< 2 Mga Cronica 30 >

1 Nagpapunta si Ezequias ng mga mensahero sa buong Israel at Juda, at sumulat din ng liham sa Efraim at Manases, na kinakailangan nilang pumunta sa tahanan ni Yahweh sa Jerusalem, upang ipagdiwang ang Paskwa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
ヒゼキヤはイスラエルとユダにあまねく人をつかわし、また手紙をエフライムとマナセに書き送り、エルサレムにある主の宮に来て、イスラエルの神、主に過越の祭を行うように勧めた。
2 Sapagkat ang hari, ang kaniyang mga pinuno, at ang lahat ng kapulungan sa Jerusalem ay nagsanggunian, at napagpasiyahang ipagdiwang ang Paskwa sa ikalawang buwan.
王はすでにつかさたちおよびエルサレムにおる全会衆に計って、二月に過越の祭を行うことを定めた。
3 Hindi nila ito maipagdiwang kaagad, sapagkat hindi sapat ang bilang ng mga paring nakapaglaan ng kanilang sarili para kay Yahweh, at hindi rin nagtipon-tipon ang mga tao sa Jerusalem.
これは身を清めた祭司の数が足らず、民もまた、エルサレムに集まらなかったので、正月にこれを行うことができなかったからである
4 Ang planong ito ay tama sa paningin ng hari at ng buong kapulungan.
この事が、王にも全会衆にも良かったので、
5 Kaya gumawa sila ng kautusan na kinakailangan ipahayag sa buong Israel, mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na kinakailangang pumunta ang mga tao sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Paskwa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Sa katunayan, hindi nila ginanap ito sa napakaraming bilang na gaya ng iniutos sa kasulatan.
この事を定めて、ベエルシバからダンまでイスラエルにあまねくふれ示し、エルサレムに来て、イスラエルの神、主に過越の祭を行うことを勧めた。これはしるされているように、これを行う者が多くなかったゆえである。
6 Kaya pumunta sa buong Israel at Juda ang tagapagdala ng sulat na dala-dala ang sulat mula sa hari at sa kaniyang mga pinuno, ayon sa utos ng hari. Sinabi nila, “Kayong mga taga-Israel, manumbalik kayo kay Yahweh, ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Israel, upang muli siyang bumalik sa mga nalalabi sa inyo na nakatakas mula sa kamay ng mga hari ng Asiria.
そこで飛脚たちは、王とそのつかさたちから受けた手紙をもって、イスラエルとユダをあまねく行き巡り、王の命を伝えて言った、「イスラエルの人々よ、あなたがたはアブラハム、イサク、イスラエルの神、主に立ち返りなさい。そうすれば主は、アッスリヤの王たちの手からのがれた残りのあなたがたに、帰られるでしょう。
7 Huwag kayong maging katulad ng inyong mga ninuno o kaya ng inyong mga kapatid, na nagkasala laban kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, kaya ibinigay niya sila sa pagkawasak, gaya ng inyong nakita.
あなたがたの父たちおよび兄弟たちのようになってはならない。彼らはその先祖たちの神、主にむかって罪を犯したので、あなたがたの見るように主は彼らを滅びに渡されたのです。
8 Ngayon huwag maging matigas ang inyong ulo, tulad ng inyong mga ninuno; sa halip, ibigay ninyo ang inyong sarili kay Yahweh at pumunta kayo sa kaniyang banal na lugar, na kaniyang itinalaga kay Yahweh magpakailanpaman, at sambahin ninyo si Yahweh, ang inyong Diyos, upang mawala ang kaniyang malaking galit sa inyo.
あなたがたの父たちのように強情にならないで、主に帰服し、主がとこしえに聖別された聖所に入り、あなたがたの神、主に仕えなさい。そうすれば、その激しい怒りがあなたがたを離れるでしょう。
9 Sapagkat kung muli kayong babalik kay Yahweh, makakatagpo ng kahabagan ang inyong mga kapatid at mga anak sa harapan ng mga bumihag sa kanila, at muli silang babalik sa lupaing ito. Sapagkat si Yahweh, ang inyong Diyos, ay mapagbiyaya at maawain, at hindi niya ibabaling ang kaniyang mukha palayo sa inyo, kung babalik kayo sa kaniya.
