< 2 Mga Cronica 36 >

1 Pagkatapos ay pinili ng mga tao ng lupain si Jehoahaz na anak ni Josias at ginawa siyang hari bilang kapalit ng kaniyang ama sa Jerusalem.
Then the people of Judah chose Josiah’s son Jehoahaz and appointed him as the king in Jerusalem.
2 Si Jehoahaz ay dalawampu't tatlong taong gulang nang magsimula siyang maghari, at naghari siya ng tatlong buwan sa Jerusalem.
Jehoahaz was 23 years old when he became the king, but he ruled from Jerusalem for [only] three months.
3 Tinanggal siya ng hari ng Ehipto sa Jerusalem at pinagmulta ang lupain ng isang daang talentong pilak at isang daang talentong ginto.
King Neco of Egypt [captured him and] prevented him from ruling any longer. He also forced the people of Judah to pay him a tax of almost four tons of silver and about 75 pounds of gold.
4 Ginawa ng hari ng Ehipto si Eliakim, na kaniyang kapatid bilang hari ng Juda at Jerusalem at binago ang kaniyang pangalan sa Jehoiakim. Pagkatapos, dinala niya ang kapatid ni Eliakim na si Jehoahaz at dinala siya sa Ehipto.
The king of Egypt appointed Jehoahaz’s [younger] brother Eliakim to be the king of Judah. He changed Eliakim’s name to Jehoiakim. After Neco captured Jehoahaz, he took him to Egypt.
5 Dalawampu't limang taong gulang si Jehoiakim nang magsimula siyang maghari, at labing-isang taon siyang naghari sa Jerusalem. Ginawa niya kung ano ang masamang sa paningin ni Yahweh na kaniyang Diyos.
Jehoiakim was 25 years old when he became the king [of Judah], and he ruled from Jerusalem for 11 years. He did things that Yahweh his God considers to be evil.
6 At nilusob siya ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia at iginapos siya ng kadena upang dalhin sa Babilonia.
Then the army of King Nebuchadnezzar of Babylon attacked Jehoiakim’s army. They [captured Jehoiakim and] bound him with bronze chains and took him to Babylon.
7 Dinala rin ni Nebucadnezar ang ilan sa mga bagay sa tahanan ni Yahweh sa Babilonia at inilagay ang mga iyon sa kaniyang palasyo sa Babilonia.
Nebuchadnezzar’s soldiers also took valuable things from the temple; they took them to Babylon and put them in king [Nebuchadnezzar’s] palace there.
8 Para naman sa mga ibang usapin tungkol kay Jehoiakim, ang mga kasuklam-suklam na bagay na ginawa niya at ang mga nalaman laban sa kaniya ay nasusulat sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel. Pagkatapos, ang kaniyang anak na si Jehoiakin ang pumalit sa kaniya bilang hari.
A record of the other things that happened while Jehoiakim was ruling, the detestable things that he did, including the evil things that people said that he did, is written in the scroll called ‘The History of the Kings of Israel and Judah’. After [he was taken to Babylon], his son Jehoiachin became the king [of Judah].
9 Walong taong gulang si Jehoiakin nang magsimula siyang maghari. Naghari siya ng tatlong buwan at sampung araw sa Jerusalem. Ginawa niya kung ano masama sa paningin ni Yahweh.
Jehoiachin was 18 years old when he became the king [of Judah], and he ruled from Jerusalem for [only] three months and ten days. He did things that Yahweh considers to be evil.
10 Noong tagsibol, nagpadala si Haring Nebucadnezar ng mga kalalakihan at dinala siya sa Babilonia, kasama ng mga mahahalagang bagay mula sa tahanan ni Yahweh at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem ang kaniyang kamag-anak na si Zedekias.
During the spring of the next year, King Nebuchadnezzar sent [soldiers] to bring him to Babylon. They also took to Babylon many valuable things from the temple of Yahweh. Then Nebuchadnezzar appointed Jehoiachin’s uncle, Zedekiah, to be the king of Judah.
11 Dalawampu't-isang taong gulang si Zedekias nang magsimula siyang maghari. Naghari siya ng labing-isang taon sa Jerusalem.
Zedekiah was 21 years old when he became the king, and he ruled in Jerusalem for 11 years.
12 Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh na kaniyang Diyos. Hindi siya nagpakumbaba sa harapan ng propetang si Jeremias, na nagsasalita mula sa bibig ni Yahweh.
He did many things that Yahweh his God considered to be evil. And he did not humble himself when the prophet Jeremiah gave him a message from Yahweh [to warn him].
13 Naghimagsik din si Zedekias laban kay Haring Nebucadnezar, na siyang nagpasumpa sa kaniya ng katapatan sa pamamagitan ng Diyos. Ngunit pinatigas ni Zedekias ang kaniyang ulo at pinatigas ang kaniyang puso sa pagsunod kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
He would not return to Yahweh, the God that the people of Israel [said that they worshiped]. Zedekiah also rebelled against King Nebuchadnezzar, who had forced him to solemnly promise using God’s name [to be loyal to him]. Zedekiah became very stubborn.
