< 2 Mga Cronica 18 >
1 Ngayon, nagkaroon ng maraming kayamanan at karangalan si Jehoshafat. Umanib siya kay Ahab sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isa sa kaniyang pamilya sa anak na babae ni Ahab.
And it came to pass, when Jehoshaphat had riches and honour, in abundance, that he contracted, by marriage, affinity with Ahab.
2 Pagkatapos ng ilang taon, bumaba siya sa Samaria kung nasaan si Ahab. Nagkatay si Ahab ng maraming tupa at mga baka para sa kaniya at para sa mga taong kasama niya. Hinikayat din siya ni Ahab na lusubin ang Ramot-gilead kasama niya.
So he went down, at the end of some years, unto Ahab, to Samaria, Ahab therefore sacrificed for him, sheep and oxen, in abundance, also for the people whom he had with him, -and then persuaded him to go up against Ramoth-gilead.
3 Sinabi ni Ahab, na hari ng Israel, kay Jehoshafat, na hari ng Juda, “Sasama ka ba sa akin sa Ramot-gilead?” Sumagot si Jehoshafat sa kaniya, “Ako ay gaya mo at ang aking mga tao ay gaya ng iyong mga tao, sasamahan namin kayo sa digmaan.”
For Ahab king of Israel said unto Jehoshaphat king of Judah, Wilt thou go up with me to Ramoth-gilead? And he said unto him—So am I, even as thou, and, like thy people, are my people, and, with thee, in the war.
4 Sinabi ni Jehoshafat sa hari ng Israel, “Pakiusap alamin mo muna ang salita ni Yahweh para sa kasagutan.”
Then said Jehoshaphat, unto the king of Israel, —Seek, I pray thee, some time to-day, the word of Yahweh.
5 Pagkatapos, tinipon ng hari ng Israel ang mga propeta, apat na raang lalaki, at sinabi sa kanila, “Dapat ba tayong pumunta sa Ramot-gilead upang makipagdigma o hindi dapat?” Sinabi nila, “Sumalakay kayo, sapagkat ibibigay ng Diyos sa hari ang tagumpay.”
So the king of Israel gathered together the prophets, four hundred men, and said unto them, Shall we go up against Ramoth-gilead to battle, or shall I forbear? And they said—Go up, and may God deliver it into the hand of the king!
6 Ngunit sinabi ni Jehoshafat, “Wala na bang ibang propeta ni Yahweh dito na maaari nating hingian ng payo?
Then said Jehoshaphat, Is there not here a prophet of Yahweh, besides, —that we may seek, from him?
7 Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Mayroon pang isang tao na maaari nating hingian ng payo ni Yahweh, si Micaias na anak ni Imla ngunit kinamumuhian ko siya dahil kahit kailan ay hindi siya nagpahayag ng magandang propesiya tungkol sa akin kundi mga paghihirap lamang.” Ngunit sinabi ni Jehoshafat, “Huwag naman sanang sabihin ng hari iyan.”
Then said the king of Israel unto Jehoshaphat—There is yet one man, by whom to seek Yahweh, but, I, hate him, for he is never prophesying, concerning me, anything good—but—all his days—evil, the same, is Micaiah, son of Imla. Then said Jehoshaphat, Let not the king say, so!
8 Pagkatapos, tinawag ng hari ng Israel ang isang opisyal at iniutos, “Dalhin mo dito si Micaias na anak ni Imla, ngayon din.”
And the king of Israel called for a certain officer, —and said, Haste, Micaiah son of Imla!
9 Ngayon ang hari ng Israel at si Jehoshafat na hari ng Juda ay nakaupo sa kani-kanilang trono, suot ang kanilang damit na panghari, sa lantad na lugar sa pasukan ng tarangkahan ng Samaria, at lahat ng propeta ay nagpapahayag ng propesiya sa harap nila.
Now, the king of Israel, and Jehoshaphat king of Judah, were sitting, each upon his throne, clothed in robes, and they were sitting in an open space, at the entrance of the gate of Samaria, —and, all the prophets, were prophesying before them.
10 Si Zedekias na anak ni Quenaana ay gumawa ng mga sungay na bakal at sinabi, “Sinabi ni Yahweh ito: 'Sa pamamagitan nito itutulak mo ang mga taga-Aram hanggang sa sila ay maubos.'”
Then did Zedekiah son of Chenaanah make him horns of iron, —and said—Thus, saith Yahweh, With these, shalt thou push Syria, until they are consumed.
11 At pareho ang ipinahayag ng lahat ng propeta, sinasabi, “Salakayin ninyo ang Ramot-gilead at magtagumpay, sapagkat ibinigay ito ni Yahweh sa kamay ng hari.”