もしあなたがたが主に立ち返るならば、あなたがたの兄弟および子供は、これを捕えていった者の前にあわれみを得て、この国に帰ることができるでしょう。あなたがたの神、主は恵みあり、あわれみある方であられるゆえ、あなたがたが彼に立ち返るならば、顔をあなたがたにそむけられることはありません」。
10 Kaya dumaan ang mga tagapagdala ng sulat sa bawat lungsod sa buong rehiyon ng Efraim at Manases, hanggang sa Zebulun; ngunit pinagtawanan at kinutya sila ng mga tao.
このように飛脚たちは、エフライムとマナセの国にはいって、町から町に行き巡り、ついに、ゼブルンまで行ったが、人々はこれをあざけり笑った。
11 Gayunpaman, may mga kalalakihan sa Aser at Manases at Zebulun na nagpakumbaba, at pumunta sa Jerusalem.
ただしアセル、マナセ、ゼブルンのうちには身を低くして、エルサレムにきた人々もあった。
12 Nasa Juda rin naman ang kamay ng Diyos, upang bigyan sila ng isang puso, upang sumunod sa utos ng hari at mga pinuno ayon sa salita ni Yahweh.
またユダにおいては神の手が人々に一つ心を与えて、王とつかさたちが主の言葉によって命じたことを行わせた。
13 Maraming tao, isang napakalaking kapulungan, ang nagsamasama sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura sa ikalawang buwan.
こうして二月になって、多くの民は、種入れぬパンの祭を行うためエルサレムに集まったが、非常に大きな会衆であった。
14 Tumindig sila at inalis ang mga altar na nasa Jerualem at ang lahat ng mga altar ng insenso; at itinapon ang mga iyon sa batis ng Kidron.
彼らは立ってエルサレムにあるもろもろの祭壇を取り除き、またすべての香をたく祭壇を取り除いてキデロン川に投げすて、
15 At sa ikalabing-apat na araw ng pangalawang buwan, pinatay nila ang kordero ng Paskwa. Nahiya ang mga pari at mga Levita, at inihandog nila ang kanilang mga sarili kay Yahweh at nagdala sila ng mga handog na susunugin sa tahanan ni Yahweh.
二月の十四日に過越の小羊をほふった。そこで祭司たちおよびレビびとはみずから恥じ、身を清めて主の宮に燔祭を携えて来た。
16 Tumayo sila sa kanilang lugar ayon sa kanilang pangkat, sinusunod ang utos na nasa kautusan ni Moises, na lingkod ng Diyos. Iwinisik ng mga pari ang dugo na tinanggap nila mula sa mga kamay ng mga Levita.
彼らは神の人モーセの律法に従い、いつものようにその所に立ち、祭司たちは、レビびとの手から血を受けて注いだ。
17 Dahil marami ang naroroon sa kapulungan na hindi itinalaga ang kanilang mga sarili kay Yahweh, kaya ang mga Levita ang namahala sa pagkakatay ng korderong pampaskwa para sa lahat ng hindi nakapaglinis upang ilaan ang kordero kay Yahweh.
時に、会衆のうちにまだ身を清めていない者が多かったので、レビびとはその清くないすべての人々に代って過越の小羊をほふり、主に清めてささげた。
18 Sapagkat marami sa mga tao, ang karamihan sa kanila ay mula sa Efraim, Manases, Isacar at Zebulun, ang hindi nakapaglinis ng kanilang sarili, gayon pa man kumain sila ng pagkaing pampaskwa, labag sa nakasulat na tagubilin. Ipinanalangin sila ni Ezequias, na nagsasabing, “Patawarin nawa ng mabuting Yahweh ang bawa't isa
多くの民すなわちエフライム、マナセ、イッサカル、ゼブルンからきた多くの者はまだ身を清めていないのに、書きしるされたとおりにしないで過越の物を食べた。それでヒゼキヤは、彼らのために祈って言った、「恵みふかき主よ、彼らをゆるしてください。
19 na nagtakda ng kanilang mga puso na hanapin ang Diyos, na si Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ninuno, kahit na hindi siya malinis ayon sa pamantayan ng paglilinis ng banal na lugar.”
