< 2 Mga Cronica 30 >
1 Nagpapunta si Ezequias ng mga mensahero sa buong Israel at Juda, at sumulat din ng liham sa Efraim at Manases, na kinakailangan nilang pumunta sa tahanan ni Yahweh sa Jerusalem, upang ipagdiwang ang Paskwa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
Ezequías envió (mensajeros) a todo Israel y Judá, y escribió cartas a Efraím y Manasés, para que viniesen a la Casa de Yahvé, a Jerusalén, a fin de celebrar la Pascua en honor de Yahvé, el Dios de Israel.
2 Sapagkat ang hari, ang kaniyang mga pinuno, at ang lahat ng kapulungan sa Jerusalem ay nagsanggunian, at napagpasiyahang ipagdiwang ang Paskwa sa ikalawang buwan.
Pues el rey y los príncipes y toda la asamblea de Jerusalén habían determinado celebrar la Pascua en el mes segundo;
3 Hindi nila ito maipagdiwang kaagad, sapagkat hindi sapat ang bilang ng mga paring nakapaglaan ng kanilang sarili para kay Yahweh, at hindi rin nagtipon-tipon ang mga tao sa Jerusalem.
puesto que no había sido posible celebrarla a su debido tiempo, porque los sacerdotes no se habían santificado en número suficiente, y el pueblo no se había reunido en Jerusalén.
4 Ang planong ito ay tama sa paningin ng hari at ng buong kapulungan.
Agradó esta resolución al rey y a toda la asamblea.
5 Kaya gumawa sila ng kautusan na kinakailangan ipahayag sa buong Israel, mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na kinakailangang pumunta ang mga tao sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Paskwa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Sa katunayan, hindi nila ginanap ito sa napakaraming bilang na gaya ng iniutos sa kasulatan.
Resolvieron, pues, enviar aviso a todo Israel, desde Bersabee basta Dan, para que viniesen a Jerusalén a celebrar la Pascua en honor de Yahvé, el Dios de Israel; porque hacía mucho tiempo que no la habían celebrado al modo prescrito.
6 Kaya pumunta sa buong Israel at Juda ang tagapagdala ng sulat na dala-dala ang sulat mula sa hari at sa kaniyang mga pinuno, ayon sa utos ng hari. Sinabi nila, “Kayong mga taga-Israel, manumbalik kayo kay Yahweh, ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Israel, upang muli siyang bumalik sa mga nalalabi sa inyo na nakatakas mula sa kamay ng mga hari ng Asiria.
Tras lo cual los correos con las cartas del rey y de sus príncipes recorrieron todo Israel y Judá, como el rey lo había mandado; y decían: “Hijos de Israel, volveos a Yahvé, el Dios de Abrahán, de Isaac y de Israel, y Él se volverá a los que de vosotros han quedado, a los que han escapado de la mano de los reyes de Asiria.
7 Huwag kayong maging katulad ng inyong mga ninuno o kaya ng inyong mga kapatid, na nagkasala laban kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, kaya ibinigay niya sila sa pagkawasak, gaya ng inyong nakita.
No seáis como vuestros padres y como vuestros hermanos, que prevaricaron contra Yahvé, el Dios de sus padres; por lo cual Él los entregó a la desolación, como estáis viendo.
8 Ngayon huwag maging matigas ang inyong ulo, tulad ng inyong mga ninuno; sa halip, ibigay ninyo ang inyong sarili kay Yahweh at pumunta kayo sa kaniyang banal na lugar, na kaniyang itinalaga kay Yahweh magpakailanpaman, at sambahin ninyo si Yahweh, ang inyong Diyos, upang mawala ang kaniyang malaking galit sa inyo.
Ahora, no endurezcáis vuestra cerviz como vuestros padres; dad la mano a Yahvé; venid a su Santuario, que Él ha santificado para siempre; servid a Yahvé vuestro Dios, y se apartará de vosotros el furor de su ira.
