< 2 Mga Cronica 35 >

1 Ipinagdiwang ni Josias ang Paskwa para kay Yahweh sa Jerusalem at pinatay nila ang mga tupang pampaskwa sa ikalabing apat na araw ng unang buwan.
요시야가 예루살렘 여호와 앞에서 유월절을 지켜 정월 십 사일에 유월절 어린 양을 잡으니라
2 Itinalaga niya ang mga pari sa kani-kanilang mga posisyon at hinikayat silang maglingkod sa tahanan ni Yahweh.
왕이 제사장들에게 그 직분을 맡기고 면려하여 여호와의 전에서 사무를 행하게 하고
3 Sinabi niya sa mga Levitang nagturo sa buong Israel, na tapat kay Yahweh, “Ilagay ninyo ang banal na kaban sa bahay na itinayo ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel. Huwag na ninyo itong buhatin sa inyong mga balikat. Ngayon ay sambahin ninyo si Yahweh, na inyong Diyos, at paglingkuran ang kaniyang sambayanang Israel.
또 여호와 앞에 구별되어서 온 이스라엘을 가르치는 레위 사람에게 이르되 거룩한 궤를 이스라엘 왕 다윗의 아들 솔로몬의 건축한 전 가운데 두고 다시는 너희 어깨에 메지 말고 마땅히 너희 하나님 여호와와 그 백성 이스라엘을 섬길 것이라
4 Ayusin ninyo ang inyong mga sarili ayon sa pangalan ng inyong mga sambahayan at inyong mga pangkat, na sinusunod ang mga nakasulat na tagubilin ni David, ang hari ng Israel at ni Solomon na kaniyang anak.
너희는 이스라엘 왕 다윗의 글과 다윗의 아들 솔로몬의 글을 준행하여 너희 족속대로 반열을 따라 스스로 예비하고
5 Tumayo kayo sa banal na lugar, ayon sa inyong posisyon kasama ang inyong mga pangkat sa loob ng mga sambahayan ng inyong mga kapatid, ang mga kaapu-apuhan ng mga tao, at ayon sa inyong posisyon sa inyong mga pangkat sa loob ng sambahayan ng mga Levita.
너희 형제 모든 백성의 족속의 차서대로 또는 레위 족속의 차서대로 성소에 서서
6 Katayin ninyo ang mga tupang pampaskwa at ilaan ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh. Ihanda ninyo ang mga tupa para sa inyong mga kapatid na mga Israelita. Gawin ninyo iyon bilang pagsunod sa salita ni Yahweh na ibinigay kay Moises.”
스스로 성결케 하고 유월절 어린양을 잡아 너희 형제를 위하여 예비하되 여호와께서 모세로 전하신 말씀을 좇아 행할찌니라
7 Nagbigay si Josias sa lahat ng taong naroon ng tatlumpung libong tupa at mga batang kambing mula sa mga kawan para sa mga handog para sa Paskwa. Nagbigay din siya ng tatlong libong toro, ang mga ito ay mula sa mga pagmamay-ari ng hari.
요시야가 그 모인 백성들에게 자기의 소유 양떼 중에서 어린 양과 어린 염소 삼만과 수소 삼천을 내어 유월절 제물로 주매
8 Ang kaniyang mga tagapamuno ay nagbigay ng kusang loob na handog sa mga tao, mga pari, at mga Levita. Sina Hilkias, Zacarias at Jehiel, ang mga opisyal na namamahala sa bahay ng Diyos ay nagbigay sa mga pari para sa mga handog sa Paskwa ng 2, 600 na maliliit na mga kambing at tatlong daang baka.
방백들도 즐거이 희생을 드려 백성과 제사장들과 레위 사람들에게 주었고 하나님의 전을 주장하는 자 힐기야와 스가랴와 여히엘은 제사장들에게 양 이천 육백과 수소 삼백을 유월절 제물로 주었고
9 Gayun din sina Conanias, at Semaya, Natanael, ang kaniyang mga kapatid, sina Hosabias, Jehiel at Jozabad, ang mga pinuno ng mga Levita ay nagbigay sa mga Levita ng mga handog sa Paskwa ng limang libong maliliit na kambing at limang daang mga baka.
