< 2 Mga Cronica 27 >
1 Si Jotam ay dalawampu't limang taong gulang nang magsimula siyang maghari at naghari siya sa Jerusalem ng labing-anim na taon. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Jerusa; siya ang anak na babae ni Zadok.
Двадесет и пет година беше Јотаму кад поче царовати, и царова шеснаест година у Јерусалиму; матери му беше име Јеруса, кћи Садокова.
2 Ginawa niya ang tama sa mga mata ni Yahweh, sinusunod ang lahat ng halimbawa ng kaniyang amang si Uzias. Pinigilan din niyang pumunta sa loob ng templo ni Yahweh. Ngunit patuloy pa rin ang mga tao sa kanilang mga masasamang gawain.
Он чињаше што је право пред Господом сасвим како је чинио Озија отац његов, само што не уђе у цркву Господњу; али народ још беше покварен.
3 Itinayo niya ang mataas na tarangkahan sa tahanan ni Yahweh, at sa burol ng Ofel ay nagtayo pa siya ng marami.
Он начини висока врата на дому Господњем, и на зиду Офилу много назида.
4 Bukod pa roon, nagtayo siya ng mga lungsod sa maburol na bahagi ng Juda, at nagtayo siya ng mga kastilyo at mga tore sa kagubatan.
Још сазида и градове у гори Јудиној, и у шумама погради дворове и куле.
5 Lumaban din siya sa hari ng Ammon at tinalo sila. Sa taon ding iyon, nagbigay sa kaniya ng isandaang talento ng pilak ang mga Ammonita, sampung libong sukat ng trigo, sampung libong sukat ng sebada. Patuloy na nagbigay sa kaniya ang mga Ammonita sa ikalawa at ikatlong taon.
И војева с царем синова Амонових и савлада их; и дадоше му синови Амонови оне године сто таланата сребра и десет хиљада кора пшенице и јечма десет хиљада. Толико му дадоше синови Амонови и друге и треће године.
6 Kaya naging makapangyarihan si Jotam dahil lumakad siya ng may katatagan kay Yahweh na kaniyang Diyos.
И тако осили Јотам, јер управи путеве своје пред Господом Богом својим.
7 At sa iba pang mga bagay tungkol kay Jotam, lahat ng kaniyang pakikipagdigma at pamumuhay, tingnan ninyo, nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Hari ng Israel at Juda.
А остала дела Јотамова и ратови сви његови и путеви његови, ено су записани у књизи о царевима Израиљевим и Јудиним.
8 Siya ay dalawampu't limang taong gulang nang magsimulang maghari at naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-anim na taon.
Двадесет и пет година беше му кад поче царовати, и царова шеснаест година у Јерусалиму.
9 Si Jotam ay namatay at siya ay kanilang inilibing sa lungsod ni David. Si Ahaz, na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
И почину Јотам код отаца својих, и погребоше га у граду Давидовом; а на његово се место зацари Ахаз, син његов.