< 2 Mga Cronica 20 >
1 At nangyari pagkatapos nito, ang mga tao sa Moab at Ammon, kasama ang ilang mga Meunita ay dumating upang makipagdigma laban kay Jehoshafat.
Siden hændte det sig, at Moabiterne og Ammoniterne sammen med Folk fra Maon drog i Krig mod Josafat.
2 At may ilang dumating na nagsabi kay Jehoshafat, “May isang malaking grupo ng mga tao ang paparating laban sa iyo mula sa ibayo ng Dagat na Patay, sa Aram. Tingnan mo, sila ay nasa Hazazon-tamar” (ito ay ang En-gedi).
Og man kom og bragte Josafat den Efterretning: »En vældig Menneskemængde rykker frem imod dig fra Egnene hinsides Havet, fra Edom, og de staar allerede i Hazazon-Tamar (det er En-Gedi)!«
3 Natakot si Jehoshafat at itinalaga niya ang kaniyang sarili upang hanapin si Yahweh. Nagpahayag siya ng pag-aayuno sa buong Juda.
Da grebes Josafat af Frygt, og han vendte sig til HERREN og søgte ham og lod en Faste udraabe i hele Juda.
4 Nagtipun-tipon ang Juda upang hanapin si Yahweh; dumating sila upang hanapin si Yahweh mula sa lahat ng lungsod ng Juda.
Saa samledes Judæerne for at søge Hjælp hos HERREN; ogsaa fra alle Judas Byer kom de for at søge HERREN.
5 Tumayo si Jehoshafat sa kapulungan ng Juda at Jerusalem, sa tahanan ni Yahweh, sa harap ng bagong patyo.
Men Josafat traadte frem i Judas og Jerusalems Forsamling i HERRENS Hus foran den nye Forgaard
6 Sinabi niya, “Yahweh, ang Diyos ng aming mga ninuno, hindi ba ikaw ang Diyos ng kalangitan? At hindi ba ikaw ang namumuno sa lahat ng kaharian ng mga bansa? Ang kapangyarihan at kalakasan ay nasa iyong kamay, kaya walang sinuman ang makakatalo sa iyo.
og sagde: »HERRE, vore Fædres Gud! Er du ikke Gud i Himmelen, er det ikke dig, der hersker over alle Hedningerigerne? I din Haand er Kraft og Styrke, og mod dig kan ingen holde Stand!
7 Aming Diyos, hindi ba ikaw ang nagpalayas sa mga naninirahan sa lupaing ito bago ang bayan mong Israel upang ibigay ito magpakailanman sa mga kaapu-apuhan ni Abraham?
Var det ikke dig, vor Gud, der drev dette Lands Indbyggere bort foran dit Folk Israel og gav din Ven Abrahams Efterkommere det for evigt?
8 Nanirahan sila dito at ipinagpatayo ka ng isang banal na lugar para sa iyong ngalan, nagsasabi,
Og de bosatte sig der og byggede dig der en Helligdom for dit Navn, idet de sagde:
9 “Kung dumating ang sakuna sa amin, ang tabak ng paghatol, o karamdaman, o tag-gutom, kami ay tatayo sa harap ng tahanang ito, at sa harap mo (dahil ang iyong ngalan ay nasa tahanang ito), at kami ay dadaing sa iyo sa aming mga paghihirap, at maririnig mo kami at ililigtas.
Hvis Ulykke rammer os, Sværd, Straffedom, Pest eller Hungersnød, vil vi træde frem foran dette Hus og for dit Aasyn, thi dit Navn bor i dette Hus, og raabe til dig om Hjælp i vor Nød, og du vil høre det og frelse os!
10 Ngayon tingnan mo, narito ang mga tao ng Ammon, Moab, at Bundok ng Seir, na hindi mo hinayaang malusob ng Israel nang sila ay umalis sa lupain ng Ehipto, sa halip, tumalikod sa kanila ang Israel at hindi sila winasak.