또 레위 사람의 두목들 곧 고나냐와 그 형제 스마야와 느다넬과 또 하사뱌와 여이엘과 요사밧은 양 오천과 수소 오백을 레위 사람들에게 유월절 제물로 주었더라
10 Kaya ang paglilingkod ay nakahanda na at tumayo ang mga pari sa kani-kaniyang mga puwesto, kasama ng mga Levita sa kani-kanilang mga pangkat bilang pagsunod sa utos ng hari.
이와 같이 섬길 일이 구비하매 왕의 명을 좇아 제사장들은 자기 처소에 서고 레위 사람들은 그 반열대로 서고
11 Kinatay nila ang mga tupang pampaskwa at isinaboy ng mga pari ang dugo na kanilang tinanggap mula sa mga kamay ng mga Levita at binalatan naman ng mga Levita ang mga tupa.
유월절 양을 잡으니 제사장들은 저희 손에서 피를 받아 뿌리고 또 레위 사람들은 잡은 짐승의 가죽을 벗기고
12 Inalis nila ang mga handog na susunugin upang ibigay ito sa mga pangkat ng mga sambahayan ng mga tao, upang ihandog ang mga ito kay Yahweh, gaya ng nasusulat sa Aklat ni Moises. Ganoon din ang ginawa nila sa mga toro.
그 번제물을 옮겨 족속의 차서대로 모든 백성에게 나누어 모세의 책에 기록된대로 여호와께 드리게 하고 소도 그와 같이 하고
13 Inihaw nila sa apoy ang mga tupang pampaskwa gaya ng sinasabi ng tagubilin. Para naman sa mga handog na nakalaan, pinakuluan nila ito sa mga palayok, kaldero at mga kawali, at mabilis nila itong dinala sa mga tao.
이에 규례대로 유월절 양을 불에 굽고 그 나머지 성물은 솥과 가마와 남비에 삶아 모든 백성에게 속히 분배하고
14 Hindi nagtagal ay inihanda nila ang mga handog para sa kanilang mga sarili at para sa mga pari, dahil ang mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Aaron ay abala sa paghahandog ng mga handog na susunugin at ang taba hanggang sa gumabi, kaya inihanda ng mga Levita ang mga handog para sa kanilang sarili at para sa mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Aaron.
그 후에 자기와 제사장들을 위하여 준비하니 이는 아론의 자손 제사장들이 번제와 기름을 저녁까지 드리는고로 레위 사람들이 자기와 아론의 자손 제사장들을 위하여 준비함이더라
15 Ang mga mang-aawit, ang mga kaapu-apuhan ni Asaf ay nasa kanilang mga pwesto, gaya ng iniutos ni David, sina Asaf, Heman at Jeduthun, ang mga propeta ng hari. Nasa bawat tarangkahan ang mga bantay, hindi nila kinakailangang umalis sa kanilang mga pwesto dahil ang kanilang mga kapatid na mga Levita ang naghanda ng mga handog para sa kanila.
아삽의 자손 노래하는 자들은 다윗과 아삽과 헤만과 왕의 선견자 여두둔의 명한대로 자기 처소에 있고 문지기들은 각 문에 있고 그 직임에서 떠날 것이 없었으니 이는 그 형제 레위 사람들이 저희를 위하여 예비하였음이더라
16 Kaya, sa panahon iyon, ang kabuuan ng paglilingkod kay Yahweh ay ginawa para sa pagdiriwang ng Paskwa at para maghandog ng handog na susunugin sa altar ni Yahweh, gaya ng iniutos ni Haring Josias.
이와 같이 당일에 여호와를 섬길 일이 다 준비되매 요시야왕의 명대로 유월절을 지키며 번제를 여호와의 단에 드렸으며
17 Ipinagdiwang ng mga Israelitang naroon ang Paskwa sa panahong iyon at pagkatapos ay ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura sa loob ng pitong araw.
그 때에 모인 이스라엘 자손이 유월절을 지키고 연하여 무교절을 칠일 동안 지켰으니
18 Hindi pa nagkaroon ng ganitong pagdiriwang ng Paskwa mula sa panahon ng propetang si Samuel, at hindi ipinagdiwang ng kahit sino sa mga naging hari ng Israel ang Paskwa na gaya ng ginawa ni Josias, kasama ang mga pari, ang mga Levita, at lahat ng mga tao ng Juda at Israel na naroon at ang mga mamamayan ng Jerusalem.
