< 2 Mga Cronica 34 >

1 Walong taong gulang si Josias nang magsimula siyang maghari. Tatlumpu't isang taon siyang naghari sa Jerusalem.
[約史雅登極]約史雅登極時才八歲,在耶路撒冷作王凡三十一年。
2 Ginawa niya kung ano ang tama sa mga mata ni Yahweh at sumunod sa mga yapak ni David na kaniyang ninuno, at hindi lumingon sa kanan man o sa kaliwa.
他行了上主視為正義的事,走了他祖先達味所走的路,不偏左,也不偏右。[宗教改革]
3 Dahil sa ikawalong taon ng kaniyang paghahari, habang siya ay bata pa, sinimulan niyang hanapin ang Diyos ni David na kaniyang ninuno. Sa ikalabing dalawang taon, sinimulan niyang linisin ang Juda at Jerusalem mula sa mga dambana, mga imahen ni Ashera, at mga inukit na mga imahe, at ang mga molde ng imahe na gawa sa metal.
他在位第八年,雖然年幼,就已經開始尋求他祖先達味的天主;在位第十二年,就已開始清潔猶大和耶路撒冷,除去高丘、木偶、彫像和鑄像。
4 Giniba ng mga tao ang mga altar ng mga Baal sa kaniyang harapan. Binasag niya ang mga altar ng insenso na nasa ibabaw nila. Giniba niya ang mga imahen ni Ashera at ang mga inukit naimahe sa pira-piraso hanggang sa maging abo ang mga ito. Ikinalat niya ang abo sa mga libingan ng mga taong nag-alay sa mga ito.
他看著人把巴耳的丘壇拆毀,他親自打碎丘壇上的香爐,將木偶、彫像和鑄像打碎,磨成粉末,撒在祭祀偶像的人的墳上;
5 Sinunog niya ang mga buto ng kanilang mga pari sa kanilang mga altar. Sa ganitong paraan, nilinis niya ang Juda at ang Jerusalem.
在祭壇上焚燒了邪神司祭的骨骸,這樣潔淨了猶大和耶路撒冷。
6 Ginawa rin niya ito sa mga lungsod ng Manases, Efraim, at Simeon, hanggang sa Neftali, at sa mga nawasak na lugar na nakapalibot sa kanila.
他在默納協、厄弗辣因、西默盎、以迄納斐塔里各城和期周圍四郊,也行了同樣的事:
7 Giniba niya ang mga altar, dinurog ang mga imahen ni Ashera at ang mga inukit na imahe hanggang sa naging pulbos ang mga ito, at hinati-hati ang lahat ng altar ng insenso sa lahat ng dako ng lupain ng Israel. Pagkatapos ay bumalik siya sa Jerusalem.
拆毀丘壇,將木偶和彫像打碎,將以色列全境內所有的太陽柱都砍倒;然後回了耶路撒冷。[重修聖殿]
8 Ngayon sa ikalabing-walong taon ng kaniyang paghahari, matapos linisin ni Josias ang lupain at ang templo, ipinadala niya si Safan na anak ni Azalias, si Maasias, ang gobernador ng lungsod, at si Joas na anak ni Joahaz na nakalihim upang ipaayos ang tahanan ni Yahweh na kaniyang Diyos.
約史雅在位第十八年,進行清潔各地和聖殿時,派阿匝里雅的兒子沙番,城尉瑪阿色雅和約阿哈次的兒子約阿黑御史,去修理他的天主上主的聖殿。
9 Pumunta sila kay Hilkias, ang pinakapunong pari at ipinagkatiwala sa kaniya ang pera na dinala sa tahanan ng Diyos na tinipon ng mga Levita, ng mga bantay ng mga pintuan mula sa Manases at Efraim, mula sa lahat ng mga naninirahan sa Israel, mula sa buong Juda at Benjamin at mula sa mga naninirahan sa Jerusalem.
他們便去見大司祭希耳克雅,將獻於天主殿宇的銀錢當面交給他。這些銀錢是守門的肋未人,由默納協、厄弗辣因和以色列全體遺民,以及猶大、本雅明和耶路撒冷居民那裏收來的。
10 Ipinagkatiwala nila ang pera sa mga kalalakihang namamahala sa mga gawain sa templo ni Yahweh. Binayaran ng mga kalalakihang ito ang mga manggagawang nag-ayos muli ng templo.
他們再轉交給監督上主殿內工作的人,這些人發給在上主殿內工作和修理殿宇的人,
11 Ibinayad nila ito sa mga karpentero at mga manggagawa, upang bumili ng mga tabas na bato, at mga kahoy na panghalang at para gumawa ng mga barakilan para sa mga gusali na pinabayaan ng ilang mga hari na magiba.