Se nu, hvorledes Ammoniterne og Moabiterne og de fra Se'irs Bjerge, hvem du ikke tillod Israeliterne at angribe, da de kom fra Ægypten, tværtimod holdt de sig tilbage fra dem og tilintetgjorde dem ikke,
11 Tingnan mo kung paano nila kami gantihan; sila ay darating upang palayasin kami sa iyong lupain na ibinigay mo sa amin upang manahin.
se nu, hvorledes de gengælder os det med at komme for at drive os bort fra din Ejendom, som du gav os i Eje!
12 Aming Diyos, hindi mo ba sila hahatulan? Dahil wala kaming kakayahan laban sa malaking hukbo na ito na paparating laban sa amin. Hindi namin alam kung ano ang aming gagawin, ngunit ang aming mga mata ay nasa iyo.”
Vor Gud, vil du ikke holde Dom over dem? Thi vi er afmægtige over for denne vældige Menneskemængde, som kommer over os; vi ved ikke, hvad vi skal gøre, men vore Øjne er vendt til dig!«
13 Lahat ng Juda ay tumayo sa harapan ni Yahweh, kasama ang kanilang mga sanggol, mga asawang babae, at mga anak.
Medens nu alle Judæerne stod for HERRENS Aasyn med deres Familier, Kvinder og Børn,
14 At sa kalagitnaan ng kapulungan, ang espiritu ni Yahweh ay dumating kay Jahaziel na lalaking anak ni Zacarias na lalaking anak ni Benaias na lalaking anak ni Jeiel na lalaking anak ni Matanias, na isang Levita, isa sa mga lalaking anak ni Asaf.
kom HERRENS Aand midt i Forsamlingen over Leviten Jahaziel, en Søn af Zekarja, en Søn af Benaja, en Søn af Je'iel, en Søn af Mattanja, af Asafs Sønner,
15 Sinabi ni Jahaziel, “Makinig, lahat ng Juda at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, at Haring Jehoshafat: Ito ang sinasabi sa inyo ni Yahweh: 'Huwag kayong matakot, huwag kayong panghinaan ng loob dahil sa malaking hukbo na ito. Dahil ang laban ay hindi sa inyo kundi sa Diyos.
og han sagde: »Lyt til, alle I Judæere, Jerusalems Indbyggere og Kong Josafat! Saa siger HERREN til eder: Frygt ikke og forfærdes ikke for denne vældige Menneskemængde, thi Kampen er ikke eders, men Guds!
16 Kailangan ninyong bumaba laban sa kanila bukas. Tingnan ninyo, sila ay paparating mula sa daan ng Ziz. Makikita ninyo sila sa dulo ng lambak, bago ang ilang sa Jeruel.
Drag i Morgen ned imod dem; se, de er ved at stige op ad Vejen ved Hazziz, og I vil træffe dem ved Enden af Dalen østen for Jeruels Ørken.
17 Hindi ninyo kailangang makipaglaban sa labanan na ito. Manatili lamang kayo sa inyong kinatatayuan, manatiling nakatayo, at makikita ninyo ang pagliligtas ni Yahweh sa inyo, mga Juda at Jerusalem. Huwag kayong matakot o panghinaan ng loob. Lumabas kayo laban sa kanila bukas, dahil kasama ninyo si Yahweh.”
Det er ikke eder, der skal kæmpe her; stil eder op og bliv staaende, saa skal I se, hvorledes HERREN frelser eder, I Judæere og Jerusalems Indbyggere! Frygt ikke og forfærdes ikke, men drag i Morgen imod dem, og HERREN vil være med eder!«
18 Yumuko si Jehoshafat na ang kaniyang mukha ay nasa lupa. At ang lahat ng Judah at mga naninirahan sa Jerusalem ay lumuhod sa harap ni Yahweh na nagpupuri sa kaniya.
Da bøjede Josafat sig med Ansigtet til Jorden, og alle Judæerne og Jerusalems Indbyggere faldt ned for HERREN og tilbad ham;
19 Ang mga Levita, ang mga angkan ni Kohat at Korah ay tumayo upang papurihan si Yahweh, ang Diyos ng Israel na may napakalakas na tinig.
men Leviterne af Kehatiternes og Koraiternes Sønner stod op for at lovprise HERREN, Israels Gud, med vældig Røst.
