< 2 Mga Cronica 22 >
1 Hinirang ng mga naninirahan sa Jerusalem si Ahazias na bunsong anak ni Jehoram bilang hari kapalit niya; sapagkat pinatay ng pangkat ng mga kalalakihang dumating sa kampo na kasama ng mga Arabo ang kaniyang mga nakatatandang anak na lalaki. Kaya naging hari si Ahazias na anak ni Jehoram na hari ng Juda.
耶路撒冷的居民立约兰的小儿子亚哈谢接续他作王;因为跟随阿拉伯人来攻营的军兵曾杀了亚哈谢的众兄长。这样,犹大王约兰的儿子亚哈谢作了王。
2 Apatnapu't dalawang taong gulang si Ahazias nang siya ay nagsimulang maghari; naghari siya ng isang taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Atalia; siya ang babaeng anak ni Omri.
亚哈谢登基的时候年四十二岁,在耶路撒冷作王一年。他母亲名叫亚她利雅,是暗利的孙女。
3 Siya ay lumakad din sa mga kaparaanan ng sambahayan ni Ahab dahil ang kaniyang ina ang tagapayo sa paggawa ng mga masasamang bagay.
亚哈谢也行亚哈家的道;因为他母亲给他主谋,使他行恶。
4 Ginawa ni Ahazias ang mga masasamang bagay sa paningin ni Yahweh, tulad ng mga ginagawa ng sambahayan ni Ahab dahil sila ang kaniyang mga naging tagapayo matapos mamatay ang kaniyang ama, sa kaniyang pagkawasak.
他行耶和华眼中看为恶的事,像亚哈家一样;因他父亲死后有亚哈家的人给他主谋,以致败坏。
5 Sinunod din niya ang kanilang mga payo; sumama siya kay Joram na lalaking anak ni Ahab na hari ng Israel, upang labanan si Hazael na hari ng Aram, sa Ramot-gilead. Nasugatan ng mga taga-Aram si Joram.
他听从亚哈家的计谋,同以色列王亚哈的儿子约兰往基列的拉末去,与亚兰王哈薛争战;亚兰人打伤了约兰。
6 Si Joram ay bumalik sa Jezreel upang magamot ang kaniyang mga sugat na kaniyang nakuha sa Ramah, nang lumaban siya kay Hazael na hari ng Aram. Kaya si Ahazias na lalaking anak ni Jehoram na hari ng Juda ay bumaba sa Jezreel upang makita si Joram na lalaking anak ni Ahab, dahil si Joram ay sugatan.
约兰回到耶斯列,医治在拉末与亚兰王哈薛打仗所受的伤,犹大王约兰的儿子亚撒利雅因为亚哈的儿子约兰病了,就下到耶斯列看望他。
7 Ngayon, ang pagkawasak ni Ahazias ay kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng pagbisita ni Ahazias kay Joram. Nang siya ay dumating, pumunta siya kasama ni Jehoram upang salakayin si Jehu na lalaking anak ni Namsi, ang pinili ni Yahweh upang wasakin ang sambahayan ni Ahab.
亚哈谢去见约兰就被害了,这是出乎 神;因为他到了,就同约兰出去攻击宁示的孙子耶户。这耶户是耶和华所膏、使他剪除亚哈家的。
8 Nangyari nga, nang dala-dala ni Jehu ang kahatulan sa sambahayan ni Ahab, natagpuan niya ang mga pinuno ng Juda at ang mga lalaking anak ng kapatid ni Ahazias na naglilingkod kay Ahazias. Sila ay pinatay ni Jehu.
耶户讨亚哈家罪的时候,遇见犹大的众首领和亚哈谢的众侄子服事亚哈谢,就把他们都杀了。
9 Hinanap ni Jehu si Ahazias; nahuli nilang nagtatago siya sa Samaria, dinala siya kay Jehu at siya ay pinatay. At siya ay kanilang inilibing, dahil sinabi nila, “Siya ay anak ni Jehoshafat, na buong pusong sumunod kay Yahweh.” Kaya ang sambahayan ni Ahazias ay wala nang kapangyarihan upang mamuno sa kaharian.
亚哈谢藏在撒马利亚,耶户寻找他,众人将他拿住,送到耶户那里,就杀了他,将他葬埋;因他们说,他是那尽心寻求耶和华之约沙法的儿子。这样,亚哈谢的家无力保守国权。
10 Ngayon, nang makita ni Atalia, ang ina ni Ahazias, na patay na ang kaniyang anak, kumilos siya at pinatay ang lahat ng anak ng hari sa sambahayan ng Juda.
亚哈谢的母亲亚她利雅见她儿子死了,就起来剿灭犹大王室。
11 Ngunit si Jehosabet, isang babaeng anak ng hari ay kinuha si Joas, isang lalaking anak ni Ahazias, at matapang niyang tinakas mula sa mga anak ng hari na pinatay. Inilagay siya sa isang silid kasama ang kaniyang tagapag-alaga. Kaya itinago siya ni Jehosabet, isang babaeng anak ni Haring Jehoram, at asawa ng paring si Joiada (sapagkat siya ay kapatid ni Ahazias), mula kay Atalia, kaya hindi siya napatay ni Atalia.
但王的女儿约示巴将亚哈谢的儿子约阿施从那被杀的王子中偷出来,把他和他的乳母都藏在卧房里。约示巴是约兰王的女儿,亚哈谢的妹子,祭司耶何耶大的妻。她收藏约阿施,躲避亚她利雅,免得被杀。
12 Siya ay kasama nila, nakatago sa bahay ng Diyos sa loob ng anim na taon, habang si Atalia ang namumuno sa buong lupain.
约阿施和她们一同藏在 神殿里六年;亚她利雅篡了国位。