< 2 Mga Cronica 21 >
1 Si Jehoshafat ay namahinga kasama ang kaniyang mga ninuno at inilibing kasama nila sa lungsod ni David; si Jehoram, na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
[約蘭王的惡行]約沙法特與列祖同眠,與祖先一同葬在達味城;他的兒子約蘭繼位為王。
2 Si Jehoram ay may mga kapatid na lalaki, ang mga lalaking anak ni Jehoshafat ay sina Azarias, Jehiel, Zacarias, Azarias, Micael at Sefatias. Ang lahat ng ito ay mga lalaking anak ni Jehoshafat na hari ng Israel.
他的兄弟,約沙法特的兒子:哈匝黎雅、耶希耳、則加黎雅、阿匝黎雅、米加耳和舍法提雅,這些都是猶大王約沙法特的兒子,
3 Binigyan sila ng kanilang ama ng mga malalaking handog na pilak, ginto, at iba pang mga mahahalagang bagay, at gayundin ang mga matitibay na lungsod sa Juda; gayunman, ibinigay niya ang trono kay Jehoram dahil siya ang panganay.
他們的父親將許多禮品,金銀財寶,以及猶大的堅城分封了他們,卻將王位賜給了約蘭,因為他是長子。
4 Ngayon, nang si Jehoram ay naghari sa kaharian ng kaniyang ama at matatag na itinalaga ang kaniyang sarili bilang hari, pinatay niya ang lahat ng kaniyang mga kapatid na lalaki gamit ang tabak, at ang lahat din na iba pang mga pinuno ng Israel.
當約蘭登上了他父親的王位鞏固了自己的勢力以後,就殺了他所有的兄弟,和幾個以色列首領。
5 Si Jehoram ay nasa tatlumpu't dalawang taong gulang nang siya ay nagsimulang maghari, at naghari siya ng walong taon sa Jerusalem.
約蘭即位時年三十二歲,在耶路撒冷作王八年。
6 Siya ay lumakad sa mga kaparaanan ng mga hari ng Israel gaya ng ginagawa ng sambahayan ni Ahab; dahil nasa kaniya ang babaeng anak ni Ahab bilang kaniyang asawa; at ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh.
他走了以色列王所走的道路,有如阿哈布家一樣,因為他娶了阿哈布的女兒為妻,行了上主視為惡的事。
7 Gayunman, ayaw ni Yahweh na wasakin ang sambahayan ni David, dahil sa kasunduan na kaniyang ginawa kay David; siya ay nangako na lagi siyang bibigyan ng buhay at ang kaniyang mga kaapu-apuhan.
但是,上主不願消滅達味家室,因為曾與達味立過約,應許時常給他和他的子孫留下一盞明燈。[天主降罰]
8 Sa mga araw ni Jehoram, naghimagsik ang Edom mula sa kapangyarihan ng Juda, at nagtalaga sila ng kanilang sariling hari.
約蘭年間,厄東反叛,脫離了猶大的統治,自立為王。
9 At tumawid si Jehoram kasama ang kaniyang mga pinuno at ang lahat ng kaniyang karwahe. Nangyari na, siya bumangon nang gabi at sinalakay ang mga Edom na pumalibot sa kaniya at ang mga pinuno ng mga karwahe.
約蘭率領自己的軍長和所有的戰車前去聲討;他夜間起來,衝出了包圍他和戰車隊長的厄東人。
10 Kaya nagrebelde ang Edom mula sa kapangyarihan ng Juda hanggang sa araw na ito. Sumabay ding naghimagsik ang Libna mula sa kaniyang kapangyarihan, dahil si Jehoram ay tumalikod kay Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ninuno.
這樣,厄東人脫離了猶大的統治,直到現在。里貝納也同時叛變,脫離了猶大的統治,因為君王離棄了上主,他祖先的天主,
11 Dagdag pa nito, nagtayo rin si Jehoram ng mga dambana sa mga bundok ng Juda; Pinakilos niya ang mga naninirahan sa Jerusalem na tulad ng isang nagbebenta ng aliw. Sa ganitong paraan, iniligaw niya ang Juda.