선지자 사무엘 이후로 이스라엘 가운데서 유월절을 이같이 지키지 못하였고 이스라엘 열왕도 요시야가 제사장들과 레위 사람들과 모인 온 유다와 이스라엘 무리와 예루살렘 거민과 함께 지킨 것처럼은 유월절을 지키지 못하였더라
19 Ipinagdiwang ang Paskwang ito sa ikalabing-walong taon ng paghahari ni Josias.
요시야의 위에 있은지 십 팔년에 이 유월절을 지켰더라
20 Pagkatapos ng lahat ng ito, pagkatapos isaayos ni Josias ang templo, si Neco na hari ng Ehipto ay pumunta upang makipaglaban sa Carquemis sa ilog ng Eufrates at pumunta si Josias upang labanan siya.
이 모든 일 후 곧 요시야가 전을 정돈하기를 마친 후에 애굽 왕 느고가 유브라데강 가의 갈그미스를 치러 올라온고로 요시야가 나가서 방비하였더니
21 Ngunit nagpadala ng mga sugo si Neco sa kaniya at sinabing, “Ano ang gagawin ko sa iyo, hari ng Juda? Hindi ako naparito upang labanan ka sa araw na ito kundi laban sa sambahayan na aking kinakalaban. Inutusan ako ng Diyos na magmadali, kaya huwag mong hadlangan ang Diyos, na siyang kasama ko, kung hindi ay wawasakin ka niya.”
느고가 요시야에게 사자를 보내어 가로되 유다 왕이여 내가 그대와 무슨 관계가 있느뇨 내가 오늘날 그대를 치려는 것이 아니요 나로 더불어 싸우는 족속을 치려는 것이라 하나님이 나를 명하사 속히 하라 하셨은즉 하나님이 나와 함께 계시니 그대는 하나님을 거스리지 말라 그대를 멸하실까 하노라 하나
22 Gayun pa man, ayaw tumalikod ni Josias sa kaniya. Nagbalatkayo siya upang makipaglaban sa kaniya. Hindi siya nakinig sa mga salita ni Neco na nagmula sa bibig ng Diyos, kaya pumunta siya upang makipaglaban sa lambak ng Megido.
요시야가 몸을 돌이켜 떠나기를 싫어하고 변장하고 싸우고자 하여 하나님의 입에서 나온 느고의 말을 듣지 아니하고 므깃도 골짜기에 이르러 싸울 때에
23 Napana ng mga mamamana si Haring Josias, at sinabi ng hari sa kaniyang mga lingkod, “Ilayo ninyo ako, dahil malubha akong nasugatan.”
활 쏘는 자가 요시야왕을 쏜지라 왕이 그 신복에게 이르되 내가 중상하였으니 나를 도와 나가게 하라
24 Kaya inilabas siya ng kaniyang mga lingkod sa karwahe at isinakay sa ibang karwahe. Siya ay dinala sa Jerusalem, kung saan siya namatay. Inilibing siya sa libingan ng kaniyang mga ninuno. Ang lahat ng Juda at Jerusalem ay nagluksa para kay Josias.
그 신복이 저를 병거에서 내리게 하고 저의 버금 병거에 태워 예루살렘에 이른 후에 저가 죽으니 그 열조의 묘실에 장사하니라 온 유다와 예루살렘 사람들이 요시야를 슬퍼하고
25 Nagdalamhati si Jeremias para kay Josias. Nagdadalamhati ang lahat ng mga lalaki at mga babaeng mang-aawit kay Josias hanggang sa araw na ito. Naging kaugalian sa Israel ang mga awit na ito kaya isinulat ang mga ito sa mga awiting pangluksa.
예레미야는 저를 위하여 애가를 지었으며 노래하는 남자와 여자는 요시야를 슬피 노래하니 이스라엘에 규례가 되어 오늘날까지 이르렀으며 그 가사는 애가 중에 기록되었더라
26 Para sa mga iba pang usapin tungkol kay Josias at ang kaniyang mga mabubuting gawa bilang pagsunod sa nasusulat sa kautusan ni Yahweh—
요시야의 남은 사적과 여호와의 율법에 기록된대로 행한 모든 선한 일과
27 at ang kaniyang mga gawain, mula sa umpisa hanggang sa huli ay nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel.
그 시종 행적이 이스라엘과 유다 열왕기에 기록되니라

< 2 Mga Cronica 35 >