14 Dagdag pa rito, ang lahat ng mga pinuno ng mga pari at ng mga tao ay nagkasala ng labis, sinusunod ang mga kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa ng ibang lahi. Nilapastangan nila ang tahanan ni Yahweh na inilaan niya para sa kaniyang sarili sa Jerusalem.
Furthermore, all the leaders of the priests and also the people [of Judah] became more wicked again, doing all the detestable things that the people of the other nations did, and causing the temple in Jerusalem that Yahweh had caused to be holy to become [an] unacceptable [place to worship him].
15 Si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno ay nagpadala ng mensahe sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga mensahero nang paulit-ulit, dahil mayroon siyang habag sa kaniyang mga tao at sa lugar kung saan siya naninirahan.
Yahweh, the God whom the ancestors [of the people of Judah belonged to/worshiped], gave messages to his prophets many times, and the prophets told those messages to the people of Judah. Yahweh did that because he pitied his people and did not want his temple to be destroyed.
16 Ngunit kinutya nila ang mga mensahero ng Diyos, kinamuhian ang kaniyang mga salita, at hinamak ang kaniyang mga propeta, hanggang sa ang galit ni Yahweh ay nagsimula laban sa kaniyang mga tao hanggang sa ito ay hindi na maiiwasan.
But the people continually made fun of God’s messengers. They despised God’s messages. They ridiculed his prophets, until finally God became extremely angry with his people, with the result that nothing could stop him [from destroying Judah].
17 Kaya dinala ng Diyos sa kanila ang hari ng mga Caldeo, na siyang pumatay sa kanilang mga kabataan sa pamamagitan ng mga tabak sa santuwaryo at walang habag sa mga kabataang lalaki o mga birhen, mga matatandang lalaki o ang mga puti na ang buhok. Ibinigay silang lahat ng Diyos sa kaniyang kamay.
He incited the king of Babylonia to attack [Judah with his army]. They killed the young men with their swords, even in the temple. They did not spare/pity anyone, young men or young women or old people. God enabled the army of Nebuchadnezzar to kill all of them.
18 Lahat ng kagamitan ng tahanan ng Diyos, malaki at maliit, ang mga kayamanan sa tahanan ni Yahweh at ang mga kayamanan ng hari at kaniyang mga opisyal—ang lahat ng mga ito ay dinala niya sa Babilonia.
His soldiers took to Babylon all the things that were used in God’s temple—big things and little things, all the valuable things, and the valuable things that belonged to the king and his officials.
19 Sinunog nila ang tahanan ng Diyos, giniba nila ang pader ng Jerusalem, sinunog ang lahat ng mga palasyo nito, at winasak ang mga magagandang bagay sa loob nito.
They burned the temple, and they broke down the wall surrounding Jerusalem. They burned all the palaces [in Jerusalem] and destroyed all the remaining valuable things there.
20 Dinala ng hari sa Babilonia ang mga nakaligtas sa tabak. Sila ay naging lingkod niya at ng kaniyang mga anak hanggang sa nangyari ang pamumuno ng kaharian ng Persia.
Nebuchadnezzar’s soldiers took to Babylon the remaining people who had not been killed with their swords. Then those people became the king’s slaves and his son’s slaves, until the [army of the] king of Persia conquered [the army of Babylonia].
21 Nangyari ito upang maganap ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias, hanggang sa masiyahan ang lupain sa kaniyang Araw ng Pamamahinga. Sapagkat habang ang lupain ay pinabayaan ipinagdiwang nito ang Araw ng Pamamahinga sa loob ng pitumpung taon.
[Moses had said that every seventh year the people must not plant their fields; they must allow the soil to rest. But the people had not done that. So after the army of Babylonia destroyed Judah, ] the soil was allowed to rest. That continued for 70 years, fulfilling what Yahweh told Jeremiah and what Jeremiah had predicted/prophesied would happen.
22 Ngayon sa unang taon ni Ciro, ang hari ng Persia, upang maganap ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias, inudyukan ni Yahweh ang espiritu ni Ciro, ang hari ng Persia, kaya gumawa siya ng pahayag sa lahat ng kaniyang kaharian at isinulat din ang mga ito. Sinabi niya,
During the first year that Cyrus was the king of Persia, in order that what Yahweh told Jeremiah would happen would occur, Yahweh motivated Cyrus to write this and proclaim it throughout his kingdom:
23 “Ito ang sinabi ni Ciro, ang hari ng Persia: Ibinigay sa akin ni Yahweh na Diyos ng langit ang lahat ng kaharian sa mundo. Inutusan niya ako na magtayo ng isang tahanan para sa kaniya sa Jerusalem, na nasa Juda. Kung sino man sa inyo ang kabilang sa kaniyang mga tao, nawa si Yahweh na inyong Diyos ay sumainyo. Pinahihintulutan kitang pumunta sa lupain.”
“I, Cyrus, the king of Persia, declare that Yahweh, the God [who rules] in heaven, has enabled me to become the ruler of all the kingdoms of this world. And he wants me to [command that my workers] build a temple {a temple be built} for him in Jerusalem, which is in Judah. Any of his people living among you people of Persia are allowed to go to Jerusalem. And I will pray that Yahweh will be with them.”

< 2 Mga Cronica 36 >