並且在猶大山上建立了高丘,使耶路撒冷的居民行淫,使猶大人背信。
12 Isang liham mula kay propetang Elias ang dumating para kay Jehoram. Sabi sa liham, “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ni David na iyong ninuno: Dahil hindi ka lumakad sa kaparaanan ni Jehoshafat na iyong ama, o sa kaparaanan ni Asa na hari ng Juda,
有人給他送來厄里亞先知的一封信,信上說:「上主,你祖先達味的天主這樣說:因為你沒有走你父親約沙法特的路,又沒有走猶大王阿撒的路,
13 sa halip ay lumakad ka sa kaparaanan ng mga hari ng Israel, at nagdulot sa Juda at ang mga naninirahan sa Jerusalem upang kumilos na gaya ng nagbebenta ng aliw, na tulad ng ginawa ng tahanan ni Ahab, at dahil pinatay mo rin gamit ng tabak ang iyong mga lalaking kapatid sa pamilya ng iyong ama, ang mga kalalakihan na mas mabuti kaysa sa iyong sarili,
反而走了以色列王的路,引誘猶大和耶路撒冷的居民行淫,如同阿哈布家行淫一樣;又因為你殺了你父親家中那些比你好的兄弟,
14 tingnan mo, ipapadanas ni Yahweh ang matinding salot sa iyong mga tao, mga anak, mga asawa at ang lahat ng iyong mga kayamanan.
上主必以巨大的災禍打擊你的百姓,你的妻子兒女,以及你所有的財產。
15 Magkakaroon ka ng malubhang sakit dahil sa isang karamdaman sa iyong bituka, hanggang sa lumabas ang iyong bituka dahil sa sakit, araw-araw.”
至於你,你必生一種極嚴厲的病,腸胃病,以至兩年內,你的腸子都要流出來。」[預言實現]
16 Inudyukan ni Yahweh ang mga espiritu ng mga Filisteo at ng mga Arabo na malapit sa Etiopia upang labanan si Jehoram.
上主激起培肋舍特人和臨近雇士的阿剌伯人的心,與約蘭為敵。
17 Sinalakay nila ang Juda, nilusob ito at kinuha ang lahat ng kayamanan na natagpuan sa sambahayan ng hari. Kinuha rin nila ang kaniyang mga anak na lalaki at ang kaniyang mga asawa. Walang naiwan na lalaking anak sa kaniya maliban kay Ahazias, ang kaniyang bunsong anak.
他們遂前來攻擊猶大,侵入境內,掠去了王宮所有的財物,擄去了他的兒子妻妾;除他最小的兒子約阿哈次,沒有給他留下一個兒子。
18 Matapos ang lahat ng ito, binigyan siya ni Yahweh ng isang hindi malunasang karamdaman sa kaniyang bituka.
此後,上主以一種不能醫治的腸胃病打擊了約蘭。
19 At nangyari na sa takdang panahon, pagkalipas ng dalawang taon, ang kaniyang bituka ay lumabas dahil sa kaniyang sakit at namatay siya dahil sa malubhang karamdaman. Ang kaniyang mga tao ay hindi nagsunog bilang parangal sa kaniya gaya ng kanilang ginawa para sa kaniyang mga ninuno.
這病纏綿了一年多;二年末,當他的終期來到時,他的腸子因病都流了出來,他在極苦痛中死了。他的百姓沒有為他舉行焚香禮,如同為他的列祖所行的一樣。
20 Nagsimula siyang maghari nang siya ay tatlumpu't dalawang taong gulang; naghari siya sa Jerusalem ng walong taon at namatay siya nang walang nagdalamhati. Siya ay kanilang inilibing sa lungsod ni David, ngunit hindi sa mga libingan ng mga hari.
他即位時年三十二歲,在耶路撒冷作王八年。他逝世後,無人表示悲哀。人將他葬於達味城,但沒有葬在王陵內。