彼らは聖所の清めの規定どおりにしなかったけれども、その心を傾けて神を求め、その先祖の神、主を求めたのです」。
20 Kaya pinakinggan ni Yahweh si Ezequias at pinagaling niya ang mga tao.
主はヒゼキヤに聞いて、民をいやされた。
21 Ipinagdiwang ng mga Israelitang naroon sa Jerusalem ang pista ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw na may labis na kagalakan. Araw-araw nagpuri ang mga Levita at mga pari kay Yahweh, kumakanta kay Yahweh na may mga instrumentong may malakas na tunog.
そこでエルサレムに来ていたイスラエルの人々は大いなる喜びをいだいて、七日のあいだ種入れぬパンの祭を行った。またレビびとと祭司たちは日々に主をさんびし、力をつくして主をたたえた。
22 Kinausap ni Ezequias nang may panghihimok ang mga Levita na nakauunawa sa paglilingkod kay Yahweh. Kaya kumain sila sa kabuuan ng pista sa pitong araw, nag-alay sila ng mga handog na pangkapayapaan, at ipinagtapat nila ang kanilang kasalanan kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
そしてヒゼキヤは主の勤めによく通じているすべてのレビびとを深くねぎらった。こうして人々は酬恩祭の犠牲をささげ、その先祖の神、主に感謝して、七日のあいだ祭の供え物を食べた。
23 Nagpasya ang buong kapulungan na magdiwang ng pitong araw pa, at ginawa nga nila nang may kagalakan.
なお全会衆は相はかって、さらに七日のあいだ祭を守ることを定め、喜びをもってまた七日のあいだ守った。
24 Sapagkat nagbigay sa kapulungan si Ezequias na hari ng Juda ng isang libong toro at pitong libong tupa bilang alay; at nagbigay ang mga pinuno sa kapulungan ng isang libong toro at sampung libong tupa at mga kambing. Maraming bilang ng mga pari ang nagtalaga ng kanilang mga sarili kay Yahweh.
時にユダの王ヒゼキヤは雄牛一千頭、羊七千頭を会衆に贈り、また、つかさたちは雄牛一千頭、羊一万頭を会衆に贈った。祭司もまた多く身を清めた。
25 Nagalak ang buong kapulungan ng Juda, kasama ang mga pari at mga Levita, at ang lahat ng mga taong dumating mula sa Israel, pati na rin ang mga dayuhan na mula sa lupain ng Israel at ang mga naninirahan sa Juda.
ユダの全会衆および祭司、レビびと、ならびにイスラエルからきた全会衆、およびイスラエルの地からきた他国人と、ユダに住む他国人は皆喜んだ。
26 Kaya may labis na kagalakan sa Jerusalem, sapagkat simula sa panahon ni Solomon na anak ni David, na hari ng Israel, ay wala pang nangyaring katulad nito sa Jerusalem.
このようにエルサレムに大いなる喜びがあった。イスラエルの王ダビデの子ソロモンの時からこのかた、このような事はエルサレムになかった。
27 Pagkatapos, tumayo ang mga pari at mga Levita at pinagpala ang mga tao. Narinig ang kanilang tinig at umabot ang kanilang dalangin sa kalangitan, ang banal na lugar kung saan naninirahan ang Diyos.
このとき祭司たちとレビびとは立って、民を祝福したが、その声は聞かれ、その祈は主の聖なるすみかである天に達した。

< 2 Mga Cronica 30 >