20 Kinabukasan, maaga pa lamang ay gumising na sila at lumabas patungo sa disyerto ng Tekoa. Sa kanilang pag-alis, si Jehoshafat ay tumayo at nagsabi, “Makinig kayo sa akin, Juda, at kayo na mga naninirahan sa Jeruslaem! Magtiwala kayo kay Yahweh, ang inyong Diyos, at kayo ay tutulungan. Magtiwala kayo sa kaniyang mga propeta, at kayo ay magtatagumpay.”
Tidligt næste Morgen drog de ud til Tekoas Ørken; og medens de drog ud, stod Josafat og sagde: »Hør mig, I Judæere og Jerusalems Indbyggere! Tro paa HERREN eders Gud, og I skal blive boende, tro paa hans Profeter, og Lykken skal følge eder!«
21 Nang masabihan niya ang mga tao, itinalaga niya ang mga aawit kay Yahweh at magpupuri para sa kaniyang banal na kaluwalhatian, na mauuna bago ang mga hukbo, at magsasabi, “Pasalamatan si Yahweh; dahil ang kaniyang tipan ng katapatan mananatili magpakailanman.”
Og efter at have raadført sig med Folket opstillede han Sangere til med Ordene »lov HERREN, thi hans Miskundhed varer evindelig!« at lovprise HERREN i helligt Skrud, medens de drog frem foran de væbnede.
22 Nang nagsimula silang umawit at magpuri, nagtalaga si Yahweh ng mga kalalakihang lihim na sasalakay sa mga tao ng Ammon, Moab, at Bundok ng Seir na paparating laban sa Juda. Sila ay natalo.
Og i samme Stund de begyndte med Jubelraab og Lovsang, lod HERREN et Baghold komme over Ammoniterne, Moabiterne og dem fra Se'irs Bjerge, der rykkede frem mod Juda, saa de blev slaaet.
23 Dahil ang mga tao ng Ammon at Moab ay dumating upang labanan ang mga naninirahan sa Bundok ng Seir, upang tuluyan silang patayin at wasakin. Nang matapos sila sa mga naninirahan ng Bundok ng Seir, nagtulungan silang lahat upang wasakin ang bawat isa.
Ammoniterne og Moabiterne angreb dem, der boede i Se'irs Bjerge, og lagde Band paa dem og tilintetgjorde dem, og da de var færdige med dem fra Se'ir, gav de sig til at udrydde hverandre.
24 Nang makarating ang Juda sa isang lugar kung saan natatanaw ang disyerto, nakita nila ang mga hukbo. Sila ay patay na, nakahandusay sa lupa; walang nakaligtas.
Da saa Judæerne kom op paa Varden, hvorfra man ser ud over Ørkenen, og vendte Blikket mod Menneskemængden, se, da laa deres døde Kroppe paa Jorden, ingen var undsluppet.
25 Nang lumapit si Jehoshafat at ang kaniyang mga tao upang mangsamsam sa kanila, nakita nila ang napakaraming kayamanan at mahahalagang hiyas na kanilang sinamsam para sa kanilang mga sarili, higit pa sa kaya nilang buhatin. Umabot sila ng tatlong araw upang makuha ang mga nasamsam, napakarami nito.
Saa kom Josafat og hans Folk hen for at udplyndre dem, og de fandt en Mængde Kvæg, Gods, Klæder og kostbare Ting. De røvede saa meget, at de ikke kunde slæbe det bort, og brugte tre Dage til at plyndre; saa meget var der.
26 Sa ika-apat na araw, nagtipun-tipon sila sa lambak ng Beracah. Doon sila nagpuri kay Yahweh, kaya ang pangalan ng lugar na iyon ay “Lambak ng Beracah” hanggang sa araw na ito.
Den fjerde Dag samledes de i Berakadalen, thi der lovpriste de HERREN, og derfor kaldte man Stedet Berakadalen, som det hedder den Dag i Dag.