9 Sapagkat kung muli kayong babalik kay Yahweh, makakatagpo ng kahabagan ang inyong mga kapatid at mga anak sa harapan ng mga bumihag sa kanila, at muli silang babalik sa lupaing ito. Sapagkat si Yahweh, ang inyong Diyos, ay mapagbiyaya at maawain, at hindi niya ibabaling ang kaniyang mukha palayo sa inyo, kung babalik kayo sa kaniya.
Porque si os volvéis a Yahvé, vuestros hermanos y vuestros hijos hallarán misericordia ante aquellos que los llevaron cautivos, y volverán a este país, pues Yahvé, vuestro Dios, es clemente y misericordioso y no apartara de vosotros su rostro, si vosotros os convertís a Él.”
10 Kaya dumaan ang mga tagapagdala ng sulat sa bawat lungsod sa buong rehiyon ng Efraim at Manases, hanggang sa Zebulun; ngunit pinagtawanan at kinutya sila ng mga tao.
Recorrieron los correos una ciudad tras otra en el país de Efraím y de Manasés, llegando hasta Zabulón; pero se reían y se burlaban de ellos.
11 Gayunpaman, may mga kalalakihan sa Aser at Manases at Zebulun na nagpakumbaba, at pumunta sa Jerusalem.
Sin embargo, algunos de Aser, de Manasés y de Zabulón se humillaron y vinieron a Jerusalén.
12 Nasa Juda rin naman ang kamay ng Diyos, upang bigyan sila ng isang puso, upang sumunod sa utos ng hari at mga pinuno ayon sa salita ni Yahweh.
También en Judá se dejó sentir la mano de Dios, que les dio un solo corazón, para cumplir el mandato del rey y de los príncipes, según la palabra de Yahvé.
13 Maraming tao, isang napakalaking kapulungan, ang nagsamasama sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura sa ikalawang buwan.
Se reunió en Jerusalén mucha gente para celebrar la fiesta de los Ácimos, en el mes segundo; era una asamblea muy grande.
14 Tumindig sila at inalis ang mga altar na nasa Jerualem at ang lahat ng mga altar ng insenso; at itinapon ang mga iyon sa batis ng Kidron.
Y se levantaron y quitaron los altares que había en Jerusalén; quitaron también todos los altares de incienso y los arrojaron en el torrente Cedrón.
15 At sa ikalabing-apat na araw ng pangalawang buwan, pinatay nila ang kordero ng Paskwa. Nahiya ang mga pari at mga Levita, at inihandog nila ang kanilang mga sarili kay Yahweh at nagdala sila ng mga handog na susunugin sa tahanan ni Yahweh.
Sacrificaron la pascua, a los catorce días del mes segundo. También los sacerdotes y los levitas, avergonzándose, se santificaron y trajeron holocaustos a la Casa de Yahvé.
16 Tumayo sila sa kanilang lugar ayon sa kanilang pangkat, sinusunod ang utos na nasa kautusan ni Moises, na lingkod ng Diyos. Iwinisik ng mga pari ang dugo na tinanggap nila mula sa mga kamay ng mga Levita.
Ocuparon sus puestos según su reglamento, conforme a la Ley de Moisés, varón de Dios; y los sacerdotes derramaban la sangre que recibían de mano de los levitas.
17 Dahil marami ang naroroon sa kapulungan na hindi itinalaga ang kanilang mga sarili kay Yahweh, kaya ang mga Levita ang namahala sa pagkakatay ng korderong pampaskwa para sa lahat ng hindi nakapaglinis upang ilaan ang kordero kay Yahweh.
Y como muchos de la asamblea no se habían santificado, los levitas fueron encargados de inmolar los corderos pascuales para todos los que no se hallaban puros, a fin de santificarlos para Yahvé.
