa ayon sa tagubilin para sa disenyo ng mga ito; inilagay niya ang mga ito sa templo, lima sa gawing kanan, at lima sa kaliwa.
Og han gjorde ti ljosestakar av gull i samhøve med det som var fyreskrive, og sette deim i tempelbygnaden, fem på høgre og fem på vinstre sida.
8 Gumawa siya ng sampung mesa at inilagay sa templo, lima sa gawing kanan, at lima sa kaliwa. Gumawa siya ng sandaang palangganang ginto.
Og han gjorde ti bord, som han sette i templet, fem på høgre og fem på vinstre sida. Han gjorde og hundrad skåler av gull.
9 Bukod pa rito, ginawa niya ang patyo ng mga pari at ang malaking patyo, at ang mga pinto ng patyo; binalot niya ng tanso ang pinto ng mga ito.
Framleides gjorde han prestetunet og den store garden og dører til garden, og dørerne klædde han med kopar.
10 Inilagay niya ang dagat sa gawing kanan ng tahanan, sa silangan na nakaharap sa timog.
Havet sette han upp på høgre sida mot sudaust.
11 Ginawa ni Huram ang mga palayok, ang mga pala at ang mga mangkok na pangwisik. Kaya tinapos ni Hiram ang trabahong ginawa niya para kay Haring Solomon sa loob ng tahanan ng Diyos:
Huram gjorde oskefati og skuflerne og skålerne, og han fullførde det arbeidet som han gjerde for kong Salomo i Guds hus:
12 ang dalawang haligi, at ang tila mangkok na nasa itaas ng dalawang haligi, at ang dalawang hanay ng lambat na pandekorasyon upang takpan ang dalawang tila mangkok na nasa itaas ng mga haligi.
tvo sulor med dei tvo kulorne og hovudi ovanpå deim, dei tvo neti til å klæda dei tvo kulerunde hovudi på sulorne,
13 Ginawa niya ang apatnaraang granada para sa dalawang hanay ng lambat na pandekorasyon: dalawang hilera ng granada para sa bawat hanay ng lambat upang takpan ang dalawang tila mangkok na nasa itaas ng mga haligi.
dei fire hundrad granatepli til dei tvo neti, tvo rader med granateple for kvart net til å klæda dei kulerunde hovudi på sulorne,
14 Ginawa rin niya ang mga patungan at ang mga palangganang ipapatong sa patungan;
og fotstykki gjorde han, og baljorne gjorde han på fotstykki,
15 isang dagat ng maraming tubig at labindalawang toro sa ilalim nito,
havet, eitt stykke, med dei tolv uksarne under.
16 maging ang mga palayok, mga pala, mga pantusok ng karne, at lahat ng iba pang mga kasangkapan—ginawa ni Huramabi ang mga ito mula sa pinakintab na tanso para kay Haring Solomon, para sa tahanan ni Yahweh.
Oskefati, skuflerne og gaflarne og alt det som høyrde til, gjorde Huram, far hans, til Herrens hus, for kong Salomo, dei var av blank kopar.
17 Hinulma ng hari ang mga ito sa kapatagan ng Jordan, sa maputik na lupa sa pagitan ng Sucot at Zaretan.
Kongen støypte deim nedi Jordan-kverven, i støypeformar av jord millom Sukkot og Seredata.
18 Kaya ginawa ni Solomon ang lahat ng mga sisidlang ito sa labis na kasaganaan; sa katunayan, ang timbang ng tanso ay hindi malaman.
Alle desse tingi let Salomo gjera i stor mengd, for det vart ikkje røkt etter kva koparen vog.
19 Ginawa ni Solomon ang lahat ng mga kasangkapan na nasa loob ng tahanan ng Diyos, maging ang gintong altar, at ang mga mesa kung saan ilalagay ang tinapay na handog;
Framleides gjorde Salomo alle dei tingi som skulde vera i Guds hus: gullaltaret, bordi som skodebrødi var på,
20 ang mga patungan ng ilawan kasama ang mga ilawan ng mga ito, na dinisenyo upang sindihan sa harap ng loobang silid—gawa ang mga ito sa purong ginto;
ljosestakarne med lamporne, som skulde kveikjast på fyreskriven måte, framfyre koren, av skirt gull,
21 at ang mga bulaklak, ang mga ilawan, at ang mga panipit ay gawa sa ginto, purong ginto.
med blomarne og lamporne og ljossakserne av gull, og det av det aller beste gullet,
22 Maging ang mga sindihan ng ilawan, mga palanggana, mga panandok, at mga sunugan ng insenso ay gawa lahat sa purong ginto. Gayon din sa bungad ng tahanan, ang mga loobang pintuan nito patungo sa dakong kabanal-banalan at ang mga pintuan ng tahanan, ang templo, ay gawa sa ginto.
knivarne og skålarne og kannorne og glodpannorne av skirt gull, og med umsyn til inngangarne til huset, so var dei indre dørerne til det høgheilage romet, og dørerne i huset, som førde til tempelsalen, av gull.