And, all the prophets, were prophesying, so, saying, -Go up to Ramoth-gilead, and prosper, and Yahweh will deliver [it] into the hand of the king.
12 Ang mensahero na pumunta upang tawagin si Micaias ay nagsalita sa kaniya, sinasabi, “Ngayon tingnan mo, ang mga salita ng mga propeta ay naghahayag ng mabubuting bagay sa hari na iisa ang sinasabi. Pakiusap hayaan mong ang iyong salita ay maging tulad ng salita ng isa sa kanila at sabihin mo ang mabubuting bagay.”
And, the messenger who went to call Micaiah, spake unto him, saying, Lo! the words of the prophets, with one mouth, are good for the king, —be thy word then, I pray thee, like one of theirs, so wilt thou speak good.
13 Sumagot si Micaias, “Sa ngalan ni Yahweh na buhay magpakailanman, ang sinasabi ng Diyos ang aking sasabihin.”
Then said Micaiah, —By the life of Yahweh, whatsoever my God shall say, that, must I speak.
14 Nang dumating siya sa hari, sinabi ng hari sa kaniya, “Micaias, dapat ba kaming pumunta sa Ramot-gilead upang makipagdigma o hindi?” Sumagot si Micaias sa kaniya, “Sumalakay kayo at maging matagumpay! Sapagkat ito ay magiging malaking tagumpay.”
Now, when he came unto the king, the king said unto him, Micah, shall we go against Ramoth-gilead to battle, or shall I forbear? And he said, Go ye up and prosper, and may they be delivered into your hand.
15 Pagkatapos, sinabi ng hari sa kaniya, “Ilang beses ba kitang dapat utusan na mangakong wala kang ibang sasabihin sa akin kundi ang katotohanan sa ngalan ni Yahweh?”
Then the king said unto him, How many times, must, I, be putting thee on oath, —that thou speak unto me nothing but the truth in the name of Yahweh?
16 Kaya sinabi ni Micaias, “Nakita ko ang lahat ng Israel na nagkalat sa mga bundok gaya ng tupa na walang pastol, at sinabi ni Yahweh, 'Ang mga ito ay walang pastol. Hayaang umuwi ang bawat tao sa kaniyang bahay ng payapa.'”
So he said, I saw all Israel, scattered upon the mountains, like sheep that have no shepherd, -and Yahweh said, No masters, have these! let them return every man unto his own house, in peace.
17 Kaya sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Hindi ba sinabi ko sa iyo na hindi siya maghahayag ng magandang propesiya tungkol sa akin, kundi kapahamakan lamang?”
Then said the king of Israel, unto Jehoshaphat, —Said I not unto thee, He wilt not prophesy concerning me anything good, but evil?
18 Pagkatapos ay sinabi ni Micaias, “Kaya dapat pakinggan ninyong lahat ang salita ni Yahweh: Nakita ko si Yahweh na nakaupo sa kaniyang trono, at lahat ng hukbo ng langit ay nakatayo sa kaniyang kanang kamay at sa kaniyang kaliwa.
Then said he, Therefore, hear ye the word of Yahweh, —I saw Yahweh, sitting upon his throne, and, all the host of the heavens, standing, on his right hand and his left.
19 Sinabi ni Yahweh, “Sino ang mag-uudyok kay Ahab na hari ng Israel upang siya ay pumunta at bumagsak sa Ramot-gilead?' At sumagot ang isa sa ganitong paraan, at ang isa pa ay sumagot sa ganoong paraan.
Then said Yahweh, Who will persuade Ahab king of Israel, that he may go up and fall in Ramoth-gilead? And one spake, saying after this manner, and another, saying after that manner.
20 Pagkatapos ay pumunta sa harap ang espiritu, tumayo sa harap ni Yahweh at sinabi, 'Ako ang mag-uudyok sa kaniya.' Sinabi ni Yahweh sa kaniya, 'Paano?'
Then came there forth a spirit and stood before Yahweh, and said, I, will persuade him. And Yahweh said unto him, Wherewith?
21 Sumagot ang espiritu, 'Lalabas ako at magiging isang sinungaling na espiritu sa bibig ng lahat ng kaniyang mga propeta.' Sumagot si Yahweh, 'Ikaw ang mag-uudyok sa kaniya at magtatagumpay ka. Pumunta ka na ngayon at gawin mo.'
And he said, I will go forth and become a spirit of falsehood, in the mouth of all his prophets. And he said—Thou mayest persuade, moreover also, thou shalt prevail, go forth, and do, so.
22 Ngayon tingnan mo, naglagay si Yahweh ng sinungaling na espiritu sa bibig ng mga propeta mo, at iniutos ni Yahweh ang kapahamakan para sa iyo.”
Now, therefore, lo! Yahweh hath suffered a spirit of falsehood to be put into the mouth of these thy prophets, —but, Yahweh, hath spoken concerning thee—evil.