18 Sapagkat marami sa mga tao, ang karamihan sa kanila ay mula sa Efraim, Manases, Isacar at Zebulun, ang hindi nakapaglinis ng kanilang sarili, gayon pa man kumain sila ng pagkaing pampaskwa, labag sa nakasulat na tagubilin. Ipinanalangin sila ni Ezequias, na nagsasabing, “Patawarin nawa ng mabuting Yahweh ang bawa't isa
Pues una gran multitud de gentes, muchos de Efraím y de Manasés, de Isacar y de Zabulón, que no se habían purificado, comieron la pascua, sin observar lo prescrito. Mas Ezequías oró por ellos, diciendo: “¡Quiera Yahvé en su bondad perdonar a todos aquellos
19 na nagtakda ng kanilang mga puso na hanapin ang Diyos, na si Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ninuno, kahit na hindi siya malinis ayon sa pamantayan ng paglilinis ng banal na lugar.”
cuyo corazón busca al Dios Yahvé, el Dios de sus padres, aunque no se hayan purificado según el (rito del) Santuario!”
20 Kaya pinakinggan ni Yahweh si Ezequias at pinagaling niya ang mga tao.
Y oyó Yahvé a Ezequías, y sanó al pueblo.
21 Ipinagdiwang ng mga Israelitang naroon sa Jerusalem ang pista ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw na may labis na kagalakan. Araw-araw nagpuri ang mga Levita at mga pari kay Yahweh, kumakanta kay Yahweh na may mga instrumentong may malakas na tunog.
Así los hijos de Israel que estaban en Jerusalén celebraron la fiesta de los Ácimos por siete días con gran alegría; y los levitas y los sacerdotes alabaron a Yahvé todos los días, tocando con toda fuerza los instrumentos en honor de Yahvé.
22 Kinausap ni Ezequias nang may panghihimok ang mga Levita na nakauunawa sa paglilingkod kay Yahweh. Kaya kumain sila sa kabuuan ng pista sa pitong araw, nag-alay sila ng mga handog na pangkapayapaan, at ipinagtapat nila ang kanilang kasalanan kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
Ezequías habló al corazón de todos los levitas que manifestaban un buen conocimiento de Yahvé. Comieron durante los siete días (las víctimas) de la fiesta, sacrificando sacrificios pacíficos, y alabando a Yahvé, el Dios de sus padres.
23 Nagpasya ang buong kapulungan na magdiwang ng pitong araw pa, at ginawa nga nila nang may kagalakan.
Toda la asamblea resolvió celebrar la fiesta por otros siete días, y la celebraron con júbilo por siete días más.
24 Sapagkat nagbigay sa kapulungan si Ezequias na hari ng Juda ng isang libong toro at pitong libong tupa bilang alay; at nagbigay ang mga pinuno sa kapulungan ng isang libong toro at sampung libong tupa at mga kambing. Maraming bilang ng mga pari ang nagtalaga ng kanilang mga sarili kay Yahweh.
Porque Ezequías, rey de Judá, había regalado a toda la asamblea mil becerros y siete mil ovejas. Los príncipes, por su parte, habían regalado a la asamblea mil becerros y diez mil ovejas; y ya se habían santificado muchos sacerdotes.
25 Nagalak ang buong kapulungan ng Juda, kasama ang mga pari at mga Levita, at ang lahat ng mga taong dumating mula sa Israel, pati na rin ang mga dayuhan na mula sa lupain ng Israel at ang mga naninirahan sa Juda.
Toda la asamblea de Judá, los sacerdotes y los levitas, y también toda la multitud que había venido de Israel, y los extranjeros venidos de la tierra de Israel y los que habitaban en Judá, se entregaron a la alegría.
26 Kaya may labis na kagalakan sa Jerusalem, sapagkat simula sa panahon ni Solomon na anak ni David, na hari ng Israel, ay wala pang nangyaring katulad nito sa Jerusalem.
Hubo gran gozo en Jerusalén; porque desde los días de Salomón, hijo de David, rey de Israel, no había habido (fiesta) semejante en Jerusalén.
27 Pagkatapos, tumayo ang mga pari at mga Levita at pinagpala ang mga tao. Narinig ang kanilang tinig at umabot ang kanilang dalangin sa kalangitan, ang banal na lugar kung saan naninirahan ang Diyos.
Al fin se levantaron los sacerdotes, hijos de Leví, y bendijeron al pueblo; y fue oída su voz, pues su oración penetró en el cielo, Su santa morada.