< 2 Mga Cronica 2 >

1 Ngayon, iniutos ni Solomon ang pagpapatayo ng tahanan para sa pangalan ni Yahweh at pagpapatayo ng palasyo para sa kaniyang kaharian.
さてソロモンは主の名のために一つの宮を建て、また自分のために一つの王宮を建てようと思った。
2 Nagtalaga si Solomon ng pitumpung libong kalalakihan na tagahakot at walumpung libong kalalakihan na tagaputol ng mga kahoy sa mga kabundukan at 3, 600 na kalalakihan upang mangasiwa sa kanila.
そしてソロモンは荷を負う者七万人、山で石を切り出す者八万人、これらを監督する者三千六百人を数え出した。
3 Nagpadala ng mensahe si Solomon kay Hiram, ang hari ng Tiro, na nagsasabi, “Tulad ng ginawa mo sa aking amang si David na pinadalhan mo ng sedar na mga troso upang magpatayo ng tahanan na matitirahan, gawin mo rin iyon sa akin.
ソロモンはまずツロのヒラムに人をつかわして言わせた、「あなたはわたしの父ダビデに、その住むべき家を建てるために香柏を送られました。どうぞ彼にされたように、わたしにもして下さい。
4 Tingnan mo, malapit na akong magtayo ng isang tahanan para sa pangalan ni Yahweh na aking Diyos, upang ihandog ito sa kaniya, upang magsunog sa harap niya ng matatamis na mga sangkap, para sa tinapay ng presensiya at para sa mga alay na susunugin sa umaga at gabi, sa Araw ng Pamamahinga, sa mga bagong buwan, at sa nakatakdang mga kapistahan para kay Yahweh na aming Diyos. Ito ay batas ng Israel sa lahat ng panahon.
見よ、わたしはわが神、主の名のために一つの家を建て、これを聖別して彼にささげ、彼の前にこうばしい香をたき、常供のパンを供え、また燔祭を安息日、新月、およびわれらの神、主の定めの祭に朝夕ささげ、これをイスラエルのながく守るべき定めにしようとしています。
5 Ang itatayo kong tahanan ay magiging napakalaki, sapagkat mas dakila ang aming Diyos kaysa sa lahat ng mga diyus-diyosan.
またわたしの建てる家は大きな家です。われらの神はすべての神よりも大いなる神だからです。
6 Ngunit sino ang makapagtatayo ng isang tahanan para sa Diyos, gayong sa buong kalawakan at maging sa kalangitan mismo ay hindi siya magkasiya? Sino ako upang ipagtayo siya ng tahanan, maliban na magsunog ng mga alay sa harapan niya?
しかし、天も、諸天の天も彼を入れることができないのに、だれが彼のために家を建てることができましょうか。わたしは何者ですか、彼のために家を建てるというのも、ただ彼の前に香をたく所に、ほかならないのです。
7 Kaya padalhan mo ako ng isang tao na dalubhasa sa pagpanday ng ginto, pilak, tanso, bakal at marunong humabi ng telang kulay ube, pula at asul, at isang tao na nakakaalam gumawa ng lahat ng uri ng pag-uukit ng kahoy. Siya ay makakasama ng mga dalubhasang kalalakihan na kasama ko sa Juda at Jerusalem, na ibinigay ng aking ama na si David.
それで、どうぞ金、銀、青銅、鉄の細工および紫糸、緋糸、青糸の織物にくわしく、また彫刻の術に巧みな工人ひとりをわたしに送って、父ダビデが備えておいたユダとエルサレムのわたしの工人たちと一緒に働かせてください。
8 Padalhan mo rin ako ng mga puno ng sedar, mga puno ng pir at mga puno ng algum mula sa Lebanon; sapagkat alam ko na mahusay ang iyong mga lingkod sa pagputol ng troso sa Lebanon. Sasamahan ng aking mga lingkod ang iyong mga lingkod,
またどうぞレバノンから香柏、いとすぎ、びゃくだんを送ってください。わたしはあなたのしもべたちがレバノンで木を切ることをよくわきまえているのを知っています。わたしのしもべたちも、あなたのしもべたちと一緒に働かせ、
9 upang ihanda ang napakaraming troso para sa akin; sapagkat magiging napakalaki at kahanga-hanga ang tahanan na aking itatayo.