即發給木匠和泥水匠,或購買鑿好的石頭和作木架及棟樑的木材,來修理歷代猶大王失修的建築。
12 Ginawa ng mga kalalakihan ang kanilang trabaho nang tapat. Ang kanilang mga tagapamahala ay sina Jahat at Obadias, ang mga Levita, na mga anak ni Merari; at sina Zacarias at Mesulam, mula sa mga anak ng mga taga-Kohat. Ang ibang mga Levita, na mahuhusay na manunugtog ay pinamahalaan ang mga trabahador.
這些工人都勤於操作,監管他們工作的監督是默辣黎族的肋未人雅哈特與敖巴狄雅,和刻哈特族的則加黎雅與默叔藍;尚有精於樂器的肋未人,
13 Ang mga Levitang ito ang namahala sa mga nagbuhat ng mga materyales na kinakailangan sa gawain at sa lahat ng mga kalalakihang nagtrabaho sa kahit na anong paraan. Mayroon ding mga Levita na mga kalihim, mga administrador at mga bantay ng tarangkahan.
兼管搬運的人,督促做各種工作的人。肋未人中還有些作書記,作職員,作門丁的。[法律書的發現]
14 Nang inilabas nila ang salapi na ipinasok sa tahanan ni Yahweh, natagpuan ni Hilkias na pari Ang Aklat ng Kautusan ni Yahweh na ibinigay sa pamamagitan ni Moises.
人們將獻於上主殿宇的銀錢拿出來的時候,大司祭希耳克雅發現了上主藉梅瑟所頒布的法律書。
15 Sinabi ni Hilkias sa eskribang si Safan, “Natagpuan ko ang Aklat ng Kautusan sa tahanan ni Yahweh.” Dinala ni Hilkias ang aklat kay Safan.
希耳克雅告訴書記沙番說:「我在上主殿內發現了法律書。」遂將書交給了沙番。
16 Dinala ni Safan ang aklat sa hari at ibinalita sa kaniya, “Ginagawa ng inyong mga lingkod ang lahat ng ipinagkatiwala sa kanila.
沙番帶著那卷書去見君王,向君王回報說:「凡陛下命你僕人所辦的事,都已照辦了。
17 Ibinuhos nila ang salaping natagpuan sa loob ng tahanan ni Yahweh, at ipinagkatiwala nila ito sa mga tagapamahala at sa mga trabahador.”
已將上主殿內所有的銀錢倒出來,交在監督和工人的手裏了。」
18 Sinabi ng eskribang si Safan sa hari, “Binigyan ako ng paring si Hilkias ng isang aklat.” Pagkatapos ay binasa ito ni Safan sa hari.
書記沙番繼而向君王報告說:「大司祭希耳克雅還交給我一卷書。」沙番就在君王面前朗誦了那書。
19 At nangyari nang marinig ng hari ang mga salita ng kautusan, pinunit niya ang kaniyang mga kasuotan.
君王一聽了法律上的話,就撕裂了自己的衣服,
20 Inutusan ng hari si Hilkias, si Ahikam na anak ni Safan, si Abdon na anak ni Mica, sa eskribang si Safan, at si Asias na kaniyang sariling lingkod, sinabi niya,
立即吩咐希耳克雅、沙番的兒子阿希甘、米加的兒子阿貝冬、書記沙番和君王的臣僕阿撒雅說:「
21 “Pumunta kayo at itanong ninyo ang kagustuhan ni Yahweh para sa akin at para sa mga naiwan sa Israel at sa Juda dahil sa mga salita ng aklat na natagpuan. Sapagkat malaki ang galit ni Yahweh na ibinuhos sa atin. Dahil ang ating mga ninuno ay hindi nakinig sa mga salita ng aklat na ito upang sundin ang lahat ng nakasulat dito.”
你們快去為我,為以色列的遺民和猶大,詢問上主關於所發現的這書上的話,因為我們的祖先沒有遵守上主的話,未照這書上所記載的去行,所以上主才向我們大發憤怒。」[胡耳達女先知的神諭]
22 Kaya si Hilkias at ang lahat ng inutusan ng hari ay pumunta kay Hulda na isang babaeng propeta, ang asawa ni Sallum na anak ni Tokat na anak ni Hasra, ang tagapag-ingat ng kasuotan (nanirahan siya sa Jerusalem sa Ikalawang Distrito) at nakipag-usap sila sa kaniya sa ganitong paraan:
希耳克雅和君王所派的人,去見胡耳達女先知,她是掌管禮服的沙隆的妻子─沙隆是哈色辣的孫子,堤刻瓦的兒子。胡耳達住在耶路撒冷新區;他們對她說明來意,
23 Sinabi niya sa kanila, “Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: 'Sabihin ninyo sa taong nagpadala sa inyo sa akin,
她就回答他們說:「上主以色列的天主這樣說:你們回報那派你們來見我的人說:
24 “Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Tingnan ninyo, magpapadala ako ng sakuna sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito, ang lahat ng mga sumpang naisulat sa aklat na kanilang nabasa sa harapan ng hari ng Juda.