23 Pagkatapos, lumapit si Zedekias na anak ni Quenaana at sinampal sa pisngi si Micaias, at sinabi, “Saan dumaan ang Espiritu ni Yahweh na umalis mula sa akin upang magsalita sa iyo?”
Then drew near Zedekiah son of Chenaanah, and smote Micaiah upon the cheek, —and said, Which then is the way the spirit of Yahweh passed from me, to speak with thee?
24 Sinabi ni Micaias, “Tingnan mo, malalaman mo iyan sa araw na ikaw ay tatakbo sa pinakaloob na silid upang magtago.”
Then said Micaiah, Lo! thou shalt see, on that day when thou shalt enter into a chamber within a chamber, to hide thyself.
25 Sinabi ng hari ng Israel sa ilang utusan, “Kayong mga tao, hulihin ninyo si Micaias at dalhin kay Ammon, na gobernador ng lungsod, at kay Joas na aking anak.
Then said the king of Israel, Take ye Micaiah, and carry him back unto Amon ruler of the city, and unto Joash son of the king;
26 Sasabihin ninyo sa kaniya, 'Sinabi ng hari, Ikulong mo ang lalaking ito at pakainin siya ng kaunting tinapay at kaunting tubig lamang, hanggang sa makabalik ako nang ligtas.'”
and ye shall say, Thus, saith the king, Put ye this one into the prison, —and feed him with the bread of oppression, and with the water of oppression, until I return in peace.
27 Pagkatapos ay sinabi ni Micaias, “Kung babalik ka nang ligtas, kung gayon ay hindi nagsalita si Yahweh sa pamamagitan ko.” At idinagdag niya, “Makinig kayo rito, lahat kayong mga tao.”
Then said Micaiah, If thou do, at all return, in peace, Yahweh hath not spoken by me. And he said, Hear! ye peoples, all!
28 Kaya si Ahab, ang hari ng Israel, at si Jehoshafat, ang hari ng Juda, ay nakipaglaban sa Ramot-gilead.
Then went up the king of Israel, and Jehoshaphat king of Judah, against Ramothgilead.
29 Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Magbabalatkayo ako at pupunta sa labanan, ngunit isuot mo ang iyong damit na panghari.” Kaya nagbalatkayo ang hari ng Israel, at pumunta sa labanan.
And the king of Israel said unto Jehoshaphat, [I am about] to disguise myself, and enter into the battle, but, thou, put on thy robes. So the king of Israel disguised himself, and entered into the battle.
30 Nagutos ang hari ng Aram sa mga kapitan ng kaniyang karwahe, sinasabi, “Huwag ninyong salakayin ang mga hindi mahalaga o mahalagang kawal. Sa halip, salakayin lamang ninyo ang hari ng Israel.”
Now, the king of Syria, had commanded the captains of chariots which he had, saying, Ye shall not fight, with small [or] with great, —save with the king of Israel, alone.
31 At nangyari, nang nakita ng mga kapitan ng karwahe si Jehoshafat, sinabi nila, “Iyon ang hari ng Israel.” Umikot sila upang salakayin siya, ngunit sumigaw si Jehoshafat, at tinulungan siya ni Yahweh. Pinaalis sila ni Yahweh palayo sa kaniya.
So it came to pass, when the chariot-captains saw Jehoshaphat, that, they, said, The king of Israel, it is. And they compassed him about, to fight, —but Jehoshaphat made outcry, and, Yahweh, helped him, yea God allured them away from him.
32 At nangyari, nang nakita ng mga kapitan ng karwahe na hindi iyon ang hari ng Israel, tumigil sila sa paghahabol sa kaniya.
And so it came to pass, when the chariot-captains saw that it was not the king of Israel, that they turned back from pursuing him;
33 Ngunit may isang taong humatak sa kaniyang pana nang sapalaran at tinamaan ang hari ng Israel, sa pagitan ng pinagdugtungan ng kaniyang baluti. Pagkatapos ay sinabi ni Ahab sa nagpapatakbo ng kaniyang karwahe, “Lumiko ka at dalhin mo ako palayo sa labanan, sapagkat malubha akong nasugatan.”
but, a certain man, drawing a bow in his innocence, smote the king of Israel between the shoulder-joints and the coat of mail, —wherefore he said to the charioteer, Turn thy hand, and convey me out of the host, for I am sore wounded.
34 Lumala ang labanan sa araw na iyon, at ang hari ng Israel ay nanatili sa kaniyang karwahe na nakaharap sa mga taga-Aram hanggang gabi. Nang lumulubog na ang araw, namatay siya.
But the battle increased on that day, and, the king of Israel, was propping himself up in the chariot before the Syrians, until evening, -and died at the time of the going in of the sun.