わたしのためにたくさんの材木を備えさせてください。わたしの建てる家は非常に広大なものですから。
10 Ibibigay ko sa iyong mga lingkod, na puputol ng kahoy, ang dalawampung libong sisidlang puno ng binayong trigo, dalawampung libong sisidlang puno ng sebada, dalawampung libong sisidlang puno ng alak at dalawampung libong sisidlan na puno ng langis.”
わたしは木を切るあなたのしもべたちに砕いた小麦二万コル、大麦二万コル、ぶどう酒二万バテ、油二万バテを与えます」。
11 At sumagot si Hiram na hari ng Tiro sa liham, na ipinadala niya kay Solomon: “Sapagkat mahal ni Yahweh ang kaniyang mga tao, ginawa ka niyang hari sa kanila.”
そこでツロの王ヒラムは手紙をソロモンに送って答えた、「主はその民を愛するゆえに、あなたを彼らの王とされました」。
12 Sinabi pa ni Hiram, “Purihin si Yahweh, Diyos ng Israel, na lumikha ng langit at lupa, na nagbigay kay haring David ng isang matalinong anak, pinagkalooban ng mabuting pagpapasiya at karunungan, na magtatayo ng tahanan para kay Yahweh, at tahanan para sa kaniyang kaharian.
ヒラムはまた言った、「天地を造られたイスラエルの神、主はほむべきかな。彼はダビデ王に賢い子を与え、これに分別と知恵を授けて、主のために宮を建て、また自分のために、王宮を建てることをさせられた。
13 Ngayon nagpadala ako ng bihasang tao, na pinagkalooban ng karunungan, si Huramabi,
いまわたしは達人ヒラムという知恵のある工人をつかわします。
14 na lalaking anak ng isang babaeng mula sa angkan ni Dan. Ang kaniyang ama ay mula sa Tiro. Bihasa siyang gumawa gamit ang ginto, pilak, tanso, bakal, bato at troso at humabi ng telang kulay ube, pula at asul at pino na lino. Bihasa rin siya sa paggawa ng lahat ng uri ng pag-uukit at paggawa ng lahat ng uri ng disenyo. Isamo mo siya sa iyong mga bihasang mangagawa, at sa mga bihasang mangagawa ng aking panginoong si David na iyong ama.
彼はダンの子孫である女を母とし、ツロの人を父とし、金銀、青銅、鉄、石、木の細工および紫糸、青糸、亜麻糸、緋糸の織物にくわしく、またよくもろもろの彫刻をし、意匠を凝らしてもろもろの工作をします。彼を用いてあなたの工人およびあなたの父、わが主ダビデの工人と一緒に働かせなさい。
15 At ngayon, ang trigo at ang sebada, ang langis at ang alak na sinabi ng aking panginoon, ipadala ninyo ang mga ito sa inyong mga lingkod.
それでいまわが主の言われた小麦、大麦、油およびぶどう酒をそのしもべどもに送ってください。
16 Puputol kami ng kahoy mula sa Lebanon, kasindami ng iyong kailangan. Dadalhin namin ito sa iyo sa mga balsa na idadaan sa dagat patungong Jopa at bubuhatin ninyo ito patungong Jerusalem.”
あなたの求められる材木はレバノンから切りだし、いかだに組んで、海からヨッパに送ります。あなたはそれをエルサレムに運び上げなさい」。
17 Binilang ni Solomon ang lahat ng mga dayuhang naroon sa lupain ng Israel, na sinusunod ang paraan ng pagbilang sa kanila ni David na kaniyang ama. Sila ay 153, 600.
そこでソロモンはその父ダビデが数えたようにイスラエルの国にいるすべての他国人を数えたが、合わせて十五万三千六百人あった。
18 Nagtalaga siya ng pitumpong libo sa kanila upang magbuhat, walumpong libo na tagaputol ng mga kahoy sa mga kabundukan at 3, 600 na tagapamahala upang pakilusin ang mga tao.
彼はその七万人を荷を負う者とし、八万人を山で木や石を切る者とし、三千六百人を民を働かせる監督者とした。

< 2 Mga Cronica 2 >