上主這意說:我必要使在猶大王前所讀的書中記載的災禍和一切詛咒,降在這地和這地上的居民身上,
25 Dahil tinalikuran nila ako at nagsunog sila ng insenso sa ibang mga diyos, upang galitin ako sa lahat ng kanilang mga ginawa—kung gayon ibubuhos ko ang aking galit sa lugar na ito, at hindi ito mapapawi.”'
因為他們捨棄了我,向別的神焚香;他們所做的,無不惹我動怒,所以我的怒火要向這地方發作,總不熄滅。
26 Ngunit sa hari ng Juda, na siyang nagpadala sa inyo upang tanungin ang kagustuhan ni Yahweh, ito ang sasabihin ninyo sa kaniya: “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Tungkol sa mga salitang narinig mo:
至於那派你們來求問上主的猶大王,你們要這樣對他說:上主以色列的天主這樣說:因為你聽了這些話,
27 'dahil malambot ang iyong puso at nagpakumbaba ka sa harapan ng Diyos nang marinig mo ang kaniyang mga salita laban sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito, at dahil nagpakumbaba ka sa aking harapan at pinunit mo ang iyong kasuotan at umiyak sa aking harapan, nakinig din ako sa iyo'—ito ang pahayag ni Yahweh.
因為你一聽了我指著這地和這地上的居民所說的話,你的心就已感化,在上主面前自卑自賤,撕裂了你的衣服,在我面前痛哭,我也應允了你:上主的斷語。
28 'Tingnan mo, titipunin kita kasama ng iyong mga ninuno at magsasama-sama kayo sa inyong libingan nang payapa, at hindi mo makikita ang anuman sa mga sakunang ibibigay ko sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito."”” Kaya dinala ng mga kalalakihan ang mensaheng ito sa hari.
我要使你與你祖先團聚,你要安歸你的墳墓;你的眼睛見不到我在這地上和這些居民身上要降的災禍。」他們回去,將她說的話報告給君王。[重立盟約]
29 Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero ang hari at tinipon ang lahat ng mga nakatatanda ng Juda at Jerusalem.
君王於是派人召集猶大和耶路撒冷所有的長老來;
30 Pagkatapos ay umakyat ang hari sa tahanan ni Yahweh, at ang lahat ng mga tao sa Juda at ang mga naninirahan sa Jerusalem, ang mga pari, ang mga Levita, at ang lahat ng tao mula sa mga dakila hanggang sa mga hamak. Binasa niya sa kanila ang lahat ng salita ng Aklat ng Kautusan na natagpuan sa tahanan ni Yahweh.
君王同所有的猶大人,耶路撒冷的居民、司祭、肋未人、全體人民,不分貴賤,都上到上主的殿內,在上主殿內,將尋獲的約書上的一切話,讀給他們聽。
31 Tumayo ang hari sa kaniyang lugar at nakipagtipan sa harap ni Yahweh, na susunod siya kay Yahweh, at susundin niya ang kaniyang mga kautusan, ang kaniyang tipan ng katapatan, at ang kaniyang mga batas nang buong puso at kaluluwa, na susundin niya ang mga salita ng kasunduan na nakasulat sa aklat na ito.
君王站在高台上,在上主面前立約,要全心全意服從上主,遵守他的誡命,他的典章和他的法律,履行這書上所載的盟約的話;
32 Pinanumpa niya ang lahat ng taong matatagpuan Jerusalem at Benjamin na sumunod sa kasunduan. Ang mga mamamayan ng Jerusalem ay sumunod sa kasunduan ng Diyos, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
他使所有的耶路撒冷的人都接受這盟約。於是耶路撒冷的居民都按照上主,他們祖先天主的盟約而行。
33 Tinanggal ni Josias ang lahat ng mga kasuklam-suklam na bagay mula sa mga lupain na pagmamay-ari ng mga Israelita. Pinasamba niya ang lahat ng mga Israelita kay Yahweh, na kanilang Diyos. Sa lahat ng kaniyang mga araw, hindi sila tumalikod sa pagsunod kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
約史雅將以色列子民各地的一切可恥之物除去,使所有在以色列的人,都奉事上主他們的天主。約史雅王在世時,他們從未離棄上主,他們祖先的天主。

< 2 Mga Cronica 34 >