27 Pagkatapos, sila ay bumalik, bawat kalalakihan ng Juda at Jerusalem, at sa pangunguna sa kanila ni Jehoshafat sila ay bumalik sa Jerusalem ng may galak; sapagkat pinagalak sila Yahweh sa kanilang mga kaaway.
Derpaa vendte alle Folkene fra Juda og Jerusalem med Josafat i Spidsen om og drog tilbage til Jerusalem med Glæde, thi HERREN havde bragt dem Glæde over deres Fjender;
28 Dumating sila sa Jerusalem at sa tahanan ni Yahweh na may mga lira, alpa, at trumpeta.
og med Harper, Citre og Trompeter kom de til Jerusalem, til HERRENS Hus.
29 Ang malaking takot sa Diyos ay nasa lahat ng kaharian ng mga bansa nang kanilang marinig na si Yahweh ang nakipaglaban sa mga kaaway ng Israel.
Men en Guds Rædsel kom over alle Lande og Riger, da de hørte, at HERREN havde kæmpet mod Israels Fjender.
30 Kaya ang kaharian ni Jehoshafat ay tahimik, sapagkat binigyan siya ng Diyos ng kapayapaan sa palibot niya.
Saaledes fik Josafats Rige Fred, og hans Gud skaffede ham Ro til alle Sider.
31 Si Jehoshafat ang naghari sa Juda: siya ay nasa tatlumput' limang taong gulang nang siya ay nagsimulang maghari, at naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawamput' limang taon. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba, ang babaeng anak ni Silhi.
Josafat var fem og tredive Aar gammel, da han blev Konge over Juda, og han herskede fem og tyve Aar i Jerusalem. Hans Moder hed Azuba og var Datter af Sjilhi.
32 Lumakad siya sa mga kaparaanan ni Asa, ang kaniyang ama; hindi niya tinalikuran ang mga ito; ginawa niya kung ano ang tama sa paningin ni Yahweh.
Han vandrede i sin Fader Asas Spor og veg ikke derfra, idet han gjorde, hvad der var ret i HERRENS Øjne.
33 Gayunman, ang mga altar ay hindi pa inaalis o ni hindi pa itinuon ng mga tao ang kanilang mga puso sa Diyos ng kanilang mga ninuno.
Kun blev Offerhøjene ikke fjernet, og Folket vendte endnu ikke Hjertet til deres Fædres Gud.
34 Para sa iba pang mga bagay tungkol kay Jehoshafat, mula una at hanggang sa huli, tingnan, nakasulat ito sa kasaysayan ni Jehu na lalaking anak ni Hanani, na nakatala sa Aklat ng mga Hari ng Israel.
Hvad der ellers er at fortælle om Josafat fra først til sidst, staar jo optegnet i Jehus, Hananis Søns, Krønike, som er optaget i Bogen om Israels Konger.
35 Pagkatapos nito, si Jehoshafat, ang hari ng Juda ay nakipagkasundo kay Ahazias, ang hari ng Israel, na nagsasagawa ng labis na kasamaan.
Senere slog Kong Josafat af Juda sig sammen med Kong Ahazja af Israel, der var ugudelig i al sin Færd;
36 Nakipagkasundo siya sa kaniya upang gumawa ng mga barkong pangkaragatan. Ginawa nila ang mga barko sa Ezion-geber.
han slog sig sammen med ham om at bygge Skibe, der skulde sejle til Tarsis. De byggede Skibe i Ezjongeber.
37 At si Eliezer, ang lalaking anak ni Dodavahu sa Maresa ay nagpahayag ng propesiya laban kay Jehoshafat; sinabi niya, “Dahil nakipagkasundo ka kay Ahazias, winasak ni Yahweh ang inyong mga ginawa.” Winasak ang mga barko kaya hindi sila nakapaglayag.
Men Eliezer, Dodavahus Søn, fra Maresja profeterede mod Josafat og sagde: »Fordi du har slaaet dig sammen med Ahazja, vil HERREN gøre dit Værk til intet!« Og Skibene gik under og naaede ikke Tarsis.